You are on page 1of 6

Konseptong Pangwika: Homogeneous at Heterogeneous na Wika

Ang wika, tulad ng alin mang may buhay, ay namamatay din. Ito ay nangyayari kung ito’y
hindi na nagagamit sapagkat nawala na ang pangangailangan nito. Isa pang dahilan ay ang pag dumog
ng mga nadarayuhan sa isang lugar at ang dating wika ay napapalitan ng banyagang salita. Minsan
naman, sadyang may mga bagong salita ang umuusbong na tumutukoy sa isang bagay at ito ay higit na
ginagamit ng mga tao at nalilimutan na ang dating katawagan nito.
Marami pang ibang mga salita sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang unti-unti nang. Nasa 35 limang
diyalekto sa Pilipinas ang nanganganib na mawala o mamatay sapagkat halos wala nang gumagamit ng
mga ito. Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra hindi mamamatay ang isang diyalekto sa pamamagitan
ng patuloy na pag-gamit nito sa pamilya, sa pang araw-araw na gawain, at sa pakikihalubilo sa kapwa.

Ang Homegenous na wika ay nangangahulugan ng pagkakapare-pareho ng paraan ng


pagsasalita ng mga tao. Dahil sa pagkakaroon ng iba’t ibang lugar ang pagiging Homogenous na wika
ay impossible. Hindi maaaring maging homogenous ang wika dahil may mga salik (factors)
panlipunan tulad ng edad, hanapbuhay, antas ng pinag-aralan,,kasarian,kalagayang
panlipunan,rehiyon o lugar,pangkat etniko o tinatawag ding etnolngguwistikong
komunidad kung saan tayo’y nabibilang.

Ang Heterogenous na wika naman ay nangangahulugan ng pagkakaiba-iba ng pagsasalita


ng mga tao dulot ng mga nabanggit na salik panlipunan. Ang iba’t ibang salik naman ay nagresulta ng
iba’t ibang barayti (variety) ng wika.

Konseptong Pangwika: Register o Baryasyon ng Wika

Dahil sa pagiging arkipelago ng Pilipinas na ang mga isla ay pinaghiwa-hiwalay ng katubigan at


ang bawat isla ay hinahati pa ng kabundukan, nagkaroon ang bansa ng napakaraming wika. Ayon nga
sa 2000 Census, may mahigit 150 buhay na katutubong wika sa Pilipinas. Sinuportahan ito ng Summer
Institute of Linguistics International Ethnologue (14th edition, 2000) sa pagsasabing may 152 wika at
diyalekto sa bansa.

Dalawang pangunahing salik ang nakaaapekto sa baryasyon ng wika: ang dimensiyong


heograpikong tumutukoy sa impluwensiya ng pisikal na kapaligiran sa pagkakaiba-iba ng wika at ang
dimensiyong sosyal na tumutukoy naman sa personal na pinagmulang tao.

Sa aklat na The Study of Language (2010), masusing tinalakay ni George Yule ang mga
baryasyon ng wika dahil sa impluwensyang heograpiko. Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:

1. Estandardisadong Wika – ito and ideyal na barayti ng wikang itinuturo upang magamit nang
uniporme. Sinasabing kahit kasi ag wika, halimbawa ay Filipino, maaaring mag-iba iba ang paggamit
nito, depende sa nagsasalita. Maaaring maiba ang bigkas, depende sa paraan ng pagsasalita ng tao;
maaring maiba ang paraan ng pagbuo ng salita o pangungusap, depende sa kung ano ang alam o di
alam ng tao; o maaaring maiba ang pagpapakahulugan, depende sa kamalayan ng tao. Sa
estandardisadong wika, itinuturo ang pare-parehong pagbigkas, pagbuo ng salita, pagbuo ng
pangungusap, at pagpapakahulugan ng isang wika upang maging uniporme ang paggamit nito at mas
madaling magkaintindihan. Ang estandardisadong wika ang gamit sa pamamahala, pagtuturo,
pagbabalita, pagnenegosyo at iba pang malaganap na gawaing pinagsasaluhan ng mga taong nagmula
sa iba’t ibang rehiyon. Dahil sa estandardisadong wika, nababawasan ang mga kaibahan sa paggamit ng
wika na maaaring makaabala sa tuluy-tuloy na pagkakaunawaan. Upang mapatibay ang posisyon ng
estandardisadong wika bilang uri na dapat matutuhan at magamit nang uniporme, ginagawan ito ng
kodipikasyon sa pamamagitan ng pagbuo at pagpapalaganap ng mga tuntunin.
2. Punto at Diyalekto – ang punto ay ang natatanging paraan ng pagbigkas ng isang tao. Sa
katunayan, bawat tao ay may punto (Yule, 2010). Mas napapansin lamang ang punto ng iba dahil
hindi sanay ang isang tao na marinig ito, gaya ng isang tipikal na Batanguenyo na napapansin
agad ng tipikal na Manilenyo ang matigas na pagbigkas at ang pagsisingit ng “ala e” sa
pagsasalita. O, ang isang Amerikano na pansin agad ang twang (accent) sa pag-ingles. Ngunit
kapag ang Manilenyong ito ang nagpunta sa Batangas, mapapansin din naman ng mga
Batanguenyo ang pananagalog niyang kulang sa pwersa o kapag nagpunta sa Amerika ay
mapapansin ang hindi natural na twang (accent) o kung minsan pa ay matigas nap ag i-Ingles na
buong-buo kung bumigkas ng mga salita (halimbawa: twenty sa halip na twenny impluwensiya
ng tuntuning pangwika na kung ano ang baybay ay siyang bigkas).
3. Diyalekto – ito ang barayti ng wika na nagdudulot ng bahagyang kaibahan sa wika, hindi
lamang sa paraan ng pagbigkas kundi maging sa gramatika at bokabularyo nito. Sa loob ng iisang
wika ay maaariing magkaroon ng mga barayti, gaya ng Tagalog na maaring magkaroon ng
mumunting pagkakaiba-iba ng bersiyon depende sa pook lalo pa’t ang mga Tagalog ay
pinaghihiwalay ng mga bundok at ilog. Halimbawa, ang isang taga-Rizal ay maaaring magsabi sa
taga-maynila ng “mag-urong” ng pinggan na maariing maintindihan ng pangalawa na literal na
“pag-uusog” ng pinggan gayong ang ibig sabihi ay “paghuhgas”. Maaaring magtanong ang isang
taga-Timog Luzon ng “nakain ba ng isda?” ang isang bisita na ang ibig sabihin ay “kumakain” ba
ng isda ang tao. Isa pa’y ang pagsasabi g “kayayao-yao” lang ng kaniyang nanay na
nangangahulugang “kaalis-alis” lang ng kaniyang nanay ngunit maaaring maintindihan ng taga-
Maynila na “kamamatay-matay” lang ng nanay. Sa mga halimbawang ito, nagkaintindihan naman
sa pangkalahatan ang dalawang tagapagsalita ng magkatulad na wika ngunit bahagya lang na
hindi nagkakaintindihan dahil sa kaunting barayti ng kanilang mga wika pagdating sa
bokabularyo. Ito nga ay ang diyalekto.
4. Pidgin – ang praktikong wikang iniimbento lang ng mga taong may magkaibang wika ngunit
kailangang magkaintindihan dahil sa dalas ng ugnayan nila.
Halimbawa : Kayo bata aral buti para laki ganda trabaho.
Ikaw bili bag mura lang.
(Filipino - Chinese )
I no sabi – I don’t understand
I dey fine – I’m fine. I’m doing well
(English - Nigerian)

5. Creole – ang umunlad na bersiyon ng isang wikang pidgin na lumaganap na ang paggamit sa
isang bayan at naging unang wika na ng mga sumunod na henerasyon.

Halimbawa:

Chavacano Annobonese Palenquero


(Tagalog at Espanyol)(Portuguese at Espanyol) (African at Espanyol)

Mga baryasyon ng wika dahil sa Dimensiyong Sosyal:

Dito naman tatalakayin ang impluwensya ng lipunan o ng interaksiyon ng mga taong may
magkakaibang edad, kasarian, kultura, propesyon, katayuan at iba pa. Kinabibilangan ito ng mga
sumusunod:

1. Idyolek o Individual dialect – ito ang natatanging paraan ng pagsasalita o pagsulat ng tao na
nagsisilbi niyang pagkakakilanlan; ito ang barayti ng wika na masasabing “personal” o “ekslusibo” sa
bawat tao. Maraming salik na nakaiimpluwensiya sa uri ng idyolek na nalilinang ng isang tao gaya ng
edad, kasarian, pangangatawan, mga katangiang minana sa mga magulang, kapaligirang
ginagalawan, antas panlipunan, edukasyon, propesyon at iba pa. sariling-sarili ng isang tao ang
kaniyang idyolek dahil sariling-sarili rin niya ang kaniyang mga katangian at karanasan na humubig
dito. Ilang halimbawa ng idyolek ang isang tagapagbalita na kilala sa idyolek niyang mabilis na
pagsasalita; isang host ng showbiz oriented talk show na may idyolek na pagbigkas ng mga salita
nang may buong pwersa at isang talent manager na kilala sa idyolek niya na palaban o parang laging
may kaaway kapag nagsasalita.

