You are on page 1of 18

DEPARTMENTOF

EDUCATIONREGION III
SCHOOLSDIVISION OFFICE OF PAMPANGA
CITY OF SANFERNANDO

MODIFIED STRATEGIC
INTERVENTION MATERIAL IN
FILIPINO
(PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’ T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK)

Kwarter 3
GRADE 12

Filipino-Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik-Week 1 (Quarter 3)

ARALIN 1: Tekstong Impormatib

LEARNING COMPETENCY
Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
F11PB – IIIa – 98

Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa
F11PT – IIIa – 88

Tekstong Impormatibo

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay nagl alayong magbigay ng impormasyon
o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports,
agham o siyensya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon at iba pa.
Di tulad ng ibang uri mng teksto, ang mga impormasyon o kabatirang inil ahad ng may -akda ay hindi nakabase
sa kanyang sariling opinyon, kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang kanyang
pagpabor
o pagkontra sa paksa. Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol sa paksa
ang manunulat o kaya’y nagsasagawa siya ng pananaliksik at pag -aaral ukol dito. Ang mga tekstong impormatibo
ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, aklat, encyclopedia at malayang Internet.
Elemento ng Tekstong Impormatibo

1. Layunin ng may -akda – Ang mithi o adhikain ng manunulat hinggil sa kanyang isusulat na teksto.
2. Pangunahing Ideya – Mga paksa na nais bigy ang pansin ng manunulat.
3. Pantulong na Kaisipan –Mga detalyeng nakatutulong sa pangunahing ideya.
4. Estilo sa pagsulat
• Mga larawang representasyon – Mga imaheng nabubuo sa binabasang teksto
• Talasanggunian – Mga paraan ng reperensya sa pagsulat ng teksto

1
Mga Uri ng Tekstong Impormatibo

1. Pagl alahad ng totoong pangyayari/kasaysayan - Isang teksto na


nagl alahad ng kasaysayan o personal na nasaksihan ng isang manunulat ang pangyayari.
2. Pag- uulat ng impormasyon – Nakalahad ang mga mahahalagang kaalaman o impormasyon hinggil sa mga
tao, hayop, bagay, pook o pangyayari.
3. Pagpapaliwanag-Isang tekstong nagpapaliwanag bakit nangyayari ang isang bagay.

Gawain 1: Makikita sa ibaba ang iba’t ibang uri ng babasahin, suriin at sagutin nang wasto ang hinihingi sa bawat
Bilang.

Mga Babasahin Mga Impormasyong Makukuha

1. Pahayagan :
2. Diksyunaryo
3. Bibliya
4. Mga aklat sa iba’t ibang asignatura
5. Ensaykloepidya

Gawain 2: Sagutin nang buong husay at tapat ang mga katanungan sa ibaba
A.
1. Ano ang tekstong impormatibo?
2. Isang teksto na nagl alahad ng kasaysayan o personal na nasaksihan ng isang manunulat ang
pangyayari.
3. Nakalahad ang mga mahahalagang kaalaman o impormasyon hinggil sa mga tao, hayop, bagay,
4. pook o pangyayari.
4. Isang tekstong nagpapaliwanag bakit nangyayari ang isang bagay.
5. Ito ang mithi o adhikain ng manunulat hinggil sa kanyang isusulat na teksto.
6. Ito ay ang mga paksa na nais bigyang pansin ng manunulat.
7. Mga detalyeng nakatutulong sa pangunahing ideya.
8. Mga imaheng nabubuo sa binabasang teksto
9. Mga paraan ng reperensya sa pagsulat ng teksto .
10. Halimbawa ng babasahin na kakikitaan ng tekstong impormatibo.

B. Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mga salitang ginamit sa teksto at nakasulat nang madiin sa bawat bilang.

Teksto Kahulugan at Katangian

1. Ang mga sumusunod ay mga babasahing di-piksyon:


balita, jornal ng agham, mga tala sa pang-araw- araw na mula sa
isang magasin. Batay sa mga nabanggit na halimbawa, ano ang
wastong pagpapakahulugan sa salitang di-piksyon?
2. Ang mga sumusunod ay mga babasahing piksyon:
kuwento ni Mabuti, alamat ng pinya, epiko ni Hudhud at
ang kuwento ni Mariang Sinukwan. Batay sa mga nabanggit
na halimbawa, ano ang wastong pagpapakahulugan sa
salitang piksyon?
3. Ang salitang impormatibo ay hango sa wikang Ingles na
inform. Batay sa pinagmulang salita, anong kahulugan ang
iyong maibibigay para sa tekstong impormatibo?
4. Isa sa mga elemento ng tekstong impormatibo ang
pangunahing ideya. Ngayon, ano ang ibig tukuyin ng
pahayag na pangunahing ideya?
5. Sa pagsulat, ang manunulat ay nangangailangan ng
pantulong na
kaisipan. Ano ang ibig ipahiwatig ng

2
pantulong na kaisipan?

Filipino-Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik-Week 2 (Quarter 3)

ARALIN 2: Tekstong Deskriptib

LEARNING COMPETENCY
Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa
F11PS-IIib-91

Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto


F11PU-IIib-89

Ang tekstong deskriptibo o paglalarawan ay nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa limang


pandama- paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy at pandama. Inilalarawan nito kung gaano kaganda ang
mundong nilikha ng Diyos, ang mga positibo at negatibong naririnig tungkol sa nangyayari sa ating bayan,
naikukuwento ang masarap na nilutong ulam ng nanay, ang nalalanghap na sariwang hangin at matukoy ang
pakiramdam ng masaya at malungkot.

URI NG PAGLALARAWAN
1. KARANIWANG PAGLALARAWAN
Literal at pangkaraniwang gumagamit ng paglalarawan. Obhektibo ang paglalahad ng kongkretong
katangian ng mga impormasyon sapagkat tiyak ang ginagawang paglalarawan. Payak o simple lamang
ang paggamit ng mga salita upang mabigay ang kaalaman sa nakita, narinig, nalasahan naamoy at
naramdaman sa paglalarawan.

