Professional Documents
Culture Documents
I. PANANALIKSIK
LAYUNING NG PANANALIKSIK
1. Mabigyan ng kasiyahan ang kuryusidad ng tao.
- Dahil sa pagkamangha sa mga nakikita sa kapaligiran, lalo na ngayong panahon ng teknolohiya,
nagsusulputang imbensiyon nagiging mausisa tayo.
2. Mabigyan ng mga kasagutan ang mga tiyak na katanungan.
- Gumagawa tayo ng pananaliksik dahil nais nating mabigyan ng kasagutan ang mga tiyak na
katanungan. Nabibiyang-linaw ang maraming katanungan sa kaisipan natin bilang mananaliksik
3. Malutas ang isang partikular na isyu o konrobersiya.
- Mga kontrobersiyang bumabalot sa ating kaisipan, mga kontrobersiyang nagaganap sa ating
bansa na unti-unti nang nasasagot ang mga ito sa pamamagitan ng pananaliksik.
4. Makatuklas ng mga bagong kaalaman.
- Maraming nang kaalaman ang umiiral, ginagamit at pinakikinabangan ngunit lubha pa itong
mapapaunlad sa pamamagitan ng pananaliksik.
5. Maging solusyon ito sa suliranin.
- Kung noon ang mga damo at dahon ay walang silbi ngayon ito ay mga gamot na herbal
nanakakalunas sa iba’t ibang karamdaman at pinagkakaperahan tulad ng sakit sa diabetes at
tuberculosis
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
1. Sistematiko - Ang pananaliksik ay isang prosesong may sinusunod na hakbangna sasagot sa kahingian
ng pag-aaral.
2. Kontrolado - Ang pananaliksik ay kailangang kontrolado ang mga baryabol nanakapaloob rito upang
ang baryabol sa pananaliksik ay hindi pabagu-bago.
3. Empirikal - Ang pananaliksik ay kinakailangang napapatunayan sa pamamagitan ng pagmamasid o
karanasan kaysa sa teorya, at nakabase sa mga inilahad na pinagkunan ng mga datos.
4. Mapanuri - Ang kabuuan ng isang pananaliksik ay nakabase sa interpretasiyonng mananaliksik kaya
naman mahalagang katangian nito na ang pananaliksik aydapat mapanuri.
5. Obhetibo, Lohikal at Walang Pagkiling - Ang mga datos at interpretasyon ngmananaliksik ay dapat
obhetibo at lohikal at walang pagbabagong ginawa dahilang pananaliksik ay dapat walang kinikilingan.
6. Gumagamit ng mga Kwantetibo at Estadistikal na Datos - Mga datos nakwantetibo at estadikal ay
mahalaga upang masukat ang kahalagahan ng iyongpananaliksik.
7. Orihinal na Akda - Ang iyong pananaliksik ay dapat sarili mong tuklas at hindipaglalahad lamang ng
tuklas ng ibang mananaliksik.-
8. Akyureyt na Imbestigasyon, Obserbasyon at Deskripsyon - Akyureytna pangangalap ng datos at
interpretasyong ng mga ito ay mahalaga sa isangpananaliksik.
9. Matiyaga at Hindi Minamadali - Upang maging akyureyt ang iyong tuklas ito ayhindi mo dapat
minamadali at dapat nakapaglaaan ka ng sapat na oras upangintindihin ang mga datos.
10. Pinagsisikapan - Ang pananaliksik ay dapat paglaanan ng oras, talino, panahonat maraming
mapagkukunan ng datos sapagkat ang paggawa ng pananaliksik ayhindi madali at dapat pagsikapan.
