You are on page 1of 11

FILIPINO 113

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

Ito ay isang pag-aaral tungo sa isang pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit at paggamit ng
wikang Filipino sa mga sitwasyon komunikasyon at kultural sa lipunang Filipino.
5 YUGTO SA ARALIN
1. Konsepto Pangwika
2. Gamit ng wika sa Lipunan
3. Kasaysayn ng wikang Pambansa
4. Mga sitwasyong Pangwika
5. Kakayahang Komunikatibo
Lesson: 1
WIKA
Masistemang Balangkas na sinasalitang tunog na pinipili at isinasaysay sa paraang Arbitraryo upang magamit ng
taong kabilang sa isang kultura.
-HENRY GLEASON (1999)
Katangian ng WIKA ayon kay Henry Gleason:
1. Masistemang Balangkas
TUNOG-SALITANG UGAT+PANLAPI+MORPEMA-PANGUNGUSAP- DISKURSO: pagpapalitan ng salita
2. Sinasalitang Tunog
 Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay mag kahulugan.

3. Pinili at isinasaayos sa paraang Arbitraryo


 Pinipili at isinasaayos ang wikang gagamitin upang maintindihan tayo ng ating kausap.
 Ang wika ay isang ARBITRARYO kapag ito ay mga salitang pinagkasunduan lang ng mga tao para
gamitin nila sa araw-araw na pamumuhay. Hal.”charot”

4. Kabuhol ng kultura
 Ang WIKA at KULTURA ay dalawang bagay na hindi pwedeng paghiwalayin.

 Nakikilala ang kultura ng isang tao ayon sa kanyang wikang ginagamit.

5. Ginagamit sa Komunikasyon
 Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at kailangan itong patuloy na gamitin.

6. Nagbabago
 Dinamiko ang wika.hindi ito maaaring tumanggi sa pagbabago.ito ay maaaring madadagdagan ng mga
bagong bokabularyo bunga ng pagiging malikhain ng mga tao. Hal. Salitang BALBAL

7. Natatangi
 Bawat wika ay naiiba sa ibang wika dahil iba iba ang kultura ng pinagmulang lahi ng tao. May
etnograpikong pagkakaiba dahil sa (ethnic groups) mga lahi o lipi.
MGA ANTAS AT BARAYTI NG WIKA
A. WIKANG PAMBANSA: isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng
kaunlaran ng isang bansa.

B. WIKANG PANTURO: bilang opisyal na wika, ito ang ginagamit na wikang panturo sa Pilipinas.

C. WIKANG OPISYAL: Konstitusyon ng 1973, Artikulo XV, Sek. 3:”Hanngat walang ibang itinatadhana ang
batas, ang Ingles at Pilipino ang magiging wikang opisyal na wika ng bansa.”
Lesson: II

UNANG WIKA, PANGALAWANG WIKA, MONOLINGGUALISMO AT BILINGGUALISMO

UNANG WIKA

 Ang tawag sa kinagisnang wika mula sa pagsilang at unang iyinuro sa tao.


 Tinatawag din itong Mother Tongue, arterial na wika o katutubong wika.
 Sa wikang iyo pinakamataas o pinakamahusay na naipapahayag ng mga tao ang kaniyang ideya, kaisipan
o damdamin.
PANGALAWANG WIKA

 Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposue sa iba pang wika sa kanyang paligid.
IKATATLONG WIKA AT IBA PA

 Pakikiangkop sa lumalawak na mundong ginagalawan.


MONOLINGGUWALISMO

 Ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng England, South Korea, Japan, at iba
pa. kung saan ginagamit ng wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. May iisang wika ring
umiiral bilang wika ng komersyo, wika ng Negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang araw-araw na
buhay.
BILINGGUWALISMO

 Bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong
wika.
MULTILINGGUWALISMO

 Ang tawag kung nakapagsasalita at nakagagamit ng tatlo at higit pang wika.

Lesson: III
REGISTER/BARAYTI
Register- Ang barayti ng wika ay nag-uugat sa mga pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at gropu, maging ng kani-
kanilang tirahan, interest, Gawain,pinag-aralan at iba pa.

3 uri ng Dimensyon
a. Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong gumagamit nito.
b. Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng lomunikasyon
c. Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.