Halimbawa
pandama- masakit ang
Paningin matangos na ilong
Pandinig malakas ang sigaw
panlasa- maanghang ang sili
pang-amoy- maasim ang pawis

2.MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Di-literal ang paglalarawan at ginagamitan ng mga matalinghaga o idyomatikong pagpapahayag.
Malayang nagagamit ang malikhaing imahinasyon upang mabigyan ng buhay ang isang imahen o larawan.
Taglay nito ang kasiningan ng pagpapahayag ng damdamin at pananaw ng sumulat.

paningin kutis na mala labanos


pandinig - nakabibinging katahimikan
panlasa - nakapagliliyab na anghang
pang-amoy - humiwalay ang kaluluwa sa baho
pandama - nasunog ang balat

Gabay sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo


Layunin ng may-akda
Mga pangunahin at suportang ideya
Paraan ng paglalarawan
Impresyong nabuo sa isip

Mga Pamatnubay na Tanong


1.Tungkol saan ang teksto?
•Ano ang layunin nito?
•Ilahad ang pangunahing paksa nito at magbigay ng ilang suportang ideya
2.Ano-anong bahagi ng teksto ang ginamitan ng paglalarawan? Anong uri ng paglalarawan ang ginamit?
Anong impresyon o imahe ang nabuo sa iyong isipan tungkol sa paksang inilalarawan?
Anong damdamin ang tinangkang ipadama ng teksto?
3
Paano nakatulong ang paglalarawan na matupad ang layunin ng teksto?
2. Paano maiuugnay ang kabuuang mensahe ng binasang teksto sa . . .
Sarili Pamilya Komunidad/lipunan

Mga Paalala sa Pagsulat ng Tesktong Deskriptibo


Alamin ang layunin ng isinusulat
Pag-isipan kung paano makatutulong ang paglalarawan bilang karagdagan o suportang detalye
Pag-isipan kung aling aspekto ng paksang inilalarawan ang gagamitan ng payak at masining na paglalarawan gumamit ng mga
wastong salita na maghahayag ng eksaktong ibig sabihin
Iwasang maging maligoy ang paglalarawan
Kung payak na paglalarawan, gamitin ang eksaktong pang-uri o pang-abay gayundin sa masining na paglalarawan upang mag-iwan
ng malinaw na impresyon
Makatutulong ang paggamit ng tayutay
Maaaring magdagdag ng paglalarawan ng emosyon
Siguraduhing organisado, nakasunod sa layuin ng isinusulat at napili nang mabuti ang aspekto ng paksang nais bigyang-diin

Gawain 1 : Magsulat ng literal (bilang 1-3) at malikhaing(bilang 4-6) deskripsyon o paglalarawan tungkol sa
sumusunod:

1. Ang Magulang ko ay

Literal na deskripsyon malikhaing paglalarawan


1. 4.
2. 5.
3. 6.

2. Kaming magkakapatid ay...

Literal na deskripsyon malikhaing paglalarawan


1. 4.
2. 5.
3. 6.

3. Ang Kabataan sa kasalukuyan ay..

Literal na deskripsyon malikhaing paglalarawan


1. 4.
2. 5.
3. 6.

4. Ang aming paaralan ay

Literal na deskripsyon malikhaing paglalarawan


1. 4.
2. 5.
3. 6.

5. Ang pandemya ay

Literal na deskripsyon malikhaing paglalarawan


1. 4.
2. 5.
3. 6.

4
Gawain 2: Magbigay ng literal at malikhaing paglalarawan sasumusunod na mga larawan.

Gawain 3: Pumili ng isang larawan at gawan ito ng deskriptibong sanaysay na hindi bababa sa 100 salita.
Gawing gabay ang rubrik na nasa ibaba.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY


(maaaring mabago depende sa napagpasyahan ng klase)
Paggamit ng Paglalarawan (10)
Nilalaman (10)
Kaugnayan sa Larawan (5)
Kabuuan (25)

Gawain 4 : Sumulat ng isang tekstong deskriptibo tungkol sa larawan sa pamamagitan ng isang sanaysay.

5
Filipino-Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik-Week 3 (Quarter 3)

ARALIN 3: Iba’t Ibang Uri ng Teksto

LEARNING COMPETENCY
Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa
F11PS-IIib-91

Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’ibang uri ng teksto


F11PU –IIIb-89

Iba't - Ibang Uri ng Teksto:


Argumentatibo
Deskriptibo Ekspositori o Impormatibo
Naratibo
Persuweysib
Prosidyural
Reperensyal

Ang tekstong ARGUMENTATIBO ay naglalahad ng kuro - kuro, pananaw, paniniwala ukol sa isang isyung mahalaga
o maselan. Ito ay naglalayon na hikayatin ang mga mambabasa na tanggapin ang argumentong inilalahad sa
pamamagitan ng pangangatwiran at patunayan ang mga katotohanang ipinahahayag nito. Mga Halimbawa: Sa
kabila ng kagandahan ng Pilipinas, nakatago ang sandamakmak na problema. Una na rito ang kahirapan na dulot
ng kawalan ng hanapbuhay at malaking populasyon. Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon
ay isang saligan upang mabago ang takbo ng buhay ng isang tao bilang bahagi ng lipunan tungo sa pagkakaroon ng
isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na
natutunan sa paaralan.

Ang tekstong DESKRIPTIBO ay naglalarawan at karaniwang naglalaman ng mga impormasyon ukol sa katangian ng
bagay, lugar, pangyayari, at tao. Mga Halimbawa: Ang matipid na ngiti ay bahagya lamang ng labi ang pagkipot.
Ang pag ngiti ay nakatutulong upang pagaanin ang damdamin ng iba.

Ang tekstong EKSPOSITORI O IMPORMATIBO ay nagbibigay ng tiyak na impormasyon ukol sa isang bagay, lugar,
pangyayari, o tao. Ito ay batay sa katotohanan at kadalasang nasa tonong obhektibo na sumasagot sa tanong na
ano, bakit, paano, saan, at sino. Mga Halimbawa: Sanhi: kaguluhan sa pamahalaan Bunga: patayan Ang pilosopiya
ay nagmula sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay pagmamahal sa karunungan.

Ang tekstong NARATIBO ay nasa anyong pasalaysay na tila nagkukuwento ukol sa isang tiyak na pangyayari. Ito ay
naglalayong magbigay kabatiran at kawilihan sa mga mambabasa. Mga Halimbawa: Talambuhay ni Rizal Ang
Alamat ng Lanzones

Ang tekstong PERSUWEYSIB ay naglalayong humikayat ng mga mambabasa o tagapakinig. Ito ay karaniwang
ginagamit sa radyo at telebisyon. Ito ay ginagamitan ng mga salitang nakagaganyak upang maging kapani -
paniwala. Mga Halimbawa: Patalastas sa radyo at telebisyon Talumpati ng mga kandidato tuwing kampanya bago
ang eleksyon

Ang tekstong PROSIDYURAL ay nagpapakita ng pagkakasunod- sunod ng mga hakbang, pahayag, o pangyayari. Ito
ay karaniwang tumutugon sa tanong na paano. Mga Halimbawa: Pagsasaing: Magtakal ng bigas at ilgaya sa kaldero
ayon sa tamang dami. Hugasan ang bigas ng dalawang ulit. Isalang sa kalan ang kaldero at hintayin na maluto. Ihain
habang mainit.