11. Nangangailangan ng Tapang - Sa mga pagkakataon na ang mananaliksik aynahaharap sa mga
mahihirap na desisyon ukol sa kanyang pananaliksik, ito aydapat matapang na kanyang haharapin
12. Maingat na Pagtatala at Pag-uulat - Ang mga datos na nakalap ngmananaliksik ay dapat naka-tala ng
wasto at tama sapagkat maliit napagkakamali ay maglalagay sa panganib ng kanyang pananaliksik
1
Metodolohiya o Pamamaraan
Ang metodo o pamamaraan ay isang balangkas na pangkonteksto para sa pagsasalisksik, isang
magkakaugnay at lohikal na pamamaraan batay sa mga pananaw, paniniwala, at pagpapahalaga, na
gumagabay sa mga pagpipilian na ginawa ng mga mananaliksik. Binubuo ito ng mga sumusunod na
bahagi:
1. Disenyo ng Pag-aaral
2. Mga kalahok ng sampling
3. Kasangkapan sa Pangangalap ng Datos.
A. DISENYO NG PAG-AARAL
Ipinaliliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disenyo sa pagsasagawa ng pananaliksik na
maaaring palarawan, historical,o kaya ay eksperimental
Mga Uri ng Pananaliksik
1. Pananaliksik na Eksperimental
✓ Pinag-uukulan dito ng pansin ang hinaharap at kung ano ang nangyari.
✓ Pinakamabisang uri kung nais tukuyin ang inaasahang resulta
✓ Binibiyang- pansin ang mga posibleng dahilan na maaaring tumugon sa suliranin
Halimbawa:
o Saan higit na madaling matuto sa matematika batay sa wikang ginagamit?
o Eksperimentong gagawin ng guro upang malaman kung aling paraan ng pagtuturo ang
gagamitin upang madaling matuto ang kanyang mag-aaral . Susubok siya ng iba’t ibang
paraan ng pagtuturo.
2. Korelasyonal na Pananaliksik
✓ Ito ay isang uri na maparaang pananaliksik na ginagamit upang malaman ng mananaliksik kung
ano ba ang realasyon ng dalawa o marami pang bagay sa isa’t isa
✓ Matukoy ang kaugnayan ng 2 baryabol nang makita ang implikasyon nito at epekto sa isa’t isa
✓ Makatutulong para magkaroon ng prediksiyon sa kalalabasan ng pananaliksik
Halimbawa:
o Kaugnayan ng kinalakhang paligid sa pagiging goal- oriented ng isang tao.
o Ang kaugnayan sa Edukasyon ng mga Akdang “Di Nasagot ng Propesor”, ni Amado V.
Hernandez at “Higit sa Sanlibong Salamat”, ni Benigno Juan.
3. Pananaliksik na Hambing-sanhi
✓ Pag-alam sa dahilan o pagkakaiba ng dalawang bagay o tao
Halimbawa:
o Paghahambing sa kahusayan ng mga mag-aaral sa pribado at pampublikong paaralan
4. Sarbey na Pananaliksik
✓ Pagpapayaman at pagpaparami ng datos
Halimbawa:
o Pagkuha ng persepsiyon ng mga mag-aaral sa pagtaas ng matrikula
5. Etnograpikong Pananaliksik
✓ Kultural na pananaliksik
Halimbawa:
o Uri ng pamumuhay ng mga Mangyan sa Mindoro
6. Historikal na Pananaliksik
✓ Pagtuon sa nagdaang pangyayari
2
✓ Magpabatid ng katotohanan ng nakalipas na pangyayari
Halimbawa:
o Pag-alam sa lawak ng angkan
8. Deskriptibong Pananaliksik
✓ Paglalarawan ng isang penomenong nagaganap kaugnay sa paksa
✓ Pinakagamiting uri ng pananaliksik
Halimbawa:
o Pagtukoy sa iba’t ibang halamang gamot sa Pilipinas
1. Talatanungan
Ang talatatanungan ay ginagamit ng mga mananaliksik kung saan ay isinusulat ang mga
tanong na pinasasagutan sa mga respondente. Ito ang pinakamadaling paraan sa pangagalap ng
datos.