Mga halimbawa ng Register:


- Mga salitang jejemon
- Mga salitang binabaliktad
- Mga salitang ginagamit sa teks
- Mga salitang ginagamit ng mga iba’t-ibang propesyon gaya ng mga doctor
Dayalek
- Ito ay varayti ng wika ng nalilikha ng dimensyong heograpiko. Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa
particular na REHIYON o lalawigan na kanilang kinabibilangan.
Tatlong uri ng Dayalek
- Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo)
- Dayalek na Tempora (batay sa panahon)
- Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan)

SOSYOLEK
- Na minsan ay tinatawag na “Sosyalek” Ito ay pansamantalang barayti lamang.
- Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo.
Mga halimbawa ng Sosyolek
- Repapips, ala na ako datung eh
(Pare, wala na akong pera)
- Oh my God! It’s so mainit naman dito.
(Naku, ang init naman dito!)
IDYOLEK
- Bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa.
- Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng
kanilang pagkatao
Mga halimbawa ng Idyolek:
- “Magandang Gabi Bayan”
ni Noli de Castro
- Hindi ka namin tatantanan”
ni Mike Enriquez

ETNOLEK

- Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo.
- Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek
Mga Halimbawa ng Etnolek:

- Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at
tag-ulan.
- Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal
- Kalipay – tuwa, ligaya, saya

EKOLEK

- Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan.


- Ito ang mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit itong
ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.
Mga Halimbawa ng Ekolek:
- Pamingganan – lalagyan ng plato
- Pappy – ama/tatay
PIDGIN
- Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s native language” ng
mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag uusap na may dalawa ring magkaibang wika.

Mga Halimbawa ng Pigdin:


- Ako kita ganda babae.
(Nakakita ako ng magandang babae.)
- Kayo bili alak akin.
(Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
- Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado.
(Mag-aral ka ng mabuti upang mataas ang iyong grado.)
CREOLE
- Mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang
lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar.
- Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang Chavacano), halong Arican at Espanyol
(ang Palenquero), at ang halong Portuguese at Espanyol (ang Annobonese).

Mga Halimbawa ng Creole:


 Mi nombre – Ang pangalan ko
 Di donde lugar to? – Taga saan ka?
 Buenas dias – Magandang umaga
 Buenas tardes – magandang haponBuenas noches – Magandang gabi

Lesson: IV- LINGGWISTIKONG KOMUNIDAD


Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Filipino
LINGGWISTIKONG KOMUNIDAD
Lingguwistiko o Linguistics
- Ang lingguwistiko ay ang pag-aaral sa wika ng tao at tinatawag na isang lingguwista ang mga dalubhasa dito

Komunidad
- Ang pamayanan o kumunidad ay pangkaraniwang tumutukoy sa isang yunit na panlipunan o pakikipagkapwa na
mas Malaki kaysa sa isang tahanan, mag-anak, o pamamahay na may
Terminong sosyolingguwistiks

 ay tumutukoy sa isang grupo ng mga taong gumagamit sa iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa
mga ispesipikong patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika.
Wika

 ay ginagamit sa komunikasyon at ito ang dahilan upang makapag-ugnayan ang bawat isa. Napagbubuklod ng
wika ang grupo ng tao at nagagampanan ang kani-kanilang tungkulin upang maging kapaki-pakinabang hindi
lamang sa kanilang sarili kundi para sa lahat.
MGA SALIK NG LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD
1. May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba – homogenous ang wika, ibig sabihin iisang
anyo at uri o barayti ang ginagamit.
2. Nakapagbabahagi at malay ang kasapi sa tuntunin ng wika at interpretasyon nito – Katulad ito ng
kinagawiang interpersonal na komunikasyon gamit ang pahiwatig ng mga Pilipino.
3. May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika

 Nagkakasundo ang mga miyembro sa kahulugan ng wika at interpretasyon nito, maging ang kontekstong
kultural na kaakibat nito.
Samakatuwid, ipinapalagay nito na ang lingguwistikong komunidad ay umiiral lamang sa sector, grupo, o
yunit na nagkakaunawaan sa iisang gamit nila ng wika (homogenous)
Halimbawa:

 Sektor – mga manggagawa na may malay sa kanilang karapatan at tungkulin sa bayan na nagbubuklod sa
pagsapi ng kilusang paggawa.
 Grupong pormal – Bible study group
 Grupong Impormal – barkada
 Yunit – team ng basketbol

MULTIKULTURAL NA KOMUNIDAD

 Subalit papaano kung malking pamayanan, samahan o bansa na ang pinag-uusapan?


