You are on page 1of 9

1

Pangalan: _________________________________________Guro: ___________________________

Baitang at Seksyon: _______________________________ Petsa : __________________________

Aralin Ang Kahulugan at Kabuluhan ng Wika

1 Isinulat ni: Princess Loren D. Ybañez

Mga Inaasahan

Sa araling ito, matututuhan mo ang kahulugan at kabuluhan ng wika sa ating


lipunan. Mauunawaan mo rin ang mga konseptong pangwika na
makapagpapalawig ng iyong sensibilidad sa iyong pambansang
pagkakakilanlan.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang


kasanayang:
1. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
(F11PT-Ia-85)

Alam kong nais mo nang magsimula sa pagbabasa pero sagutin mo muna


ang unang Gawain.

Paunang Pagsubok

Basahin/Kantahin ang tatlong liriko ng awiting “Puhon” ni TJ Monterde at


sagutin ang kasunod na mga tanong.

Hindi pa panahon
Dili pa panahon Kaya maghihintay ako
Maghulat ko sa puhon I will wait until the the right
Kung kailan maaaring
time comes when we can be
Kung kanus-a pwede na tang maging tayo.
as one.
duha. Ako’y napapangiti’t
I am wondering what’s
Sa daplin magpahiyom: nagtataka:
special with you that leaves
Ano bang meron sayo?
Unsa ba'y imong gahom? me smiling?
Sa tuwing pinagmamasdan
Nga sa mata nimo mawala A look into your eyes keeps
kita sa mata ay
man ang tanang my day right, my dear.
Napapawi lahat ng pagod ko,
This is the truth…
Kasakit ko Inday. giliw.
Kana'y tinud-anay… ‘Yan ang totoo…

Modyul sa Senior High School - Filipino


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan: Unang Linggo
2

____1. Ano ang tono ng awitin?


A. malungkot B. maligaya C. umaasa D. umiibig
____2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI wikang ginamit sa tatlong bersyon ng
awitin?
A.Cebuano B. Tagalog C. Ingles D. Ilokano
____3. Ano ang mahihinunhang kahulugan ng salitang puhon mula sa tatlong
magkakaibang bersyon ng awitin?
A. darating na panahon C. susunod na pagkakataon
B. tamang panahon D. parating na pagkakataon

____4. Sino ang boses sa likod ng awitin?


A. lalaking nililigawan C. asawang babae
B. babaeng nililigawan D. asawang lalaki
____5. Sino ang pinaglalaanan ng awitin?
A. lalaking nililigawan C. asawang babae
B. babaeng nililigawan D. asawang lalaki
____6. Paano ginamit ang wika sa liriko ng awitin?
A. interaskyunal C. heuristiko
B. regulatori D. imahinatibo
____7. Anong kulturang Pilipino ang masasalamin sa liriko ng awitin?
A. pagliligawan C. pagkamalikhain
B. pagmamalasakitan D. pagiging magalang
____8. Anong salita ang may magkaparehong tumbas sa liriko ng awitin?
A. Inday C. puhon
B. panahon D. totoo
____9. Ano ang mensahe ng awitin?
A. umaawit ang taong umiibig C. nakapag-aantay ang pag-ibig
B. matapat ang taong umiibig D. malikhain ang taong may pag-ibig
____10. Mayroon bang naging pagbabago sa mensahe ng awitin dahil sa wikang
ginamit?
A. wala, napanatili ang mensahe C. mayroon, nabago ang diwa ng awitin
B. walang kinalaman ang wika dito D. mayroon, nagulo ang tono ng awitin

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, malalaman mo ang tungkol sa kahulugan at kabuluhan ng wika


at mga konseptong pangwika.

Wika

Ang salitang wika ay nagmula sa wikang Malay na tumutukoy sa dila. Ang


dila, bilang aparato sa pagbuo ng makabuluhang tunog at salita, ang mekanismo ng
tao sa pakikipagtalastasan. Inilarawan ni Henry Gleason, isang lingguwista, ang wika
bilang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos
sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabahagi at kasama sa isang
kultura.

Isa-isahin natin ang ibinigay na depinisyon ni Gleason:

Sistematikong balangkas ang wika dahil dumaan ito sa proseso. Mayroon itong
sinusunod na sistema sa pagsulat (ortograpiya), pinag-aaralan ang mga

Modyul sa Senior High School - Filipino


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan: Unang Linggo
3

makabuluhang tunog at mga kombinasyon nito (ponolohiya), mayroon ding


alituntunin sa pagbuo ng mga salita (morpolohiya) at pangungusap (siktaksis), at may
paraaan ng pagbibigay kahulugan sa mga pangungusap (semantiks).