• Open-ended na talatanungan- Ang mga respondent ay malaya sa pagsagot.
• Close-ended na talatanungan- uri ng talatanungan ng may pagpipilian
3. Obserbasyon
Kinapapalooban ito ng obserbasyon ng mananaliksik sa sitwasyong pinagaaralan. Sa
ganitong uri ng pag-aaral, ang mananaliksik ay natugon sa tuwirang paglalarawan ng sitwasyong
pinag-aaralan at ang pinakamabuting paraan para makamit ang layuning ito ay ang pagmamasid
dito.
3
II. PAGPILI NG MABUTING PAKSA
Ito ang unang hakbang sa pagkabuo ng sulating pananaliksik. Ito ay isa sa pinakamapanghamong bahagi
sa pagsulat ng pananaliksik. Ang pinakakritikal na batayan sa gagawing pagsulat.
Madalas ang paksang palasak o lagi nang ginagamit ang pinili ng mananaliksik dahil ang mga ito ang
lagging nakikita sa kapaligiran at sa iba’t ibang uri ng midya.
4
4. Mga Pangyayari sa iyong paligid. Kung maging mapanuri ka ay maaaring may mga pangyayari o mga
bagong kalakaran sa paligid na mapagtutuunan mo ng pansin at maaaring maging paksa sa
pananaliksik.
5. Sa sarili. Ang paksang nagmula sa bagay na interesado ang mananaliksik ay karaniwang humahantong
sa isang matagumpay na sulating pananaliksik sapagkat nalalagay niya hindi lamang ang kanyang isipan
kundi ang buong puso at damdamin para sa gawaing sa una pa lang ay gusto niya o interesado siya.
Maaari tayong makakuha ng paksa mula mismo sa ating saliri. Maaaring ang maging paksa natin
ay batay mismo sa ating karanasan, nabasa, napakinggan at maging sa ating mga kaalaman na
natututunan. Halimbawa, ikaw ay isa sa kabataang lulong sa computer games, maaari itong gawing
paksa sa pananaliksik para mas malaman ang iyong kondisyon o magkaroon pa ng impormasyn ukol sa
paksang ito.
TANDAAN!
Hangga’t maaari, iwasan ang mga paksang may kaugnayan sa sumusunod:
• Mga pinagtatalunang paksa na may kinalaman sa relihiyon o usapin ng moralidad na mahirap
hanapan ng obhektibong pananaw at nangangailangan ng maselang pagtalakay.
• Mga kasalukuyang kaganapan o isyu dahil maaaring wala pang gaanong materyal na magagamit
bilang saligan ng pag-aaral.
Ang sisidlan na makitid subalit malalim ay katulad din ng isang paksang nilimitahan.
- Dahil ang paksa ay espisipiko, higit na malalim ang pagtalakay rito sapagkat tiyak
ang bahaging pagtuunan ng pansin at tatalakayin.
NALIMITAHANG
PAKSA ELEMENTO PINAL NA PAKSA
PAKSA
Perspektiba o
Epekto
Pananaw
Uri o Kategorya Mobile legends Ang epekto ng mobile
edad 10-16 na taong legends sa mga mag-aaral na
Edad
Kabataan at gulang may edad 10-16 na taong
Games Kasarian babae gulang noong 2020
Panahon 2020-kasalukuyan hanggang sa kasalukuyan sa
Lugar o espasyo Imus MCA Imus.
Pangkat o sektor na Mag-aaal ng MCA
kinasasangkutan Imus
Maaaring gamitin sa paglilimita ang kombinasyon ng iba’t ibang elemento upang higit itong
maging espesipiko. Tandaan na habang humahaba ang pamagat ay lalong nagiging espesipiko ang
iyong paksa. Maaaring hindi kumpleto ang elemento sa paglilimita ng paksa depende sa layunin mo o
sa panahong gugugulin sa pananaliksik.
