You are on page 1of 6

Varyasyon o Barayti ng Wika Homogeneus at Heterogeneous na wika

A. Homogeneous
 ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit nito.(Paz,
et.al.2003).
B. Heterogenous na Wika
 
 –
 wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at pangangailangan ngpaggamit nito, maraming
baryasyon na wika. Ito ay nagtataglay o binubuo ng magkakaibangkontent o element
heteros
 –
 nangangahulugang magkaiba samantalang ang genos
 –
 nangangahulugang uri o lahi.Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng
mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan
at iba pa.C. Dayalek/Dayalekto
 –
 ito ang barayti ng wikang ginagamit sa isang pangkat ng mga tao mula saisang
partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon at bayan. Ang barayti ng wikang nalilikha
ngdimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang
ginagamit sa isangpartikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit. Ito rin
ang wikang sinasalita ng isangneyographical. Halimbawa: pakiurong nga po ang plato
(Bulacan
 –
 hugasan)pakiurong nga po ang plato (Maynila
 –
 iusog)
D. Idyolek
 - ito ay pansariling paraan, nakagawiang pamamaraan o istilo sa pagsasalita.Makikita
rito ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita o ng isang
pangkatng mga tao. ( uri ng wikang ginagamit at iba pa). Ito rin ang Individwal na
estilo ng paggamit ngisang tao sa kanyang wika.Halimbawa: Tagalog
 –
 Bakit?Batangas
 –
 Bakit ga?Bataan
 –
 Bakit ah? Ang idyolek ni Marc Logan
 –
 paggamit ng salitang magkakatugma Ang idyolek ni Mike Enriquez
 –
 hindi namin kayo tatantanan Ang idyolek ni Kris Aquino -
 Aha!, ha, ha… okey! Darla!
 
E. Sosyolek
- naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal o nakabataysa
katayuan, antas o sa pangkat na kanyang kinabibilangang panlipunan. Tinatawag din
itongsosyal (pamantayan) na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat
panlipunan,paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa. Ito ay may kinalaman din
sa katayuangsosyo-ekonomiko ng nagsasalita.Halimbawa: Wika ng mag-aaral - Oh my
God, nakatabi ko kanina sa bio ang crush ko!Tapos nakasabay ko pa s'yang mag-lib!
(estudyante)Wika ng matanda - Ano ikamo, wala pa ang tatay n'yo diyan? Aba at saan
nanaman napunta ang damuhong 'yon? Malilintekan 'yon sa akin! (matanda)
Iba’t Ibang Sosyolek
 
1.
Gay Lingo
 
 –
 ang wika ng mga bakla. Ginamit ito ng mga bakla upang mapanatili ang
kanilangpagkakakilanlan kaya binago nila ang tunog o kahulugan ng salita.
 
2
Halimbawa: Churchill para sa sosyal, Indiana jones para sa hindi sumipot, begaloupara
sa malaki, Givenchy para sa pahingi, Juli Andrews para sa mahuli.2.
Coňo
 -
tinatawag ding coňotic o conyospeak isang baryant ng Taglish o salitang Ingles na
hinahalo sa Filipino kaya nagkaroon ng coede switching. Kadalasan din itong
ginagamitan ngpandiwang Ingles na make at dinugtong sa Filipino. Minsan kinakabitan
pa ito ng ingklitik na pa, na,lang at iba pa.
Halimbawa: Let’s make kain na… wait lang I’m calling ana pa… We’ll gonna make
 pila
pa…It’s so
 haba na naman for sure.3.
Jejemon o Jejespeak
 
 –
 ay isang paraan ng pagbaybay ng hehehe at ng salitang mula sa Haponna
pokemon. Ito ay nakabatay rin sa mga Wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang
maypinaghalo-
halong numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na titik kaya’t
mahirap basahin at intindihin lalo na nang hindi pamilyar sa jejejetyping. Madalas na
nagagamit angmga titik H at Z.Halimbawa: 3ow phow, mUsZtAh nA phow kaOw? -
Hello po, kumusta po kayo?aQcKuHh iT2h - Ako itoiMiszqcHyuH - I miss you4.
Jargon
 - ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng isang
propesyon,artikula na trabaho, o gawain ng tao.Halimbawa: abogado
 –
 exhibit, appeal, complainantguro
 –
 lesson plan, class record, Form 138
F. Etnolek
 
 –
 ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolengguwistikong grupo. Ang salitang ito
aynagmula sa pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging
bahagi ngpagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko. Halimbawa: Vakkul
 –
 gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o ulanBulanon
 –
 full moonKalipay
 –
 tuwa o ligayaPalangga
 –
 mahal o minamahalShuwa
 –
 dalawaSadshak
 –
 kaligayahanPeshen
 –
 Preshen
G. Register
 –
 ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng
wikangginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasaita ang pormal
na tono ngpananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mataas na katungkulan
o kapangyarihan,nakatatanda o hindi niya masyadong kakilala. Pagkakaroon ng
pagbabago ng wika sa taongnagsasalit o gumagamit ng wika ayon sa:a. Tono ng
kausap o tagapakinig (tenor of discourse)
 –
 naaayon ang wika sa sinoang nag-uusap.b. Paksa ng pinag-uusapan (field of
discourse)
 –
 batay sa larangan na tinatalakay atsa panahon.c. Paraan o paano nag-uusap ( mode of
discourse)
 –
 pasalita o pasulat pagtalima samga panunturan dapat sundin batay sa uri ng piniling
paraan ng pag-uusap.

 
3
Halimbawa: Paggamit ng pormal na wika sa simbahan, talumpati, pagpupulong at
pagsulatng aklat pangwika o pampanitikan o pormal na sanaysay.Paggamit ng di
pormal na wika sa pagsulat ng komiks, talaarawan at lihampangkaibigan o di pormal na
paraan ng pagsasalita kung ang kausap aykaibigan, malalapit na kapamilya, kaklase o
kasing-edad
H. Ekolek
 - Barayti ito ng wika na karaniwang nabubuo at sinasalita sa loob ng bahay. Taglay
nitoang kaimpormalan sa paggamit ng wika subalit nauunawaan ng mga gumagamit
nito.Halimbawa: MamitaLolagetsPapsy
I. Pidgin
 -
ito ay umusbong na bagong wika na tinatawag sa Ingles na Nobody’s Native
Language o katutubong wikang di pag-aari ninuman. Ito ay bunga ng pag-uusap ng
dalawang taong parehong may magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan
dahilhindi nila alam ang wika ng isa’t isa kaya magkakaroon sila ng makeshift language.
Dahil
dito makakalikha sila ng isang wikang pinaghalo ang kanya-kanya nilang unang
wika.Halimbawa: Ang pagpunta ng mga Kastila noon sa Zamboanga nakabuo sila ng
wikangpinaghalong Espanyol at Katutubong Wika ng Zamboanga.
J. Creole
 - ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized)
nang mga batang isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit ito sa mahabang
panahon hanggang samagkaroon ng pattern o tuntuning sinusunod na ng
karamihan.Halimbawa: ang wikang Chavacano

You might also like