You are on page 1of 8

11 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Filipino
Quarter 4: Week 1
Learning Activity Sheets

1
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pangalan: ________________________________________ Ikaapat na Markahan - Unang Linggo


Taon at Pangkat: __________________________________ Petsa: _________________________

PAGSULAT NG PANANALIKSIK: PAGPILI NG PAKSA


Susing Konsepto
Sa araling ito’y masusubukan mong mag-isip at pumili ng sarili mong paksa para sa isasagawa
mong pananaliksik. Ang pagpili ng paksa ay isa sa pinakamapanghamong bahagi sa pagsulat ng
pananaliksik. Madalas mga paksang palasak o lagi nang ginagamit ang pinipili nang mananaliksik dahil ang
mga ito ang laging nakikita sa kapaligiran at sa iba’t ibang uri ng media. Subalit kung mag-iisip at magiging
mapanuri ang mananaliksik ay marami pang maaaring mapagkunan ng paksa, isang bago at naiibang
paksa. Makikita sa ibaba ang ilan sa mga ito: Internet at social media, telebisyon, diyaryo at magasin, mga
pangyayari sa iyong paligid at sa sarili.
ANG SULATING PANANALIKSIK

Ang sulating pananaliksik ay malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa. Hindi lang ito
basta pagsasama-sama ng mga datos na nasaliksik mula sa iba’t ibang primarya at sekundaryang
mapagkukunan ng impormasyon kundi taglay nito ang interpretasyon ng manunulat sa mga impormasyong
kanyang nakalap. Ang interpretasyong ito ang pinakamahalagang elemento ng isang tunay na sulating
pananaliksik (Spalding,2005).
Ayon kina Constantino at Zafra (2010), ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at
pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan o
pasubalian.
Ang pananaliksik ay isang sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay-
kahulugan sa mga datos mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon upang
masagot ang isang taong, upang makaragdagag sa umiiral na kaalaman,o pareho. Ang resulta ng isang
pananaliksik ay maaaring maghatid sa atin sa isang bagong teorya o konsepto, tumaliwaso sumuporta sa
isang teorya o konsepto, rekomendasyon,o isa pang tanong na nangangailangan ng mas malalim na
pananaliksik.
Isang magandang pagkakataon ang pagbuo ng sulating pananaliksik upang mapatunayan ang
katotohanan sa isang teorya at nang mapabulaanan ang mga haka-haka kaugnay nito. Kaya naman, dito
papasok ang pangangalap ng mga impormasyon, pagsusuri, at pagbibigay-interpretasyon sa mga nakalap
na impormasyon at datos upang makita o mabatid ang katotohanang taglay ng mga ito.

PAGKAKAIBA NG SULATING PANANALIKSIK SA ORDINARYONG ULAT

Ang pagbuo ng sulating pananaliksik ay hindi basta katulad lang ng pagbuo ng isang ulat na kung
saan ang manunulat ay mangangalap din ng impormasyon patungkol sa paksang isusulat at saka ilalahad
ang tungkol sa mga nakalap na impormasyon. Higit na malawak ang pokus ng ulat at iba pang
pangkaraniwang teksto samantalang ang pokus naman ng sulating pananaliksik ay mas limitado sapagkat
inaasahang susuriin, hihimayin, palalalimin, at bibigyang-interpretasyon ng mananaliksik ang kaalamang
ilalahad patungkol sa paksa upang ang maibabahagi niya ay hindi lang sarili niyang opinyon kundi
pagpapatunay na dumaan sa proseso nang masusing pag-aaral at may makaagham na basehan.

Ang isa pang malaking pagkakaiba ng dalawang uring sulating nabanggit ay ang dami o lawak ng
gagamiting kagamitan o sanggunian. Mas maraming sanggunian ang kakailanganin sa pagsulat ng
pananaliksik kaysa sa ordinaryong ulat. Sa sulating pananaliksik ay maaaring kailanganin mong lumabas,
magsagawa ng obserbasyon, makipanayam o magsarbey at pumunta sa palengke, sa mga paradahan ng
traysikel, mga museo, makasaysayang pook, o sa mga lugar kung saan matatagpun ang mga tao, bagay, o
mapagkukunan ng impormasyong tutugon sa mga katanungan o suliraning gusto mong ihanap ng
kasagutan. Ang mga kabatiran, datos, o impormasyong makakalap mo mula sa mga tao, kagamitan, o
1
lugar na ito ay iyong pag-aaralan, hihimayin at uunawain para sa mahusay at angkop na konklusyon ng
iyong susulatin.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
1. Obhetibo
2. Sistematiko
3. Napapanahon
4. Empirikal
5. Kritikal
6. Masinop, malinis at tumutugon sa pamantayan
7. Dokumentado