6
PAKSA: POLUSYON
7
2. Balangkas na Decimal
- Gumagamit ito ng numerong Arabic bilang pananda sa iba’t ibang antas ng balangkas.
Halimbawa:
TENTATIBONG BALANGKAS
I. Introduksiyon
A. Paunang Kaalaman
B. Layunin ng Pag-aaral
C. Pahayag na Tesis
D. Mga Tanong na Nais Sagutin ng Papel
E. Kahalagahan ng Pananaliksik
F. Lawak at Delimitasyon ng Papel
II. Mga Kaugnay na Literatura
III. Metodolohiya
IV. Resulta
V. Konklusyon at Rekomendasyon
VI. Bibliyograpiya
8
V. TALAAN NG SANGGUNIAN/ BIBLIYOGRAPIYA
Ang talasanggunian o Bibliyograpiya ay bahagi ng isang pananaliksik o maging ng aklat na kakikitaan
ng talaan ng mga aklat, journal, pahayagan, magasin, o website na pinagsanggunian o pinagkuhaan ng
impormasyon.
Sa paghahanap ng datos tungkol sa paksa ang karaniwang nagagamit na sanggunian ay mga aklat,
pahayagan, journal, magasin, mga computer data base at mga aklat pananaliksik, na inaayos na paalpabeto.
Matatagpuan dito ang pangalan ng awtor nanauuna ang apelyido, pamagat ng aklat/ magasin, artikulo,
pangalan ng magasin/ pahayag, lugar ng pinaglimbagan, taon ng pagkalimbag at pahina.
9
b. MLA – Modern Language Association, karaniwang ginagamit sa mga akademiko at iskolaryong papel
sa malalayang sining o liberal arts at sa disiplina ng Humanidades.
c. CMS – Chicago Manual of Style
✓ Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lamang ng publikasyon ang
isulat sa loob ng parenthesis.
✓ Kung dalawa ang awtor, banggitin ang apelyido ng dalawa at ang taon ng publikasyon.
✓ Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang volume, banggitin ang bilang ng
volume kasunod ng pangalan ng awtor o mga awtor, ngunit tutuldok (:) ang gamiting bantas upang
paghiwalayin ang unang entry sa taon ng publikasyon.
✓ Kung tatlo o higit pa ang awtor at hindi nabanggit ang pangunahing awtor sa mismong teksto,
banggitin na lamang ang unang awtor sa loob ng panaklong at sundan ng et al. bago ang taon ng
publikasyon.
Dalawang awtor
* Kung dalawa ang awtor, Irabagon, Cristina T. at Gonzales, Corazon C. (2003). Sining ng
banggitin ang apelyido ng Komunikasyon. Valenzuela City: Mutya Publishing.
dalawa at ang taon ng
Publikasyon
10
Tatlo o Higit na awtor
* Kung tatlo o higit pa ang awtor Garcia, Lakandupil C. et.al. (2012). Paradaym: Pananaliksik sa
sa mismong teksto, banggitin
Wikang Filipino (Intelektwalisasyon, Disiplina at Konsepto).
na lamang ang unang awtor sa
loob ng panaklong at sundan ng Malabon City: Jimcsy Publishing House.
et al. bago taon ng
publikasyon.
* Simulan sa pamagat ng akda The Personal Promise Pocketbook. (1987). Makati: Alliance
at tuldukan, taon ng pagkasulat, Publishers, Inc.
lugar ng
pinaglimbagan, publisher na
nagsagawa ng paglilimbag.
Magasin, Journal, dyaryo at Morales, N. (2014, August 13). “MPC goes into renewable
Newsletter energy.” The Philippine Star, Vol. 29, no.17, page B-7.
