You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG BATANGAS
Pambansang Paaralang Sekundarya ng Taysan
Taysan, San Jose, Batangas

Banghay-Aralin sa Filipino 9

Yugto ng Pagkatuto: Linangin- Panitikan


I. Layunin
F9PS-IIg-h-51:
Naisasadula ng madamdamin sa harap ng klase ang mabuong maikling dula.
F9PT-IIg-h-48:
Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan.
F9PN-IIg-h-48:
Nauuri ang mga tiyak na bahagi at katangian ng isang dula batay sa
napakinggang diyalogo o pag-uusap.

II. Pamantayang Pangnilalaman


Paksa: Munting Pagsinta
Sanggunian: Panitikang Asyano 9 ( pahina 151 -156)
Kagamitan: pantulong biswal, laptop, telebisyon, powerpoint
III. Proseso ng Pagkatuto
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng Silid
4. Pagtatala ng Liban
5. Pagbabalik Aral

A. Pagganyak
Bago tayo magsimula sa pagtalakay
sa ating aralin ay may inihanda
akong isang gawain. Ito ay hango sa
larong “word scape”.

Panuto: Bumuo ng mga salita gamit


ang mga titik na nasa bawat tsart
upang mabuo ang mga hinihinging
salita sa palabuuan.

1. Isang bansa sa Silangang Asya. Titik


M ang umpisa at nagtatapos sa titik
A.
AIOO
Mongolia
MNGL
2. Minsan ay lapis, kadalasan ay tawag
sa mga taong taga-Mongolia.
L O M
N G O Mongol

3. Kung sa Pilipinas, ang wika ay


Filipino, ano naman ang wika sa
Mongolia?
MNOIN
Mongolian
OGLA

4. Isang dinastiya sa Tsina na may apat


na letra.
M G
N I Ming

5. Ito ay tawag sa mga taong lagalag at


mahilig maglayag. Binubuo ito ng
limang letra, titik N ang umpisa at titik
D ang huli.
D N A
O M Nomad

Mga Katanungan
1. Ano ang inyong masasabi sa ating
ginawang gawain? Masasabi po namin na nalinang ang
aming talasalitaan at kasanayan sa pag-
iisip ng mga salita.

2. Sa inyong palagay, ano kaya ang


kaugnayan ng mga salitang ito sa
paksang ating tatalakayin ngayong Sa akin pong palagay, maaring ang
araw? paksang ating tatalakayin ngayong araw
ay may kinalaman sa bansang Mongolia.

Paglinang ng Talasalitaan
Bilang pagpapatuloy ay atin munang
bigyang pansin ang mga salitang ginamit sa
akda.

Panuto: Alamin at tukuyin ang kahulugan


ng mga salita sa pamamagitan ng
pagsasaayos ng mga titik na nasa loob ng
kahon at gamitin ito sa makabuluhang
pangungusap.

1. – piitan Kulungan

2. --- masuyo Magiliw

3. --- nakataya Nakasalalay

4. --- galugarin Libutin


5. --- abala Gambala

Ngayon naman ay gamitin sa


kabuluhang pangungusap ang mga salitang
binigyan ng kahulugan. ( paggamit sa makabuluhang
pangungusap ng mga salita)

B. Analisis
Bilang pagtatalakay sa ating aralin ay
may inihanda akong video clip na
pumapatungkol sa akdang “ Munting
Pagsinta”. Ang lahat ay tumahimik
upang lubos ninyong maunawaan
ang inyong panonoodin. Pagkatapos
nito ay mangyaring ang lahat ay
maging handa sapagkat ako’y may
mga katanungan.

( pagpapanood ng video clip)

Mga Katanungan
1. Sino-sino ang mga tauhan sa inyong
napanood o binasang akda? Ang mga tauhan po sa binasang akda
ay ang mga sumusunod:

Temujin- anak ni Yesugei na mula sa


Tribong Borjigin
Yesugei- ama ni Temujin
Borte- isang dalaginding na taga Tribong
Merit

2. Saan naman ang tagpuan ng


binasang akda? Ang tagpuan po ng binasang akda ay sa
piitan, sa isang dampa kung saan nakatira
ang dalaginding na si Borte at sa
malayong nayon ng Mongolia.

