You are on page 1of 5

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Abad Santos Campus


Basic Education Department – Senior High School
3058 Taft Avenue Pasay City
Kalinisan: 2
Kompleto: 3
Pangalan: _____________________________________________________ Malikhain: 2
Antas / Strand / Seksyon: ________________________________________ Nilalaman: 8
Petsa: ________________________________________________________ Kabuuan 15
Guro: ________________________________________________________

Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Sanggunian: Phoenix Publishing House: Pinagyamang Pluma, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika

Paksa: Introduksiyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Uri ng Gawain:


Pilipino Gawain Bilang: 16
* Introduksiyon sa Pananaliksik
* Mga Hakbang sa Pagbuo ng Sulating Pananaliksik
Layunin:
a. Naisusulat nang angkop ang bibliyograpiya gamit ang estilong APA.
b. Naihahayag ang saloobin tungkol sa mga salitang may kaugnayan sa pananaliksik
c. Nakaiisip ng sariling paksa para sa sulating pananaliksik

PANIMULA

MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK

1. PAGPILI NG MABUTING PAKSA – Ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang
masusing pag-unawa sa paksa at mga kaugnay na gawaing ibibigay ng guro.

ANG PAKSA
Napakahalagang piliing mabuti ang paksa upang maging matagumpay ang isang sulating
pananaliksik. Nararapat na ang paksa ay pinag-iisipang mabuti at dumaan sa isang maingat na pagsusuri
upang matiyak na makabubuo ng isang makabuluhang sulatin.
Narito ang ilang tanong na maari mong itanong sa sarili bago tuluyang magpasiya sa paksang
susulatin.
⮚ Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili kaya sa akin ang pananaliksik at pagsulat na
ukol dito?
⮚ Angkop, makabuluhan, at napapanahon ba ang paksang ito? Magiging kapaki-pakinabang ba ang
magiging bunga nito sa akin o sa ibang babasa partikularsa mga kaklase ko?
⮚ Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa? Masyado ba itong limitado?

⮚ Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinigay sa amin?

⮚ Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong pagkunan ng impormasyon upang mapalawak
ang paksang napili ko?

Kung OO ang sagot sa mga tanong na ito, maaaring ito na nga ang pinakaangkop napaksa para sa iyo.

2. PAGBUO NG PAHAYAG NG TESIS (Thesis Statement)


Kapag napagpasiyahan mo na ang iyong paksa, bumuo ka nan g iyong pahayag ng tesis. Ito ang
pahayag na magsasaad ng posisyong sasagutin o patutunayan ng iyong bubuuing pananaliksik. Naririto
ang ilang mga tanong na maaaring gumabay sayo.
⮚ Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito?

⮚ Sino ang aking mga mambabasa? Ang guro lang ba ang makakabasa ng sinulat ko? Sino pa kaya ang
makakabasa? Ano kaya ang inaasahan at karanasan ng aking mga mambabasa?
⮚ Ano-anong kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? May sapat bang kagamitan o
sanggunian upang magamit ko sa pagpapatunay sa aking pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap ang mga
ito?

3. PAGHANDA SA PANSAMANTALANG BIBLIYOGRAPIYA


Kakailanganin mong bumisita sa mga aklatan upang mangalap ng iyong mga sanggunian. Maaari
ding makakuha ng mga impormasyon mula sa Internet. Mula sa iyong mga nakuhang sanggunian ay
bumuo ka ng pansamantalang bibliyograpiya.
⮚ Pangalan ng awtor

⮚ Pamagat ng kanyang isinulat

⮚ Impormasyong ukol sa pagkakalathala

● Mga naglimbag

● Lugar at taon ng pagkakalimbag

● Pamagat ng aklta

⮚ Ilang mahahalagang tala ukol sa nilalaman

4. PAGHANDA NG TENTATIBONG BALANGKAS


Mahalaga ang paghahanda ng isang tentatibong balangkas upang magbigay direksiyon sa
pagsasaayos ng iyong mga ideya at pagtukoy kung ano-anong materyal pa ang kailangang hanapin.
Maaari gamitin ang mga inihanda mong card ng bibliyograpiya upang maging gabay sa pagbuo ng iyong
balangkas.

5. PANGANGALAP NG TALA O NOTE TAKING


Balikan ang inihandang tentatibong balangkas at card ng bibliyograpiya at tukuyin kung alin-alin
sa mga ito ang kakailanganin sa iyong sulatin. Basahing mabuti at mula sa mga ito ay magtala ng
mahalagang impormasyong magagamit sa susulatin. Maari kang gumamit ng tatlong uri ng tala:
tuwirang sinipi, hawig, at buod.
⮚ Tuwirang sinipi – kung ang tala ay direktang sinipi mula sa isang sanggunian. Gumamit ng panipi sa
simula at dulo ng sinipi. Itala ang sangguniang pinagkunan gayundin ang pahina kung saan ito
mababasa.
⮚ Buod – kung ito ay pinaikling bersiyon ng isang mahabang teksto.

⮚ Hawig – kung binago lamang ang mga pananalita subalit nananatili ang pagkakahawig sa orihinal.

6. PAGHAHANDA NG IWINASTONG BALANGKAS O FINAL OUTLINE


Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga
bagay na kailanganing baguhin o ayusin. Maaari nang ayusin ang dapat ayusin upang ang pangwakas na
balangkas ay maging mabuting gabay sa pagsulat ng iyong borador.