6
Ang tekstong REPERENSYAL ay naglalahad ng mga tiyak na pinaghanguan ng mga inilalahad na kaalaman. Ang mga
kaalamang hinango mula sa iba ay malinaw na tinitiyak at inilalahad.

Mga Halimbawa: Kobak, Roger et al. “Adapting to the Changing Needs of Adolescents: Parenting Practices and
Challenges to Sensitive Attunement.” Current Opinion in Psychology, Vol. 15 (2017): 137-142.
doi:10.1016/j.copsyc.2017.02.018

Gawain 1: Tukuyin kung anong uri ng teksto ang sumusunod na mga talata. Ito ba ay impormatibo, deskriptibo,
naratibo, argumentatibo, reperensyal o prosidyural

1.Mas maunlad daw noon ang Pilipinas kumpara sa kalagayan ngayon. Kahitna ihambing umano ito sa iba pang
bansa sa Asya,di hamak na nangungunaraw ito. Sa madaling sabi, maunlad noon ang Pilipinas.
____________________________
2.Ang pangarap na pumasok sa paaralan ng maraming mag-aaral sa taongito ay hindi muna marahil matutuloy
dahil sa epidemya na dulot ng covid-19.Mas iniisip kasi ng gobyerno ang kaligtasan ng lahat laban sa nasabing
sakit.
____________________________
3.Pipi siyang nag-aaklas sa kaabahang sinapit ng kasamahan satrabaho.Waring sampung toneladang pabigat sa
braso ang sama ng loob nakanyang dinaramdam habang ginagawa ang pagtabon sa bangkay ngkasamahan.
____________________________
4.Sa report,mabilis na dumagdag ang kaso ng covid sa Pampanga mula ngsumailalim ang probinsya sa MGCQ.
____________________________
5.Bumuo ng dalawang bituin gamit ang mga patpat ng kawayan.
____________________________

Gawain 2:
Ibigay ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang uri ng teksto na nakasulat sa loob ng bawat bilog batay sa natutunan mo
na sa mga naunang aralin.(Maaaring isulat ang sagot sa sagutang papel).

Deskriptibo

Impormatibo Naratibo

TEKSTO

Prosidyural Persuweysib

Argumentatib

7
Gawain 3: Sumulat ng isang tekstong Prosidyural

Ngayon ay mag-iisip ka bilang isang imbentor at magpapakilala ng iyong imbensyon. Kalakip ng iyong imbensyon ay
isang instructional booklet/manual. Pumili sa sumusunod:
1. Isang gadyet o makina na magpapaunlad ng komunikasyon ng mgataong nasa iba’t ibang parte ng mundo.
2. Isang bagay na tutulong masolusyunan ang mabilis na pagtukoy samga taong nahawaan ng covid -19.
3. Iba pang imbensyong naiisip mo na makatutulong sa mgamamamayan sa inyong lugar o pamayanan.

Sa pagpapakilala mo ng iyong imbensyon ay isusulat mo sa isang instructional booklet ang paraan ng


paggawa nito at kung paano ito gagamitin. Siguruhing maging malinaw ang iyong mga paraan at wasto ang
pagkakasunod-sunod.

Pamantayan sa pagmamarka
Puntos
Siksik sa mga bagong kaalamang nakabatay sa mga angkop na
4
datos mula sa pananaliksik.
May taglay na mga bagong kaalamang nakabatay sa mga angkop na datos
3
mula sa pananaliksik.
May taglay na il ang bagong kaalamang nakabatay sa il ang mga datos mula sa
2
pananaliksik.
Hindi impormatibo dahil walang bagong kaalaman tagl ay at
1 walang datos na pinagbatayan.

Gawain 4: Sumulat ng Tekstong Persweysib


Ikaw ay tatakbo sa pagiging mayor ng inyong bayan o lungsod. Sa iyong miting de avance, nais mong hikayatin ang
iyong mga kababayang ibigay sa iyo ang kanilang boto. Naihayag mo na sa kanila ang iyong plataporma. Ngayon ,
paano mo sila makukumbinsing ikaw ang ihalal sa darating na eleksiyon? Sumulat ng maikling talumpati na
hihikayat sa mga botanteng Pilipinong ikaw ang karapat-dapat at hindi ang ibang kandidato.
Gamitan ito ng mga paraan ng panghihikayat.
Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa iyong isusulat na tekstong persuweysib.

Puntos Pamantayan
Ang isinulat na talumpati ay naglalayong makapagpabago ng isipan
ng mga botante. Malinaw ito at hindi maligoy. Siguradong
4
makahihikayat ito dahil ginamitan ng lahat ng paraan ng
panghihikayat.
Ang isinulat na talumpati ay naglalayong makapagpabago ng isipan
3 ng mga botante. Makahikayat ito dahil ginamitan ng ilang paraan ng
panghihikayat.
Ang isinulat na talumpati ,bagama’t naglalayong makapagpabago ng
isipan ng mga botante, ay maligoy at hindi gaanong malinaw.
2
Maaaring makahikayat ito dahil ginamitan ng isang paraan ng
panghihikayat.

Hindi malinaw ang layunin ng isinulat na talumpati. Maligoy at hindi gumamit


1
ng paraan ng panghihikayat.

8
Filipino-Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik-Week 4 (Quarter 3)

ARALIN 4: Tekstong Prosidyural

LEARNING COMPETENCY
Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat
F11EP – IIId – 36

Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig
F11PB – IIId – 99

Ang Tekstong Prosidyural ay isang uri ng teksto na nagbibigay ng impormasyon kung paano isagawa ang isang
bagay o gawain. Sa tekstong ito, pinapakita ang mga impormasyon sa “Chronological” na paraan o mayroong
sinusunod na pagkakasunod-sunod. Ang layunin ng tekstong prosidyural ay magbigay ng panuto sa mambabasa
para maisagawa ng maayos ang isang gawain.

TEKSTONG PAMPROSESO O PROSIDYURAL

Ito ay isang uri ng teksto tungkol sa mga serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang hangganan o
resulta. Ang tekstong prosidyural ay nagbibigay ng kaalaman para sa maayos na pagkakasunod-sunod ng isang
gawain mula simula hanggang sa wakas.

Ang tekstong Prosidyural ay kilala sa tawag na tekstong pamproseso. Ito ay ispesyal na uri ng tekstong ekspositori
na nagpapaliwanag kung paano ang paggawa ng isang bagay. Layunin nitong maipabatid ang mga wastong
hakbang na dapat o sundin.

Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, kailangang malawak ang kaalaman sa paksang tatalakayin. Kailangang maayos
din ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang na dapat isagawa o sundin.

URI NG TEKSTONG PROSIDYURAL


May dalawang uri ang tektong pamproseso ( o prosidyural) direksyunal at impormasyunal.
Ang tekstong direksyunal ay nagbibigay ng instruksyon na susundin ng mga mambabasa. Ang mga hakbang ng
isang proseso o prosidyur sa paggawa ng isang bagay ay isa-isang inilalahad upang masundan ng mga mambabasa
ang paggawa ng bagay na iyon. Isang magandang halimbawa nito ang instruksyon sa paggawa ng saranggola.

Halimbawa:
 Kung pagluluto ng pagkain ay may tamang prosesong dapat gawin osundin upang maging masarap at tama
ang pagluluto.
 Sinasagot ng teksto ang mga tanong na PAANO?
 Paano nagsimula o nadebelop at nagtapos ang isang pangyayari?
 Paano isinasagawa ang proseso ng isang paggawa?
 Paano ang pagbabalangkas?

Malinaw na naipakikita ng tektong ito ang mga panyayari, kaparaanan at kasaysayan mula simula hanggang sa
katapusan.
Halimbawa:
ADOBONG MANOK
Mga Sangkap:
•1 kilo ng manok
•2 ulo ng sibuyas
•1 ulo ng bawang
•Suka
•Toyo
9
•Pamintang pino
•Siling labuyo
•Asukal•Patatas
•Dahoon ng laurel
Paraan ng Pagluluto:

1.Hiwaain ang manok ayon sa nais na laki. Hugasan at alisin ang dugo nanamuo sa may parte ng buto ng manok
upang maalis ang lansa nito.
2.Hiwain ang patatas ayon sa nais na laki.
3.Hiwain ang sibuyas
4.Magdikdik ng bawang
5.Igisa ang bawang, sibuyas
6.Ihalo ang manok at sangkutsahin upang maghalo ang lasa ng bawang atsibuyas sa manok.
7.Lagyan ng suka ang ginisang manok manok at hayaan kumulo ng 5 minuto.
8.Ilagay ang Toyo at madagdag ng tubig ayon sa dami na nais na sabaw.
9.Ihalo ang patatas, sili at dahon ng Laurel
10.Hayaang kumulo at bubudran ng ajinamoto.
11.Tikman ito, kung maalat bubudran ng kaunting asukal.

Isa ring uri ng Prosidyural ang mga tektong Impormasyunal. Ipinaliliwanag o inaanalisa nito ang isang proseso
upang maunawaan ito ng mambabasa. Hindi inaasahang sundin o gawin ng mga mambabasa ang prosesong ito.
Halimbawa nito ang tekstong nagpapaliwang kung paano nagsimula ang ikalawang digmaang pandaigdig o kung
paano nabubuo ang bagyo

Sa pagsulat ng isang tekstong pamproseso o prosidyural mahalagang mahalagang ang paggamit ng mga salitang
transisyonal na tulad ng una, bilang, panimula, ikalawa, una sa lahat, susunod, pagkatapos at panghuli. Ito ang mga
salitang nag-uugnay sa mga pangungusap at talata. Gayundin ang mga salitang ito ang nagsasaad ng
pagkakasunod-sunod ng proseso o pangyayari.

Gawain 1: Pagsununud-sunurin ang proseso sa pagluluto ng Tinolang Manok. Ilagay ang tamang numero sa mga
patlang.(1-5)

TINOLANG MANOK
____1. Lagyan ng sapat na tubig upang lumubog ang manok at pakuluan. Ilagay ang chicken bouillon cube at ang
hilaw na papaya. Haluin.
____2. Timplahan ang manok ng asin at paminta ayon sa panlasa.
____3. Ihanda ang mga sangkap at kasangkapan sa pagluluto.
____4. Hinaan ang apoy at hayaang kumulo sa loob ng 8-10 minuto.
____5. Painitan ang mantika sa katamtamang init at igisa ang sibuyas, bawang at luya. Idagdag ang manok at
bahagyang igisa. Ilagay ang patis at hayaang kumulo

Gawain2 : Sumulat ng isang tekstong Prosidyural na nagtuturo ng mga proseso o paraan upang maprotektahan
ang sarili at ang iba laban sa COVID-19 . May pamagat .

Gawain 3: Gumawa ng isang video na nagpapaliwanag ng isang proseso o hakbang kung paano gawin ang isang
bagay. Malaya kang pumili ng paksa batay sa iyong nais. Gamitin ang iyong social media account (Facebook,
Youtube, IG at iba pa) at I-Post Mo yan!

10
Filipino-Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik-Week 5 (Quarter 3)

ARALIN 5: Tekstong Persweysib

LEARNING COMPETENCY
Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa
F11PS – IIIf – 92

TEKSTONG NANGHIHIKAYAT O PERSWEYSIB


•Layunin ng tekstong persweysib na maglahad ng isang opinyong kailangang mapanindigan at maipagtanggol sa
tulong ng mga patnubay at totoong datos upang makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa manunulat.

IBA’T IBANG URI NG MGA PROPAGANDA DEVICE


1.NAME CALLING •Pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggali upang hindi tangkilikin.
2.GLITTERING GENERALITIES •Ang magaganda at nakasisilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa
mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa
3. TRANSFER •Paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.
4. TESTIMONIAL •Kapag ang isang sikat na tao ay tuwirang nagendorso ng isang tao o produkto.
5. PLAIN FOLKS •Mga kilala o tanyag na tao ay pinapalabas na ordinaryong tao na nanghihikayat sa produkto o serbisyo.
6. CARD STACKING •Ipinakikita ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang
katangian.
7. BANDWAGON •Hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil lahat ay sumali na.•Layunin na
manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto. •Isinusulat upang mabago ang takbo ng pag- iisip ng mambabasa at makumbinsi
ito sa punto ng manunulat at hindi sa iba, siya ang tama.

TATLONG PARAAN NG PANGHIHIKAYAT AYON KAY ARISTOTLE


1.ETHOS •Tumutukoy sa kredebilidad ng manunulat. •-hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang Etika
ngunit higit na angkop ngayon sa salitang Imahe.•dapat makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na
malawak ang kanyang kaalaman at karanasan sa isinusulat. Dapat makumbinsi ng isang manunulat ang
mambabasa na malawak ang kanyang kaalaman at karanasan sa isinusulat.
2.PATHOS •Gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa. Ayon kay Aristotle karamihan sa
mga mambabasa ay madaling madala ng kanilang emosyon. Ang paggamit ng kanilang paniniwala at
pagpapahalaga ay isang epektibong paraan sa pangungumbinsi.
3.LOGOS •Tumutukoy sa paggamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa. Kailangan mapatunayan ng
manunulat sa mga mambabasa na batay sa impormasyon at datos na kanyang inilatag ang kanyang pananaw o
punto de vista ang dapat paniwalaan.