2. Sosyolek o Social Dialect – ito ang kolektibong wikang gamit ng particular na pangkat ng mga
tao sa lipunan. Ayon kay Yule (2010), nakatuon ang sosyolek sa pag-aaral ng wika ng mamamayan
sa isang bayan o lungsod, di tulad ng diyalekto na mas nakatuon sa wikang gamit ng mga taga-
lalawigan. Malaking bahagi ng mga taong naninirahan sa bayan o lungsod ay nabibilang sa gitnang-
uri o sa urin manggagawa. Mas mataas ang pinag-aralan ng mga taga-gitnang uri at karaniwang
gumagawa ng mga trabahong propesyonal, gayong ang mga nasa uring manggagawa ay mas
mababa ang natamong edukasyon at karaniwang gumagawa ng mga trabahong manuwal. Mauuwi
pa ang gitnang uri at mababang gitnang uri, depende sa katangiang ekonomiko ng mga tao rito.
Ang sosyolek ng isang pangkat ng tao ay naiimpluwensyahan pa ng mga sumusunod na salik:
a. Edukasyon – hindi lamang tinutukoy ng edukasyon ang pormal na edukasyon na tinatapos sa
paaralan kundi maging ang impormal na edukasyon, gaya ng ginagawa ng isang taong
magpapayaman ng kaalaman sa sariling pagbabasa at ang di-pormal na edukasyon gaya ng
ginagawang pagtuturo sa pamamagitan ng radyo. Makikita sa sosyolek ng mga taong nakapag-
aral ang higit na sopistikasyon sa pagpapahayag gaya ng pagkakaroon ng mas tamang
gramatika dahil nagpag-aaralan ang estruktura ng wika. Mas alam nila ang tamang bigkas ng
mga salita (ponolohiya), ang mga paraan sa pagbuo ng salita (morpolohiya), ang wastong
kayarian ng pangungusap (sintaks) at ng iba’t-ibang paraan ng pagpapakahulugan (semantics).
Kahit paano ay malay rin sila sa mga elementong sangkot sa matagumpay na komunikasyon
gaya ng ispiker, mensahe, awdyens, wika, midyum, konteksto, feedback, ingat at iba pa kya
kapag nagkakaproblema sa pagkakaintindihan ay kaya nilang matukoy kung alin ang depekto at
kung paano ito maayos. Mas maalam din sila sa pagbuo ng iba’t-ibang diskurso, pasalita o
pasulat, kaya kaya nilang makapaghatid nito sa kinauukulan at makaintindi rin nito kung sila
naman ang tatanggap.
b. Propesyon – pinayayaman ng propesyon ng isang tao ang wikang gamit niya dahil naipapasok
niya rito ang teknikal na kaalaman ng kaniyang larang. Halimbawa, kapag kinurot ng isang
babae ang kaibigan niyang lalaking abogado, maaari siya nitong biruin na sasampahan ng
kasong serious physical injuries o kapag biglang nanghina o nahilo ang kasama niya, maaring
magteorya ang doctor na baka may hypoglycemia ito kaya dapat uminom ng soda para
magkaroon agad ng sugar. Kung magsasama-sama ang mga taong may magkakatulad na
proppesyon, maaring mas mamalasak ang paggamit nila ng mga teknikal na salita dahil
magkakaintindihan na sila, hindi katulad kapag ordinaryong tao lamang ang kausap nila na
kailangang gumamit ng wikang madaling maintindihan o gawing limitado ang paggamit ng mga
teknikal na salita.

