You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV- A CALABARZON
SANGAY NG BATANGAS
Pambansang Paaralang Sekondarya ng Taysan
Taysan, San Jose, Batangas

Banghay- Aralin sa Filipino 9

Yugto ng Pagkatuto: Linangin – Panitikan

I.Layunin
F9PT-IIId-e-52
Natutukoy ang pinagmulan ng salita (etimolohiya).

F9PB-IId-47
Nailalahad ang mga paksa, kaisipan at tono ng may-akda sa binasang
sanaysay.

Nailalahad ang kulturang Asyano na nakapaloob sa akdang binasa.

II.Pamantayang Pangnilalaman
Paksa: Usok at Salamin: Ang Tagapanglingkod at ang Pinaglilikuran
Sanggunian: Panitikang Asyano 9( pahina 219-223)
Kagamitan: Pantulong Biswal, laptop,telebisyon

III.Proseso ng Pagkatuto
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng Silid
4. Pagtatala ng Liban
5. Pagbabalik Aral

A.Pagganyak
Bago tayo tumungo sa ating panibagong
aralin ay may ihanda akong gawain. Ang
gawaing ito ay tatawaging “Apat na
larawan, Isang salita.”

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ - Kultura
__ __ __ __ - Israel

Mga Katanungan
1. Ano ang inyong napansin sa inyong
isinagawang gawain?
Ang mga salita pong aming nahulaan
ay kultura at Israel.
2. Saan papatungkol ang ating
paksang tatalakayin ngayon?
Ito po ay papatungkol sa kultura,
tradisyon at paniniwala ng bansang Israel.

PAGLINANG NG TALASALITAAN
Panuto: Sagutin ang hinihingi ng bawat
kahon.

kahulugan Kahulugan- halalan

Istruktura ng salita- salitang ugat “boto+


panlaping “han”
Bisa sa botohan Istruktura ng
akda salita
Pinagmulang wika
Pinagmulang kolonyalismong kastita “votar” – boto
wika latin “votum” o “votare” – pumili o
isulong ang pinili.

Bisa sa akda- mahalaga sa isang tao


sapagkat karapatan ng bawat isa na ihalal
ang kanyang nais.

B. Analisis
Bilang pagtalakay sa ating akda ay
may inihanda akong bidyo. Ang bidyong
itoy pinamagatang “ Usok at Salamin:
Ang Tagapaglingkod at ang
Pinaglilingkuran”. Ngunit bago iyon, ano
ang dapat nating isaalang- alang sa
panonood ng bidyo.
Katahimikan, making at maupo ng
maayos, pag-unawa at pagintindi sa
pinapanood
(pagpapanood ng bidyo)

Mga Katanungan
1. Tungkol saan ang akdang
napanood?
Ito po ay tungkol sa karanasan ng may
akda na kanyang inilarawan ang
magulong pamamahala sa bansang Israel
at ang pagkakaroon nila ng hindi pantay-
pantay na turingan sa mga tao na may
ibat-ibang kultura at relihiyon.
2. Ano ang kultura ng Israel ang
tinalakay sa akda?
Ito po ay ang sistema ng botohan ng
Israel.
3. Anong uri ng sanaysay ang
binasang akda? Ibigay ang mga
katangian nito.
Ito po ay isang pormal na sanaysay.
Ditto ay maayos na inilahad ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Maingat at pili ang mga salitang ginamit.
Sa pagpapatuloy ng ating aralin ay
tatalakayin natin ang element ng
sanaysay

Ano ang paksa?


Ang paksa po ay ang pinag-uusapan sa
akda. Ito rin ang pinakasentro ng ideya ng
buong akda.
Ano ang tono?
Ang tono ay ang saloobin ng may-akda
sa paksa. Maaaring ang tono o himig ay
natutuwa, nasisiyahan, nagagalit,
sarkastiko, naiinis, nahihiya at iba pa.
Ano ang kaisipan?
Ito ay ang nais iparating ng manunulat
sa mga mambabasa. Itoy hindi tuwirang
binabanggit kundi ginagamitan ng
pahiwatig ng may-akda para mailahad ito.

C.Abstraksyon
Upang mas lumawak pa ang inyong
mga kaalaman sa ating aralin ay
magkakaroon tayo ng pangkatang gawain.

Pangkat 1
Ilahad ang elemento ng sanaysay na
makikita sa akdang binasa.

Pangkat 2
Sagutin ang katanungang “ Anong mga
damdamin ng may-akda ang tinalakay sa
sanaysay. Gamitin ang pormat sa ibaba.

patunay

Pangkat 3
Ilahad ang kaisipang nakapaloob sa
akdang binasa.

Pangkat 4
Gamit ang Venn Diagram,
paghambingin ang kultura ng bansang
Israel sa Pilipinas.
D. Aplikasyon
Kung ikaw ang pangunahing tauhan,
maiinis at magagalit ka rin ba sa uri ng
pamahalaan ng iyong bansang
kinabibilangan?
Opo, sapagkat ang mga kagaya kung
nasa mababang estado sa buhay ay
walang kalayaan at nakararanas ng
diskriminasyon lalo nat iba- iba ng
paniniwala at kultura.
E.Pagtataya
Panuto: Suriin at tukuyin ang hinihingi ng
bawat bilang. Piliin ang letra ng tamang
sagot sa loob ng kahon na nasa ibaba.

a. Hudismo b. Paksa
c. Paula Ben-Gurion
d. Ashkenazim e.Persian
1. Sila ay itinuturing na pinakamasama.
2. Ito ay kinakatawan ng mga nakapag-
aral na Israelitas.
3. Hindi relihiyon para sa mga Israelita,
bagkus itoy bahagi ng kanilang
buong buhay.
4. Asawa ng unang kataas-taasang Susi sa Pagwawasto
Ministro ng Israel silang kapwa 1. e
mabagsik na sekular. 2. d
5. Sentro ng ideya ng buong akda. 3. a
Kinukontrol nito ang manunulat 4. c
kung hanggang saan lamang ang 5. b
hangganan ng kaniyang isusulat.

Takdang Aralin
1. Magsaliksik tungkol sa pamaksa at pantulong na pangungusap.
2. Balangkasin ang sanaysay na iyong binasa. Kilalanin ang mga paksa at
pantulong na pangungusap na ginamit sa bawat talataan.

Inihanda ni:

_____________________
PRINCES JANE C. MIRAL
Gurong Nagsasanay

Iwinasto ni:

_____________________
JOMIELYN C. RICAFORT
Gurong Tagapagsanay

You might also like