You are on page 1of 3

PAARALANG SEKONDARYANG ERNESTO RONDON

Road 3, Project 6, Quezon City


DepEd Learning Activity ( LAS )
KARAGDAGANG GAWAING -PAPEL
FILIPINO BAITANG 9
Pangalan: Baitang:
Address/Lugar: Petsa: Istor:

Aralin 4. Maikling Kuwento


Ikaanim na Linggo
A. Panitikan : Niyebeng Itim Maikling Kuwento – Tsina ni Liu Heng (Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra)
B. Gramatika/Retorika : Pagpapalawak ng Pangungusap Gamit ang Panuring (pang-uri at pang-abay)
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nasusuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng
napakinggang salaysay F9PN-IIe-f-48
2 Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento F9PB-IIe-f-48
3 Naisusulat ang isang paglalarawan ng sariling kultura na maaaring gamitin sa isang pagsasalaysay F9PU-
IIe-f-50
Basahin at Unawain
A. Niyebeng Itim Maikling Kuwento – Tsina ni Liu Heng (Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra)
(hanapin sa google)
B. Alam mo ba na Sa kuwento ng tauhan, nakapokus ang mga pangyayari sa tauhan upang
mabigyan ng kabuuang pag-unawa ang mga mambabasa tungkol sa kanila. Pinapahalagahan
naman sa kwento ng katutubong-kulay ang tagpuan - ang pook/lugar na pinangyarihan ng
kwento. Karaniwan ay maraming paglalarawan tungkol sa pook - hindi lamang pisikal kundi
pati na rin ang mga pangkalahatang pag-uugali ng mga tao roon, ang kanilang mga
kilos/gawi, mga paniniwala, pamahiin, at pananaw sa buhay. -mula sa Sambotani III ni
Bernie C. Santos, 2007
C. Gawain 1
Ipaliwanag ang sumusunod na kaisipang hango sa kuwentong binasa.
Kaisipang Hango sa Kuwento Paliwanag
1.Kailangang palakasin niya ang kaniyang loob kung ididilat lamang
niya ang kanyang mata,paandarin ang utak at hindi matakot
magtrabaho, maayos ang lahat.
2. Saanman siya magpunta, laging may nagsasabi sa kaniya kung
ano ang dapat at di-dapat gawin; sa pagtingin sa kaniya nang
mababa, umaangat ang kanilang sarili.
3.Gusto niyang lumaban, pero wala siyang lakas. Kaya
magpapanggap siyang tanga, umiiwas sa mga nagmamasid at
nagmamatyag.
4. Isa siyang basurahan o isang pirasong basahan na nais magtago
sa isang butas.
5.Mas mabuting maghintay kaysa umayaw, dahil walang
nakakaalam kung kailan kakatok ang oportunidad.
Gabay na tanong:
1. Sino ang mga tauhan sa kuwento ? Ipakilala.
2. Ilarawan ang tagpuan ng kuwento. Sa iyong palagay, anong panahon naganap ito ?
Patunayan.
3. Ano ang tema ng kuwentong binasa ?
4. a. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento ? b. Ano ang suliraning taglay ng pangunahing
tauhan ? c. Paano hinarap ni Hiuquan ang kaniyang problema ? d. Paano sinikap ni Huiquan
na
malutas ang kanyang suliranin ? e. Ano ang mga hakbang na kanyang isinagawa ?
f. Ano ang kinalabasan ng mga hakbang na ito ?
D.Pagsasanib ng Gramatika/Retorika
Ang panaguri at paksa ay panlahat na bahagi ng pangungusap.Ang bawat isa sa
dalawang panlahat na mga bahaging ito na maaaring buuin pa ng maliliit na bahagi.
Ang mga pampalawak ng pangungusap ay
(1) paningit, (2) panuring (pang-uri at pang-abay), at (3) pamuno at mga kaganapan.
Ang panuring bilang pampalawak ng pangungusap. Dalawang kategorya ng mga salita ang
magagamit na panuring, ang pang-uri na panuring sa pangngalan o panghalip at ang pang-abay
na panuring sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. Naririto ang ilang pangungusap na
nagpapakita ng pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-uri.
Batayang pangungusap: Si Huiquan ay bilanggo.
1. Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang-uri:
Si Huiquan na ulila ay bilanggo.
2. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pariralang panuring:
a. Si Huiquan na ulila ay dating bilanggo.
b. Si Huiquan na ulila sa mga magulang ay dating bilanggo.
c. Si Huiquan na ulila sa mga magulang ay dating bilanggo sa Tsina.
d. Si Huiquan na ulila sa mga magulang na mahilig magbasa ng aklat ay dating bilanggo
sa
Tsina.
1.Pagpapalawak sa pamamagitan ng ibang bahagi ng panalita na gumaganap ng tungkulin ng
pang-uri.
a. Pangngalang ginagamit sa panuring:
Si Huiquan na tindero ay dating bilanggo.
b. Panghalip na ginagamit sa panuring:
Si Huiquan na tinderong iyon, ay dating bilanggo.
c. Pandiwang gingamit na panuring:
Si Huiquan na tinderong iyon na sumisigaw ay dating bilanggo.
2. Bigyang-halimbawa naman natin ang mga pampalawa na pang-abay.
a. Batayang pangungusap: Umalis si Maciong.
b. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-abay na pamanahon: Umalis agad si Maciong.
c. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-abay na pamaraan:Patalilis na umalis agad si
Maciong
Pagsasanay 1. Isip… Isip…
Mula sa mga pangungusap na hango sa mga tekstong binasa, palawakin ang pangungusap batay
sa dalawang kategorya na iyong pinagaralan. Isulat sa papel ang iyong sagot.

1. Palawakin ang pangungusap gamit ang pang-uri


Si Tiyo Li ay pulis.
2. Palawakin ang pangungusap gamit ang pang-abay
Bumili ang ale.
Maraming Salamat
Inihanda ni Bb. Cris Ann G. Dadivo
Guro sa Filipino 9

You might also like