Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Lapu-Lapu City
NEMESIO-EPIFANIA TANEO MEMORIAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Susi ng Pag-unawa na Ang aralin na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral na mahubog ang kanilang
Lilinangin: kasanayan sa pagsulat ng Tekstong Deskriptibo. Mapapahalagahan din sa araling ito ang
kahusayan ng mga mag-aaral sa kanilang kinahihiligan sa pamamagitan ng inihandang
gawain.
Domain
Kaalaman/Knowledge Naipapaliwanag ang kahulugan at katangian ng tekstong deskriptibo.
Kasanayan/Skills Naipapamalas ang kagalingan sa paglalahad sa iba’t ibang pamamaraan gamit ang
tekstong deskriptibo batay sa mga larawang ipapakita.
Kaasalan/Attitude Nakalalahok nang masigla sa gawaing pagbabahagi sa klase.
Kahalagahan/ Napahahalagahan ang damdamin at saloobin ng kapwa mag-aaral sa pagbibigay ng
Pagpapahalaga/Values deskripsiyon batay sa mga paksa.
2.Nilalaman TEKSTONG DESKRIPTIBO
3.Mga Kagamitang Filipino Reader Akademik; internet sources; powerpoint
Pampagtuturo
Pamamaraan
4.1 Panimulang Pagpapakita ng larawan sa mga mag-aaral at magbibigay ng katanungan.
Gawain/ Introductory - Ano ang ipinapahiwatig ng larawan?
Activity
4.2. Gawain/Activity Maglaro ng “Hipuin ko, Hulaan Mo!” ang guro ay tatawag ng isang representante mula
sa bawat hanay ng klase.
4.3. Pagsusuri/Analysis Pagkatapos ng laro, bibigyang-pansin ng klase ang mga sumusunod na katanungan:
1. Paano ninyo nahulaan ang mga bagay?
2. Paano ninyo inilarawan ang mga bagay?
3. Ano-ano ang mga isinasaalang-alang ninyo sa paglalarawan at paghuhula?
4.4.Pagtatalakay/Abstraction DESKRIPTIBO
-Ito ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba
pa.
-Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at
maglarawan ng isang partikular na karanasan.
-Nagbibigay ang sulatin na ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-aaral ang
masining na pagpapahayag.
-Layunin ng sining ng deskripsyon na magpinta ng matingkad at detalyadong imahen na
makapupukaw sa isip at damdamin ng mga mambabasa.
-Ang tekstong deskriptibo ay isang uri ng paglalahad, naisasagawa rin ito sa
pamamagitan ng mahusay na eksposisyon.
Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo niyang mukhang tila
anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan. Alon-alon ang kanyang
buhok na bumagay naman sa kainggit-ingit niyang katawan at itaas.
Apat na Mahalagang Kasangkapan sa Malinaw na Paglalarawan
1.Wika – ginagamit nang manunulat upang makabuo ng isang malinaw at mabisang
paglalarawan. Karaniwang ginagamit dito ang pang-uri at pang-abay.
2. Maayos na detalye - dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad ng
mga bagay na makatutulong upang mailarawang ganap ang isang tao, bagay, pook o
pangyayari.
3. Pananaw ng Paglalarawan – maaaring magkaibaiba ang paglalarawan ng isang tao,
bagay, pook o pangyayari salig na rin sa karanasan at saloobin ng
taong naglalarawan.
4. Isang Kabuuan o impresyon - mahalaga sa isang naglalarawan na mahikayat ang
kanyang mga mambabasa o tagapakinig nang sa gayon ay makabuo sila ng impresyon
hinggil sa inilalarawan. Dito ay sama-sama na ang bisa ng wika, maayos na
paglalahad ng detalye at ang pananaw ng naglalarawan.
4.5. Paglalapat/Application Panuto: Bumuo ng pangkat batay sa inyong kinahihiligan. Ang bawat pangkat ay
inaasahang makapagpapakita ng isang masining na paglalahad gamit ang Tekstong
Deskriptibo na naaayon inyong napiling larawan.
Pag-awit
Pagsulat
Pag-ulat ng Balita o News Reporting
Pagkukwento
Rubrik sa Pagmamarka
Pamantayan Pinaka Mahusay Hindi Wala Marka
mahusay (30) mahusay (10)
(40) (20)
Nilalaman at Organisasyon
ng Tekstong Deskriptibo
Proseso ng Paglalahad
Pagkamalikhain sa
Paglalahad
4.6. Pagtataya/Evaluation A. Basahin ang mga sumusunod at subukin kung sa anong pandama ang bawat isa
nauugnay.
B. Suriin kung anong deskripsiyon ang ginamit sa paglalarawan kung ito ba ay Karaniwan
o Masining.
4.8 Panapos na gawain/ Panuto: Maghanap o gumupit ng isang larawan tungkol sa napapanahong isyu o balita
Concluding Activity at gumawa ng isang Tekstong Deskriptibo batay sa larawan. Maaring isulat ito o
encoded, gamitin ang long bondpaper sa pagsulat. Kung encoded, gamitin ang font style
na Arial, font size-12 at single space.
5. Mga Tala
6. Pagninilay “Dahil sa pagsusulat, masasagi mo ang mga matatayog na egotismo ng ibang tao.
Matatapakan mo ang mga lumpong paa ng kasalukuyang sistema. At maiistorbo mo
ang siesta ng lipunang masaya na sa mga paniniwalang kinagisnan nito. Sa pagpahid
ng utak mo sa papel, lahat yan babanggain mo. Kasabay ng pagbangga mo sa sariling
mga takot, kamangmangan at egotismo.”― Bob Ong.
Inihanda ni:
Nilalaman May higit na May kaalaman sa May kaunting Hindi angkop ang
kaalaman sa paksa paksa at angkop kaalaman at di- teksto sa pamagat
-Kaangkupan ng at angkop ang ang teksto sa gaanong angkop
paksa teksto sa pamagat pamagat ang teksto sa
pamagat