You are on page 1of 6

Plano sa Pagkatuto (PP)

Ikalawang Semestre
A.Y. 2017 – 2018

CORE 4
Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan
Iakaapat na Linggo

Bb. Mary Rose Pablo Bb. Julie Ann Ranes


Guro: G. Anthony B. Gabumpa G. Erden Gutierrez Pangkat/Antas: Grade 11
Bb. Clarabelle Cajegas
Lawak ng
 Tekstong Persweysiv at Argumentatibo Markahan: Ikatlong Markahan
Pag - aral:
 Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong
binasa
 Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang
salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa
 Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang
Kasanayang Pampagkatuto: tekstong binasa
 Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto
 Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling
halimbawang teksto
 Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang
sariling tekstong isinulat
Bilang ng Aralin: Isa (1) Pamamahagi ng Oras: Apat (4) na oras Nobyembre 12-16, 2018

Naipaghahambing ang kalikasan, katangian at anyo ng tekstong
persweysiv at argumentatibo tungo sa pag-unawa
 Nakapagsusuri ng halimbawang tekstong persweysiv at
Inaasahang Pagganap: argumentatibo ayon sa kalikasan at katangian nito.
 Nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik sa kontekstong
Filipino batay sa kaalaman (oryentasyon, layunin, gamit, metodo,
at etika ng pananaliksik).
 Natutukoy ang kahulugan, kalikasan at katangian ng iba’t
ibang uri ng tekstong binasa.
 Nabibigyang – katuturan ang tekstong persweysiv at
Kaalaman
argumentatibo
 Nauuri ang mga binasang teksto batay sa mga layon at
katangian nito.
 Nakapagbabahagi ng sariling karanasan, damdamin at
Layunin
opinyon hinggil sa tekstong naratibo at deskriptibo.
Pandamdamin
 Nailalapat ang sariling damdamin at disposisyon ukol sa
tekstong naratibo at deskriptibo.
 Nakapagsusuri ng tekstong persweysiv at argumentatibo
Paggawa ayon sa nilalaman, kahulugan at katangian.

Kagamitang Pampagtuturo  Sipi ng talakayan, Sipi ng babasahin, powerpoint, projector
 De Laza, C.S. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik. Unang Edisyon. Rex Book
Sanggunian Store. 84-86 P. Florentino St., Sta Mesa Heights, Quezon City.
 https://www.spot.ph/entertainment/movies-music-tv/74395/10-
most-memorable-ads-of-2018-so-far-a1808-20180717-lfrm
Pamamaraan Dulog Sa Pagkatuto
Unang Sesyon

Lusong-kaalaman

Magsasagawa ng gawaing panghihikayat ang mga mag-aaral. Ibabatay


ito sa kanilang kurso o track na kinabibilangan. Maaaring mga produkto o
Pagganyak
serbisyo ang ipagagawa sa mga ABM at STEM, habang sa mga HUMSS at GAS
ay maaaring mga produkto rin o serbisyong may kinalaman sa larangan tulad ng
mga aklat, atbp.
Papangkatin ang klase sa dalawa (2), matapos ay pabubunutin ng guro
ang mga mag-aaral ng ibebenta nila. Bahala silang isagawa ito sa lobb ng limang
minuto. Bibigyan sila ng limang minutong paghahanda at isasagawa sa loob ng
limang minutong pagtatanghal.

GABAY NA TANONG:

1. Mula sa isinagawang gawain, maaari niyo bang isalaysay at/o ilarawan ang
isinagawang gawain?
2. Mula sa ibinigay ng mga paglalarawan at pagsasalaysay, paano ang mga ito
ay naging mas makabuluhan pagdating sa laro? Ano ang naging dahilan upang
mas maging malakas ang dating nito?
3. Mula rito, anong pangunahing tunguhin ang nais ipakita ng gawain?
4. Masasabi ba nating ang kanilang isinagawang panghihikayat ay naging
mahusay? Bakit, patunayan?

Ikalawang Sesyon

BEKLABAN – klaseng edisyon

Sa pamamagitan ng larong BEKLABAN – klaseng edisyon (SHOWTIME


INSPIRED), maghaharap ang apat na pares sa klase, tatagal ang gawain ng 15
minuto. Sa gawaing ito kinakailangang awitin ng bawat pares ang chant na
“bekla, bekla aawra kaba? Oo, oo, aawra ako.” ng magkatalikuran. Matapos
ay magpo-pose ang mga ito. Mula sa pose na ginawa nila ay paglalabanan nila
kung bakit sila ang dapat na manalo sa kanilang katunggali.

