You are on page 1of 18

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG

PILIPINO

Modyul 1
Mga batayang kaalaman sa
wika

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa kahulugan,


kahalagahan at kalikasan ng wika.Tatalakayin din sa araling
ito ang dalawang wikang opisyal ng Pilipinas ang Pilipino
at Ingles,bilingguwalismo at multilingguwalismo.

1
Sa pagtatapos mo ng modyul ikaw ay
INAASAHANG inaasahang natutukoy ang
BUNGA kahulugan,kahalagahan at kalikasan ng wika.

natutukoy ang kahulugan, kahalagahan, at kalikasan


KASANAYANG ng wika.

PAMPAGKATUTO nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa wika.

Kahulugan ng Wika

1) Henry Gleason (mula sa Austero et al 1999


 Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong kabilang sa isang kultura(1999).

2) Rolando Bernales et al. (2000.)

 Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa


pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-
berbal(2000).

3) Josefina C. Mangahis et al. (2005.)

 Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa


pakikipagtalastasan.
 Midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng
mensahe na susi sa pagkakaunawaan(2005).

2
4) Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2007.)

 Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng


pagsasama- sama ng mga ito para makaunawaan o magkausap ang
isang grupo ng mga tao(2007).
5) Alfonso O. Santiago (2003).
 Wika ang sumasalamin sa mga mithiin , lunggati,
pangarap,damdamin , kaisipan, o saloobin, pilosopiya, kaalaman at
karunungan , moralidad , paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa
lipunan(2003).

Kahalagahan ng Wika
 Instrumento sa komunikasyon.
 Mahalaga ang wika sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng kultura ng
bawat grupo ng tao.
 Wika ang tagapagbandila ng pagkakakilanlan ng isang bansa at ng
mga mamamayan nito.
 Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga
karunungan at kaalaman ng isang bansa.
 Wika ay isang daan o tulay ng pagkakaunawaan ng bawat bansa.

Kalikasan ng Wika

 Ang wika ay sistema


 Ang wika ay arbitraryo
 Ang wika ay tunog
 Ang wika ay katulad ng kultura
 Ang wika ay nagbabago at dinamiko
 Ang wika ay makapangyarihan

3
Opisyal na Wika

Tinatawag na opisyal ang isang wika na binigyan ng natatanging pagkilala sa


konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksiyon ng
pamahalaan . May dalawang opisyal na wika ang Pilipinas ang Filipino at Ingles.

Bilang mga opisyal na wika , may tiyak at magkahiwalay na gamit ang Filipino at
Ingles.

 Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na wika sa pag-akada ng mga batas


at mga dokumento ng pamahalaan at mga dokumento ng pamahalaan. Ito
rin ang wikang gagamitin sa mga talakay at diskurso sa loob ng bansa.

 Samantala, gagamitin naman ang Ingles bilang isa pang opisyal na wika ng
Pilipinas sa pakikipagusap sa mga banyagang nasa Pilipinas at sa
pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang bansa sa daigdig.

Bilingguwalismo

Bilingguwal ang indibidwal na may kakayahang gamitin ang dalawang wika


nang may kahusayan. Sa kasalukuyang panahon, maituturing na
karamihan sa mga Pilipino ay bilingguwal sapagkat ang mga Pilipino bukod
sa wikang Pilipino ay marunong ding magsalita ng wikang Ingles ang
nakararami lalo na ang mga nakapag-aral. Samantala maituturing ding
bilingguwal ang mga Pilipinong marunong magsalita ng kanilang
katutubong wika gaya ng Ilokano, Chavacano, Hiligaynon, Cebuano, at iba
pa gayundin ng Filipino

Multilingguwalismo

Multilingguwal ang isang indibidwal na may kakayahang gumamit ng higit sa


dalawang wika, katutubo man o dayuhan. Ayon naman sa European Commission
(2007).ang multilinggulismo ay tumutuko sa kakayahan ng lipunan o indibidwal
na makapagsalita at makaunawa ng higit sa dalawang wika sa pang-araw-araw
na pamumuhay. Sa pag-aaral ang isang lipunan o indibidwal ay nagiging
multilingguwal dahil sa (1.) aspektong politikal at pananakop (2.)ekonomiya at
migrasyon. (3.) modernisasyon, at (4.) edukasyon.

