You are on page 1of 2

PAARALANG SEKONDARYANG ERNESTO RONDON

Road 3, Project 6, Quezon City


DepEd Learning Activity ( LAS )
KARAGDAGANG GAWAING -PAPEL
FILIPINO BAITANG 9
Pangalan: Baitang:
Address/Lugar: Petsa: Istor:

Aralin 2.1 Pabula


A. Panitikan: Ang Hatol ng Kuneho Pabula - Korea Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
B. Gramatika/ Retorika: Modal (gamit bilang malapandiwa, bilang panuring); Mga Uri
nito: (nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad at pagkagusto, sapilitang
pagpapatupad, hinihinging mangyari, at nagsasaad ng posibilidad)

Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong napakinggan
2. Nakagagamit ng iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin

Balik-aral: ( Hatol ng Kuneho)


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong ukol sa pabula. Alamin kung sino sa tauhan ang
may pahayag at ipaliwanag kung anong damdamin ang nakapaloob.
1. “Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?”
Sagot:
2. “Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon. Tanungin natin ang kuneho para sa
kaniyang hatol kung dapat mo ba akong kainin.”
Sagot:
3. “Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom na ako!”
Sagot:
4. “Tingnan natin. Sabi mo nahulog ka sa hukay at ikaw naman ay nakatayo dito sa itaas.
Pumunta kayo sa mga posisyon ninyo noon upang mapag-isipan ko nang mabuti ang aking
hatol.”
Sagot:
5. “Dapat mo siyang kainin! Tingnan mo, mula ng kami ay maisilang naglilingkod na kami sa
mga tao.”
Sagot:

TALASALITAAN:
PANUTO: Tukuyin ang katangian ng bawat hayop na nakasulat sa bawat bilang sa
pamamagitan ng pagpapalit-letra. Buuin ang salita ayon sa ibinigay na katapat na bilang. A-
1, B-2, D-4, E-5, G-7, H-8, I-9, K-11, L-12, M-13, N-14, 0-15, P-16, R-18, S-19, T-20, U-21, W-
23, Y-25
1. Pusa 13-1-12-1-13-2-9-14- 7
2. Kuneho 13-1-2-9-12-9-19
3. Langgam 13-1-19-9-14-15-16
4. Paruparo 16-1-12-1-12-15
5. Unggoy 13-1-20-1-12-9-14-15
Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang nabuong salita.
1.________________________________________________________________________
2.________________________________________________________________________
3.________________________________________________________________________
4.________________________________________________________________________
5.________________________________________________________________________

Karagdagang Gawain
Panuto: Bilang kabataan na pag-asa ng bayan, ano ang damdaming iyong nararamdaman sa
nakikita nating suliranin sa bansa at sa buong mundo? Ano ang maimumungkahi mo upang
maiwasan ang pang-aabuso sa hayop at sa kalikasan. Ihayag ang iyong damdamin ukol sa
sitwasyon.

Maraming Salamat!
Inihanda ni
Bb. Cris Ann G. Dadivo
Guro sa Filipino 9

You might also like