ELEMENTO NG TEKSTONG PERSWESIB


MALALIM NA PANANALIKSIK
•Alam ng isang manunulat ang pasikot sikot ng isyung tatalakayin sa pamamagitan ng pananaliksik tungkol dito.
KAALAMAN SA MGA POSIBLENG PANINIWALA NG MGA MAMBABASA
•Kailangang mulat at maalam ang manunulat sa iba’t ibang laganap na persepyon at paniniwala tungkol sa isyu at
simulant ang argumento mula sa paniniwalang ito.
MALALIM NA PAGKAUNAWA SA DALAWANG PANIG SA ISYU
•Upang epektibong masagot ang laganap na paniniwala ng mga mambabasa.

Ang tekstong persweysib ay tekstong nanghihikayat ng mambabasa na sumang-ayon sa kanyang sinasabi.


Inilalahad ng tekstong persweysib ang isang katotohanan upang mapanindigan ang kanyang panghihikayat sa
mambabasa. Layunin din ng tekstong persweysib na makumbinsi ang mambabasa na sundin ang kanyang
mungkahi. Ang tekstong persweysib ay maaaring ayon sa anyo ng mga sumusunod:

11
1. isang argumento
2. paglalahad
3. talakayan
4. pagsusuri o;
5. patalastas

HALIMBAWA NG TEKSTONG PERSWEYSIB Itinuturing na pangalawang magulang natin ang mga guro sa paaralan.
Hindi dahil mga ninong at ninang natin sila kundi dahil sila ang nag-aalaga at nagbabantay sa atin sa eskwelahan
kung saan wala ang ating mga magulang. Ginagabayan nila tayo sa ating pag-aaral at maging sa wastong asal. Dahil
dito, nararapat lamang na sila ay ating respetuhin din bilang ating mga magulang. Tulungan din natin sila kung
nakikita nating sila ay nangangailangan. Tulungang magbuhat ng kanilang dala kung nagkandaugaga na sa daan at
batiin kahit saan man natin sila nakakasalubong. Minsan, lagi silang galit at nagtataas ng boses pero mahal nila
tayo. Ginagawa lang nila ito upang pakinggan natin sila at para malaya nilang maiparating sa atin ang mga dapat
nating matutunan bilang kabataan. Kaya sa susunod na makita mo ang iyong guro, batiin mo siya o kaya ay
yakapin. Humingi ka ng tawad kung nagalit ka sa kanya nung napagalitan ka niya dahil simbolo lang iyon ng
kanyang pagmamalasakit sa’yo. Sa darating na teachers day, sorpresahin mo siya ng regalo o bulaklak at tiyak
matutuwa si ma’am o sir.

Ang tekstong ito ay naghihikayat sa mga mambabasa na dapat respetuhin at mahalin ang kanilang guro. Nais
ng awtor na sundin ng mambabasa ang kanyang payo at kinukumbinsi niya ang isipan nila na siya ay tama.

Ang kalamansi ay isang prutas na nagtataglay ng bitamina C. Ang bitamina C ay magandang panlaban sa mga sakit.
Hindi lang ‘yan, ito rin ay nakapuputi ng balat. Kaya kung nais mong pumuti, lagyan mo ng katas ng kalamansi ang
iyong panligo araw-araw. Uminom ka rin ng kalamansi juice upang maging malakas ang iyong katawan laban sa
sakit. Ano pang hinihintay mo? Tumakbo na ngayon sa palengke at bumili ng kalamansi at simulan na ang paggamit
nito!

Ang tekstong ito ay humihikayat sa mga mambabasa na gumamit ng kalamansi. Inilahad muna niya ang mga
benepisyo ng kalamansi upang sila ay maniwala at mas makumbinsing bumili.

Gawain 1: Suriin ang halimbawa ng Tekstong Persweysib at ipaliwanag ang nais nitong iparating. Isulat ang sagot sa
nakalaang patlang sa ibaba. Ang kalamansi ay isang prutas na nagtataglay ng bitamina C. Ang bitamina C ay magandang
panlaban sa mga sakit. Hindi lang ‘yan, ito rin ay nakapuputi ng balat. Kaya kung nais mong pumuti, lagyan mo ng katas
ng kalamansi ang iyong panligo araw-araw. Uminom ka rin ng kalamansi juice upang maging malakas ang iyong katawan
laban sa sakit. Ano pang hinihintay mo? Tumakbo na ngayon sa palengke at bumili ng kalamansi at simulan na ang
paggamit nito!
_________________________________________________________________________________________

Gawain 2: Sumulat ng sariling Tekstong Persweysib gamit ang paksa na nasa ibaba. “Ang Tunay na Tagumpay

Gawain 3: Suriin ang halimbawa ng Tekstong Persweysib at ipaliwanag ang nais nitong iparating. Isulat ang sagot sa
nakalaang patlang sa ibaba.

Itinuturing na pangalawang magulang natin ang mga guro sa paaralan. Hindi dahil mga ninong at ninang natin sila
kundi dahil sila ang nag-aalaga at nagbabantay sa atin sa eskwelahan kung saan wala ang ating mga magulang.
Ginagabayan nila tayo sa ating pag-aaral at maging sa wastong asal. Dahil dito, nararapat lamang na sila ay ating
respetuhin din bilang ating mga magulang. Tulungan din natin sila kung nakikita nating sila ay nangangailangan.
Tulungang magbuhat ng kanilang dala kung nagkandaugaga na sa daan at batiin kahit saan man natin sila
nakakasalubong. Minsan, lagi silang galit at nagtataas ng boses pero mahal nila tayo. Ginagawa lang nila ito upang
pakinggan natin sila at para malaya nilang maiparating sa atin ang mga dapat nating matutunan bilang kabataan.
Kaya sa susunod na makita mo ang iyong guro, batiin mo siya o kaya ay yakapin. Humingi ka ng tawad kung nagalit
ka sa kanya nung napagalitan ka niya dahil simbolo lang iyon ng kanyang pagmamalasakit sa’yo. Sa darating na
teachers day, sorpresahin mo siya ng regalo o bulaklak at tiyak matutuwa si ma’am o sir.
_________________________________________________________________________________________

12
Gawain 4: Sumulat ng sariling Tekstong persweysib na tungkol sa:

“Kalusugan ang siyang kayamanan”

Filipino-Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik-Week 6 (Quarter 3)

ARALIN 6: Reaksyong Papel

LEARNING COMPETENCY
Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag:
a. Kalinawan
b. Kaugnayan
c. Bisa
Sa reaksyong papel na isinulat
F11PU – IIIfg – 90

Reaksyong Papel
Ang reaksyong papel ay tumutukoy sa sulatin na naglalaman ng reaksyon patungkol sa isang paksa. Kalimitang
ginagawa ito pagkatapos manood ng pelikula. Doon itatala ang mga napuna sa pinanood. Dito naitatala rin ang
opinyon at suhestyon batay sa paksang pinagaaralan. Ito ay naglalayong maibahagi ng manunulat ang saloobin sa
masusing pagoobserba.

