You are on page 1of 8

Yunit 1

Mga Kaugnay na Konsepto at Teorya:


Wikang Pambansa at Barayti at Baryasyon ng Wika

Paksa 1: Wikang Filipino Bilang Konsepto

Mula sa probisyon ng Konstitusyon ng 1935, batay sa isang wika ang wikang pambansa. Tagalog ang
naging batayan nito ayon naman sa Executive Order 134 na pinirmahan ni Pang. Manuel L.Quezon noong
Disyembre 1937. Tinawag itong Pilipino noong 1959,Batay sa Department Order No. 7 ni Sek. Romero ng
Department of Education .Sa sumunod na pagbabago ng Konstitusyon ,noong 1973,hindi na isa kundi lahat ng
wika ng Pilipinas, kasama ang Ingles at Espanyol.

Mga Diyalekto ng Filipino at Pagkilala sa mga Katutubong Wika ng Pilipinas


Bilang lingua franca,nadedevelop nang pasalita ang Filipino. Gayundin,isa itong pangalawang wika ng mga
Filipino sa dahilang may kani-kanilang mga katutubong unang wika ang bawat isa, gaya ng
Ilokano,Sebwano,Hiligaynon, Pampango,Bikol,Tausug,Maranao,Maging Tagalog at dahil pasalita ,malaki ang
papel ng mga katutubong unang wika sa pagbuo at pag-unlad ng wikang ito.

Interference –epekto ng unang wika sa pangalawang wika sa oras na ginamit ito, lalo nang pasalita.Hindi
lamang sa aspektong leksikal(salita) kundi pati morpolohikal,lalo na sa paggamit ng panlapi nagkakaroon ng
interference ang unang wika.Dahil dito, nagkakaroon din ng codeswitching o pagsasalita ng estruktura ng
katutubong wika.(unang wika) at lingua franca.

Papel ng mga Tagapagsalita ng Katutubong wika


Mahalaga ang papel ng mga tagapagsalita ng mga katutubong wika. Sa paggamit niya
(tagapagsalita) ng Filipino sa pakikipag-usap sa isang tagapag salita ng ibang katutubong wika, naipasok nito
ang ilang elemento ng kanyang wika gaya ng mga salita, at ekspression .
Ayon kay Teodoro Agoncillo (1965:52) Bilang reaksyon sa idea ni Eusebio Daluz na pagsasama-sama ng
mga wika sa Pilipinas at tawagin nitong “Pilipinhon”.
Varyasyon ng Wika

Ang dayalekto ay wika ng tao noong natutong magsalita, Ito ang wikang ginagamit sa tahanan ng isang
pamilya, ang wikang ginagamit sa limitadong pook o pamayanan.Ang dayalekto ay varyasyon ng wika. Sa dayalekto
nakikita na may pagkakaiba ang salita, ang bigkas, ang tunog at sa tono o intonasyon, pagbuo ng pangungusap.Maaaring
mali ang istruktura at iba ang mga salita ngunit ang mga gumagamit ay magkakaintindihan at magkakaunawaan.
Mga halimbawa nito sa mga lalawigan ngkatagalugan gaya ng Bulakan, Batangas, Bataan, Kabite, Laguna, Quezon at
Rizal.Samantala ang wika ay may higit na malawak ang nasasakupan at higit na marami angmga gumagamit.

Ang wika gaya ng Filipino at Ingles ay higit na maunlad dahil sa mayma-agham na pag-aaral sa wika, may sariling
tuntunin sa istruktura sa grammar atsintaksis.Sa larangan ng linggwistika pantay-pantay lahat ng wika, walang
inperyor osuperyor na wika. Wika man o dayalekto, malayang nakapagpapahayag ng kaisipan osaloobin.

1. Nagkakaroon ng pagbabago ang wika batay sa ibat ibang sitwasyon gaya ngpook, antas ng buhay, propesyon o
pinagaralan at lipunang ginagalawan okinabibilangan.

a. Istandard na Dayalekto - Ang wikang ginagamit ay katanggap-tanggap sa lahatng antas ng lipunan sa mga
pormal na usapan, sa paaralan, unibersidad, pamamahayag o broadcast o ng anumang pagpupulong.

b. Idyolek - Nagpapakilala ng kakayahan ng nagsasalita bunga ng kaalaman,karanasan o pag-aaral, paraan ng


pagsasalita o uri ng wikang ginamit, timbre ngboses o kwaliti ng boses o paboritong ekspresyon ng nagsasalita.
Halimbawa: ano, alright, okay, actually, by the way, as a matter of fact. Maaring makilala ang nagsasalita kung si
Pangulong Ramos, Pangulong Estrada o Pangulong Arroyo, ayon sa tono o timbre ng boses.

c. Dayalektong Pampook - ang mga salita ay nagkakaiba iba dahil sa pook napinagmulan.

