You are on page 1of 8

Filipino 6 - Pagtuturo at Pagtataya sa Makrong Kasanayang Pangwika

Modyul: 3
Paksang Aralin: Ang Layunin at ang Sining ng Pagtatanong
Panahon na Gugugulin: Week 8-10 (3 weeks)
Petsa: Nobyembre 22-Disyembre 10, 2021
Deskripsyon ng aralin:
Ang aralin ay magbibigay-tuon sa tatlong domeyn ng layunin: p angkaisipan
(Cognitive), pandamdamin (affective), at Saykomotor. Nakapaloob din dito ang talakay
sa halaga,uri ng pagtatanong, at antas ng tanong batay sa taksonomiyang pangkognitib.
Mga Layunin ng Pag-aaral:
 Naiisa-isa ang tatlong domeyn ng Layunin at nakapagbibigay ng mga
salitang ginagamit sa pagbuo nito;
 Natutukoy ang halaga ng mga layunin o learning objectives sa pagpaplano
at paghahanda ng aralin ng isang guro;
 Natatalakay ang iba’t ibang uri ng tanong na maaaring gamitin bilang
pundasyon sa mahusay na pagkaklase .
 Nakabubuo ng mga layunin at mga kaugnay na tanong sa paghahanda ng
aralin

Panimulang Kaisipan

Bago tayo magsimula sa pagtalakay sa paksang aralin, maaari ninyo bang


ibahagi kung bakit kayo naririto sa klase ko ngayon? Ano ang ang mga tanong sa
isipan mo nang makita mo ang paksang aralin natin?

Ngayon ay simulan na natin ang pagtalakay sa ating aralin.

