You are on page 1of 37

PANIMULANG

PANANALIKSIK
Mga Paksang tatalakayin:
A. Kahulugan ng Pananaliksik
B. Layunin ng Pananaliksik
C. Katangian ng Pananaliksik
D. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang
Mananaliksik
E. Mga Pananagutan ng Isang Mananaliksik
F. Ang Isyu ng Plagyarismo
G. Mga Bahagi ng Pananaliksik
PANANALIKSIK?
A. Kahulugan ng Pananaliksik
 Isang komprehensibo at akademikong gawain ang pananaliksik.
 Komprehensibo sa kadahilanang isinasaalang-alang rito ang
organisado at sistematikong pagmamasid sa pangangalap ng mga
datos hanggang sa presentasyon ng mga datos sa mismong
pananaliksik.
 Saan man bumaling ang indibidwal, ang kaniyang kapaligiran ay
mayaman sa paksa na magagamit sa pagbuo ng pananaliksik.
B. Layunin ng Pananaliksik

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang


preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay
ng tao. Wika nga nina Goods at Scates (1972), The
purpose of research is to serve man, and the goal of
research is the good life.
Mga Tiyak na layunin ng Pananaliksik ayon kina Calderon
at Gonzales (1993)
1. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman
hinggil sa mga batid pang phenomena.

2. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi


ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at
impormasyon.

3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop


ng mga bagong instrumento o produkto.

4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substance at


elements
5. Higit na maunawaan ang kalikasan ng dati nang
kilalang substances at elements

6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa


kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan, at
iba pang larangan.

7. Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.

8. Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman.


C. Katangian ng Pananaliksik
1. Sistematiko
- May sinusunod itong proseso o magkakasunod-sunod na
mga hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng
suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.

2. Kontrolado
- Lahat ng mga baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling
constant.
3. Emperikal
- Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga
pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na
nakalap.

4. Mapanuri
- Sa pananaliksik, ang mga datos na nakalap ay kailangang
suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa
paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap.
5. Obhetibo, Lohikal at Walang Pagkiling
- Lahat ng tuklas o findings at mga kongklusyon ay kailangang
lohikal na nakabatay sa mga emperikal na datos at walang
pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta ng pananaliksik.

6. Gumagamit ng mga Kwantetibo o Estadistikal na Metodo –


Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerical at
masuri sa pamamagitan ng estadisyikal na tritment upang matukoy
ang kanilang gamit at kahalagahan.
7. Orihinal na Akda
- Ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang
tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang
mananaliksik.

8. Akyureyt na Imbestigasyon, Obserbasyon at


deskripsyon.
- Lahat ng kongklusyon ay kailangang nabatay sa mga aktuwal
na ebidensya.
9. Matiyaga at Hindi Minamadali
- Upang matiyak ang katumpakan o occuracy ng pananaliksik,
kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang nito.

10. Pinagsisikapan
- Walang pananaliksik na naisasagawa nang walang
pagsisikap. Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag
upang maging matagumpay.
11. Maingat na Pagtatala at Pag-uulat
- Lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala.
Ang maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas
ng pananaliksik.
D. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng
isang Mananaliksik
1. Masipag

• Kailangan niyang maging masipag sa pangangalap ng mga datos at


pagsisiyasat sa lahat ng anggulo at panig ng pinapaksa ng
pananaliksik.

• Hindi maaaring doktorin ng mananaliksik ang resulta ng kanyang


pananaliksik
2. Matiyaga sa gawain
• Kakambal ng sipag ang tiyaga. Sa pangangalap ng mga datos, kailangang
maging pasensyoso ang isang mananaliksik.

3. Maingat sa mga datos


• Sa pagpili at paghimay-himay ng mga makabuluhang datos, kailangang
maging maingat ang isang mananaliksik lalo na sa pagkilala sa pinagkunan ng
datos at pinagmulan ng anumang ideya.
• Kailangan ito upang maging kapani-paniwala ang mga resulta ng pananaliksik.
4. Sistematiko/Masistema sa mga Gawain

• Ang isang pananaliksik ay isang sistematikong gawain.


Samaktuwid, kailangang sundin ng isang mananaliksik ang mga
hakbang nito ayon sa pagkakasunod-sunod.
Halimbawa; hindi maaaring unahin ang paglalagom at pagbuo ng
mga kongklusyon nang hindi pa nakapangalap ng mga datos.
5. Kritikal o mapanuri sa mga detalye

• Ang pananaliksik ay isang iskolarling gawain. Pinaglalaanan ito ng


buhos ng isip.
• Kailangang maging kritikal o mapanuri ang isang mananaliksik sa
pag-eeksamen ng mga impormasyon, datos, ideya o opinyon upang
matukoy kung ang mga ito’y balido, mapagkakatiwalaan, lohikal at
may batayan.
6. Matapat sa lahat ng oras

7. Responsable sa mga gawain


E. Mga Pananagutan ng Isang
Mananaliksik
• Katapatan ang pinakapangunahing pananagutan ng isang
mananaliksik.

• Ang katapatang ito ay kailangang niyang maipamalas sa pagkilala


ng pinagkunan ng kanyang mga datos at iba pang ideya o
impormasyon sa kanyang pananaliksik.
Mga Pananagutan ng Isang Mananaliksik
1. kinikilala ng mananaliksik ang lahat ng pinagkunan niya ng datos,
2. bawat hiram na termino at ideya ay kanyang ginagawan ng
karampatang tala,
3. hindi siya nagnanakaw ng mga salita ng iba kundi sinisipi ito at
binibigyan ng karampatang pagkilala at,
4. hindi siya nagkukubli ng datos para lamang palakasin o
pagtibayin ang kanyang argumento o para ikiling ang kanyang
pag-aaral sa isang partikular na pananaw (Atienza, et al., 1996)
F. Ang Isyu ng Plagyarismo
• Kaugnay ng pananagutan ng katapatan ay ang isyu ng plagyarismo
• Ang plagyarismo ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga
pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa,
himig at iba pa, nang hindi kinikilala ang pinagmulan o
kinopyahan.
• Ito ay isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin
mo ang hindi iyo (Atienza, et al., 1996)
Sina Atienza, et al., (1996) ay nagtala ng ilang halimbawa ng plagyarismo at
mga kaparusahang maaaring ipataw sa isang plagyarista.