4
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG
PILIPINO

Modyul 2
Kasaysayan at Pagkakabuo ng
Wikang Pambansa

.
Ang modyul na ito ay tumatalakay sa kasaysayan at
pagkakabuo ng wikang pambansa.Tatalakayin din sa aralin
na ito ang batayan sa pagpili ng Tagalog bilang pambansang
wika.

5
Matapos mapag-aralan ang modyul na ito ikaw
INAASAHANG ay inaasahang nakabubuo ng sariling opinyon
tungkol sa pagpili sa tagalog bilang batayan ng
BUNGA pambansang wika ng Pilipinas.

nailalahad ang pinagdaanag kasaysayn ng


wikang pambansa.
KASANAYANG
nakabubuo ng sariling opinyon tungkol sa
PAMPAGKATUTO pagpili ng tagalog bilang batayan ng
pambansang wika ng Pilipinas.

1897- Pagtatalaga ng TAGALOG bilang OPISYAL NA WIKA.

1901- Ginagamit na Wikang Pampaaralan ang Ingles.

1931- Pag-aatas ng paggamit sa mga wikang katutubo sa mga paaralan sa antas primary.

1935- Paghiling ng isang pagpapatibay at pagpapayaman ng kikilalaning wikang


pambansa mula sa isang umiiral na wika.

1936- Paglalatag ng SURIAN NG WIKANG PAMBANSA.

1937- Pagpapahayag nang” Tagalog” na magsisilbing NUKLEO NG WIKANG PAMBANSA.

1940- Sinimulang gamitin ang Tagalog sa mga pampubliko at pribadong paaralan bilang
wikang panturo.

1946- Ginagawa ang opisyal na wika ang wikang Pambansa.

6
1954- Proklamasyon ukol sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika (Marso 29 - Abril 4) bilang
pagdakila at pagkilala sa araw ng kapanganakan ni Balagtas.

1955- Pagpapalit ng selebrasyon ng Linggo ng Wika sa Agosto 13 -19 bilang parangal sa


kaarawan ni dating Pangulo Manuel L. Quezon.

1959- Paglabas ng kautusang Pangkagawaran Bilang 7 na nag –aatas na tawaging


PILIPINO ang wikang pambansa.

1973- Paglikha ng Resolusyon Bilang 73 -7 mula sa Pambansang Lupon ng Edukasyon ,


itinadhana nito ang Patakarang Baylingguwal sa Edukasyon.

1987- Pagtatalaga ng bagong taguri sa wikang pambansa bilang FILIPINO.

-Implementasyon ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 81, na itinakda ang


pagdaragdag ng walong bagong letra sa ABAKADA.

2001- Paglalathala ng KWF ng Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang


Filipino.

TAGALOG BILANG BATAYAN NG PAMBANSANG


WIKA

Bakit Tagalog ang napiling batayan ng Pambansang Wika?


Unang-una gaya ng nakasaad sa resolusyon ng Surian ng Wikang Pambansa
(SWP),
Tagalog ang tumutugon sa lahat ng pangunahing kailangan ng Batas 184.
Ayon sa Batas Komonwelt Blg. 184 noong Nobyembre 13, 1936 ang Tagalog ang
may:
 Pinakamaunlad sa katangiang panloob, estruktura, mekanismo at
panitikan.
 Bukas sa pagpapayaman at pagdaragdag ng bokabularyo.
 Pinakatang-tanggap sa nakakaraming mamamayan at ginagamit na ito ng
marami.

7
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG
PILIPINO

Modyul 3
Register bilang Varayti ng Wika

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa mga salita o termino na


maaaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan ayon sa
sitwasyon o propesyong kinabibilangan o kaya ay sa
larangan o disiplinamg pinaggamitan nito.