Halimbawa:

Batangas Bulakan

Malibag Mainit

Mabanas marumi

Amargoso amplaya

d. Dayalektong Pamanahon - Ang wika ay nababago sa paglipas ng panahon. Ang mga panitikan na nasulat sa panahon
nina Balagtas, Rizal, Lope K. Santos ay naiiba sa kasalukuyang panahon. Maliban sa nabagong istruktura, maligoy ang
mga pangungusap at may mga salitang hindi na ginagamit sa pagsasalita at pagsulat.

Halimbawa:

pinipintuho - minamahal

kaisang dibdib - mag-asawa

marikit - maganda

iniirog - - iniibig
e. Dayalektong Sosyal o Panlipunan - nakikita rito ang mga salita na ginagamit sa iba't ibang antas ng buhay.

Halimbawa:

may hika, asthma - may allergy

mahina ang isip o matalino - special child

sasakyan - wheels

tunog o musika - sounds

MGA BARAYTI NG WIKA

1.IDYOLEK – ang bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at

pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng

wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Mga salitang

namumukod tangi at yunik.

HALIMBAWA :

“Hoy gising!” – ni Ted Failon

“I shall return” ni Douglas MacArthur

2.DAYALEK – barayti ng wika na nililikha ng dimensiyong heograpiko. Ito ay salitang

gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan.

Tayo ay may iba't-ibang uri ng wikang panrelihiyon na kung tawagin ay wikain.

HALIMBAWA:

Tagalog – Bakit?

Bataan- Bakit ah?

Ilocos – Bakit ngay?

3.SOSYOLEK – ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga

salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal

na gumagamit ng mga naturang salita.


HALIMBAWA:

Oh my God! It so mainit naman dito. (Naku! Ang init naman dito.)

Sige ka, jujumbagin kita! (Sige ka, bubugbugin kita!)

4.ETNOLEK – barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang

grupo. Dahil sa maraming pangkat etniko sumibol ang iba't-ibang uri ng Etnolek. Taglay

nito ang mga wikang naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.

HALIMBAWA:

Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan

Laylaydek Sika – iniirog kita

Palangga – iniirog, minamahal, sinisinta

5.EKOLEK- barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang

mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakakatanda,

malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.

HALIMBAWA:

Palikuran – banyo o kubeta

Pamingganan – lalagyan ng plato

Pappy – ama/tatay

Mumsy – ina /nanay

6.PIDGIN – barayti ng wika na walang pormal na estruktura. Ito ay binansagang

“nobody’s native language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal

na nag-uusap na may dalawa ring magkaibang wika. Sila ay walang komong wikang

ginagamit. Umaasa lamang sila sa mga “make-shift” na salita o mga pansamantalang

wika lamang.

HALIMBAWA:

Ako kita ganda babae. (Nakakita ng magandang babae)


Suki ikaw bili akin, ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka ng paninda ko, bibigyan

kita ng diskawnt)

7.CREOLE- barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng

indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng

partikular na lugar. Halimbawa dito ang pinaghalong Tagalog at Espanyol (Chavacano),

Arican at Espanyol (Palenquero).

HALIMBAWA:

Mi Nombre- Ang pangalan ko

Di bonde lugar to? – Taga saan ka?

Buenas tardes – Magandang hapon

8.Register- barayti ng wikang espesyalisadong ginagamit ng isang partikular na

domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensiyon.

a. Field o larangan – layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong gumagamit nito.

b. Mode – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon.

c. Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap

HALIMBAWA :
Mga salitang binabaliktad
Lodi -idol
Ngetpa- panget
Werpa – pawer
Mga salitang ginagamit sa teks
Cyl – chat you later
Brb- be right back
Tyt – take your time

Mga salitang jejemon

mUstAh qUah nUah- kamusta ka na?