Upang gumawa ng reaksyong papel, kailangang pag-aralan nang maigi ang isang impormasyon at magbigay ng
iyong sariling kaisipan at opinyon ukol dito. Kailangan din na mayroong apat na bahagi ang iyong reaksyong papel:
introduksyon, katawan, konklusyon at mga pagsipi.

Ano nga ba ang Reaksyong Papel? Ang paggawa ng reaksyong papel ay ang pag-aaral nang maigi tungkol sa isang
impormasyon kung saan ang may-akda ay kinakailangang magbigay ng kanyang sariling kaisipan o opinyon ukol
dito.

Ano ang mga bahagi ng isang Reaksyong Papel?


Introduksyon - Ito ang pupukaw sa interes ng mga nagbabasa. Sa parteng ito, kailangang ilarawan ang papel at
may-akda na iyong pinag-aaralan. Kailangang maglagay ng mga tatlo hanggang apat na mga pangungusap mula sa
orihinal na papel na iyong pinag-aaralan. Kailangan ding maglagay ng iyong maikling thesis statement ukol sa
papel.

Katawan - Ang katawan ay kung saan nakasaad ang iyong mga sariling kaisipan ukol sa mga pangunahing ideya ng
papel na iyong pinag-aaralan. Dito sinusuri ang orihinal na papel.

Konklusyon - Ang konklusyon ay maikli lamang ngunit naglalaman ng impormasyon ukol sa thesis at mga
pangunahing ideya na nasaad sa reaksyong papel. Pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon - Ito ay ang bahagi
kung saan nakalagay ang maikling impormasyon ukol sa pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon na iyong
nailahad.

Ano ang kaibahan ng Reaksyong Papel sa Rebyu?


Ang reaksyong papel ay iba sa rebyu dahil ang reaksyong papel ay ginagamitan ng pananaw ng mismong may-
akda. Dahil dito, ang may-akda ay kadalasang gumagamit ng mga katagang "Sa tingin ko..." at "Naniniwala ako
na..."

KALINAWAN-Sa pagsusulat ng isang reaksyong-papel, isinasaalang –alang ang kalinawan nito. Kapag
sinabing malinaw ang reaksyongpapel ibig sabihin ay maayos na naipapahayag nito ang nais na iparating na
ideya. Iniiwasan ang pagkakaroon ngmagkakaibang pagpapakahulugan sa mga pahayag. Upang mapanatili
ang kalinawan ng reaksyong-papel na isusulat,mahalaga ang papel na ginagampanan ng babasa, nararapat

13
na tiyakin ng awtor kung sino ang babasa ng kaniyang isusulatupang maibagay ang antas ng pagkakasulat na
kaniyang gagawin dito.

Halimbawa:
A B

Para sa akin, naniniwala akong mabuti namumulat sa mga krimen at kasamaan kaya
ang maidudulot ng maagang pagbabad sa nararapat na hindi muna pagamitan ang mga
telebisyon at social media ng mga kabataan kabataan ng gadget hanggat hindi pa nila
upang sila ay maagang mamulat sa krimen, at natututunan ang tamang netizenship. Pansinin
kasamaan ng mundo. Kaya nararapat na hindi ang dalawang halimbawang talata. Ang talata A
sila pagamitan ng gadget sa murang edad. at B ay pawing hindi sang-ayon sa
Naniniwala ako na masama ang naidudulot ng pagpapagamit ng gadget sa mga kabataan
maagang pagbababad sa telebisyon at social ngunit ang talata A ay nagbigay ng mga salita na
media ng mga kabataan dahil sila ay nagpalabo o nagpagulo sa nais nitong ipabati

KAUGNAYAN-Sa pagsusulat ng isang reaksyong-papel, isinasaalang –alang ang kaugnayan nito. Ang kaugnayan ay
napatutungkol sakoneksyon ng nilalaman ng reaksyong-papel sa isyung nais nitong talakayin. Pansinin ang
halimbawa sa ibaba;

PANGUNAHING PAKSA : COVID-19 BILANG ISANG PANDEMYA


IDEYA I: ANG MGA FRONTLINERS
IDEYA II: ANG EPEKTO NITO SA EKONOMIYA
IDEYA III: PAGPAPASARA SA ABS-CBN FRANCISE
Makikita sa itaas na ang pangunahing paksa ay COVID-19, sa mga ideyang nakasuporta, makikita na malayo o hindi
kaugnay ang ikatlong ideya.

BISA-Sa pagsusulat ng isang reaksyong-papel, isinasaalang –alang ang kabisaan nito sa babawa. Ang awtor na
sumulat ngreaksyong papel ay may layunin sa kaniyang pagsulat . Masasabing mabisa ang pagkakasulat kung
nagagawa nito anglayunin o nais ipatalima ng awtor sa babasa ng kaniyang reaksyong papel. Kung ang reaksyong
papel ay nais magpabago nggawi ng babasa, masasabing epektibo o mabisa ang pagkakasulat kung nakapagpabago
ito sa bumasa.

Gawain 1: Panuto: Basahin ang mga sumusunod na talata at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

REAKSYONG PAPELAng isang reaksyon paper ay sanaysay na naglalahad ng iyong mga opinyon, pakiramdam at
mga natutunan patungo sa isang libro, teksto, pangyayari o kung ano man.

REBYUAng rebyu ay isang akdang sumusuri o pumupuna sa isang likhang-sining. Maingat ditong binibigyang-
pansin ang mga sangkap o element ng genre na nirebyu upang ang isang kitiko ay makapaglahad ng onhetibo at
matalinong analisis

REPLEKSYONG PAPELAng Repleksyong Papel (o reflection paper, tinatawag ding reflective paper o contemplative
paper)ay isang pasulat na presentasyon ng kritikal na repleksyon opagmumuni-muni tungkol sa isang tiyak na
paksa

POSISYONG PAPELAng isang posisyong papel ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa
at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga
posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo

1.Ano-ano ang apat na bahagi ng isang reaksyong papel

14
2.Ano ang tatlong katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na reaksyong
3.Ano ang pagkakaiba ng isang reaksyon papel sa posisyong papel
4.Ano ang pagkakaiba ng reaksyong papel sa repleksyong papel
5.Ano ang pagkakaiba ng reaksyong papel sa isang rebyu?