8
Sa pagtatapos mo ng modyul ikaw ay inaasahang
INAASAHANG nakapagtatala ng mga termino o salita (register)
sa iba’t ibang larangan.
BUNGA

naikaklasipika ang mga salita ayon sa disiplina o


KASANAYANG larangang pinaggagamitan ng mga ito.

PAMPAGKATUTO nakapagtatala ng mga halimbawa ng register ayon


sa iba’t ibang larangan o disiplina.

Velarde, Orlando T., Ed. D et al.( 2016.)


 Ang register ng wika ay tumutukoy sa ispesipikong salitang
ginagamit ayon sa hinihingi ng sitwasyon o pagkakataon.
 Ang isang salita o termino ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang
kahulugan ayon sa larangan o disiplinang pinaggamitan nito.
 Ang register ay wika na may kinalaman din sa pormal at di-pormal
na pananalita matanda man ang kausap mo o may posisyon sa
lipunan pormal ang ginagamit na wika. Ang mga salitang
ginagamit mo kung kausap mo ang iyong kalaro sa kompyuter ay
hindi mo maaaring gamitin kung nais mong kausapin ang iyong
guro. May mga JARGON o terminong sadya lamang sa isang
angkop na larangan o disiplina. Ang mga jargon ay mga salitang
walang kahulugan at hindi mauunawaan ng mga taong hindi
kabilang sa propesyon. Ang mga halimbawa nito ay ang mga
wikang ginagamit ng mga pulis,mga guro, mga abogado atbp
(2016).

9
HALIMBAWA:
Register ng Wika sa Medisina CA- Cancer
Register ng Wika sa Siyensya CA- Calcium
Register ng Wika sa Paliparan CA- Civil Aeronotics
Register ng Wika sa pagluluto dressing –para sa salad
Register ng Wika sa Agrikultura dressing – ipot/dumi o pataba sa lupa
Register ng Wika sa Teknolohiya virus – nakasisira ng isang dokumento
Register ng Wika sa Medisina virus – mikrobyo
 Bawat propesyon ay may register o mga espesyalisadong salitang
ginagamit.
iba ang register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang sa inhinyero,
computer programmer, game designer, negosyante, at iba pa.
 Hindi lamang ginagamit ang register sa isang partikular na propesyon
kundi pati rin sa iba’t ibang larangan o disiplina.
Pag-aralan ang iba’t ibang halimbawa ng register para sa iba’t ibang larangan o
disiplina:

EKONOMIKS POLITIKA EDUKASYON LITERATURA

Kita pamahalaan pagsusulit akda

konsumo batas enrollment prosa

kalakal kongrreso klase awit

puhunan senado Class record mitolohiya

pamilihan korte kurikulum awtor

pananalapi eleksiyon kampus salaysay

produkto korapsyon akademiks tauhan

10
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG
PILIPINO

Modyul 4
Conative,Informative,Labeling
Phatic,Emotive, at Expressive na Gamit
ng wika

Tatalakayin sa modyul na ito ang wika bilang midyum na


ginagamit natin sa komunikasyon at ginagamit natin sa
lipunan. Wika ang instrumento sa paghahatiran ng mensahe at
palitan ng reaksyon ng mga nag-uusap. May mga gamit ang
wika ayon sa intensiyon ng nagsasalita.

11
Matapos mapag-aralan ang modyul na ito
ikaw ay inaasahang matukoy ang mga
INAASAHANG pangungusap na nagpapakita ng gamit ng
wika na conative, informative
BUNGA
labeling,phatic,emotive at expressive.

nakikilala ang komunikatibong gamit ng


wika na conative,informative
KASANAYANG
labeling,phatic,emotive at expressive.
PAMPAGKATUTO
natutukoy ang gamit ng wika na
conative,informative,
labeling,phatic,emotive at exprerssive.