PAGBUO NG LAYUNIN SA PAGTUTURO


Sa paghahanda at pagbabalak ng aralin, ang mga guro at maging ang mga
naghahanda ng kurikulum ay nagsisimula sa pagbuo ng mga layunin. Ang target
na dapat puntiryahin ng isang guro sa kanyang pagtuturo ay ang pagsasa-
katuparan ng binuo niyang layunin para sa klase. Kung buo na ang layunin o
batid na ng guro kung ano ang nilalayon niya para sa kanyang mag-aaral,
magpapasiya na siya kung anong gawain at karanasan ang idudulot sa mag-aaral
sa ikapagtatamo ng mga layuning binuo para sa kanila. Ang mga layunin ay isang
tiyak na pahayag ng iminumungkahing pagbabago sa mag-aaral. Nararapat na
ipahayag ito sa tiyak na paraan ng pagsasabi nito. Gumamit ng mga salita o
parirala na nagsasaad ng tiyak na gagawin n8 mag-aaral. Iwasan ang mga
salitang malayo ang kahulugan o nagbibigay ng maraming kahulugan o walang
katiyakan ng gagawin. Noong dati, gumagamit ang mga guro ng sali- tang
malaman, maunawaan, mapahalagahan. Hindi ito mga tiyak na pahayag ng kung
ano talaga ang gagawin ng mag-aaral. Nais ba ng guro na mabanggit, mapili,
mailarawan, maibigay ang pagkakaiba o pagkakatulad? Makabubuting ihayag ng
tiyak kung ano talaga ang gagawin ng mag-aaral. Ano ang mga layuning
pampagtuturo? Ang mga ito ay mga tiyak na pagpapahayag ng isang binabalak na
pagbabago sa panig ng mag-aaral. Ang mga layuning pampag tuturo ay nararapat
isaad sa paraang tiyak at ang pagganap dito ay namamasdan at ang bunga o
kinalabasan ay nasusukat.
Ang mga layunin ay dapat na maging tiyak. lto ay naglalahad ng isang
malinaw na larawan ng pagganap. Hindi magandang simulan ito sa mga pahayag
na malaman, maunawaan, mapahalagahan, atb., sapagkat ang mga ito ay walang
sapat na kalinawan upang mailarawang tahasan kung ano ang dapat ipamalas ng
mag-aaral. Samantala ang mga salitang, mailarawan, bumuo, gumawa ng talaan,
ilahad, ipaliwanag, atb. ay naglalarawan ng tiyak na gagawin ng mag-aaral. Sa
lalong ikalilinaw at ikatitiyak ay maidaragdag pa ang mga salitang: lubos, ganap,
nang buong kasiyahan, gaya halimbawa: mailarawang ganap, ipaliwanag nang
lubos, atb.
Ang mga layunin ay ilahad sa pahayag na ang pagganap ay namamasdan,
alalaong baga, iyong ang pagganap o pagsasagawa ay makikita o kaya'y ang
resulta ng pagkaganap ay nakikita o may ebidensya. Gaya ng: bumigkas, awitin,
isaayos, suriin, sumulat ng talata, sumulat ng tugma o niaghanda ng isang
tseklist.
Ang mga layunin ay ilahad sa paraang naglalarawan ng mga pagkaganap na
maaaring masukat. Ang mga gawaing namamasdan ay maaaring masukat.
Maaaring ibigay ang antas at kasidhian ng pagkaganap. Ang pagdaragdag ng mga
salitang naglalarawan ng antas ng pagkaganap, tulad ng lubos, ganap, may
katamtamang bilis ay makapagdaragdag ng kalinawan sa layunin.
May apat na batayang hakbang sa pagbuo ng mga layuning pangkagawian. Ito
ay:
1. Banggitin ang gawi o gampanin ng mag-aaral. lbigay ang gawain sa
pananaw ng mag-aaral at hindi sa pananaw ng guro. Ang mga layunin sa
pananaw ng mag- aaral ay maaaring simulan sa salitang mababanggit,
maihahanay, matatalakay, masusuri , makasusulat, mailalarawan, atb. Ang mga
layunin sa pananaw ng nagtuturo ay tulad halimbawa ng maihahasik,
maikikintal, maituturo sa mag-aaral.
2. Bumuo ng mga layunin sa pamamagitan ng paglalahad ng mga tiyak na
gampanin na maaaring makita o marinig ang pagganap o ang bunga o resulta ng
pagkaganap. Gaya halimbawa ng "Maawit ang Pambansang Awit nang wasto at
may damdamin." o kaya'y "Makasulat ng 1sang liham pangkalakal."
3 Banggitin kung sa anong kondisyon gagampanan ang gawain. Banggitin ang
kaluwagan o kahigpitang ibibigay sa mag-aaral sa pagganap sa gawain.
Halimbawa:
Sa tulong ng ruler, ang mag-aaral ay makaguguhit ng iba-ibang anyo at hugis
o iba-ibang uri ng tatsulok.
Ang mag-aaral ay makaguguhit ng iba-ibang uri ng tatsulok nang hindi
gagamit ng ruler.
3. Banggitin ang pinakamababang sukat o antas o ang pinakamataas na sukat
o antas ng pagkaganap na maaaring tanggapin o pahalagahan.
Halimbawa:
Maibibigay ang katumbas na maramihang anyo ng 50 pangalan sa talaan sa
ibaba nang may 90 bahagdan ng pananagumpay ng matatalinong mag-aaral,
nang may 807% pananagumpay ng karaniwang mag- aaral at narng may 70%
pananagumpay ng mahihinang mag-aaral.
Ang sistema ng edukasyon ng ating bansa ay nakabatay sa tatlong batayan o
saligan. Ito'y ang mga sumusunod: batayang pilosopikal, batayang sosyolohikal at
batayang sikolohikal.
Ang mga layunin ng edukasyon na binanggit sa unahan ay ang mga batayang
pilosopikal.
Mula sa mga panlahat na layunin ay bumubuo ang guro ng mga layuning
tiyak sa pagtuturo. Ang mga layuning ito ay napapangkat sa tatlong domeyn.
MGA DOMEYN NG LAYUNIN
ANG DOMEYN PANGKABATIRAN O KOGNITIB (COGNITIVE DOMAIN)
Ito ang pinakapangkaraniwang layunin dahil marahil sa pagtuturo ay
karaniwang nakatuon sa paglilipat o transmisyon ng kabatiran at kasanayan.
Nahahati ang domey sa dalawa:
1. Ang pagkalap ng kabatiran at paggamit sa kaba tiran o impormasyon.
A. Mga Layuning pangkabatiran (Knowledge Objectives)
Sa katapusan ng aralin, ang bata ay:
(a) Nakakikilala ng mga bagay-bagay, kaisipan at paglalahat na nauugnay sa
________ (recalss, recognizes data, concepts and generalization related to _______)
(b) Nakahihinuha na ____ (deduces that____)
(c) Nasasabi na ang pagkakaiba ng ____sa____ (distinguishes____from____)
Ang una ay nauukol sa pagkatuto ng8 batayang kabatiran, konsepto,
paglalahat at mga teorya.
B. Mga layunin sa pagsisiyasat at kasanayan (Inquiry and skill objectives)
Ang mga bata’y dapat nang:
(a) Makapaglarawan at makapaghambing ng _____(describe and compare____)
(b) Makapagpaliwanag kung paano _____ (explain how______)
(c) Makakilala ng pagkakaiba ng _______ sa________(demonstrate how_____
(d) Makapagsaalang-alang at makagamit ng ____ (consider ang use____)
(e) Makapagbalangkas nang mabisang _____ (formulate____effective)
(f) Makapagbigay ng mga katibayan o patunay na ____(give evidence or proofs)
Ang ikalawa naman ay manipulasyon at proseso sa pagganmit ng kabatiran
sa mga sitwasyong lumulunas ng suliranin. May anim na pangunahing antas sa
domeyn na kognitib. Ito ay: Kaalaman, pag-unawa, aplikasyon o paggamit,
pagsusuri, paglilinaw o sintesis at ebalwasyon.

