You are on page 1of 4

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Ano ang Wika?


Maraming naging pagpapakahulugan ang wika batay sa ibat-ibang dalubhasa ng wika.

Gleason- Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa


paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Bienvenido C. Lumbera- “Parang hininga ang wika”

Alfonso O Santiago – “Wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin,
kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at katarungan, moralidad, paniniwala at mga kaugalian
ng tao sa lipunan”.

ILAN PANG KAALAMAN HINGGIL SA WIKA


HOMOGENOUS AT HETEROGENOUS
Homogenous ang sitwasyong pangwika sa isang bansa kung iisa ang wikang sinasalita
ng mga mamamayan dito.
Heterogenous Tumutukoy sa sitwasyong pangwika na mayroong maraming wikang umiiral at
may mga varayti ang wikang ito.

WIKANG PAMBANSA
Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at may konstitusyunal na batayan ang
pagiging pambansang wika ng Filipino. Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng
Konstitusyon ng 1987, nakasaad na, ang “Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
WIKANG PANTURO
Bukod sa pagiging pambansang wika ng Pilipinas, iniaatas din ng Konstitusyon ng 1987
ang paggamit sa Filipino bilang wikang panturo. na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo
sa sistemang pang-edukasyon.”
OPISYAL NA WIKA
Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika na binigyan ng natatanging pagkilala sa
konstitusyon bilang wikang gagamitin sa opisyal na transaksiyon ng pamahalaan. May dalawang
opisyal na wika ang Pilipinas – Filipino at Ingles.
Ang konsepto ng multilinggwalismo at bilinggwalismo ay
magkaiba. Ang pagkakaiba ng multilinggwalismo at bilinggwalismo ay may kinalaman sa
bilang ng wika na ginagamit ng isang tao.
Ang multilinggwalismo ay ang paggamit ng maraming wika (dalawa o higit pang
wika), anuman ang lebel ng kaalaman sa bawat wika.
Sa kabilang banda, ang bilinggwalismo naman ay ang paggamit ng dalawang wika
nang magkasalit.

Kahulugan at Uri ng Varayti


Ang varayti ay ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa.
Maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita.
Sa heograpikal na varayti, nasa katawagan at kahulugan ng salita ang pagkakaiba.
Sa morpolohikal na varayti, ang pagkakaiba ay nasa anyo at ispeling ng salita at hindi sa taglay
na kahulugan nito.
Samantala, sa ponolohikal na varayti, nasa bigkas at tunog ng salita ang pagkakai

TUNGKULIN NG WIKA
1. INTERAKSYONAL – ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag at
pagpapanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao.
2. INSTRUMENTAL – Instrumental ang tungkulin ng wika para may mangyari o may
maganap na bagay-bagay. Ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan.
3. REGULATORYO – ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos
o asal ng ibang tao.
3. PERSONAL - ang tungkulin ng wika sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
4. IMAHINATIBO – ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa
malikhaing paraan.
5. HEURISTIK – ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap o paghihingi ng
impormasyon sa pamamagitan ng pagtatanong.
6. REPRESENTATIBO – ang tungkulin ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa
daigdig, pag-uulat ng mga pangyayari, paglalahad, pagpapaliwanag ng mga pagkakaugnay-
ugnay, paghahatid ng mga mensahe, atbp.

GAMIT NG WIKA
Ayon kay Roman Jacobson, mayroon tayong anim na komunikatibong gamit ng wika:
conative, informative, labelling, phatic, emotive at expressive
1.. CONATIVE- Sa mga sitwasyong naiimpluwensyahan natin ang isang tao sa
pamamagitan ng pakiusap at pag-uutos, conative ang gamit natin ng wika.
2. INFORMATIVE- Sa mga sitwasyong may gusto tayong ipaalam sa isang tao,
nagbibigay ng mga datos at kaalaman, at nagbabahagi sa iba ng mga impormasyong
nakuha o narinig natin, informative ang gamit ng wika.
3.LABELLING- Labelling ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag
o pangalan sa isang tao o bagay.
4. PHATIC –Ang mga pahayag na nagbubukas ng usapan gaya ng, “Kumain ka na?”;
mga pahayag na nagpapatibay ng ating relasyon sa ating kapuwa gaya ng, “Natutuwa
talaga ako sa’yo!”; at mga ekspresyon ng pagbati gaya ng, “Magandang umaga!”,
nagpapaalam gaya ng, “Diyan na muna kayo, uuwi na’ko”, ay phatic na gamit ng wika
5. EMOTIVE -Sa pang-araw-araw nating pakikipagkomunikasyon, may mga
pagkakataong naibabahagi natin ang ating nararamdaman o emosyon .
6. EXPRESSIVE- Hindi maiiwasan sa pakikipag-usap na nababanggit natin ang ilang
bagay tungkol sa ating sariling paniniwala, pangarap, mithiin, panuntunan sa buhay,
kagustuhan, mga bagay na katanggap-tanggap sa atin, at marami pang iba.