Basahin ang nakasulat sa larawan.

Ano ang ibig sabihin ng “ bawal tumawid “ ? Ano ang ipinahahatid ng


pahayag na “may namatay na dito’’? Ano ang gamit sa wika sa pahayag na
“ Bawal tumawid may namatay na dito”?

12
Wika ang midyum na ginagamit natin sa komunikasyon. Wika ang
instrumento sa paghahatiran ng mensahe at palitan ng reaksiyon ng mga nag-
uusap . May mga gamit ang wika ayon sa intensiyon ng nagsasalita.Halimbawa ,
sa larawan sa itaas , ang intensiyon ng pahayag na “ Bawal tumawid may
namatay na dito” ay magbigay ng babala sa mga taong tumatawid sa kalsada sa
pamamagitan ng pag-uutos na “ bawal tumawid” at sa pagbibigay impormasyon
na “ may namatay na dito. “

Ayon kay Roman Jacobson, kabilang sa mga gamit ng wika ang conative,
informative,labeling,phatic, emotive, at expressive(1960).
 Sa mga sitwasyong naiimpluwensyahan natin ang isang tao sa pamamagitan
ng pakiusap at pag-uutos, conative ang gamit natin ng wika. Nakikita rin ang
conative na gamit ng wika sa mga pagkakataong gusto nating humimok o
manghikayat, may gusto tayong mangyari, o gusto nating pakilusin ang isang
tao.
HALIMBAWA: Umalis ka ngayon din!
 Sa mga sitwasyong may gusto tayong ipaalam sa isang tao , nagbibigay ng
nga datos at kaalaman at nagbabahagi sa iba ng mga impormasyon nakuha o
narinig natin, informative ang gamit ng wika.
HALIMBAWA: Hindi ko pa alam kung saan ako mag-aaral ng kolehiyo.
Ngayon naman, basahin mo ang mga nakasulat na salita sa loob ng teybol

KING OF COMEDY BAGONG BAYANI

JEJEMON WALKING CALCULATOR

FASHIONISTA JOLOGS

JACK OF ALL TRADES ISKOLAR NG BAYAN

PASAWAY TERROR

PAMBANSANG KAMAO ASIA’S SONG BIRD

QUENN OF ALL MEDIA


LASALISTA

PNOY FALLEN 44

13
Pamilyar ka ba sa mga salitang nabasa mo? Ano ang mga salitang ito? Ang mga
ito ay mga panawag o bansag sa mga tao o grupo ng tao.Lahat ng tao ay maaaring
bigyan ng panawag o bansag kilala man sila o hindi
Madalas nagbibigay tayo ng bagong pangalan, tawag, o bansag sa mga tao, batay
sa pagkakakilala o pagsusuri natin sa kanila. Sinusuri natin ang mga taong
nakakasalamuha natin- ang kanilang ugali, pisikal na anyo, trabaho,hilig, gawi, at iba pa.
Ang pagsusuri natin sa kanila ang nagbibigay- daan para bansagan o bigyan natin sila
ng label o katawagan.
 Labeling ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o
pangalan sa isang tao o bagay.
Halimbawa: Ayaw ako palabasin ni Kuya Guard.
 Karaniwang maiikli ang mga usapang phatic. Sa Ingles, tinatawag itong social
talk o small talk. Sa isang pag-uusap, ang bahagi lamang ng pagbubukas ng
usapan ang phatic.
Ang iba pang pag-uusapan pagkatapos ay hindi na kasama sa phatic na
gamit ng wika.Kung minsan din, hindi nangangailangan ng sagot ang mga
tanong na phatic.
HALIMBAWA:
1. Masama ba ang pakiramdam mo?
2. Kumusta ka?
3. May problema ka ba?
 Sa pang-araw-araw nating pakikipagkomunikasyon, may mga pagkakataong
naibabahagi natin an gating nararamdaman o emosyon sa ating
kausap.Madalas nating masabi ang masaya ako, galit ako, nahihiya ako,
kinakabahan ako, at iba pa. Sa mga sitwasyong sinasabi natin ang ating
nararamdaman, emotive ang gamit natin ng wika.
HALIMBAWA:
1. Masayang masaya ako dahil malapit na naman ang pasukan.
2. Nalulungkot ako dahil online na ang klase ngayon.
 Hind maiiwasan sa pakikipag-usap na nababanggit natin ang ilang bagay
tungkol sa ating sariling paniniwala, pangarap, mithiin, panuntunan sa buhay,
kagustuhan, mga bagay na katanggap- tanggap sa atin, at marami pang iba.
Sa ilang usapin, personal man o panlipunan, nababanggit natin ang ating mga
saloobin o kabatiran, ideya, at opinyon. Sa mga usapang ganito, expressive
ang gamit natin ng wika.