ANG DOMEYN NA SAYKOMOTOR (PSYCHOMOTOR DOMAIN)


Sa katapusan ng yunit, ang mag-aaral ay:
(a) Makayari o makabuo ng _____ (construct___)
(b) Makagawa(Makahawak)_____ (Manipulate_____)
(c) Makagamit ng _____(make use of___)
(d) Makagawa (makaganap)______ (perform____)
(e) Makasukat _____ (measure___)
(f) Makaganap (makagawa, makatupad)___ (execute___)
(g) Makapag-ugnay-ugnay _____ (connect___)
Ang domeyn na saykomotor ay nahihinggil sa mga kasanayang motor at
kasanayang manipulatibo na nangangailangan ng koordinasyong neuromascular.
Ang sayko (Psycho-) ay "isip at ang motor ay "galaw." Sa ilalim ng domeyn na ito,
nilalayon ng guro ang pagkalinang ng mga kakayahang pisikal mula sa mga
batayang galaw ng katawan (paglakad, pagtakbo) hanggang sa mga kilos at galaw
na nangangailangan ng maramng pagsasanay upang matamo, (gaya halimbawa
ng pagtugtog sa piyano, pagsayaw, paglangoy at iba pa).

ANG DOMEYN NA PANDAMDAMIN (AFFECTIVE DOMAIN)


Mga saloobin, pagpapahalaga, mithiin at kawilihan (attitudes, appreciations,
ideals, interest)
Sa katapusan ng yunit:
(a) nakababalikat na ng pananagutan sa (assumes responsibility)
(b) nakagagamit ng ____ matalino at mabisa (utilizes wisely and effectively)
(c) Nakapagmamasid ng masusi____(observes _____strictly)
(d) Nakagagamit ng _____ matalino at mabisa (utilizes wisely and effectively)
Ang mga layunin sa domeyn na ito ay nahihinggil sa saloobin, emosyon,
kawilihan at pagpapahalaga. May mga kategorya ang mga layunin gaya ng
Pagtanggap (receiving), pagtugon (responding), pagpapahalaga (valuing), pag-
organisa (organization) at karakterisasyon (characterization).
Narito ang ilan pang halimbawa ng pagpapahayag ng mga layunin.
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakatutukoy ng mga bagay-bagay___ (Recognize___)
2. Nakapaglalarawan ng___ (Describe___)
3. Nakapagpapakita ng paraan kung paano___ (Demonstrate how___)
4. Nakahahanap, nakatitipon, nakapagpapahalaga at nakapag-uulat___ (Locate,
gather, appraise and report___)
5. Nakapaghahambing, nakapagbibigay-kahulugan at nakapagbubuod___
(Compare, interpret, and abstract___)
6. Nakapagpapanukalang mabuti__ (Plan carefully___)
7. Nakapagtitimbang-timbang ng katumpakan ng___ (Weigh the validity of ____)
8. Nakapagpapatunay mula sa pinanghahawakang katibayan na__(Conclude from
available supporting evidence that___)
9. Napag-uuri-uri ang____ sa ____ (Classify from___ into___)
10. Nakapagpapahayag nang maliwanag ng____(State clearly___)
11. Nakahuhula na___ (Predict that__)