Binibigkas na tunog sapagkat maging ang pinakamaliit na yunit ng tunog


(ponema) ay may kaakibat na kahulugan. Ang binibigkas na tunog na ito ay likas at
pikatiyak na anyo ng simbolikong gawaing pantao na nabubuo sa pamamagitan ng
labi, dila, ngipin, galagid, at ngala-ngala ng tao.

Pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo ang wika dahil sa halos natural at


hindi namamalayang proseso sa pagtatalaga ng mga alituntuning pangwika. Ito ay
napagkasunduan dala ng pang-araw-araw na pangangailangan ng tao sa isang
komunidad na magkaroon ng pagkakaunawaan at kontrol sa kahulugan ng isang
salita o simbolo.

Samakatuwid, ang wika ay ang pinakadetalyadong kakayahang pantao na


ginagamit upang maipahatid ang kaisipan, hangarin, at/o mithiiin ng tao. Ito ay
buhay, patuloy na umuunlad, at nagbabago upang makatugon sa pangangailangan ng
tao at ng kaniyang komunidad. Simbolo ito ng mayamang kultura ng isang lahi at
susi sa pagkakabuklod-buklod ng sambayanan.

Katangian ng Wikang Filipino

Ayon sa mga pag-aaral, ang wikang Filipino ay binubuo ng mahigit 5 000


banyagang salita mula sa Kastila, 3 200 galing sa Malay, 1 500 mula sa Tsino, 1 500
hiram na salita mula sa Ingles at ilang daan mula sa iba pang wika gaya ng Griyego,

Saksrit, Russian, atbp. Dala ng mga impluwensiyang ito, ang wikang Filipino ay
itinuring na (1) highly agglutinative o mayroong napakayamang panlapi, at mayroong
(2) verbalizing power, kung saan ang pangngalan ay nagiging pandiwa. Sa
pamamagitan ng mga katangiang ito, ang wikang Filipino ay buhay na buhay at
nagagamit sa talastasan ng sambayanan.

Alituntunin sa Pagtatagala ng Wikang Pambansa, Wikang Opsiyal, At Wikang


Panturo

Wikang Pambansa- isang wikang daan ng pagkakaisa at simbolo ng


kaunlaran ng isang bansa. Ito ay dapat nasa estado ng pagiging lingua franca o
malawakang sinasalita at nauunawaan ng sambayanan sa isang dimensyong
heograpiko. Ito ay salalayan ng pambansang pagkakakilanlan at nararapat na bukas
sa lahat ng panghihiram, mula sa katutubo at banyagang wika, upang patuloy na
umunlad at maging ganap na wikang panlahat.

Wikang Opisyal-wikang naisabatas o itinadhana ng batas na maging opisyal na


wika ng komunikasyon, transaksiyon o pakikipag-ugnayan ng sambayanan sa
pamahalaan sa pasalita, lalo’t higit sa pasalitang paraan.

Wikang Panturo- nauukol sa wika ng pagtuturo at pagkatuto ng mag-aaral


kaya dito nakasalalay ang pagiging literado ng sambayanan.

1. Batas ng Biak na Ang Tagalog ang magiging opisyal na Wika ng


Bato noong 1897 Pilipinas

2. Konstitusyon ng Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang


1935, Artikulo XIV, tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
Sek. 3 wikang Pambansa na batay sa mga umiiral na
katutubong wika. Hanggat’ hindi nagtatadhana ng

Modyul sa Senior High School - Filipino


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan: Unang Linggo
4

iba ang batas, ang Ingles at Kastila ang patuloy ng


gagamiting mga wikang opisyal.

3. Kautusang Pinili at iprinoklama ni Pangulong Quezon ang


Tagapagpaganap Blg. Tagalog bilang batayan ng bagong pambansang wika
134 noong 1937

Ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang


4. Taong 1940 Pambansa sa lahat ng pampubliko at pribadong
paaralan sa buong bansa.

Ipinagkaloob ng mga Amerikano ang ating


Kalayaan, ang Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas.
5. Batas Komonwelt
Ipinapahayag din na ang wikang opisyal ng bansa ay
Blg. 570 noong 1946
Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Blg.
570

Ibinaba ni Kalihim Jose B. Romero ang


6. Kautusang
kautusan kung saan tatawagin ang Wikang
Pangkagawaran Blg.
Pambansa na Pilipino upang higit na maging
7 noong 1959
katanggap-tanggap sa mga hindi Tagalog.

Upang matuldukan ang hidwaang pangwika sa


pagitan mga Tagalog at di-Tagalog, ang mga
tagapagbalangkas ng Saligang-Batas ng 1972 ay
isinaalang-alang ang sosyo-politikal na konteksto sa
7. Saligang Batas 1973 pagpasok ng probisyong pangwika na ito.

“Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa


ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
adapsyon ng panlahat na wikang pambansang
tatawaging Filipino.”