Ayon kina Constantino at Zafra (2010), ang isang mananaliksik ay dapat na magtaglay ng
sumusunod na mga katangian:
1. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos.
2. Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos.
3. Maingat sa pagpili ng mga datos.
4. Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba tungkol sa paksa at mga kaugnay nito.
5. Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, kongklusyon, at rekomendasyon sa paksa.
6. Matapat sa pagsasabing may nagawa ng pag-aaral ukol sa paksang pinag-aralan, pagkuha ng mga
datos, pagkilala at permiso kaninuman, pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik.
7. Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao o institusyon. Pagtiyak na maayos
at mahusay ang mabubuong pananaliksik.
8. Gayundin naman, ang isang mananaliksik ay dapat maging mapagmasid o mapag-obserba,
curious, at sensitibo sa mga isyung panlipunang maaaring mahagip ng pagsasaliksik na ginagawa,
maingat sa mga terminong ginagamit sa pananaliksik, at sinisigurong tama ang paggamit sa mga
ito.

MGA URI NG PANANALIKSIK


Mayroong iba’t ibang uri ng pananaliksik ayon sa layunin. Maaari itong mauri sa tatlong kategorya:
(1) basic, (2) action, (3) applied na pananaliksik.

1. Ang resulta ng tinatawag na basic research ay agarang nagagamit para sa layunin nito.
Makatutulong din ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa
isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan. Hal. Epekto ng haba ng oras na inilalaan ng mga
kabataan sa paggamit Facebook sa pakikitungo sa mga tao sa kanilang paligid.

2. Ang action research ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga ispesipikong


problema o masagot ang mga ispesipikong tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa
kanyang larangan. Ang resulta nito ay ginagamit ring batayan sa pagpapabuti ng bagay na
siyang paksa ng pananaliksik. Mga hal. Pananaliksik sa pinakaepektibong bilang ng mga
miyembro tuwing may pangkatang gawain sa Filipino, at ang pananaliksik kung may epekto ba
ang pagpupuyat sa pagkatuto ng mga estudyante sa ikalabing-isang baitang sa inyong
paaralan.

3. Ang resulta naman ng applied research ay ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon.


Ang mga halimbawa nito ay ang pananaliksik kung paano masusugpo ang bullying sa inyong
paaralan at ang pananaliksik kung paano masusugpo ang gang wars sa inyong komunidad.
Pansining ang mga resulta ng mga pananaliksik na ito ay maaaring ilapat sa mas malaking
populasyon tulad ng iba pang paaralan o barangay na malapit o nasapaligid ng inyong paaralan
o barangay.

2
MGA TIP O PAALALA SA PAGPILI NG PAKSA

Mababasa sa ibaba ang mahahalagang gabay sa pagpili ng pinakaangkop na paksa:


1. Interesado ka dapat o gusto mo ang paksang pipiliin mo.
Kapag sinabing gusto mo o malapit sa puso mo, maaaring mapabilang ito sa alinman sa
sumusunod:
a. Paksang marami ka nang nalalaman (Paksang higit na magpapalawak sa iyong kaalaman
at interes)
b. Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman ( Nais mong matuklasan o
matutunan)
c. Paksang napapanahon (Paksang tumutugma sa kasalukuyang pangangailangan)
2. Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho ng mapipiling paksa ng mga
kaibigan mo.
3. May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon.
4. Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan.

MGA HAKBANG SA PAGPILI NG PAKSA


1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin
Mahalagang malaman mo muna ang layunin sa pagbuo ng sulating pananaliksik para
maiugnay mo sa mga layuning ito ang iyong gagawin.

2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sasulating pananaliksik


May mga gurong nagbibigay ng paksa na maaaring pagpilian at kung sakaling wala kang
magustuhang paksa ay maaari mong kausapin ang iyong guro upang mabigyan ka ng
pagkakataong pumili ng ibang paksang malapit sa iyong puso, interes at tutugma sa layuning
ibinigay ng guro. Maaari mo ring itala ang mga ideyang pumasok sa iyong isipan upang marami
kang pagpipilian.