Gawain 2: Punan ang tsart sa ibaba tungkol sa naging epekto ng pandemyang COVID-19 sa mga kahon sa itaas.
Magbigay ng posibleng solusyon na kaya mong gawin bilang kabataan , ilagay ang sagot sa ibaba.

AKO BILANG KABATAAN SA PANAHON NG PANDEMYA


SARILI
PAMILYA
KOMUNIDAD
BANSA
DAIGDIG

Gawain 3: Basahin ang sanaysay sa ibaba.

RESET “FACTORY RESET AND DELETE ALL DATA”…

Aking pinindot ang “YES” sa screen. Namatay ang tablet at muli itong sumindi na para bang bagong bili sa
mall at hindi pa nagagalaw ang mga aplikasyon, burado ang mga laro, burado ang mga contacts, burado pati ang
libo-libong larawan, musika at bidyo, burado ang mga aplikasyong nagpabagal dito. Sa madaling salita, bumalik ito
sa dati nitong anyo. Nang magising ang aking pamangkin ay galit na galit ito nang malaman ang aking ginawa sa
kaniyang tablet. Pero kinabukasan, pagkatapos nilang ipakonsulta ang aking pamangkin sa espesyalista ng mata,
pinasalamatan ako ng kaniyang ina, kung hindi ko raw ginawa iyon , malamang ay nabulag na ang aking pamangkin
dahil labis na ang pamamaga ng mata nito dahil sa kalalaro ng mobile legend at namayat na sa kapapanood ng bidyo
buong magdamag.

Naisip ko tuloy, para pala akong Corona Virus sa aking ginawa. Pinahinto ko ang mga dating gawain at ibinalik
unti-unti ang lahat sa dati. Sa mahigit dalawang buwan kong pagkabugnot sa aming tahanan, namulat ang aking
isipan sa kung ano nga ba ang positibong naidulot ng pandemyang ito. Napagtanto ko, hindi naman ito delubyo o
masamang pangyayari, baka ito ay isang “pause,reset,stop,take time - reflect” para sa ating mga tao. Parang mahika
na huminto ang galaw ng mundo sa dati nitong gawi. Walang malalayong outing, walang magastos na reunion,
walang magagarbong okasyon. Hindi natikman ng ating balat ang pagsunog ng araw sa mamahaling beach at dugyot
na swimming pools. Hindi natin dinumog ang pamagsamantalang midyear sale kuno ng mga mall.
Kung pakaiisipin natin ang mga naganap sa loob ng dalawang buwan, maiisip natin na mayroong positibo sa gitna ng
sitwasyong ito. Bumaba ang mga aksidente at krimen sapagkat napigilan ang paggala ng mga kabataan ngayong
bakasyon. Nagsitabaan ang mga chikiting dahil mas dumami ang panahong nakapagluto ang mga magulang dahil sila
man ay nakapagbakasyon dahil sa pag-iwas sa sakit na ito. Maraming mga magulang ang naasikaso hindi lamang ang
kanilang pamilya kundi pati ang tahanang napabayaan dahil sa kakulangan ng oras para magkumpuni ng mga bagay-
bagay. Natutong magtipid ang bawat isa dahil nakaiwas tayo sa mga gastusin tulad ng reunion, outing at mga
okasyon. Lumitaw ang pagiging malikhain natin sa pag-imbento ng mga pagkain mula sa mga relief goods ng
pamahalaan. Natuto tayong maging mapagbigay sa mga mas nangangailangan at magpahalaga sa mga taong
tumutulong sa atin sa oras ng kalamidad na ito. Higit sa lahat, natuto tayong muling maniwala at lumapit sa
Panginoon. Ipinalabas ang “Oratio Imperata” sa mga istasyon na dati ay walang ka man lamang makikita kahit na
isang minutong Angelus. Napansin ko, malamang napansin ninyo rin ang mas mataimtim na pagdaraos ng Semana
Santa ng taong ito. Kung noon ay kasama ang paggala at pagpi-picture picture sa mga pabasa, prusisyon at Visita
Iglesia, ngayon ay mas marami ang naging panahon natin para manalangin at tunay na pagnilayan ang paghihirap
ng ating Panginoon sa krus. Tunay tayong nakiisa sa kaniyang pagpapakasakit tungo sa ating kaligtasan.

Naging mapamaraan, natutong nagtulungan at nag-ugnayan ang ating mga ahensya ng gobyerno sa gitna ng
kalamidad na ito. Nawala ang pagpapataasan at pagbabaling ng mali sa bawat isa.

Naging bukas ang lahat sa mga posibleng solusyon at remidyasyon. Masusing pinakinggan ang suhesyon ng
bawat sekretarya ng mga departamento sa tulong ng mga pulong na inilulunsad ng ating Pangulo.

15
Hindi nalugmok ang Pinoy sa gitna ng pandemya sapagkat lumitaw ang ating pagiging matyaga. Minsan ay
binuksan ko ang aking facebook ay nakita ko ang naglilipanang mga online sellers na may free delivery pa. Kumikita
kahit nasa kani-kanilang bahay. Hindi tulad noong mga nakaraang mga buwan na halos linggo linggo na lamang ay
mga Sex Scandal ng mga kabataang pabata ng pabata ang edad ang naglilipanang ibinabahagi ng bawat isa. Nang
binuksan ko ang aking Tiktok Account, sinalubong ako ng mga masasayang bidyo ni Ms. Everything at mga nakaka-
inspire na bidyong tumatalima sa ating mga frontliners. Dagdag pa diyan ang mga maiikling D-I-Y na bidyo ng mga
kung ano-anong lutuin at gawaing maaaring gawin sa panahong nasa tahanan tayo.

Napukaw ang aking pansin sa isang post sa Instagram ng isang user sa mga larawang kaniyang ibinahagi. Ito
ay larawan ng Manila, Pampanga, Davao, Cebu at ng iba’t ibang tipikal na puntahan sa bakasyon, lugar pasyalan,
maski ordinaryong palengke. Kita ang ganda ng mga ito sa unti-unting pagkawala ng polusyon sa hangin at tubig
dulot ng pagtigil operasyon ng mga pagawaan. Maaliwalas ang kalsada at naaaninag ang bawat paskil dahil hindi
muna pumasada ang mga maiitim na usok na Jeepney. Naging mas ligtas at malinis ang bawat pamilihan dahil sa
disinfection na isinasagawa sa bawat linggo. Nasabi ko tuloy, para bang sa paghinto ng galaw ng mga tao, sa pagtigil
ng mga makina, sa pagtahimik ng masasamang teknolohiya, nakahinga nang bahagya ang mundo. Marahil isa ito sa
paraan ng Panginoon upang ipaalala sa atin ang mga pagpapahalagang nalimutan natin dahil sa modernisasyon at
paghahangad ng mga makamundong gawain. Naniniwala akong tulad ng mga nakaraang sakit kagaya ng Tigdas,
Ebola, Ketong , Malaria atbp, malalampasan din natin ang pandemyang ito.