1. kung ginamit ang orihinal na termino o mga salita, hindi ipinaloob


sa panipi (o hindi gumamit ng tipong italicized) o hindi itinala ang
pinagkunan;

2. kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago


ang pagkapahayag, ngunit hindi kinilala ang
pinagmulan;
3. kung namulot ng mga ideya o mga pangungusap mula sa iba’t
ibang akda at pinagtagni-tagni ang mga ito ngunit hindi kinilala ang
mga pinagkunan;

4. kung isinalin ang mga termino, ideya pahayag, at dahil nasa ibang
wika na ay inangkin na at hindi tinala na salin ang mga ito;
5. kung ninakaw ang bahagi ng isang disenyo, balangkas, himig, at
hindi kinilala ang pinagkunan ng “inspirasyon”; at

6. kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na


pinaghirapan ng iba at pinalabas niyang siya ang nangalap ng mga
datos na ito.
Mga maaaring ipataw sa isang plagyarista:

1. pinakamagaang na parusa na para sa mga estudyante na


mabigyan ng lagpak na marka para sa kurso;

2. kung mapatutunayan na matindi ang pagnanakaw na ginawa,


maaaring patalsikin ang estudyante sa paaralan;
3. kahit nakagradweyt na ang estudyante at ilang taon na ang
nakalipas, ngunit natuklasan na ang kanyang pananaliksik ay
kinopya, maaari siyang bawian ng diploma o digri;

4. maaari ring ihabla ang sino mang nangongopya batay sa


Intellectual Property Law at maaaring sentensyahan ng multa o
pagkabilanggo.
G. Mga Bahagi ng Pananaliksik
PAUNANG BAHAGI

a. PAHINA NG PAMAGAT NG PANANALIKSIK Ang pahinang ito ay


naglalaman ng pamagat ng pananaliksik, pangalan ng paaralan/ institusyon,
pangalan ng mananaliksik, kurso, at petsa.

b. LIHAM PAGKILALA/ DAHON NG PAGPAPATIBAY Naglalaman ng


pangalan ng gurong tagapayo (adviser) maging ang mga panel sa umupo sa
thesis defense at Dekana ng Kolehiyo kalakip rin ang kanilang mga lagda.
Narito rin ang grado o marka ng mananaliksik sa nasabing pananaliksik.
c. PAGKILALA Nagsasaad ng pangalan ng mga taong nais bigyan ng
pagkilala at pasasalamat ng mananaliksik sa mahahalagang tulong na ibinigay
upang maisakatuparan ang pananaliksik.

d. PAGHAHANDOG Isinasaad kung para kanino at saan niya iniaalay ang


pinaghirapang sulatin/ pananaliksik.

e. TALAAN NG MGA NILALAMAN Nakatala ang laman ng pag-aaral at


kung saang pahina matatagpuan ang bawat isa.
KABANATA I
Ang Suliranin at Sanligan Nito Kabanata I at nasa loob nito ang
introduksiyon, batayang konseptuwal, at marami pang iba. Inilalahad rito ang
mga batayan ng pag-aaral maging ang suliranin sa pag-aaral.

Introduksiyon Tumatalakay sa kabuoang paksa ng pag-aaral.

Batayang Konseptuwal Nagsisilbing mapa o gabay ng mananaliksik sa pag-


aaral.
Paglalahad ng Suliranin Tinatalakay ang mga katanungang sasagutin sa
kabuoan ng pananaliksik.

Kahalagahan ng Pag-aaral Naglalahad ng posibleng kontribusyon ng pag-


aaral.

Katuturan ng mga Talakay Iniisa-isa ang mahahalagang terminong ginamit


sa pananaliksik.

Saklaw at Delimitasyon Naglalahad ng saklaw at hangganan ng pag-aaral.


KABANATA II
Kaugnay na mga Literatura at Pag-aaral Kalipunan ng
mahahalagang babasahin at iba pang pag-aaral.

KABANATA III
Pamamaraan ng Pag-aaral Tinatalakay ang mga hakbang na
gagawin sa kabuuan ng pananaliksik maging paraan ng pangangalap
ng mga datos
KABANATA IV
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos Inilalahad at binibigyang-
kahulugan ang mga nakalap na datos.

KABANATA V
Lagom Nilalagom ang mga natuklasan sa pag-aaral.
Kongklusyon Batay sa Lagom at iniaangkop sa mga tanong sa pananaliksik.
Rekomendasyon Batay sa Kongklusyon at ito’y posibleng mga pagpapabuti.
KARAGDAGANG BAHAGI
BIBLIOGRAPIYA Tinutukoy ang mga sangguniang nakatulong sa
pananaliksik.

APENDIKS Taglay nito ang mga liham, larawan at iba pang pansuportang
mga kagamitan sa pananliksik.

CURRICULUM VITAE Nagtataglay ng personal mga datos hinggil sa


mananaliksik. Tila isa itong resume
-WAKAS-

You might also like