You are on page 1of 4

Yugto ng Pagkatuto

Banghay-Aralin sa Filipino 9
Ikalawang Araw

B. LINANGIN

A.Kasanayang Pampagkatuto

1.Nakabubuo ng sariling paghahatol sa mga ideyang nakapaloob sa akda.


2.Nabibigyang kahulugan ang mga pahiwatig na ginamit sa binasang akda.
3.Nasusuri amg maikling kwento batay sa paksa, mga tauhan, pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari.

B. Paksang Aralin
Ang Ama- Singapore
Isinalin sa tagalog ni Mauro R.Avena

C. Kagamitan
Panitikang Asyano 9
Pitak 9
Lunsaran
Video clip
Powerpoint

D.Gawain:
1. Panimulang Gawain
a.Panalangin
b. Pagtatala ng mga mag-aaral na lumiban sa klase.

2.Pangganyak
Pinoy henyo ( laro )
Dalawang pangkat o higit pa. Kung sino ang mas mabilis na manghula ng tamang salita
sa maikling oras sila ang mananalong pangkat. Dalawang minuto bawat pangkat.

1.KURBATA
2.BATO
3.SINTURON
4.HALIGI
5.HARI

Mga Tanong:
1.Ano ang mapapasin ninyo sa mga salitang hinulaan ninyo kanina?
2.Bakit ninyo maaring iugnay ang mga salitang ito sa isang ama?

3.May ipapanood na video clip sa mga bata.

Mga tanong:
1.Anong damdamin ang nangingibabaw nang napanood ang video clip?
2.Sa palagay ninyo ano ang nais ipahiwatig ng video clip?

4.Talasalitaan:

Hanapin sa loob ng kahon ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit at bilugan
ito.( Word Search)

1.Sinorpresa sila ng kaluwagang-palad ng ama.


2.Madalas na marinig ng mga bata ang inang humihikbi.
3.Madalas mainis ang ama sa palahalinghing na anak.
4.Masamang-masama ang timpla ng ama nang matanggal sa trabaho.
5.Bumulwak ang labis na pagmamahal ng ama kay Muimui.

M D S V B N M U M K
A A R E W Q A M A L
S T P Y U A S I B D
A E M A M H D I P D
M P A I G F X Y A U
A G N B O B C A L M
A N T P N D I K A A
N A A U P S V G D L
G L D S I A B E A O
L A A O L E N D I Y
O W K O M T M F N U
O P O I U Y N G G I
B A S A F X M H S D

5.Pagbasa ng Teksto
Dugtugang pagbabasa

6.Pagtalakay sa akda
Sa pamamagitang ng pangkatang gawain.
Pangkat 1 ( Bio-data)
Ipakilala ang mga tauhan sa kwento.( maaring kanilang katangian, kalakasan at
kahinaan.)

Pangkat 2 ( story mapping)


Pagbubuod ng akda sa pamamagitan ng pagguhit.

Pangkat 3 ( Role Playing)


Isadula ang nagustuhang bahagi sa kwento at bakit ito ang ninyong napili?
Pangkat 4 (Mock-trial)
Paglalahad ng sariling paghahatol o pagmamatuwid batay sa mga pangyayari sa
kuwento.

7.Presentasyon ng bawat pangkat


Reaksiyon ng mag-aaral
Reaksiyon ng guro
Karagdagang kaalaman ng guro. ( Input ng guro)

* Ang maikling kuwentong “ Ang Ama” ay isang halimbawa ng maikling kuwentong


makabanghay dahil nakatuon ito sa pagkakbuo ng mga pangyayari. Mahalagang
matukoy ang pagkakasnod-sunod ng mga pangyayari at ang estilo ng may-akda.

8. Kislap Diwa

Nalaman ko…..
Natutuhan ko…

9.Takdang Aralin:

Ang Pangatnig at transitional devices ay nakaktulong sa pagkakasunod-sunod ng


mga pangyayari sa isang kuwento.
Isulat sa inyong kwaderno ang mga tungkulin at ginagampanan ng pangatnig at
transitional devices.

Inihanda ni Bb.Cris Ann G. Dadivo


Ernesto Rondon High School

You might also like