11
B. MLA – Modern Language Association
12
MGA BATAYANG IMPORMASYON NA KAILANGANG MATUKOY SA TALASANGGUNIAN
a. Pangalan ng Awtor o mga awtor
b. Pamagat ng libro
c. Lugar ng publikasyon
d. Pablisher o tagalimbag
e. Petsa o Taon ng pagkalimbag
f. Editor, tagasalin, konsultant, compiler (kung mayroon)
14
3. Layunin
• Sa bahagi ring ito, inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananaliksik. Sa bahagi
ring ito, inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananaliksik.
• Kapag natapos nang isulat ang buong pananaliksik, alalahaning balikan ang mga layunin at
siguraduhing natupad o nagawa ang mga ito. Sa bahagi ring ito, inilalahad ang nais makamit sa
pamamagitan ng pananaliksik.
• Kapag natapos nang isulat ang buong pananaliksik, alalahaning balikan ang mga layunin at
siguraduhing natupad o nagawa ang mga ito.
4. Metodolohiya
• Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang
paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na impormasyon. Samakatuwid
tinutukoy rito kung paano maisasakatuparan ang proyekto. Ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
metodolohiyang maaaring gamitin
• Samakautwid tinutukoy rito kung paano maisasakatuparan ang proyekto. Ibibigay ang
pangkalahatang ideya ng metodolohiyang maaaring gamitin. Tandaan, dapat magkaugnay ang
mga layunin at metodo.
15
5. Inaasahang Bunga o Resulta (Output)
• Dito inilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng pananaliksik o pag-aaral.
• Tandaan, dahil sa patuloy na pangangalap ng impormasyon ay maaaring magkaroon pa rin ng
pagbabago ang inaasahang resulta sa pinal na papel depende sa kalalabasan ng pagkalap ng
datos.
6. Mga Sanggunian
• Ilista ang mga sangguniang ginamit sa pagkuha ng paunang mga impormasyon, ang mga
sangguniang maaaring magamit, at nabanggit sa mga kaugnay na pag-aaral.
• Aklat, artikulo, pananalisksik, tesis, disertasyon, professional magazine
16
LAYUNIN RASYONAL
17
METODOLOHIYA
I.
OUTPUT O RESULTA
INAASAHANG
VII. PANGANGALAP NG DATOS (Data Gathering Research)
Hindi magiging ganap o buo ang gagawing pananaliksik kung walang datos na na tutulong sa pagbuo
ng mga ideya. Nagiging makatotohanan ang isang teksto o sulatin kung ito ay nakabatay sa mga datos na
nakalap nang sa gayon madali itong matanggap ng mga mambabasa. Walang saysay ang isang pananaliksik
kung wala itong sustansiya- nilalaman,diwa, bigat, at katatagan. Ang isang mahusay na pananaliksik ay
nakabatay sa ilalatag na mga datos. Kapag nakakuha ng datos at naihanay ito sa maayos na paraan, hindi na
maaaring pagdudahan ang nilalaman at pamamaraan ng proseso sa pagbuo ng pananaliksik.
Ang datos ay mga impormasyon na nakukuha batay sa isang obserbasyon o pag-aaral. Data ito sa salitang
Ingles. Ang datos ay maaaring sa anyong numero, salita, sukat, at katotohanan. Mahalaga ang pag-iingat ng
mga datos upang maging gabay sa mga gagawing pag-aaral upang magkaroon ng tiyak na resulta.
Klasipikasyon ng Datos
1. Nakasulat o Hindi Nakasulat na Datos
a. Nakasulat: libro, dyornal, magasin, pahayagan, liham, awtobiyograpiya,
b. Hindi Nakasulat: pasalitang panitikan, sining audio-biswal, iba’t ibang labi, fossils, artifacts, at
iba pang katulad nito
18
b. Sekundarya - Kung ang datos ay hindi ito kapanahong saksi ng paksang pinagtutuunan at
gumamit lamang ng mga primaryang datos.