3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya


Muling balikan at isa-isang basahing ang mga isinulat mong ideya. Suriing mabuti ang bawat isa
gamit ang sumusunod na tanong:
• Alin-alin sa mga ito ang mga kawili-wiling gawin o saliksikin para sa iyo?
• Bakit ka interesado rito?
• Alin ang posibleng makatulong sa iba kapag naihanap ito ng kasagutan?
• Alin ang alam na alam ko na?
• Alin ang gusto mo pang lalong makilala o mapalawak ang iyong kaalaman?
• Alin ang maaaring mahirap maihanap ng kagamitang pagkukunan ng impormasyon?
• Alin ang masyadong malawak at mahirap gawan ng pananaliksik?
• Alin naman ang masyadong limitado o maliit ang sakop?
• Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin mong tapusin sa itinakdang panahon?

4. Pagbuo ng tentatibong paksa


Alin kaya sa mga ito ang pinakagusto ko o pinakamalapit sa aking puso, pinakamadali kong
maihahanap ng kasagutan, pinakamadaling maiugnay sa layunin, at tiyak na matatapos ko sa
limitadong oras na ibinigay sa akin para tapusin ang gawain?
Batay sa sagot na ibibigay mo sa tanong na ito ay mapipili mo na ang iyong tentatibong
paksa.

5. Paglilimita sa paksa
Maaaring sa una’y malawak ang paksang mabubuo mo kaya’t kakailanganin mong limitahan
ito upang magkaroon ng pokus ang gagawin mong pananaliksik.
Makikita sa ibaba ang halimbawa:

2
Malawak o Pangkalahatang Paksa:
Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral

Nilimitahang Paksa: Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral at ang
Epekto nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko.

Lalo pang Nilimitahang Paksa: Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral
sa Ikasampung Baitang ng Heneral Gregorio Del Pilar High School at ang Epekto nito sa Kanilang
Gawaing Pang-akademiko.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika
sa pananaliksik F11PB – IVab – 100

Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang bawat pahayag at isulat ang kasagutan sa patlang ng bawat bilang.

1. _____________________ Ito ay tumutukoy sa isang malalimang pagtalakay sa isang tiyak at


naiibang paksa.
2. _____________________ Ang pagpili nito ay isa sa pinakamapanghamong bahagi sa pagsulat ng
pananaliksik
3. _____________________ Ito ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga ispesipikong
problema o masagot ang mga ispesipikong tanong ng isang mananaliksikna may kinalamang sa
kanyang larangan.
4. _____________________ Ang resulta ito ay agarang nagagamit para sa layunin nito.
5. _____________________ Ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon.
6. _____________________ Mahalagang malaman mo muna ito sa pagbuo ng sulating pananaliksik
para maiugnay mo sa mga layuning ito ang iyong gagawin.

7. _____________________ Sila ang nagbigay ng mga katangian na dapat taglayin ng mananaliskik.


8. _____________________ Bilang ng uri ng pananaliksik na tinalakay.
9. _____________________ Sila ang nagpahayag na ang pananaliksik ay isang masusing
pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang-linaw,
patunayan o pasubalian.
10. _____________________ Magbigay ng maaaring gamiting sanggunian sa pagpili ng paksang
gagamitin sa pagsulat ng pananaliksik.

Pagsasanay 2
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod:

Magbigay ng limang katangian ng pananaliksik:


1.
2.
3.
4.
5.
Magbigay ng limang katangiang dapat isaalang-alang ng mananaliksik:
6.

3
7.
8.
9.
10.

Pagsasanay 3
Panuto: Suriin ang bawat pahayag, isulat sa loob ng kahon ang salitang TAMA kung ang pahayag ay
nagsasaad ng katotohanan, isulat naman ang MALI kung hindi.