6- “ Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay


Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat
payabungin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas
at iba pang mga wika.”
8. Saligang Batas 1987, 7-“ Ukol sa layunin ng komunikasyon at
Artikulo XIV sek. 6-7 pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino, at hanggat’ walang ibang itinatadhana ang
batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon at
magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo
roon.”

Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating mga tinalakay. Kung may


bahaging hindi mo lubos na naunawaan ay huwag kang mag-atubiling
magtanong sa iyong guro. Maaari mo nang sagutin ang mga gawain sa
kasunod na bahagi.

Mga Gawain

Modyul sa Senior High School - Filipino


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan: Unang Linggo
5

Gawain 1.1 Pagsagot sa mga Tanong

Basahin mabuti ang sumusunod na pahayag at tukuyin kung anong


katangian ng wika ang inilalahad dito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang.

a. Ang wika ay likas.


b. Ang wika ay tunog.
c. Ang wika ay arbitraryo.
d. Ang wika ay nagbabago.
e. Ang wika ay komunikasyon.
f. Ang wika ay nakabatay sa kultura.
g. Ang wika ay masistemang balangkas.

_______1. Salalayan ng malawak na karanasan ng isang bansa ang kaniyang wika.

_______2. Ang bawat titik sa alpabeto ay may kani-kaniyang kumakatawan na tunog.

_______3.Sinasabing ang wika ay may kadikit na identidad at kasaysayan ng isang


lipunan.

_______4.Maraming kakaibang terminong umuusbong ang ginagamit ng mga kabataan


sa kasalukuyan.

_______5. Ang salitang lagay ay maaaring tumukoy sa kondisyon ng isang tao o kaya
ay suhol sa isang tiyak na gawain.

_______6. Ang Filipino ay patuloy na dumaraan sa proseso ng panghihiram sa mga


katutubo at banyagang wika upang patuloy itong malinang.

_______7. May ilang terminong Hapon, Intsik, at Koreano ang magkatulad ang
karakter/baybay ngunit may malaking pagkakaiba sa kahulugan.

_______8. Lahat ng wika ay may alituntunin at estrukuturang sinusunod at ito ang


batayan upang makapaghatid ng makahulugang mensahe sa ibang tao.

_______9. Bagaman maraming hayop ang nakauusal din ng tunog, hindi ito
maituturing na wika dahil sa kanilang kakulangan sa aparato na kailangan
upang makapagsalita.

_______10. Bago matutong bumasa ang isang bata, kailangan muna nitong kumilala
ng tunog. Susundan ito ng pagsasama-sama ng makabuluhang tunog upang
makabuo ng salita, hanggang makagawa ng payak na parirala at pangungusap.

Gawain 1.2 Pagsulat

Ipaliwanag gamit ang mga konseptong pangwikang natalakay ang mga


sitwasyon/katanungang mababasa sa bawat bilang. Sikaping maging tiyak at
malinaw sa pagpapaliwanag na binubuo ng 3-5 pangungusap.

1.Paano nagiging daan sa pagkakaisa at pag-unlad ang wikang Filipino?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

2.Paano nakatutulong ang paggamit ng Wikang Filipino upang malinang ang ugnayan
ng ating pamahalaan at ng mamamayang Pilipino?

______________________________________________________________________________

Modyul sa Senior High School - Filipino


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan: Unang Linggo
6

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

3.Paano nakatutulong ang paggamit ng Wikang Filipino upang malinang ang


kasanayang literado ng sambayanan?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________.

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:

Mga katangian ng sagot : 5 – taglay ang 3 pamantayan

 Kumpleto ang ideya ng sagot. 3 – dalawang pamantayan


 Malinaw ang pagpapaliwanag. lamang
 Maayos at may tamang bantas ang
pangungusap. 1 – isang pamantayan lamang

Mahusay! Natapos mo ang mga gawain ibinigay. Patuloy mo pang


palawakin ang iyong kaalaman.

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang kahulugan at kabuluhan ng wika at mga


konseptong pangwika, narito ang mga dapat mong tandaan.
1. Ang wika ay sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabahagi at
kasama sa isang kultura.
2. Ang wikang Filipino ay highly aggutinative at may verbalizing power. Ang
wikang Pambansa ay isang wikang daan ng pagkakaisa at simbolo ng
kaunlaran ng isang bansa.
3. Ang opisyal na wika ay ang itinadhana ng batas na maging wika ng
komunikasyon, transaksiyon o pakikipag-ugnayan ng sambayanan sa
pamahalaan.
4. Ang wikang panturo ay nauukol sa wika ng pagtuturo at pagkatuto ng mag-
aaral.

Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong
mga natutuhan.

Modyul sa Senior High School - Filipino


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan: Unang Linggo
7

Pag-alam sa mga Natutuhan

Maraming ka bang natutuhan tungkol sa wika at mga konseptong pangwika?