3. Bakit kaya nagtatalo ang mag-amang


Yesugei at Temujin? Nagtatalo ang dalawang tauhan sa akda
sapagkat gusto po ng ama ni Temujin na
si Yesugei na makapili na nang
mapapangasawa ang kanyang anak
ngunit para kay Temujin ay masyado pa
siyang bata para sa bagay na iyon at ang
kasal ay para sa nakatatanda lamang.

4. Anong anyong pampanitikan ang


inyong napanood o binasang akda? ito po ay isang dula sapagkat ito ay
Bakit? naglalaman ng mga dayalogo ng mga
tauhan.
Bilang pagpapatuloy sa pagtalakay sa
ating aralin ay tatalakayin natin ang mga
elemento ng dula.
Ang dula ay anyong pampanitikan, ito ay
isang larawan ng buhay na sinasangkapan
ng wika, damdamin at sining.

Mayroong limang elemento ang dula:

Ano ang iskrip?


Ito ay ang mga isinasambit ng mga
tauhan.
Magaling! Ang iskrip ay ang pinakakaluluwa
ng isang dula. Lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa
isang iskrip at sinasabing walang dula kung
walang iskrip.

Ano ang gumaganap o actor?


Sila po ang nagbibigay buhay o
nagsasabuhay sa isang iskrip.
Magaling! Ano ang tanghalan?
Ito po ay ang pinagdarausan ng dula.
Ano ang director?
Ito ang namamahala at
nagpapakahulugan sa isang iskrip ng
dula.
Mahusay! Ano ang manonood?
Sila po ang sumasaksi sa pagtatanghal
ng mga actor.

C. Abstraksyon
Upang mas mapalawig pa ang inyong
mga kaalaman hinggil sa paksa ay
magkakaroon tayo ng pangkatang
gawain.

Pangkat 1: Sa pamamagitan ng
maikling dula, ipakita ang paghiling
ng bendisyon ng magulang sa
pagpapasiya at pagkatapos ay ibigay
ang sariling pananaw tungkol sa
magulang na nagpapasiya para sa
kanilang anak.

Pangkat 2: Gamit ang pormat sa


ibaba, isulat sa iba pang mga bilog
ang hinihingi sa gitnang bilog.
Isa-isahin ang mga bahagi ng dula na naglalarawan ng karaniwang pamumuhay.

Pangkat 3: Isalaysay ang


damdaming nangibabaw matapos
mabasa ang akda. Magbigay ng
reaksyon tungkol sa maagang pag-
aasawa? Sang ayon kaba rito o
hindi? Ipaliwanag.

Pangkat 4: Gamit ang graphic


organizer, paghambingin ang dulang
“Munting Pagsinta” at dulang “ Dahil
sa Anak.” Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

D.

Aplikasyon
Kung ikaw ang nasa katayuan ni
Temujin nang hikayatin siya ng
kanyang ama na pumili ng magiging
asawa ng hindi pa wasto ang edad,
ano ang iyong gagawin?
Kung ako po si Temujin ay igagalang ko
po ang kagustuhan ng aking ama
sapagkat pinapipili pa lamang naman po
niya ako ng nais kong maging asawa sa
aking murang edad. Kapag ako ay nasa
wastong edad na ay saka ko po siya
pakakasalan upang maging aking asawa.
E. Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung sinong tauhan
ang nagsabi ng mga sumusunod na
dayalogo na nagpapakita ng kanilang
karaniwang pamumuhay. Piliin ang
wastong sagot mula sa kahon sa
itaas.

Temujin Borte Yesugei

1. “Malaki ang atraso ko sa tribo, kaya’t


sa ganitong paraan ako’y
makababawi sa kanila.”
2. “Paumanhin po sa pagdedesisyon ko
nang di nagpapaalam sa inyo pero
buo po ang loob ko sa aking ginawa.
Sana’y maunawaan nyo po ako.”
3. “Di ko malaman kung ano ang dapat
kong sabihin sa iyo. Pero… sige na
nga.” 1. Yesugei
4. “Itay ako’y masyado pang bata para 2. Temujin
sa bagay na iyan. Ang kasal ay sa 3. Borte
matatanda lamang.” 4. Temujin
5. “Anong mayroon sa akin, bakit ako 5. Borte
ang pinili mo?”

Takdang-Aralin
Alamin ang cohesive reference o kohesiyong gramatikal. Magbigay ng limang (5)
halimbawa nito at gamitin sa pangungusap.

Inihanda ni
_____________________
PRINCES JANE C. MIRAL
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni
____________________
JOMIELYN RICAFORT
Gurong Tagapagsanay

You might also like