7. PAGSULAT NG BURADO O ROUGH DRAFT


Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga card ng tala ay maari ka nang magsimulang sumulat
ng iyong borador.
⮚ Ang isang sulating pananaliksik ay dapat magkaroon ng introduksyon na kababasahan ng mga
ideyang matatagpuan sa kabuuan ng sulatin.
⮚ Ang katawan na kababasahan ng pinalawig o nalamnan nang bahagi ng iyong balangkas, at ang

⮚ iyong konklusyon na siyang nagsasaad ng buod ng iyong mga natuklasan sa iyong pananaliksik

8. PAGWAWASTO AT PAGREREBISA NG BORADOR


I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang iwasto sa iyong burador.
Pag-ukulan ng pansin ang pagkakabuo ng mga pangungusap, ang baybay, bantas, wastong gamit,
pamaraan ng pagsulat at angkop na talababa o footnote.
Sa pagsulat ng bibliyograpiya ay nararapat tandaan ang mga sumusunod:
⮚ Pagpangkat-pangkatin ang mga ginamit na sanggunian. Pagsama-samahin ang mga aklat, pahayagan,
web site, at iba pa.
⮚ Isaayos muna nang paalpabeto ang pangalan ng mga awtor gamit ang apelyido bilang basehan.

⮚ Isulat ang bibliyograpiya gamit ang isa sa iba’t ibang estilo ng pagsulat nito. Kung ang napiling estilo ay
American Psychological Association (APA), maaaring sundan na pattern para maisulat ang mga
ginaga,it na sanggunian.
Para sa mga Aklat
● Apelyido ng awtor, Pangalan ng Awtor. (Taon ng Paglilimbag)Pamagat. Lungsod ng
Tagapaglimbag: Tagapaglimbag.
Para sa mga Artikulo sa Pahayagan o Magasin
● Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor. (Taon ng Pagliliimbag) Pamagat ng Artikulo. Pamagat
ng pahayagn o Magasin, Paglilimbag #. (Isyu #), pahina #.
Para sa mga Kagamitan Mula sa Internet
● Awtor. (Petsa ng Publikasyon) “Pamagat ng Artikulo o Dokumento” Pamagat ng Publikasyon.
Petsa kung kailan sinipi o ginamit mula sa buong web address simula sa http://.

9. PAGSULAT NG PINAL NA SULATING PANANALIKSIK


Pagkatapos pagdaanan at isagawa nang mabuti ang naunang walong hakbang, ngayon ay
nakakatiyak ka nan g isang mainamn na sulating pananaliksik. I-type na ito gamit ang pormat na
ibinigay ng iyong guro.

Gawain Blg 1.
Panuto: Isulat sa tamang format ng bibliyograpiya ang mga sangguniang nasa mga kahon gamit ang
estilong APA.

Pangalan ng awtor o mga awtor: Paz, Consuelo J. et


al
Pamagat ng aklat: Ang Pag-aaral ng Wika
Taon ng Pagkakalathala: 2003
Ang Tagapaglathala: The University of the Philippine
Press
Lugar kung saan inilimbag: Diliman, Quezon City
____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Pangalan ng awtor o mga awtor: Ma. Gemma C.


Dela Fuente
Pamagat ng artikulo: Kahalagan ng Pagsasaling
Wika
Petsa ng Publikasyon: Oktubre 23, 2014
Pamagat ng Publikasyon: Udyong Bataan Official
Website
Petsa kung kailan sinipi o ginamit: Agosto 30, 2015

____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Pangalan ng awtor o mga awtor: Richelle Sy-Kho


Pamagat ng artikulo: K to 12: Lesson to be Taught in
Mother Tounge to Help Students Learn Better and Stay in
School
Taon ng Publikasyon: June 18, 2012
Pamagat ng Publikasyon: GMA News Online
Petsa kung kailan sinipi: Agosto 7, 2015
Buon web address:
http://www.gmanetwork.com/news/story/260658/news/sp
ecialreports
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Nagmula sa: Agencee France-Presse


Petsa ng Paglilimbag: Agosto 7, 2015
Pamagat ng Artikulo: To create a World Without
Nuke
Pamagat ng Publikasyon: Philippine Daily Inquirer
Paglilimbag #: 36
Isyu #: 279
Pahina #: 1

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pangalan ng awtor o mga awtor: Virgilio S. Almario


Pamagat ng aklat: Filipino ng mga Filipino
Taon ng Pagkakalathala: 2009
Ang Tagapaglathala: Anvil Publishing, Inc.
Lugar kung saan inilimbag: Pasig City

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Gawain Blg. 2
Panuto: Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng makabuluhang saulating pananaliksik na tinalakay sa araling
ito. Isulat sa mga kahon ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang.

1. 2. 3. 4.

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Makabuluhang Sulating 5.


Pananaliksik

9. 8. 7. 6.

Gabay na tanong:
1. Ano ang sulating pananaliksik? Bakit mahalagang mahasa ang kasanayan ng isang mag-aaral sa
pananaliksik at sa pagsulat ng sulating pananaliksik?
2. Bakit mahalaga na interesado ka sa paksang iyong susulatin?
3. Bakit mahalagang malinaw sa iyo ang layunin ng iyong gagawin at batid mo kung sino ang iyong
magiging mambabasa?

You might also like