Halimbawa:
Ang ulat sa pahayagan ng isang reporter tungkol sa naranasang torture o pagmamalupit
ayon sa mga biktima.
c. Tersiyaryo - Ang turing sa mga sangguniang gumamit, nagtipon, at naglagom ng mga primarya
at sekundaryang datos. Halimbawa:
Ang mga dokumentaryong nabuo hinggil sa Batas Militar.
*Sa puntong ito, mahalagang sabihin din na maraming mananaliksik ang hindi pinag-iiba
ang sekondarya at terserang datos.
Ayon kina Bernales, et al. (2009), may tatlong (3) yugto ng pananaliksik sa silid-aklatan. Ito ay
ang sumusunod:
19
• Bagong Kasaysayan
• Diwa E-Journal
*Mas angkop na gamitin sa pangangalap ng datos ang primaryang datos sapagkat ang
mananaliksik ay nakakukuha ng mga impormasyon mula mismo sa mapagkakatiwalaang kinauukulan
20
2. Panayam o Interbyu
• Isang paraan ng pagtatanong upang makakuha ng datos mula sa pakikipag-usap.
• Ito ay agad-agarang pagkuha ng impormasyon sa taong kinakausap.
• Layunin ng panayam na makakuha
• ng makabuluhang impormasyon sa kinakapanayam. Samakatuwid, malaki ang gampanin ng
epektibong pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan upang mapagtagumpayan ang
pamamaraang pakikipanayam.
3. Imersiyon
• Ito ay pakikihalubilo at pakikisangkot sa pagkuha ng datos. Madalas itong gawing
paraan ng pangangalap sa disenyong qualitative.
• Karaniwang ginagamit sa dokumentasyon upang mas maging buo at komprehensibo
ang datos.
• Nais makuha ng imersiyon ang layuning maipabatid ang panlabas, panloob, ibabaw at
ilalim na kuwento sa likod ng datos.
GAMIT NG DOKUMENTASYON
1. Pagkilala sa pinagkunan ng datos o impormasyon. Lahat ng datos, ideya at impormasyong hinalaw sa
iba at ginamit sa pananaliksik ay nangangailangan ng dokumentasyon. Subalit kung ang datos o
impormasyon ay karaniwang kaalaman na o bahagi ng pampublikong kaalaman, hindi na ito
nangangailangan ng dokumentasyon.
2. Paglalatag ng katotohanan ng ebidensiya. Ang pagbanggit sa mga impormasyong bibliyograpikal, sa
punto-de-bista ng mambabasa,ay nakatutulong nang malaki para tiyakin ang katotohanan ng mga datos
at impormasyong nasa pananaliksik.
3. Pagbibigay ng cross-reference sa loob ng papel. Tinutukoy nito ang pagbaggit sa kaugnay na
impomasyong makikita sa ibang bahagi ng papel. Dalawa ang nagiging silbi nito:
Una, naiiwasan ang pag-uulit ng ideya o impormasyon ng nabanggit na sa ibang bahagi ng papel;
Ikalawa, mas madaling mapag-uugnay-ugnay ng mambabasa ang iba’t ibang bahagi ng pananaliksik
4. Pagpapalawig ng ideya. Ang dokumentasyong iniuukol sa pagpapalawig ng ideya ay karaniwang
tinatawag na talang pangnilalaman (content notes) o talang impormasyonal (informational notes).
Ginagamit ito kapag may nais talakayin na hindi naman kailangang isama pa sa mismong teksto.
SISTEMA NG DOKUMENTASYON
A. Talababa-Bibliograpiya - (Footnote-Bibliography)
- Ang sistemang ito ay isinasagawa sa pagbanggit ng impormasyong bibliograpikal sa talababa at
bibliograpiya. Dahil halata mula sa pangalan, ito ang tala na lumilitaw sa ilalim ng pahina. Ang
layunin ng isang talababa ay ang pagbanggit ng mga nauugnay na mapagkukunan at
sanggunian. Nagbibigay din ito ng mga karagdagang detalye na nauugnay sa bahagi ng nasa
itaas nito. Pangunahin ito ay ginagamit upang gawing simple ang impormasyon sa itaas ng sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng mga detalye sa impormasyong iyon at paglilinaw pa nito.