Kung susulat ka ng isang likhang-batas kung paano mo mapangangalagaan ang
Wikang Filipino sa gitna ng globalisasyon, ay ano ang isusulat mo? Sundin ang
mekaniks sa ibaba.

1. Ang paglalahad na gagawin ay binubuo ng isang talata lamang na may 5-8


pangungusap.
2. Isaalang-alang ang konseptong pangwikang natalakay sa pagbuo ng sariling
likhang-batas.
3. Sundin ang pamantayan sa pagsulat.

Nilalaman ____/5 Gramatika____/3 Kaisahan ng ideya____/2

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin at unawain ang bawat bilang at piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

_____1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI isang katangian ng wika?


A. Ito ay arbitraryo C. May superyor na wika
B. Ito ay masistemang balangkas D. May pulitika ang wika
_____2. Anong konseptong pangwika ang tinuturing na daan ng pagkakaisa at
simbolo ng kaunlaran ng isang bansa?
A. Wikang katutubo C. Wikang Opisyal
B. Wikang Panturo D. Wikang Pambansa
_____3. Anong artikulo ng ating Saligang Batas (SB) ang nagpatibay sa
pangangalaga sa Wikang Pambansa ng Pilipinas
A. Artikulo VI sekyon 14 ng SB 1987
B. Artikulo VII sekyon 14 ng SB 1986
C. Artikulo XIV seksyon 16 ng SB 1987
D. Artikulo XIV seksyon 6 ng SB 1987
_____4. Ano ang itinakda ng kasalukuyang konstitusyon bilang wikang opisyal ng
Pilipinas?
A. Filipino at Ingles C. Filipino at Kastila
B. Filipino, Ingles at Kastila D. Ingles
_____5. Sino ang nagbaba ng kautusan na tawaging Pilipino ang Pambansang
Wika?
A. Kalihim Jose Romero C. Pang. Manuel Quezon

Modyul sa Senior High School - Filipino


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan: Unang Linggo
8

B. Kalihim Manuel Robredo D. Pang. Diosdado Macapagal


_____6. Kailan pormal na itinuro sa mga paaralan sa buong bansa ang Tagalog?
A. 1897 B. 1940 C. 1987 D. 2000
_____7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng Wikang Filipino
A. Lingua franca C. May verbalizing power
B. Highly agglutinative D. Ekslusibong wika ng Maynila
_____8. Alin sa mga sumusunod ang magsisilbing pantulong na wika sa pagtuturo
maliban sa mga wikang opisyal?
A. Wikang Panrehiyon C. Wikang Pormal
B. Wikang Pambansa D. Wikang Pampanitikan
_____9. Bakit pinili ang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa?

I. Ang Tagalog ay superyor na wikang gamitin sa mga pag-uusap ng mga


Pilipino at marami ang nakauunawa rito.
II. Ang Tagalog ay hindi nahahati sa mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika,
hindi tulad ng Bisaya.
III. Higit na mas maraming aklat at panitikang nasusulat sa Tagalog kaysa
sa iba pang katutubong wikang Awstronesyo.
IV. Ang Tagalog ang wika ng Maynila – ang kabiserang pampolitika at pang-
ekonomiya sa buong bansa.
V. Ang Tagalog ang wikang ginamit ng rebulosyon at mahalagang salik ng
kasaysayan.
A. I, II, III, IV, V C. II, III at V
B. II, III, IV at V D. II, IV at V

_____10. Anong wika ang kadalasang ginagamit sa lehislatibong sangay ng


bansa?
A. Wikang Pambansa C. Wikang Pormal
B. Wikang Panturo D. Wikang Opisyal

Pagninilay

Ikaw ngayon ay nasa huling bahagi na ng iyong gawain. Bilang mag-aaral na


Pilipino, bumuo ka ng isang Pangakong Testamento kung paano mo lilinangin
ang Wika ng ating bansa. Magtala ng 5 paraan sa iyong paliwanag.

Ang paglinang sa Wikang Pambansa ay____________________________. Bilang


isang mag-aaral na Pilipinong may pagmamahal sa aking wika, aking ipinapangako sa
testamentong ito na aalagaan ko ang Wikang Filipino sa pamamagitan ng
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________.

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:

Mga katangian ng sagot : 5 – taglay ang 3 pamantayan

 Nakabuo nang maayos na testamento. 3 – dalawang pamantayan


 Kumpleto ang diwa ng awtput. lamang
 Malinaw ang pagpapaliwanag.
1 – isang pamantayan lamang

Modyul sa Senior High School - Filipino


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan: Unang Linggo
9

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung


mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring
makipag-ugnayan ka sa iyong guro.

Modyul sa Senior High School - Filipino


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan: Unang Linggo

You might also like