HALIMBAWA:
1. Mas gusto kong tangkilikin ang isports na taekwondo kaysa
basketbol.
2. Sa palagay ko mas mainam magluto kaysa maglaba.

14
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG
PILIPINO

Modyul 5
Instrumental,
Regulatori,Heuristiko,Interaksyonal,Personal,
Imahinatibo,Representatibo na tungkulin ng
wika

Nagsisimula ang isang bata sa yugto na ginagamit niya ang


wika upang magpahayag ng pangangailangan na tutungo sa
paguutos at pagkontrol sa mga tao sa paligid niya hanggang
sa may sapat siyang kakayahan para magtanong-tanong
upang tumuklas.

15
Sa pagtatapos mo ng modyul ikaw ay
INAASAHANG inaasahang makakasulat ng isang sanaysay
ayon sa komunikatibong tumgkulin ng wika sa
BUNGA lipunan ni Halliday.

naisa-isa ang pagkakatulad at pagkakaiba ng


mga tungkulin ng wika na
KASANAYANG instrumental,heuristiko,interaksyonal,personal,
imahinatibo,at representatibo.
PAMPAGKATUTO
nakasusulat ng isang sanaysay ayon sa
komunikatibong tungkulin ng wika ni Halliday.

Pitong Gamit ng Wika Ayon kay Halliday


Sa obserbasyon ni Halliday nabuo niya ang pitong gamit ng wika batay sa
iba,t ibang yugto ng pagkakagamit ng isang bata.Napansin niya na ang isang bata
ay may hakbang-hakbang na yugto ng kakayahan sa paggamit ng wika
samantalang ang matanda ay may kakayahang multipunsiyonal (o nailalapat ang
mga gamit ng wika upang magpahayag ng pangangailangan na tutungo sa
paggamit ng wika nang sabay sabay .Nagsisimula ang isang bata sa yugto na
ginagamit niya ang wika upang maipahayag ng pangangailangan na tutngo sa
pag-uutos at pagkontrol sa mga tao sa paligid niya hanggang sa may sapat
siyang kakayahan para magtanong-tanong upang tumuklas.Narito ang mga
balangkas ng wika ayon kay Halliday:
1.Instrumental. Ginagamit ang wika para tukuyin ang mga preperensiya
kagustuhan at pagpapasiya ng tagapagsalita. Nagagamit ang wika sa paglilinaw