Ang Nararapat Gawin upang Makatiyak na ang Layunin ay Natatamo:


Kinakailangan ang mga ito ay "behavioral" kaya't dapat gamitan ng mga
katawagang tiyak, namamasid, nasusukat at nakakamtan o naaabot. Narito ang
ilang mga salitang kilos na maaaring gamitin sa iba't ibang paksang aralin:
sulat/sumulat (write) bumuo (constuct) gamitin ang tuntunin (apply the
rule)
basa/bumasa (read) magtala (list) uriin(classify)
bigkas/bumigkas (recite) mag-utos (order) ipakita (demonstrate)
kilalanin (identify) sundin/sumunod (obey) tawagin (call out)
pag-ibahin (differentiate) isalin (translate) gawin (make)
lutasin (solve) ilarawan (describe) tuklasin (discover)
piliin (pick out) sabihin (tell) pangalanan (name)
iguhit (draw) magdisenyo (design) itanong (ask)
ayusin (arrange) ipalagay(assume) bumalangkas (formulate )
gamitin (use) tanggapin (accept) bihasanin (acquaint)
ibagay (adjust) suriin (analyze) itayo (raise)
gunitain/alalahanin (recall) hipuin (touch) gawin (perform)
ibigay ang tuntunin (state the rule) asahan(anticipate)
Matapos matunghayan ang magkaroon ng kabatiran tungkol sa pagbuo ng
layunin, ngayon naman ay tatalakayin na natin ang paksa kaugnay sa pagbuo ng
mga tanong bilang pundasyon sa mahusay na pagkaklase.

ANG SINING NG PAGTATANONG

Ang Pagtatanong ay isang sining. Dahil dito, tahasang masasabing ang


bawat guro ay may naiibang istilo o uri ng pagtatanong batay sa kanyang
pangangailangan sa silid-aralan. Iba’t iba ang dahilan ng guro kung bakit siya
nagtatanong sa kanyang mga mag-aaral.
Una, ibig ng gurong maging masigla ang talakayan sa klase.
Pangalawa, nais ng gurong makatiyak kung naging mabisa ang paglalahad ng
kanyang aralin.
Pangatlo, ibig ng gurong matiyak kung natamo niya ang layunin ng pagtuturo.
Pang-apat, nais matuklasan ng guro kung anong damdamin ang namamayani sa
dibdib ng kanyang mga mag-aaral matapos matalakay ang aralin.
Walang guro ang hindi nagtatanong sa klase dalhil naniniwala siyang ang
pagtatanong, katulad ng pagbibigay, ng pagsusulit, ay isang mabisang pagtataya
sa mga kaalaman at kasanayang dapat matamo ng kanyang mga mag-aaral.
lba't Ibang Uri ng Tanong
May iba’t ibang uri ng pagtatanong na ginagamit ang guro sa silid-aralan. llan
sa mga ito ay ang sumusunod:

1. Tanong na ang sagot ay "Oo o "Hindi." Ang ganitong uri ng tanong ang
pinakagamitin sa silid-aralan. Ang sagot dito ay mabilis na naipupukol sa guro sa
dahilang hindi ito nangangailangan ng pagbubuo ng mga pangungusap.
Halimbawa:
Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng kwento?