Pagkatapos ay sunod-sunod na inihahanay ang mga tala ayon sa mga superscript o mga
nakalutang na bilang sa teksto.
Binabanggit sa bahagi ng talababa ang mga sumusunod:
21
- pangalan ng may-akda
- pamagat ng aklat
- lugar na pinaglathalaan
- tagapaglathala
- taon ng pagkakalimbag
- pahinang kinatagpuan ng siniping impormasyon
Halimbawa:
Antonio, Lilia at Ligaya Tiamson-Rubin. 2003. Sikolohiya ng Wikang
Filipino. Lungsod ng Quezon: C & E Publishing, Inc., p. 73-74
2. Pagnunumero ng tala
- Dito sunod-sunod lamang ang pagnunumero ng mga tala at nagsisimula ito sa
bilang na isa hanggang sa matapos ang papel.
3. Pagbabantas
4. Indensyon
- Sa talababa, may indensyong limang espasyo sa kaliwa. Susundan ng
superscript pagkatapos ay maglagay muli ng espasyo at susundan ng
impormasyong bibliograpikal.
22
PAGDADAGLAT NA LATIN
Kapag ang sanggunian ay paulit-ulit, maaari namang gamitin ang ilang mga paunang-
natukoy na mga tuntunin upang maiwasan ang paulit-ulit na pagtala ng buong sanggunian.
a. Ibid.
- Ito ay ginagamit sa pagbanggit sa magkasunod na banggit ng iisang sanggunian. Kung
ang kasunod na banggit ay nasa parehong pahina, Ibid. lamang ang ginagamit.
Halimbawa: Ibid.
b. Op. cit.
- Ito ay ginagamit kung babanggitin muli ang isang sanggunian (ngunit hindi magkasunod
ang banggit o may pumagitnang ibang sanggunian) at nasa ibang pahina ang hinalaw
na ideya. Ang pormat ay: apelyido ng awtor, op. cit. at pahina
c. Loc. cit.
- Ito ay ginagamit kung babanggit muli ang isang sanggunian at pahina ngunit may
pumapagitnang ibang sanggunian.
- Maaaring maging kahalili ng Ibid. Hindi ito nilalagyan ng pahina o volume.
23
Ibid. Ibidem In the same place (used refer again to a text just referred)
Op. cit. Opere citato In a work already mentioned (+author’s name and page
reference)
C. Parentetikal-Sanggunian
- Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga impormasyong bibliograpikal sa loob g
parenthesis na nasa teksto mismo.
Mga Halimbawa
24
*Iba pang alituntunin tungkol sa gamit ng parentetikal-sanggunian
o Pahina lamang ang banggitin kung nabanggit na ang awtor sa mismong teksto.
o Kung higit sa isa ang awtor: banggitin ang pangalan ng lahat ng awtor.
o Kung may apat o higit pang awtor: banggitin lamang ang apelyido ng una at sundan ng et. al. at
pahina
o Pahina lamang ang banggitin kung nabanggit na ang awtor sa mismong teksto.
o Kung higit sa isa ang awtor: banggitin ang pangalan ng lahat ng awtor.
o Kung may apat o higit pang awtor: banggitin lamang ang apelyido ng una at sundan ng et. al. at
pahina
Ang Borador o draft ay ang tentatibong kabuuan ng papel, isa ito sa unang hakbang para sa aktuwal
at mekanikal na pagsulat ng panimulang bahagi ng pananaliksik at nabubuo ang mga datos sa pamamagitan
ng pagsasama-sama at pag-uugnay nito.
