You are on page 1of 3

PAARALANG SEKONDARYANG ERNESTO RONDON

Road 3, Project 6, Quezon City


DepEd Learning Activity ( LAS )
KARAGDAGANG GAWAING -PAPEL
FILIPINO BAITANG 9
Pangalan: Baitang:
Address/Lugar: Petsa: Istor:

Aralin 5 DULA
Ikapitong Linggo
A. Panitikan : Munting Pagsinta Dula – Mongolia Mula sa Pelikula ni Sergei Bordrov Hinalaw ni
Mary Grace A. Tabora
B. Gramatika/Retorika : Cohesive Device o Kohesiyong Gramatikal (Pagpapatungkol o Reference)
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Naipaliliwanag ang naging bisa ng nabasang akda sa sariling kaisipan at damdamin F9PB-IIi-j-49
2.Nauuri ang mga tiyak na bahagi at katangian ng isang dula batay sa napakinggang diyalogo o pag-
uusap F9PN-IIg-h-48
3. Napaghahambingang mga napanood na dula batay sa mga katangian at elemento ng bawat isa
F9PD-IIg-h-48
A.Basahin at Unawain
Munting Pagsinta mula sa pelikulang Mongol: The Rise of Genghis Khan ni Sergei
Bordrov
Hinalaw ni Mary Grace A. Tabora ( hanapin sa google)
B.Dula
Alam mo ba na… Ang mga elemento ng dula
1. Iskrip
 Pinakakaluluwa ng isang dula
 Lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip
 Walang dula kapag walang iskrip
2. Gumaganap o Aktor
 Ang mga aktor o gumaganap ay ang nagsasabuhay sa mga tauhang nasa iskrip
 Sila ang bumibigkas ng diyalogo
 Sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin
 Sila ang pinanonood na tauhan sa dula
3. Tanghalan
 Anumang pook na pinagpasyahang pagdausan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan
4. Direktor
 Ang direktor ang namamahla at nagpapakahulugan sa isang iskrip ng dula
 Siya ang nag-iinterpret sa iskrip mula sa pagpasya sa kaayusan ng tagpuan, ng kasuotan
ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan
5. Manonood
 Sa kanila inilalaan ang isang dula
 Sila ang sumasaksi sa pagtatanghal ng mga aktor

C. Gawain:
Isulat sa patlang ang kahulugan ng mga salita sa bawat bilang sa pamamagitan nang pagsasaayos
ng mga titik na nasa loob ng bubble balloon.Sagutan sa ibang papel.
1. Piitan 2. Nakataya

3.Pag-ibig

ngnaukul alanayakasl

tinsa

4. Masuyo 5. galurain

mlgwiai
nhnaaip

Gabay na Tanong:

1.Bakit kaya pinili ni Temujin si Borte kaysa sa isang babae mula sa tribong Merit?
2.Tama bang hilingin ang bendisyon ng mga magulang sa pagpapasya? Bakit?
3. Anong damdamin ang nangibabaw pagkatapos basahin ang akda? Ipaliwanag.
4. Ibigay ang sariling pananaw tungkol sa mga magulang na nagpapasya para sa kanilang anak?
5. Ibigay ang ipinahihiwatig ng maagang pagpili ng babaing mapapangasawa ng isang lalaking taga-
Mongolia? Ipaliwanag.
6.Magbigay ng reaksiyon tungkol sa maagang pag-aasawa?
7.Sang ayon ka ba rito o hindi? Pangatuwiranan.

Maraming Salamat
Inihanda ni Bb. Cris Ann G. Dadivo
Guro sa Filipino 9

You might also like