2. Tanong na ang sagot ay may dalawang pagpipilian. May dalawang


pagpipilian sa ganitong uri ng tanong. kalimitan, ang pagpipilian ay
magkasalungat.
Halimbawa:
Makasining ba o malaswa ang pelikulang "Live Show?

3. Tanong tungkol sa mga tao, bagay, lunan o pangyayari. Ito y nagsisimula sa


Sino, Ano, Alin, Saan o Kailan.
Halimbawa:
Sino ang inaakala mong magiging susunod na pangulo ng ating bansa?

4. Tanong na bakit. Ang tanong na ito y tinutugon sa pamanagitan ng


pagpapaliwanag. Ito ay ginagamitan ng wastong pagkukuro o pagpapaliwanag.
Ang mga karaniwang pansagot sa bakit ay nagsisimula sa kasi, dahil sa,
mangyari, paano, kung hindi ko gagawin ‘yon e ‘di.
Halimbawa:
Bakit mahalaga ang personalidad ng kalahok sa anumang uri ng patimpalak?
5. Tanong na pagtitimbang. Ito y nangangailangan ng pagkukuro pag-iisa-isa
sa mga bagay na magpapaliwanag kung ano ang magiging pasya. Dito masasanay
ang mga mag-aaral na mangatwiran ayon sa mga impormasyong alam niya at
batay sa pansarili niyang kaalaman.
Halimbawa:
Kung ikaw ang pangunahing tauhan, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa?

6. Tanong na humihingi ng palagay. Lto’y nasasagot sa pamamagitan ng


pagbibigay ng kuru-kuro batay sa nakita, nabasa o naranasan ng sumasagot. Dito
nakilkita kung malinaw o hindi ang pagpapaliwanag.
Halimbawa:
Sa iyong opinyon, dapat bang baguhin ang sistema ng gobyermo sa Pilipinas?

Ang Pagtatanong: Tungo sa Pagpapataas ng Kaisipan ng Mag-aaral


Mahalaga sa isang guro na matukoy hindi lamang ang mga kaalamang
natutuhan ng kanyang mga mag-aaral kundi maging ang mga kasanayan at
kakayahang pangkognitib ng mga ito.
Sa pag-aaral ni Coronel (1990) ay inilahad niya ang mga salik op baryabol na
makatutukoy sa ipagkatututo ng mga mag-aaral:(1) ang mga katangian ng mga
mag-aaral, (2) ang mga katangian at resorses ng paaralan at (3) ang mga
katangian at resorses ng konmunidad.
Naging malaganap ang classroom-centered research na ang pokus ay ang mga
nagaganap sa loob ng klasrum habang isinasagawa ang pag-aaral gaya ng (1)
paksang pinag-aaralan, (2) interaksyong pangklase, (3) estilo ng partisipas-yon
ng mga mag-aaral, (4) estilo ng pagkatuto at iba pa.
Napatunayan sa mga pag-aaral na maituturing na may mababang antas ng
pagtatanong ang mga tanong na: (1) pangmemorya, (2) restrikted, (3)
kognitib/pangmemorya, komberdyent, (4) paktwal at (5) displey.
Sa mga uring nabanggit, ang layunin lamang ay ang makapagpalabas o
makapagbigay ng isang konsepto mula sa dati nang natutuhan at ang kakayahang
makapagbigay ng ilang obserbasyon mula sa tuwirang nakita, narinig at nadama.
Ang mga tanong naman na nagtataglay ng mataas na antas ay ang mga
tanong na: (1 pampukaw pag-iisip,(2) ekspanded o pinalawak, (3) dayberdyent,
pang-ebalwasyon at (4) reperensyal.
Mataas ang antas ng mga tanong na nabanggit dahil nangangailangan ng mas
mataas na kakayahan sa pag-iisip upang masagot ang mga tanong Mahalaga sa
antas na ito ang mapag-ugnay-ugnay ang mga dati nang natutuhan upang
makapagbigay ng pansariling ideya.
Si Bloom (1956) ay naghanda ng taksonomiya ng kakayahang pangkognitibo.
Isinaalang-alang dito ang paghahanay-hanay ng mga kakayahang intelektwal
mula sa simpleng kakayahan gaya ng pagtanda sa isang ideya o konsepto
hanggang sa krtikal at lohikal na pag-iisip patungo sa malikhaing pag-iisip at pag-
iisip na repleksib.
Narito ang taksonomiya:
Antas ng Tanong Kakayahan/Gawain