16
at pagtitiyak ng mga pangangailangan, naiisip o nararamdaman.Halimbawa may
iba’t ibang tayo ng pagsasabi ng ating kagustuhan at ayaw sa isang tao.
Gayundin sa pagpapahayag ng ating desisyon ukol sa mga isyu at preperensiya
sa porma ng pagkilos.
2.Regulatori. Nagagamit ng tagapagsalita ang kapangyarihan ng wika upang
makapanghikayat, mag-utos, at humiling sa kausap o sinuman sa kaniyang
paligid.Samakatwid,tumutukoy ito sa kakayahan ng wika na makaimpluwensiya at
magkontrol sa paguugali ng iba.
3.Heuristiko.Sumusulpot ang heuristikong gamit ng wika sa mga
pagkakataong nagtatanong, sumasagot , o dumadaloy ang isang pamumuna
bilang pagkilos ng isang bata o indibidwal.Maaari ding sa pagalam sa mga bagay-
bagay, pagdududa,o pagbuo ng palagay.Halimbawa sa isang panayam, lumilikha
tayo ng mga tanong upang makakuha ng impormasyon sa kinakapanayam. Ibig
sabihin, sa heuristikong gamit, ang gamit ng wikaay nagsisilbing tagakuha ng
impormasyon imbes na tagabahagi.
4.Interaksiyonal. Ang “ako at ikaw” na gamit ng wika ay lumilikha ng mga
panlipunang ekspresyon at pagbati upang bumuo ng interaksiyon at palakasin
ang layuning makipagkapuwa, gaya “Kain tayo,” “Kumusta?” at “Magandang
Umaga sa iyo” Mabisang matatamo ang mahusay na interaksiyonal gaya ng
paggamit ng mga katanungan paralingguwistiko, paris ng kilos, tuon ng mata, at
galaw ng katawan.
5.Personal. Kaiba sa instrumenting gamit sa pagpapahayag ng simpleng
presensiya,kagustuhan, at desisyon kaugnay sa pangangailangan,nakatuon sa
personal na gamit ng wika sa pagpapahayag ng sariling identidad o
pagapapakilala ng personalidad na hinid sumasaklaw sa layuning magpahayag
ng pangangailangan.
6.Imahinatibo. Ito ay tumutukoy sa eksplorasyon ng imahinasyon upang
tumugon sa malikhaing gampanin nito.Nagiging mapaglaro ang wika upang
magkuwento, magbiro, at lumikha ng kapaligiran o bagong daigdig. Sa pagsulat
ng mga malikhaing komposisyon, ang paggamit, ang paggamit ng tayutay at iba
pang estratehiya ay makatutulong sa imahinatibong bisa ng wika at pagtupad sa
nilalayong malikhaing komunikasyon.
7.Representatibo.Tumutukoy ito sa paglalahad ng impormasyon,datos at
nakalap na ideya na nirerepresenta sa iba’t ibang paraan. Kaugnay ng
representatibo ang heuristikong gamit ng wika sa pagbibigay-kahulugan sa
realidad ng lipunan. Kung sa heuristiko nagaganap ang proseso ng pagtuklas sa
representatibong gamit naman nagsisimulang bigyan ng interpretasyon at ilahad
ang mga natuklasang ideya, konsepto, at kaisipan.Halimbawa. gunagamit tayo ng
pag-uulat. Lumalahok sa forum, at gumagawa ng poster na pampanaliksik upang
magbigay ng impormasyon at kabatiran s

17
Bernales, Rolando A. 2002. Komunikasyon sa Makabagong Panahon.
Valenzuela City: Mutya Pub. House.
Constantino, Pamela C. at Zafra, Galileo S. 2000. Kasaysayan sa
komunikasyon. II Lungsod Quezon: UP Open University.
De Laza, Crizel S.et al.2017.TALABAN: Komunikasyon,Pagbasa, at
Pananaliksik sa Filipino.
Halliday, M.A.K. 1985. Introduction to Functional Grammar. London:Edward
Arnold.
Jakobson, Roman. 1960. Closing Statements: Linguistics Poetics. Thomas A.
Sebeok.. Style in Language,Cambrige Massachusetts: M. I. T. Press.
Mangahis, Josefina C. et al. 2005. Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Quezon City: C@E. Publications.
Santiago, Alfonso O. at Tiangco Norma G. 2003. Makabagong Balarilang
Filipino, Binagong edisyon. Maynila: Rex Book Store.
Taylan, D.R.,Petras, J.D.. Geronimo. J.V. @ Batnag A.E.(2016).
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Rex Book
Store, Inc.,
Velarde, Orlando T., Ed.d et al. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino para sa Baitang 11. Intramuros, Manila: Mindshapers Co., Inc.

18

You might also like