Gabay na tanong:
1. Mula sa isinagawang gawain, maaari niyo bang isalaysay at/o ilarawan ang
ang inyong mga napansin?
2. Mula sa ibinigay ng mga paglalarawan at pagsasalaysay, paano ang mga ito
ay naging mas makabuluhan pagdating sa laro? Ano ang naging dahilan upang
mas maging malakas ang dating nito?
3. Mula rito, anong pangunahing tunguhin ang nais ipakita ng gawain?
4. Masasabi ba nating ang kanilang isinagawang pagtatalo ay naging mahusay?
Bakit?

 Ibinahaging kopya ng bidyo ng GaS 12-2

Unang Sesyon

GAOD-KAISIPAN

TEKSTONG PERSWEYSIV: PAANO KITA MAHIHIKAYAT

Kahulugan: isang uri ng di piksyon, upang kumbinsihin ang mga mambabasa na


sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu

Katangian: Naglalahad ng iba’t ibang impormasyon, at katotohanan upang


suportahan ang isang opinyon gamit ang argumentatibong estilo sa pagsulat.
Gumagamit rin ito ng mga siyentipikong pag-aaral at pagsusuri.

Layunin: layon na sumang-ayon ang mambabasa at mapakilos ito tubgo sa


Paglalahad ng isang layunin. May ilang uri rin nito ang nangungumbinsi sa mga mambabasa
Aralin kung paano mag-isip o kumilos hinggil sa isang tiyak na usapin

Halimbawa:

Patalastas
Editorial
propaganda
Posisyong papel

TATLONG PARAAN NG PANGHIHIKAYAT (3)

Ayon kay Aristotle may tatlong paraan ng panghihikayat na kailangang isaaalang-


alang.

Pathos (emosyon) – ginagamit sa paraan na ito ang damdamin at emosyon ng


mambabasa. Maaaring batay sa karanasang mabuti o masama

Ethos (kredibilidad) – saklaw ng pamamaraang ito ang patunayan ang


kapasidad na magbahagi ng kaalaman. ang estilo ng pagsulat ay mahalaga upang
magkaroon ng kredibilidad. Dapat maisulat nang malinaw at wasto ang mga
impormasyon upang lumabas na hitik sa kaalaman at mahusay ang sumulat.

Logos (lohika/logic) – saklaw ng pamamaraang ito ang pagbibigay ng


kariyakang ang mga impormasyon at datos ay tunay at salik ang pananaliksik.

ELEMENTO NG TEKSTONG PERSWEYSIV

Malalim na Pananaliksik - alam ng isang manunulat ang pasikot sikot ng isyung


tatalakayin sa pamamagitan ng pananaliksik tungkol dito.
Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa - kailangang
mulat at maalam ang manunulat sa iba’t ibang laganap na persepsyon at
paniniwala tungkol sa isyu at simulan ang argumento mula sa paniniwalang ito.
Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu. - upang epektibong
masagot ang laganap na paniniwala ng mga mambabasa.

BASA-DIWA: PAGSUSURI SA TEKSTONG PERSWEYSIV

SIPI MULA SA LIHAM NA IPINADALA NG DEPARTAMENTO NG FILIPINO SA


ADMINISTRASYON NG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS (UST) HINGGIL
SA PAGDARAGDAG NG KURSONG FILIPINO SA Basic Education
Curriculum (BEC)

Gabay na Tanong:
1. Ano ang paksa ng tekstong binasa?
2. Ano-ano ang nais nitong iparating sa mga mambabasa?
3. Isa-isahin ang mag ibinigay na dahilan kung bakit kailangang mapabilag sa
GEC ang mga nabanggit na asignatura.
4. Papaanong ang binasang teksto ay maibibilang sa isang tekstong persweysiv?
Patunayan.
5. Naging mahusay ba ang pamamaraan ng paglalatag ng mga kasipan tungo sa
panghihikayat? Pangatwiranan.

Ikalawang Sesyon

GAOD-KAISIPAN

TEKSTONG ARGUMENTATIBO: IPAGLABAN ANG KATUWIRAN

Kahulugan: Isang uri ng tekstong nangangailangang ipagtanggol ang posisyon


sa isang tiyak na paksa o usapin, gamit ang mga ebidensya mula sa personal na
karanasan, kaugnay ng mga literature at pag-aaral, ebidensyang kasaysayan, at
resulta ng empirical na pananaliksik.

Ang empirical na pananaliksik ay tumutukoy sa pangongolekta ng datos sa


pamamagitan ng pakikipanayam, sarbey at eksperimentasyon.

Ito rin ay naglalahad ng paniniwala, pagkukuro, o pagbibigay ng pananaw


patungkol sa isang mahalaga o maselang isyu.

Katangian: nilalangkapan ng masusing imbestigasyon kabilang ang


pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensya.