KASAGUTAN MGA PAHAYAG


1. Ang pananaliksik ay isang sistematikong proseso ng pangangalap,
pag-aanalisa, at pagbibigay-kahulugan sa mga datos mula sa mga
mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon upang
masagot ang isang taong, upang makaragdagag sa umiiral na
kaalaman.
2. Ang pagbuo ng sulating pananaliksik ay katulad lang ng pagbuo ng
isang ulat.
3. Mas maraming sanggunian ang kakailanganin sa pagsulat ng
ordinaryong ulat kaysa sa pagsulat ng pananaliksik.
4. Sa pagpili ng paksa ay maaaring sumangguni sa Internet at social
media, telebisyon, diyaryo at magasin, mga pangyayari sa iyong
paligid at sa sarili.
5. Sa pagpili ng paksa ay kailangang interesado ka dapat o gusto mo
ang pipiliin mo.
6. Hindi kailangang isaalang-alang ng mananaliksik kung anong uri ng
pananaliksik ang bubuuin.
7. Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho ng
mapipiling paksa ng mga kaibigan mo.
8. Sa pagpili ng paksa maaaring matapos sa takdang panahong
nakalaan.
9. Hindi na kailangang isagawa ang mga hakbang sa pagpili ng
paksa.
10. Sa pagpili ng paksa ay kailangang mayroong mapagkukunan ng
sapat at malawak na impormasyon.

Pagsasanay 4
Panuto: Magtala ng limang halimbawa ng paksang napapanahon maaaring gamitin sa iyong
isasagawang pananaliksik.

1.
2.
3.
4.
5.
Pumili ng isang paksa sa iyong mga isinulat sa itaas at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili: (5)
Limang puntos
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Pamantayan:
Pagpapaliwanag………………….3 puntos
Kaayusan at kaugnayan…………2 puntos
Kabuuan…………………………...5 puntos
4
Pagsasanay 5
Panuto: Balikan ang iyong mga natutuhan sa mga araling tinalakay ukol sa mga dapat isaalang-
alang sa pagpili ng paksang gagamitin sa pagbuo ng pananaliksik. Itala ang iyong mga kasagutan sa loob
ng graphic organizer.

MGA DAPAT
ISAALANG-
ALANG SA
PAGPILI NG
PAKSA

Pangwakas: Kumpletuhin ang parirala upang makabuo ng iyong repleksiyon hinggil sa araling ito.

Sa pagpili ng paksang gagamitin sa pagsulat ng pananaliksik:


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Mga Sanggunian:
Dayag, Alma M., Del Rosario, Mary Grace G. Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House,
Inc.927 Quezon Ave., Quezon City

5
Susi Sa Pagwawasto:
Pagsasanay 1:

1. Pananaliksik 6. Layunin
2. Paksa 7. Constantino at Zafra
3. Action research 8. 3/ tatlo
4. Basic Research 9. Constantino at Zafra
5. Applied Research 10. Internet, aklat, dyaryo, telebisyon, at iba pa.
Pagsasanay 2:
Bilang 6-10 (Alinman sa sumusunod)
1-5 (Alinman sa sumusunod) • Matiyaga sa paghahanap ng mga datos.
• Obhetibo • Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos.
• Sistematiko • Maingat sa pagpili ng mga datos.
• Napapanahon • Analitikal sa pagsusuri ng mga datos
• Empirikal • Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon,
kongklusyon, at rekomendasyon sa paksa.
• kritikal
• Matapat sa pagsasabing may nagawa ng pag-
• Masinop, malinis at aaral ukol sa paksang pinag-aralan, pagkuha
tumutugon sa ng mga datos, pagkilala at permiso kaninuman,
pamantayan pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik.
• Dokumentado • Responsable sa paggamit ng mga nakuhang
datos, sa mga tao o institusyon. Pagtiyak na
Pagsasanay 3:
maayos at mahusay ang mabubuong
1. Tama 6. Mali pananaliksik.
2. Mali 7. Tama
Pagsasanay 4: Maaaring magkakaiba-iba ang
3. Mali 8. Tama
sagot ng mag-aaral.
4. Tama 9. Mali
Pagsasanay 5: Maaaring magkakaiba-iba ang
5. Tama 10. Tama sagot ng mag-aaral.

Inihanda ni:

ILONA JEAN M. YALUNG


Manunulat/ Naglapat
Central Azucarera De Tarlac High School

Sinuri nina:

HELEN G. LAUS, EdD LILY BETH B. MALLARI ROBERT E. OSONGCO, EdD


EPSvr- Filipino EPSvr- LRMS CID-chief

You might also like