MGA BARAYTI NG WIKA


1. DAYALEK- Ito ay barayti ng Wika kung saan maaaring gumamit ang grupo ng tao ng
isang wika tulad ng sa ibang lugar, ngunit may pagkakaiba pa rin sa paraan ng pagbigkas
at bokabularyo.
2. IDYOLEK- Pansariling paraan ng pagsasalita o natatanging estilo sa pagsasalita.
Branding o tatak ng isang tao.
Halimbawa:
“Ang buhay ay weather weather lang”- Kuya Kim
“Hindi naming kayo tatantanan”- Mike Enriquez
3. SOSYOLEK/SOSYALEK- Ito ay barayti ng wikang nabubuo batay sa dimensiyong
sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
4 NA URI NG SOSYOLEK
1. Gay Lingo- Wika ng mga beki o sward Speak
2. Conyo- Kilala sa tawag na conyo speak na isang variant ng taglish
3. Jejemon o Jejespeak
4. Jargon- Natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat na nagpapakilala sa
kanilang trabaho o gawain.
4.ETNOLEK- Ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolinggwistikong grupo
5.PIDGIN- Kilala sa tawag na nobody’s native language. Mga salitang walang pormal na
istruktura.
Halimbawa:
Ako punta banyo
6.CREOLE- Dalawang wikang pinagsama. Kalaunan ang wikang nagsisilbing pidgin ay
nagiging likas na gamitin sa isang lugar. Isa sa halimbawa nito ay ang CHAVACANO.
7.REGISTER- Barayti ng wika kung saan naiaangkop ng nagsasalita ang uri ng wikang
ginagamit niya sa sitwasyon at sa kaniyang kausap.
3 DOMEYN NG REGISTER NG WIKA
1. Field (Larangan ng pinag-uusapan)
Halimbawa: Magkaiba ang virus pagdating sa larangan ng medisina at larangan ng
agham at tekniolohiya.
2. Tenor of Discourse o Style of Discourse- Tumutukoy sa relasyon ng mga taong nag-
uusap sa isang sitwasyon. (Pormal o Impormal)
3. Mode of Discourse- Tumutukoy sa paraan kung paano mag-usap (May paggalang o
wala)

KASAYSAYAN AT PAGKAKABUO NG WIKANG PAMBANSA: Simula at Pag-unlad ng Wikang Pambansa

Kasaysayan ng Pagkakabuo ng Pambansang Wika

PANANAKOP NG ESPANYA
 Espanyol ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo.
PANANAKOP NG MGA AMERIKANO
 ay dalawang wika ang ginamit ng mga bgong mananakop sa mga kautusan at
proklamasyon Ingles at Espanyol.
 Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal.
Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga Katipunero ang
wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan.
Batas Tydings-McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos
ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang komonwelt.

Wenceslao Q. Vinzons -Ang nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa wikang pambansa ay


si Wenceslao Q. Vinzons, kinatawan mula sa Camarines Norte.

Ang mga kagawad ng unang Surian ng Wikang Pambansa ay sina:


 Jaime de Veyra (Bisaya, Samar-Leyte) – Pangulo
 Santiago A. Fonacier (Ilokano) – Kagawad
 Filemon Sotto (Cebuano) - Kagawad
 Casimiro Perfecto (Bicolano) – Kagawad
 Felix S. Rodriguez (Bisaya, Panay) - Kagawad
 Hadji Butu (Mindanao) - Kagawad
 Cecilio Lopez (Tagalog) - Kagawad
Nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga itinalagang kagawad upang ipakitang walang
partikular na wikang pinapanigan.
Hindi tinanggap ni Sotto ang kaniyang posisyon. Pinalitan sya ni Isidro Abad.
Noong Nobyembre 7, 1937, pagkaraan ng halos sampung buwan, inilabas ng Surian ang
resolusyon na Tagalog ang gawing batayan ng pambansang wika.
Ipinahayag ng Surian na ang wikang Tagalog ang halos tumugon sa hinihingi ng Batas Komonwelt
Blg. 184.
PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON
 Nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista” (sila ang mga nagnanais na gawing
Tagalog na mismo ang wikang Pambansa at hindi na batayan lamang).
 mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Tagalog bilang pambansang
wika.”
 Proklamasyon Blg. 12 nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa
simula Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon. Alinsunod ito sa pagbibigay-puri sa
kaarawan ni Francisco Balagtas bilang makata ng lahi.
 Proklamasyon Blg. 186, nakasaad ang paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa
kaarawan ni Panguong Manuel Quezon na kinikilala bilang “Ama ng Wikang
Pambansa”. Ito ay simula Agosto 13 hanggang 19 taon-taon.
 Agosto 13, 1959 - nilagdaan ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagaatas sa paggamit ng katawagang “Pilipino” sa
pagtukoy sa wikang Pambansa “upang ikintal sa wikang Pambansa ang di mapapawing
katangian ng ating pagkabansa.

ANG TAGALOG, PILIPINO, AT FILIPINO


 Tagalog – Katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935)
 Pilipino – unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1959)
 Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga
Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987)
 Ang lingguwistikong komunidad ay umiiral lamang sa sektor, grupo o yunit na may
pagkakaunawaan sa iisang gamit nila ng wika (homogenous) na may kaisahan sa uri at
anyo.
 Multikultural Na Komunidad
Ang Tunguhin ng komunidad n ito ay “pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba”

You might also like