J3j3j3 – Hehehe

iKhAw l4NgzZ sApUat nUaH – Ikaw lang sapat na


Teoryang Pangwika

A. Sosyoling wistikong teorya:

Ayon sa teoryang ito ay ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang-indibidwal. Ayon kay Sapir, ang wika ay isang
instrumento o kasangkapan ng sosyalisasyon. Ibig sabihn nito ay ang mga relasyong sosyal ay hindi iiral kung wala nito.
Ayon naman kay Saussure, ang wika ay binubuo ng dalawang parallel at magkaugnay na serye, ang signifier(language) na
isang kabuuang set ng mga gawaing pangwika na nagbibigay ng daan sa indibidwal na umintindi at maintindihan, at ang
signified (parole).

Kaugnay sa teoryang ito ay ang ideya ng pagiging heterogenous ng wika dahil sa mga magkakaibang indibidwal at grupo.
Pinaniniwalaan dito na ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng komunikasyon kundi isang pagsasama-sama ng
mga anyo sa isang magkakaibang kultura. Dito ngayon lalabas ang tatlong anyo ng wika, ang idyolek, dayalek, at
sosyolek.

B. Teorya ng akomodasyon:

Tinatalakay sa teoryang ito ni Howard Giles, ang linguistic convergence at linguistic divergence, Ang mga ito’y mga
teorya mula sa SLA (second language acquisition). Tinatalakay ang teoryang ito Sa linguistic convergence sinasabin na
nagkakaroon ng tendesiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa,
pakikilahok, pakikipag-palagayang-loob, pakikisama o kaya’y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Samantalang sa
linguistic divergence sinasabing pilit nating iniiba o pilit tayong di-nakikiisa, o kaya’y lalong pagigiit sa sariling kakayahan
at identidad.

Tinatalakay rin dito ang interference phenomenon at interlanguage. Ang interference phenomenon ay ang tumatalakay
sa impluwensya ng unang wika sa pangalawang wika. Dito nabubuo, halimbaw, ang Taglish, Singlish, o kaya Malay
English at marami pang iba dahil sa di-maiwasang pagpasok ng mga katutubong wika ng mga bansang nagging kolonya
ng mga bansa na ang katutubong wika ay Ingles. Ang interlanguage naman ang tinatawag na mental grammar na
nabubuo ng tao pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto nya ng pangalawang wika. Halimbawa nito ang mga
salitang madalas nating ginagamit, na dahil sa sobrang dalas ay nadadagdagan natin ito ng gamit (nominalisasyon). Dito
ay binabago ng tagapagsalita ang grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago ng mga
alituntunin.

https://teksbok.blogspot.com/2011/06/teoryang-pangwika.html
CODE MIXING O CODE SWITCHING

-Ito ang pagpapalit ng dalawa o higit pang mga wika kapag nagsasalita

Halimbawa nito ay TAGLISH

1. Pwede ba tayong mag lunch sa malapit na restaurant?

2. May exam ba tayo next week?

Bakit madalas na ginagawa o ginagamit natin ang code mixing o switching?

-Dahil nagpapakita ito ng pakikibagay sa grupo o sa lipunan.

-Ito'y impluwensya ng mga taong nasa paligid natin.

-At ito ay nagbibigay diin sa ating sinasabi

Mga uri

1. Inter-sentential

-Ang pagpapaljt ng wika ay nagagawa sa labas ng pangungusap, maaaring nasa una o huli.

Madalas itong marinig sa mga fluent na bilingual.

Halimbawa: What happened? niloloko ka raw nya?

2. Intra-sentential

-Nagagawa ang pagpapalit ng wika sa gitna ng pangungusap na tuloy-tuloy.

Halimbawa: matulog ka na because you're too tired para maghintay pa sa kanya!

3. Extra-sentential

-Pagapapalit ng salita o parirala patungo sa iba pang wika. Ito ay karaniwan sa intra sentential.

Halimbawa: Ayoko na I mean it!

Mga benepisyo

-Sa paggamit nito sa eskwelahan nawawala ang langguage barrier kasi naipapahayag ng mga

estudyante ang nais nilang sabihin at naipapalit nila ang mga impormasyon na nais nilang

ipaintindi.

-Nagagamit ang ikalawang wika o second language at nadadagdagan ng epekto ng sasabihin

at mas nagiging mabisa ang pagsasalita.

Pagkakaiba ng CODE SWITCHING at CODE MIXING.


Halos parehas ang dalawang ito sa pagha-hybrid ng mga wika at pagsasalita.

Code switching

-Ito ay ang intensyonal na pagpapalit ng wika para maipahayag sa personal na paraan ang

sasabihin.

Code mixing

-Ito ay hindi intensyonal na ginagawa dahil hindi niya alam na sa pangalawa nitong wika ay

nagpapalit ng mga salita.

You might also like