You are on page 1of 5

South Mansfield College

Roman Cruz Ave. Soldiers Hills Village, Muntinlupa City

SENIOR HIGH SCHOOL DIVISION


Academic Year 2020-2021
UNANG TERMINO
Student Number
Preliminaryong Pagsusulit

FilRes 1

Pangalan: ___________________________________ Petsa: __________________

Student Academic Integrity Code


I do hereby renew my commitment to observe, practice, and pursue the highest degree of intellectual
honesty and integrity in academic conduct by not choosing to cheat, lie, or plagiarize in accomplishing any
academic work. So help me God.

________________________________
Signature
PANGKALAHATANG PANUTO
Basahing mabuti ang mga tanong at isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
Isulat sa espasyong inilaan ang kasagutan sa sanaysay.

Panuto: Tukuyin ang batas Pangwika na isinasaad ng pahayag.

1. Ang pangunahing layunin ng Proklamsyong itinatag ni Dr. Quisumbing ay


“pagpapalaganap ng Filipino bilang wika ng literasi” at ang paggamit ng Ingles
bilang “di-eklusibong wika ng siyensya at teknolohiya.”

A. Kautusang Pangkagawaran Bilang 32, serye ng 1987


B. Kautusang Pangkagawaran Bilang 42, serye ng 1987
C. Kautusang Pangkagawaran Bilang 52, serye ng 1987
D. Kautusang Pangkagawaran Bilang 62, serye ng 1987

1|Page
FilRes 1
Prelim
2020-2021
South Mansfield College
Roman Cruz Ave. Soldiers Hills Village, Muntinlupa City

2. Batas na nagsulong upang magtatag ng Suriang Pambansang naglalayon “na


mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad
at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na
wika.”
A. Batas Komonwelt Blg. 164
B. Batas Komonwelt Blg. 174
C. Batas Komonwelt Blg. 184
D. Batas Komonwelt Blg. 194

3. Ang Probisyon sa Artikulo XIV ng Konstitusyon ng Pilipinas ng 1935 ay


naglalayong…

A. Gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng


isang wikang pambansa na batay sa wikang Tagalog.

B. Gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng


isang wikang pambansa na batay sa wikang Kastila at Ingles.

C. Gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng


isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na wikang
katutubo at wikang Ingles.

D. Gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng


isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na wikang
katutubo.

4. Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay nagsasaad na…

A. Nais ng batas na itong pagtibayin ang Filipino “bilang batayan ng


wikang pambansa ng Filipinas

B. Nais ng batas na itong pagtibayin ang Tagalog “bilang batayan ng


wikang pambansa ng Filipinas

C. Nais ng batas na itong pagtibayin ang Katutubong wika “bilang


batayan ng wikang pambansa ng Filipinas

D. Nais ng batas na itong pagtibayin ang Pilipino “bilang batayan ng


wikang pambansa ng Filipinas

2|Page
FilRes 1
Prelim
2020-2021
South Mansfield College
Roman Cruz Ave. Soldiers Hills Village, Muntinlupa City

5. Sa panahon ni Manuel L. Quezon, noong ika-7 ng Hunyo 1940 ipinagtibay ang


batas na kumikilala sa Wikang Filipino bilang opisyal na wika ng Pilipinas. Anong
batas ang nagsasaad nito?

A. Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 470


na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino bilang isa sa mga opisyal
na wika ng Filipinas.

B. Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 670


na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino bilang isa sa mga opisyal
na wika ng Filipinas.

C. Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 770


na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino bilang isa sa mga opisyal
na wika ng Filipinas.

D. Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 570


na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino bilang isa sa mga opisyal
na wika ng Filipinas.

Panuto: Tukuyin ang barayti ng wika batay sa pahayag.

A. Sosyolek B. Idyolek
C. Dayalek D. Register

6. Palihug mahal dili ko gipasabut nga masakitan ka ug mahulog sa uban. Pasayloa


ko, mahal. Gihigugma tika Pasensya, Paalam!

7. You know what? Ang sabi niya sa akin, ako lang daw ang kanyang one and only
love! Like “wth”, right? I know naman na he is manloloko like other guys.

8. Sabi ng aming guro kahapon, kailangan daw naming bumili ng organ para sa
science project namin. Gayundin para sa aming music class dahil tutugtog kami
bilang paghahanda sa class recital.

3|Page
FilRes 1
Prelim
2020-2021
South Mansfield College
Roman Cruz Ave. Soldiers Hills Village, Muntinlupa City

9. “Ta daw dae mo ako mahiling bilang tawo? “Ta pirmi mo kong pigkukulugan,
wara ka na bang pagkamuot sa’ko? Bako pa ba akong sapat sa imo? Aram
mong gabos na buhay ko itinao ko sa imo, dawa anong sabihon kang gabos na
tawo sa relasyon tang ini.

10. Ay Mars! Jusmi! Napaka-jinit Jackson naman ditey, tingnan mo nga ang feslak ko
day! Haggardo versosa na ang lola mo, knows mo naman na may awra pa ko!

Panuto: Tukuyin kung anong tungkulin ng wika ang isinasaad ng bawat pahayag.

A. Instrumental B. Heuristiko
C. Regulatori D. Impormatibo

11. Magsaliksik ng mga impormasyon tungkol sa mga pangyayari noong dekada 70


at alamin ang nagging epekto nito sa ating bansa.

12. Ma, gusto ko sanang kumain ng sinigang mamaya. Pwede bang iyon na lang ang
hapunan natin?

13. Alam mo ba na ang Pananaliksik ay isa sa pangunahing pangangailangang


kahingan ng bawat paaralan, naglalayon itong mahasa ang mga mag-aaral na
mag-isip nang malawak at mahasa sa gawaing teknikal na pagsulat.

14. Napakalayo ng tawiran, kailangan mo pang umakyat ng foot bridge para lang
makatawid, may nakalagay kasing “Bawal tumawid dito! May namatay na!”
kaya walang ibang pagpipilian kundi ang umakyat sa hagdan.

15. Magandang Umaga po Maam! Magtatanong lang po sana kami ng ilang


mahahalagang impormasyon tungkol sa inyo para po sa Census natin. Ano po
ang pangalan ninyo?

4|Page
FilRes 1
Prelim
2020-2021
South Mansfield College
Roman Cruz Ave. Soldiers Hills Village, Muntinlupa City

Pagbabaybay

Panuto: Baybayin ang mga sumusunod na salita.

16. Daglat ng kagawad


17. National Disaster Risk Reduction and Management Council
18. Gloria Macapagal Arroyo
19. Magnesium
20. Philippines

Sanaysay

Panuto: Sagutin ng komprehensibo ang katanungan. Binubuo ng lima o higit pang


mga pangungusap ang kasagutan.

Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman 3
Gramatika 2
Kabuuan 5 puntos
21-25

Paano nakaaapekto at nakatutulong sa ating wika ang pagbabagong


nagaganap sa ating bansa?

26-30

Bilang isang kabataan, ano ang tungkulin at gampanin mo upang


mapagtibay at mapagyaman ang kultura at wikang Filipino sa kabila nang
malawakang impluwensiya ng iba’t ibang bansa? Ipaliwanag.

Prepared by: Reviewed & Checked by: Approved by:

Bb. Judievine Grace C. Celorico Ms. Jennifer C. Pre Mr. Rolly S. Donato
Subject Teacher SAH – Filipino / Deputy Principal School Head Principal

5|Page
FilRes 1
Prelim
2020-2021

You might also like