 Ang tunguhin ng lingguwistikong komunidada ay kaisahan subalit ang tunguhin ng multicultural
na komunidad ay “pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba”. Hindi kaisahan kundi pagkakaisa dahil sa
iba’t ibang salik, anyo, kinapopookan, pananaw at marami pang iba ang pangangailangan ng
indibidwal.
 Sa multicultural na komunidad, multilingguwal ang mga kasapi nito. Ang ugnayang nabubuo ay naghahangad
ng pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba
Halimbawa:

 Internasyonal – United Nations, UNICEF


 Rehiyonal – European Union, ASEAN
 Pambansa – Indonesia, Japan
 Organisasyonal – Microsoft, Google, Nestle
ILANG WIKA SA KOMUNIDAD SA PILIPINAS

 Kapampangan – isa sa mga pangunahing wika sa pilipinas. Ito ang pangunahing wikang ginagamit sa
Pampanga. Tinatawag ding Pampango, Pampangeño.
Halimbawa:

 saan – nukarin
 Panaginip – paninap
 Maliit – malati
Cebuano

 Ang wikang sebwano ay isang wikang sinasalita sa pilipinas ng humigit kumulang 33 milyong taon kasapi ng
mga wikang Bisaya
 Ito ay may pinakamalaking bilang ng katutubong mananalita sa Pilipinas kahit na hindi ito itinuro sa paaralan.
Waray

 Winaray, Win-aray, Waray-waray, ay isang wika sa lalawigan ng Samar, Leyte at Biliran.


 Ang wikang waray ay binubuo ng waray, waray sorsogon, at Masbate sorsogon.
Halimbawa:

 Magandang umaga – Maupay nga aga


 Tagasaan ka? – Taga diin ka?
Bicol

 Ang pinakasinasalitang wika sa rehiyon ng Bikol sa timog ng Luzon.


 Lalawigan ng Camarines Sur, Camarines Norte, Silangang bahagi ng Albay, hilagang-silangan ng sorsogon,
Masbate, Bahagi ng catanduanes.
Halimbawa:

 Magayon – Maganda
 Marinsalun – Makulit
 Patal – Bobo
 Makaurag - nakakabwusit

Hiligaynon

 Wikang Ilonggo at tumutukoy sa wika at kultura namay kaugnayan sa Negros Occidental, Bacolod, Ilo-ilo at
Capiz.
 Nasa 7 milyon ang taong bihasa sa paggamit ng wikang ito.
Halimbawa:

 Maayong aga – Magandang umaga


 Tagbalay – tao po
 Malakat ka na – Aalis ka na
Ilokano

 Ang iloko ay isang pangunahing wika sa Pilipinas.


 Ito ay wikang gamit sa rehiyon ng Ilocos, lambak Cagayan, bahagi ng abra at pangasinan, Nueva ecija, tarlac,
Mindoro at lalawigan ng Mindanao.
Halimbawa:

 Napintas – maganda
 naimas – masarap
 napudot – mainit
 manganen – kain na
Lesson: V- WIKA BILANG
INSTRUMENTO

 Wika ang Daluyan ng saloobin at Pagkato


- Ginagamit natin ang wika para magpahayag hindi lamang ng mensahe kundi ng ating saloobin.
Magkadugtong ang damdamin at isip, Samakatuwid may kaisahan ang lahat ng salik ng pagkatao habang tayo
ay nakikipag-usap.

- Tinatawag na speech-act ang paggamit ng wika ng isang tao upang paganapin at direktang o di-direktang
pakilusin ang kausap batay sa nilalaman ng mensahe.

 Ang bigkas-ganap ay hango sa teroya ni John L. Austin. Nahahati sa tatlong kategorya ang bigkas-tungong-
pagganap:
1. Literal na pahayag o lokusyonaryo: Ito ang - tumpak, totoo, o kapani-paniwala
literal na kahulugan ng pahayag. - itigil na, tapusin na.
Hal. "Tama na!"
3. 3. Pagganap sa mensahe o
2. Pahiwatig sa konteksto ng kultura't lipunan perlokusyonaryo: Ito ang ginagawa o
o ilukusyonaryo: Ito ang kahulugan ng nangyari matapos mapakinggan o
mensahe batay sa kontekstong matanggap ang mensahe.
pinagmumulan ng nakikinig at Hal. Ang pagsasabi ng pahayag na "Tama
tumatanggap nito. na!" ay maaring magbunga ng pagtigil ng
Hal. "Tama na!" ay maaring isang tao sa kaniyang ginagawa.
mangangahulugang

Lesson VI: Gamit ng wika sa Lipunan Bilang Regulatoryo

Regulatoryong
- bisa ng wika ay nagtatakda, nag-uutos, nagbibigay direksyon sa atin bilang kasapi o kaanib ng lahat ng
alinmang institusyong nabanggit.