Ang tatlong (3) bahagi ng teksto ay kinabibilangan ng: panimula (kaligiran at ang suliranin), katawan
(nakapaloob dito ang mga impormasyon na magpapatibay o magpapaliwanag ng iyong paksa at
pinakamahaba na bahagi), at wakas (ang buod ng teksto at konklusyon o resulta).
Ayon kina Bernales, et al. (2012), ang hakbang na ito ang nakaaaliw at nakapapagod
na bahagi. Pagkatapos ng mga paghahanda bago sumulat, dito masusukat ang iyong kasanayan
sa pagsusulat
Mahalaga ang borador dahil:
o Kailangang maisulat nang buo ang iyong papel upang makita kung mayroon pang kulang na
datos
o Kailangang makabuo ng isang papel na puwedeng rebisahin sang-ayon sa hinihingi ng
nilalaman at estilo ng pagsusulat
o Ang pagsusulat ay nakapag-uudyok na mag-isip, ibig sabihin, ang pagsusulat ay hindi lamang
pagtatala ng ideya, ang pagsusulat ay nakalilikha mismo ng mga ideya.
Ang mananaliksik ay nararapat lamang na maging handa sa pagsulat ng unang borador ng pananaliksik.
Sa pagbuo ng borador kailangan isaalang-alang ang mga sumusunod na hakbang.
1. Ihanda ang talaang pinagsulatan ng mahahalagang ideya o konsepto na hango sa mga kaugnay na
literatura.
2. Isaayos ang datos na nakuha sa tagatugon na ginagamit sa paksang pinag-aaralan.
3. Suriing mabuti ang mga datos at bigyan ito ng interpretasyon.
4. Itala ang mga ideya o konseptong natuklasan sa isinasagawang pananaliksik.
5. Itala ang mga hakbang na ginagamit sa pananaliksik
6. Sundin ang ginawang balangkas sa pagsulat ng sulating pananaliksik.
25
7. Sa pagsulat, hayaan lamang na lumabas ang mga ideyang naiiisip at huwag munang pansinin ang
kamaliang nagawa.
8. Balikan at basahin muli ang ginagawang sulating pananaliksik. Tingnan kung ano ang dapat idagdag at
ibawas dito.
9. Pagpili sa isang kawili-wiling paksa.
10. Aktuwal na pagsulat.
TANDAAN! Ito ay borador pa lamang, unang subok sa pagsulat pagkatapos ng mahabang pangangalap ng
datos. Lawakan ang isip sa maaaring pagbabagong magaganap, na hindi nabanggit sa balangkas at konseptong
papel na una nating ginawa.
X. PAGBUO NG PINAL NA DRAFT
Ang pinal na draft ay ang huling pagsulat ng burador ng pananaliksik. Sa bahaging ito ay kailangang
labis na bigyang pansin ang mga pagwawastong isinagawa ng tagapayo sa mga naunang burador
na ipinasa.
3. Pagbabantas
▪ Kailangang sundin ang mga alituntuning panggramatika sa pagbabantas. Makatutulong kung
muling sasangguni sa mga aklat na tumatalakay sa gamit ng mga bantas. Sa "Komunikasyon
sa Makabagong Panahon", tinalakay nina Benales, et al. (2002) ang paksang ito.
▪ Sumangguni sa mga tuntunin ng pagbabantas upang makasiguro sa tamang paggamit nito.
Proofreading at Editing
Ito na ang huling bahagi ng pagsulat ng pinal na draft.
• Mahalagang muling basahin ang isinulat upang muling maiwasto kung sakaling mayroon pa
ring mali bago pa man ito muling ipasa sa tagapayo.
• Ang proofreading o pagwawasto ay ang huling yugto ng proseso at pag-edit na tumututok sa mga
maling baybay at mga pagkakamali sa gramatika at bantas.
• Ang pag-edit ay ang pagwawastong ginagawa sa kung ano ang sinimulan mong
ginagawa sa sandaling natapos mo ang iyong unang draft.
27