Ang mga sumusunod ay katangian at nilalaman ng isang tekstong argumentatibo:

1. Mahalaga at napapanahong paksa – kailangan ay napapanahon at pinag-


isipan ang makatuwirang ppsisyon na masusuportahan ng argumentasyon at
ebidensya.
2. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata
ng teksto – tinatalakay sa bahaging ito kung bakit mahalaga ang paksa at kung
bakit kailangang makialam sa isyu ang mga mambabasa

3. Malinaw at lihikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto –


napakahalaga nito upang maging lihokal ang pagkakaayos ng kaisipan.

4. Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga


ebidensya sng argumento – ang bawat talata ay kailangang tumatalakay sa
iisang pangkalahatang ideya lamang. Ito ang magbibigay linaw sa at direksyon sa
teksto.

5. Matibay na ebidensya para sa argumento – kailangan ng detalyado, tumpak


at napapanahong mga impormasyon mula sa pananaliksik na susuportahan sa
kabuuang tesis.

Layunin: naglalahad ng paniniwala, pagkukuro, o pagbibigay ng pananaw


patungkol sa isang mahalaga o maselang isyu.

ELEMENTO NG PANGANGATUWIRAN

Ayon kay Melania L Abad (2004) sa “Linangan: Wika at Panitikan,” ang


proposisyon ay ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan. Ito
ang isang bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang katuwiran ng dalawang
panig. Magiging mahirap ang pangangatuwiran kung hindi muna ito itatakda
sapagkat hindi magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang dalawang panig.

Halimbawa:

Dapat na ipasa ang Divorce Bill upang mabawasan ang karahasan laban sa
kababaihan.

Samantala ang ikalawang ay ang argumento ito ang paglalatag ng mga


dahilan at ebidensya upang maging makatuwiran ang isang panig.

BASA-DIWA: PAGSUSURI SA TEKSTONG ARGUMENTATIBO

ANIM na KASINUNGALINGAN at PAGKAKAMALI sa PAGTAAS ng PAMASAHE


SA MRT at LRT
Ni: Teddy Casiño

Gabay na Tanong:
1. Ano ang paksa ng tekstong binasa?
2. Ano-ano ang nais nitong iparating sa mga mambabasa?
3. Isa-isahin ang mga ibinigay na pagkakamaliat kasinungalingan sa pagtataas
ng pamasahe sa LRT at MRT.
4. Papaanong ang binasang teksto ay maibibilang sa isang tekstong
argumentatibo? Patunayan.
5. Naging mahusay ba ang pamamaraan ng paglalatag ng mga kasipan tungo sa
pangangatuwiran? Pangatwiranan.

Pagpapayaman
Unang sesyon

Ipapapanood ng guro ang commercial ng safeguard na pinamagatang “Pabaon


sa Buhay: Protection for Life”
Mula sa tinalakay na katangian at elemento ng tekstong persweysiv angkop ba
ang paraan na ginamit sa patalastas tungo sa panghihikayat? Patunayan.

https://www.youtube.com/watch?time_continue=82&v=NRgPp-jiHxo

Ikalawang sesyon

Magpapakita ang guro ng iba’t ibang larawan o paksa na maaaring


gawan ng pangangatuwiran. Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng kani-kanilang
proposiyon sa larawan tungo sa pagbuo ng isang argumentatibong sulatin.

Ibigay ang kabisaan ng mga tekstong binasa ayon sa mga sumusunod na


klasipikasyon kaugnay sa pagtalakay at pag-unawa sa kalikasan at katangian ng
mga ito.

Paglalahat Bisang pangkaisipan:


Bisang pangkaasalan:
Bisang panlipunan:

TINIG-TINDIG

Posisyon sa usaping wala pang Solusyon

Papangkatin sa apat ang klase. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng guro ng


iba’t ibang usaping napapanahon at kinakailangang sumulat ang mga mag-aaral
ng kanilang posisyong papel na magpapakilala ng kanilang posisyon at
Pagtataya paniniwala sa usapin. Lalangkapan ito ng mga pag-aaral at pananaliksik upang
maging mas mataas at lohikal ang mga kaisipang ibabahagi na nakabatay sa
katangian at elemento ng tekstong persweysiv at argumentatibo.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA PUNTOS


Kaangkupan ng kaisipan sa paksang tinatalakay 20
Kalinawan lohikal na pagkakaayos ng mga impormasyon 35
at datos
Kalinawan ng paghahatid ng posisyon at 45
pangangatuwiran
KABUUAN 100 %

TALAHANAYAN
Pagtataya
PAANO
ANO ANG TATAYAHIN? PAANO TATAYAHIN?
MAMARKAHAN?
 Kaalaman sa tinalakay  Pagsulat ng isang  Pamantayan
tekstong persweysiv at halimbawang sa
argumentatibo posisyong papel. Pagmamarka

Magsaliksik ukol sa tekstong prosedyural at magtala ng limang


Takdang Pahahanda sa halimbawa na maibibilang rito.
Aralin Panibagong Aralin

You might also like