Ang wika ay regulatoryo kung mayroon ito ng sumusunod na mga elemento:

1. Batas o Kautusan na nakasulat, nakikita, nakalimbag, o inuutos nang pasalita.

2. Taong may kapangyarihan o posisyon na nagpapatupad ng mga kautusan o batas.

3. Taong nasasaklaw na sumusunod dito


4. Konteksto na nagbibigay-bisa sa batas o kautusan tulad ng lugar, institusyon, panahon, at taong sinasaklaw
ng batas.

Tatlo ang klasipikasyon ng wika ayon sa regulatoryong bisa nito


1. Berbal ang tawag sa lahat ng kautusan, batas, o tuntunin na binabanggit lamang nang pasalita ng pinuno o
sinumang nasa kapangyarihan.

Halimbawa: Guro – Kapag sinabi ng guro na babagsak ang sinumang hindi makakapasa sa pagsusulit sa ayaw
na iyon

2. Nasusulat, nakalimbag, at biswal ang lahat ng kautusan, batas, o tuntunin na mababasa, mapapanood, o
makikita na ipinapatupad ng nasa kapangyarihan.

Halimbawa: Saligang Batas o Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas

3. Di-nasusulat na tradisyon ang mahabang tradisyon na pasalin-saling bukambibig na kautusan, batas, o


tuntuning sinusunod ng lahat.

Halimbawa: Sa Patriyalkal na lipunan, ang tagapagmana ng negosyo ay laging panganay na lalaki.

Gamit ng wika ayon sa regulatoryong bisa nito


1. pang institusyong panlipunan.
2. Pagpapataw ng parusa sa susuway sa mga batas, kautusan, at tuntunin.
3. Partisipasyon ng mamamayan sa paggawa ng tuntunin, polisiya, at batas
4. Pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa mga komunidad at ugnayan ng mamamayan.
5. Pagtatakda ng polisiya, batas, kautusan para sa kaularan at masaganang kabuhayan ng lahat para sa pantay na
oportunidad; pagkilala sa karapatan ng iba’t ibang uri ng katayuan ng mamamayan sa bansa.
Ilang Halimbawa ng Regulasyon o Batas
1. Ang Saligang Batas o Konstitusyon 4. Ang polisiya ay kautusan o desisyong
ipinapatupad sa isang organisasyon, ahensya o
2. Batas na inakda ng Kongreso ay tinatawag na
kompanya.
Batas ng Republika
5. Ang patakaran o regulasyon ay ipinapatupad
3. Ang ordinansa ay kautusan o batas na
na kautusan o alituntunin sa paaralan,
ipinapatupad sa mga probinsiya, siyudad at
kompanya, pribadong organisasyon, at iba
munisipyo.
pang samahan.
Lesson VII: Gamit ng Wika sa Lipunan bilang Interaksiyonal
- Ang pakikipag-usap sa isa o higit pang tao ay interpersonal na komunikasyon.
Ang interpersonal na komunikasyon ay pagpapalitan ng impormasyon ng dalawa o higit pang mga tao. Bunga
nito, umuunlad ang ating kakayahan at nadaragdagan ang ating kaalman at kahusayan sa
pakikipagkomunikasyon.
DALAWANG PARAAN NG INTERAKSIYONAL NA WIKA
 Pasalitang Paraan
Pinakamahusay na halimbawa nito ang pangangamusta, at pagpapalitan ng biro, maging sa mga pulong
hanggang sa pormal na pulong sa mga tanggapan o kumperensiya, pagdinig ng mga kaso sa korte, at sa
senado.
 Pasulat na Paraan
Pinakamahusay na halimbawa nito ang liham-pangkaibigan. Sa panahon ng makabagong teknolohiya, ito ay
nasa anyo ng pakikipag-chat gamit ang Internet upang makipag-ugnayan sa mga kaibigan nasa malalayong
lugar o sa isang bagong kakilala.
INTERAKSIYON SA CYBERSPACE
- Sa pagkakataong ito, higit at patuloy na nadaragdaragan ang madla na nakikisangkot at nagiging bahagi ng
mundong ito. Nabubuksan ang komunikasyon at nakikilala ang iba-ibang kultura. Nalilikha ang tensiyon,
ugnayan, di-pagkakaunawaan (conflict), maging ang bagong kultura sa espayong ito.