2.1 Mga Barayti ng Wikang Nabubuo sa Ilalim ng Sosyolek


a. Estilo ng Pananalita – tinutukoy nito ang antas ng pormalidad ng paggamit ng wika.
Karaniwang naaapektuhan ang pormalidad ng kontekstong kinaroroonan ng mga nagsasalita.
Halimbawa, kapag nasa isang paglilitis sa husgado, inaasahang magsasalita ang lahat ng pormal
mula sa abogadong nagtatanong hanggang sa hukom na nagpapasiya. Hindi rin maaaring
magsalita nang malakas o tumawa o magsisigaw dahil ituturing itong pambabastos sa korte.
Kaiba naman ito sa isang konsiyerto na pinapayagan ang malakas na pagsasalita o kahit pa
pagsigaw o paghiyaw. Nakakaapekto rin sa pormalidad ng gamit ng wika ang kausap.
Halimbawa, kapag makikipag-usap ang isang estudyante sa punungguro ng kanilang paaralan,
kailangan niyang makipag-usap nang may pitagan. Kaiba naman ang sitwasyon kapag kausap ng
estudyante ang matalik niyang kaibigan; kaswal lamang ang pag-uusap at itinuturing na normal
kahit pa magmura siya. Tinatawag na divergence ang pananalitang lumilikha ng distansiya sa
kausap upang iparamdam dito ang pagkilala sa kaniyang katayuan o awtoridad samantalang
convergence ang paggamit ng pananalitang nagpaparamdam ng paglapit o pagiging
komportable sa kausap.
Halimbawa ng Divergence:
Ang pagtawag ng isang tao sa kanyang titulo, paggamit ng po at opo,
paggamit ng maramihang panghalip kahit iisa lang siya
1. “May gusto po akong sabihin sa inyo, Dr. Reyes, kung mamarapatin
ninyo.”
2. “Inaasahan ko po na anumang mapapag-usapan natin sa deliberasyon na
ito ay sa atin lang at hindi makalalabas sa silid na ito, kung hindi,
maaaring maharap sa kasong administratibo ang mapapatunayang
nagkasala.”
Halimbawa ng Convergence:
Ang paglalambing sa isang tao o pagtawag sa kaniya ng mga pangalan at
ang bigay na bigay na pakikipag-usap sa kaniya.
1. “Uy, bro, may sasabihin sana ako kung okay lng?”
2. “Ingatan mo naman ang USB mo, aba, nakakatatlong wala ka na sa loob
lang ng isang lingo.”

b. Rehistro – ito ang natatanging wikang gamit sa tiyak na konteksto. Maaari itong maging sitwasyon
kung ang rehistro ay akma sa isang sitwasyon, okupasyonal kung gamit ng mga propesyonal sa
kanilang trabaho at topical kuung ginagamit sa pagtalakay o pag-uusap ng isang paksa.
Halimbawa ng Sitwasyonal:
Ang pagmimisa ng pari gamit ang wikang eklesiyastiko at ang pagpapaliwanag ng
mga kawani ng eroplano ng mga gabay pangkaligtasan gamit ang wikang pang-
abyasyon.

Halimbawa ng Okupasyonal:
Ang pag-uusap-usap ng mga doctor gamit ang wikang medical, ng mga abogado
gamit ang wikang legal o ng mga negosyante gamit ang wikang pangkomersiyo.

Halimbawa ng Topikal:
Ang pagpapaliwanag sa mga bahagi at gamit ng isang bagong-labas na
smartphone na di maiiwasan ang paggamit ng mga terminong teknikal o ang
pagpapaliwanag tungkol sa red tide na hindi maiiwasan ang paggamit ng mga
terminong pang-oseanograpiya.

c. Jargon – ito ang espesyal na teknikal na bokabularyo ng isang larang. Gamit ito sa rehistro upang
makilala ang pagiging natatangi ng rehistrong iyon sa sitwasyon, okupasyon, o paksang
pinaggagamitan nito. Ito rin ang nagsisilbing paraan ng mga “tagaloob” ng isang larang upang
makilala ang isa’t-isa at magkaroon ng ugnayan at maihiwalay sa kanila ang mga “tagalabas”.
Halimbawa sa larang ng turismo:
International, domestic, accommodation, transportation, attraction, souvenir,
inbound, outbound, psychocentric, midcentric, allocentri at iba pa.
Halimbawa sa larang ng culinary arts:
Executive chef, sous chef, chef de partie, saucier, rotiseur, patissier, toque, mis
en place at iba pa.

d. Balbal – itinuturing na wika ng kalye na ginagamit sa karaniwang usapan. Produkto lamang ang
wikang ito ng pagkamalikhain ng taong bumubuo ng mga salitang may natatanging kahulugan para
hindi maintindihan ang kanilang usapan ng mga taong hindi kabilang sa kanilang pangkat. Iba-iba
rin ang mga alituntunin sa pagbuo nito dahil hindi katulad ng morpolohiya sa Filipino na may mga
tiyak na batas, tinatanggap dito ang anuman basta mapapakinabangan sa usapan at tatanggapin ng
mga gumagamit.

Halimbawa:

1. Erpat (ama); ermat (ina) na pagbabaligtad ng orihinal na salitang father o


mother
2. Yosi na nabuo mula sa mga piling pantig ng isang salita (“yo” sa huling pantig
at “si” sa unang pantig ng salitang “sigarilyo”
3. Baskil na pinagsamang piling mga pantig ng isang salita (“bas” mula sa
“basing” at “kil” mula sa “kilikili”)
4. Crayola (iyak) na bahagi ng salita (cry) ay bumibigkas sa salitang naglalahad
ng kahulugan nito
5. “Luz Valdez” na pangalan ng isang kilalang personalidad na ginamit para
tumukoy sa isang kalagayan, sa kasong ito, ng pagkatalo
6. “jabar” (pawis)
7. “tukneneng” (itlog na ballot ng harina)
8. “jologs” (baduy)

You might also like