1. Kaalaman Nanghihingi ng isang tiyak na impormasyon


Nagpapaulit ng dati nang natutunan o naeksperyensya
Halimbawa: Anong mga pook ang napinsala ng nakaraang lindol?
llan ang mga namatay at ilan ang nasugatan ayon sa
ulat ng PNRC?

2. Pag-unawa Nagpapabigay-kahulugan sa isang bagay na natutuhan sa


pamamagitan ng:
-pagsasalin sa ibang porma o anyo
-pagpapahayag sa sariling paraan o pananalita
-pagbibigay-kahulugan sa nabasa o narinig
-paghahambing
Halimbawa: Ano ang pagkakaiba ng pinsala sa Dagupan at ng pinsala
sa Cabanatuan?
Ipaliwanag mo nga Kung paano nagaganap ang lindol?

3. Aplikasyon Nagpapagamit ng natutuhang impormasyon upang malunasan


ang isang suliranin.
Halimbawa: Anong uri ng mga gusali ang dapat itayo sa mga pook na nasa
ibabaw ng earthquake fault?
Kung ikaw ay pipili ng pagtatayuan mong gusali, ano ang
Dapat mong isaalang-alang?

4. Pagsusuri Nangangailangan ng kakayahang:


-matukoy ang mga dahilan ng isang pangyayari
-masusuri ang mga impormasyon upang makagawa ng isang
-kongkiusyon o inperensya
-masuri ang isang kongkiusyon para makapagbigay ng
ebidensya na umaayon o sumasalungat dito.
Halimbawa: Anong mga dahilan kung bakIt hindi kaagad nasaklolohan
ang mga napinsala ng lindol?
Anong masasabi mo sa mga pamamaraan ng mga dayuhan sa
pagsaklolo sa óras ng pangangailangan?
Sa ating mga nabasa at narinig sa mga pag-uulat tungkol sa
lindol, ano ang nagpapatunay ng pagtutulungan ng mga
Pilipino?Mayroon bang naganap na sumasalungat dito?

5. Sintesis Nangangailangan ng kakayahang gumawa ng orihinal at


malikhaing pag-iisip sa pamamagitan ng:
-pagbuo ng orihinal na komunikasyon o komposisyon
-paggawa ng mga prediksyon
-pagsagot sa mga suliranin na ginagamitan ng iba't ibang
kaparaanan.
Halimbawa: Anong katangian ng mga Pillipino ang naipakita dahil sa
pinsalang naganap?
Ano kaya ang mangyayari kung nabuksan ang Bataan Nuclear
Plant bago naganap ang lindol?
Paano kaya natin maiiwasan ang pag-iral ng pansariling
interes sa oras ng mga pangangailangan?
Ano ang magagawa ng bawat Pilipino sa mga ganitong
pagkakataon?
6. Ebalwasyon Nanghihingi ng sariling kuro-kuro, pagpapahalaga o
pagpapasya batay sa isang kraytirya o sukatan o pansariling
sistema ng paniniwala o kahalagahan.
Halimbawa: Anong masasabi mo sa kakayahan ng pamahalaan na
umaksyon sa mga oras ng pangangalilangan?
Ano ang masasabi mo sa nagiging gawi ng ilang pangkat sa
pagbibigay-tulong sa mga nasalanta?
Ano ang iyong opinyon tungkol sa sistema ng komunikasyon
dito sa ating bansa?

Ngayon ay magkakaroon tayo ng tanong-sagot kaugnay sa mga paksang aralin


na tinalakay at pagbabahaginan ng ideya.

You might also like