MGA HALIMBAWA NG INTERAKSIYONAL SA INTERNET


 Dalawahan
1. E-mail
2. Personal na mensahe o instant message
 Grupo
1. Group chat
2. Forum
 Maramihan
1. Sociosite
2. Online Store

Lesson VIII: GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN BILANG PERSONAL


- Ayon sa isang propesor sa Matematika, ang asignaturang ito ay kasa-kasama raw natin mula sa ating
panggising, pagkain ng agahan hanggang sa pagpasok sa paaralan o trabaho. Lahat ng ito ay may kaugnayan
sa numero, bilang ng oras sa panggising, bilang ng kakainin sa agahan, at distansya ng ating pupuntahan sa
pagpasok.
- Sa konseptong ng wika higit pa sa bilang ng salita ang sinasaklaw nito sapagkat maging ang damdamin ng
kaluluwa, paghiwatig, o senyas ay itinuturing na wika.
- Ang kaluluwa ay tumutukoy sa buong pagkatao, itinuturing itong pinakabuod ng isang tao.
- Sa pamamagitan ng wika naipapakita sa labas ang ating kaluluwa o pagkatao.
- Sa konseptong ng wika higit pa sa bilang ng salita ang sinasaklaw nito sapagkat maging ang damdamin ng
kaluluwa, paghiwatig, o senyas ay itinuturing na wika.
- Ang kaluluwa ay tumutukoy sa buong pagkatao, itinuturing itong pinakabuod ng isang tao.
- Sa pamamagitan ng wika naipapakita sa labas ang ating kaluluwa o pagkatao.
- Ang personal ay nagmula sa salitang personalidad. Nabubuo ang personalidad ng isang tao habang siya’y
nagkakaisip at nagiging bahagi ng isang lipunan.
- Ang personalidad ay may kaugnayan sa pag-uugali, psychodynamic, pangkatauhan, biyolohikal, asal,
ebolusyon, at perspektibo sa kaalamang panlipunan.
Apat na dimensiyon ng ating pagkatao:
1. Panlabas laban sa Panloob (Extraversion vs. Introversion) – inilalarawan kung paano nagkakaroon ng
enerhiya
2. Pandama laban sa Sapantaha
(Sensing vs. Intuitio) – inilalarawan kung paano kumukuha ng impormasyon ang mga tao
3. Pag-iisip laban sa damdamin
(Thinking vs. Feeling) – inilalarawan ang paraan na ginagamit ng isang tao sa pagdedesisyon
4. Paghuhusga laban sa Pag-unawa
(Judging vs. Perceiving) – inilalarawan ang bilis ng pagbuo ng desisyon ng isang tao.

PERSONAL BILANG PAGPAPAHAYAG NG SARILI


- Ginagamit ang wika upang maipahayag ang sarili at anumang pansariling layunin.
Halimbawa, sa isang sanggol na hindi pa marunong magsalita sinisikap niyang makapagpahayag
sapamamagitan ng ungol at pag-iyak.
- Kaakibat ng personal na pagpapahayag nang salita man o pasulat, nakapagpapahayag din ng personal na
kalooban ang isang tao sa pamamagitan ng “selfie”.
MALIKHAING SANAYSAY
- Ang sanaysay ayon kay Alejandro G. Abadilla ay “nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.”
Ito ay nagmula sa dalawang salita-sanay at pagsasalaysay.
- Ang malikhaing sanaysay ay naglalaman ng sariling pananaw ng may akda at nasa puntodebista ng
manunulat. Madalasa gamitin ang “ako” o unang panauhan bilang puntodebista. Maari ding manggaling ito
mula sa panayam, talakayan, talaarawan, at mga alala ng isang tao.

Mga Halimbawa:
• Biograpiya – talambuhay na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala,
pangyayari, at impormasyon.
• Awtobiograpiya – Talambuhay ng isang tao na siya mismo ang sumulat.
• Alaala (Memoir) – salaysay o kuwento ng buhay na pinagdadaanan.
• Sanaysay o tala ng paglalakbay – Pagsasalaysay na paglalarawan ng mga lugar na nabisita o napuntahan.
• Personal na sanaysay – Pagsasalaysay ng mga personal na pangyayari sa buhay.
• Blog – isang webpage o online na dyornal na maaring ma-access ng madla.

BAHAGI NG SANAYSAY
1. Panimula – pinakamahalagang bahagi ng sanasay dahil ito ang manghihikayat sa babasa.
2. Katawan – inilalatag ang mahahalagang ideya upang maipaliwanag ang paksa.
3. Wakas – binibigyan ng kongklusyon ang sanaysay upang maipabatid sa mambabasa ang diwa ng binasa.

You might also like