Ngunit sa pag-alpas natin sa yugtong ito ay huwag sana nating malimutan ang mga natutunan nating aral at
pagpapahalaga sa loob ng mga panahong nanatili at nakapagpahinga tayo sa ating mga tahanan.

“FACTORY RESET AND DELETE ALL DATA”…huwag sanang umabot na kailangang muling pindutin ng
Panginoon ang “YES” botton upang tayo ay muling matuto at huminto sa maling gawain.

Gawain 4: Sumulat ng reaksyong papel para sa akdang binasa na “RESET” tungkol sa katangian at kabuluhan nito
sa sarili , pamilya ,komunidad ,bansa at daigdig gamit ang mahusay na pamamaraan ng pagpapahayag na
mayroong kalinawan, kaugnayan at kabisaan. Isulat ang reaksyon papel sa ibaba na hindi kukulangin sa tatlo talata
at hihigit sa sampung talata.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL

KATEGORYA PUNTOS

NILALAMAN
Kalinawan ng bawat bahag 25
Kaugnayan ng ideya bawat bahagi. 25
Kabisaan ng nais ipakahulugan. 25

GRAMATIKA
Kawastuhan sa pagbabaybay ng mga salita. 15
Kawastuhan sa pagbabantas at paghahati-hati ng mga sugnay. 15
Kawastuhan sa panghihiram at kapitalisasyon ng mga salita. 15
KABUUANG PUNTOS 100

16
Filipino-Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik-Week 7 (Quarter 3)

ARALIN 7: Pagsulat ng Reaksyon Papel

LEARNING COMPETENCY
Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa a. pamilya,
b. komunidad c. bansa d. daigdig
F11EP – IIIj - 37

Tinalakay nina Canale at Swain ang ilang kahingian sa paglinang ng kasanayang komunikatibo ng isang tao. Ilan sa
mga ito ay ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic. Hindi mapapasubalian ang kahingian na maging
mahusay sa mga nabanggit upang maging epektibo ang pakikipagtalastasan.

Tinutukoy ng kahusayang gramatikal ang wastong baybay at bigkas ng mga salita; gayundin ang paggamit ng
balarila sa pangungusap. Tinutukoy naman ng kahusayang diskorsal ang kakayahang magamit ang wikang
binibigkas at sinusulat sa pagpapahayag ng ideya na mauunawaan ng tagatanggap ng mensahe. Sa kabilang banda,
ang kahusayang strategic ay ang kakayahang magamit ang berbal at hindi berbal na uri ng komunikasyon sa
paghahatid ng mensahe.

REAKSYONG PAPEL
Ang paggawa ng reaksyong papel ay ang pag-aaral nang mabuti tungkol sa isang impormasyon kung saan ang may-
akda ay kinakailangang magbigay ng kanyang sariling kaisipan o opinyon ukol dito.
Mga bahagi ng Reaksyong Papel
1. Introduksyon - Ito ang pupukaw sa interes ng mga nagbabasa. Sa parteng ito, kailangang ilarawan ang papel at
may-akda na iyong pinag-aaralan. Kailangang maglagay ng mga tatlo hanggang apat na mga pangungusap mula sa
orihinal na papel na iyong pinag-aaralan. Kailangan ding maglagay ng iyong maikling thesis statement ukol sa
papel.
2. Katawan - Ang katawan ay kung saan nakasaad ang iyong mga sariling kaisipan ukol sa mga pangunahing ideya
ng papel na iyong pinag-aaralan. Dito sinusuri ang orihinal na papel.
3. Konklusyon - Ang konklusyon ay maikli lamang ngunit naglalaman ng impormasyon ukol sa thesis at mga
pangunahing ideya na nasaad sa reaksyong papel.
4. Pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon - Ito ay ang bahagi kung saan nakalagay ang maikling
impormasyon ukol sa pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon na iyong nailahad.
Pamamaraan sa Pagbuo ng Reaksyong Papel

A. Reaksyon sa Isang Pelikula


1. Ilahad ang mga pangyayari sa pelikula
2. Isalit ang komentaryo o reaksyon sa bawat pangyayari
3. Ilahad ang kabuuang reaksyon sa pelikula
B. Reaksyon sa Isang Pangyayari, Isyu, Tao o Bagay
1. Ilahad ang pangkahalatang obserbasyon at asesment tungkol sa sinusuri
2. Isa-isang bigyang puna o komentaryo ang bawat aspektong may kaugnayan sa sinusuri sa pamamagitan ng
pagbanggit ng mga detalyeng susuporta sa naunang inilahad na pangkahalatang obserbasyon
3. Bumuo ng pangkahalatang reaksyon sa sinusuri.
C. Reaksyon sa Isang Nobela o Maikling Kwento
1. Ilahad ang buod o lagom ng nobela
2. Pagsusuri sa mga Elemento a. Tagpuan b. Banghay c. Tauhan d. Tema e. Istilo
3. Ibigay ang pangkalahatang puna sa akdang sinusuri

17
Gawain 1: Maghanap ng 2 napapanahong balita sa pahayagan. Basahin at unawain ang balitang iyong napili.
Pagkatapos ay magbigay ng reaksyon sa mga balitang iyong napili.
1.
Balita: _____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
Reaksyon: _______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2.
Balita: _____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
Reaksyon: _______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Gawain 2: Sumulat ng reaksyong papel tungkol sa Maikling Kwentong ito….


Sandaang Damit ni Fanny A. Garcia

Gawain 3: Sa pamamagitan ng concrept map na ito, ibigay ang kahalagahan ng pagsulat ng reaksyong papel.
Gawing batayan ang mga natutunan sa pagsasagawa ng mga pagsasanay

Pamilya bansa

Kahalagahan ng
Reaksyon Papel

Komunidad daigdig

Gawain 4: Sumulat ng reaksyong papel tungkol sa Republic Act (RA) 11476.

Pagbabalik ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) at Values Education (VE) bilang core subjects sa K to 12
curriculum sa mga pampubliko at pribadong paaralan

18

You might also like