You are on page 1of 12

bochins.

paw

Filipino sa iba’t ibang


disiplina
MIYEMBRO:
Mias, Llonel M.
Marticio, Jeffrey L.
Roslin, Ruth F.
Salinas, Jerlyn T.
Tadeo, Angelita G.
Zapata, Rosemarie P.
bochins.paw

PANTAWAN
G PANANAW
Pantawang Pananaw
 Produkto ng kritikal na isipan at malikhaing imahinasyon nina Dr. Rhoderick
Nuncio at Elizabeth Morales Nuncio.
 Konseptong ipinakilala ni Nuncio (2002) sa kaniyang saysay at salaysay na
pinimagatang Saysay at Salaysay ng Pantawang Pananaw Mula sa Pusong
hanggang Impersonasyon.
 Ang salitang pantawa ay mula sa panlaping pang- na naging pan+ ang salitang
ugat na tawa.
 Ang pantawa ay reaksyong pandama na nakaangkla hindi lamang sa
damdamin o emosyon ngunit maging sa kamalayang Filipino.
 Ang pananaw naman ay nangangahulugang pagbasa o interpretasyon ng mga
tao sa mga nangyayari sa kanilang sarili at maging ang kanilang kapaligiran.
 Ayon kay Nuncio (2002), ang pantawang pananaw ay nangangahulugang tawa
bilang kritika sa mga isyu at tauhan sa lipunan.
Pantawang Pananaw
 Ang tawa ay reaksyong pandamdamin. Isang mekanismo ang damdamin na
nagbibigay ng laman sa puwang o guwang sa damdamin ng isang taong
malungkutin o taong naghahanap ng kasiyahan sa buhay. Kaya't mahihinuha
sa sikolohiya ng tao ang paglikha ng iba't ibang pamamaraan (maaaring
bagay, persona, o pangyayaring nagiging tampulan ng katatawanan) na
magpapaaliw sa kanya.
 Tumutukoy (ang pananaw) sa pag-iisip ng tao. Pinagninilayan o pinag-iisipan
ng tao ang pagkakaroon ng pananaw. Sa pagbuo ng pananaw, inaabot ng tao
ang kahalagahan o kabalintunaan ng isang pangyayari. Kung isang
interpretasyon ang pananaw, maituturing ito bilang kritika --- na tumutukoy
sa pagbasa ng karanasan, teksto, at kultura na inuunawa sa perspektiba ng
kamalayan. Samakatuwid, ang pananaw ay kritikal na pagbasa na nakaugat
sa kontekstong panlipunan.
Pagpapaliwanag:
Ang pantawang pananaw ay nangangahulugang tawa bilang
kritika sa mga isyu at tauhan sa lipunan. Kaya ito tinawag na
pantawang pananaw ay dahil sa pinagsanib na dalawang
sangkap, ang tawa bilang damdamin at ang isipan bilang kritika.
Nakakatulong ang konseptong ito sa pagpapawi ng kalungkutan
at paglimot sa mga bagay bagay na nagbibigay pasakit sa ating
puso. Ang pagtawa ay maaari o possibleng isang gamot upang
malunasan ang emosyonal at sikolohikal na sakit ng isang tao
dahil sa angkin nitong likas upang kilitiin ang mga lipido ng mga
tao.
Elemento ng Pantawang Pananaw

Ang pantawang pananaw ay may limang mahahalagang elemento.


Ang mga ito ay ang:
1. Midyum - ito ay daluyan kung saan nagiging laganap o natatangi
ang pantawang pananaw. Saklaw nito ang mga sumusunod;
 Oral na tradisyon
 Panitikan
 Dula
 Tanghalan
 Mass media
Kasama rin dito ang lugar at midyum tulad ng entablado, kalye,
radio at telebisyon.
Elemento ng Pantawang Pananaw

2. Konteksto - binubuo ito ng mga isyung panlipunan na tumatalakay sa


kalagayan panlipunan, pampolitika, at pang ekonomiya ng bansa.
3. Nilalaman o Anyo - saklaw ng elementong ito ang mga kwentong
bayan, saynete, drama, bodabil, dulang panradyo at impersonasyon
bilang mga palabas sa telebisyon.
4. Aktor - sila ang mga gumaganap sa mga dula, ang nagbibigay buhay sa
mga karakter ng isang akda.
5. Manonood - sila ang mga nagsisilbing kapwa manunuri sapagkat
nakapagbibigay sila ng mga komentaryo o kritika batay sa kanilang
napanood na maaaring hawig sa mga karanasan nila.
Katangian ng Pantawang Pananaw

1. Isang pagbasang kritikal - ang layunin ng pagbasa ay


magdagdag ng kaalaman sa mga mambabasa upang mahasa
ang kanilang lsipan at mapalalim ang pangunawa.
2. Subjective na pagbasag sa imahen at katawan - nilalayon ng
pagbasa na wasakin ang imahen ng kapangyarihan bilang
kahinaan o ang kapangyarihan bilang Imahen ng kawalang
kapangyarihan. Ito ay pagbasa upang tanungin ang mga may
kapangyarihan at ang kalagayang panlipunan o politika ng
bansa bilang tuon ng tawa at pagtuligsa.
Katangian ng Pantawang Pananaw
3. May kasaysayan - ang pantawang pananaw na pagtatanong o pagtuligsa sa
imahen o katawan ng kolonyalismo o komersyalismo ay nakapagbabago ng
kahulugan ng karanasan.
4. Intersubjective - kailangan sa pantawang pananaw ang kapwa mambabasa
na siyang magiging kapwa manunuri.
5. Intertekswal at repleksibo - ang mga teksto mula sa alinmang diskurso ay
kailangang bukas sa interpretasyon upang matutuhan ang mga mensahe
ng mga ito. Dagdag pa ni Nuncio (2002), ang intekstwalidad sa pagdulog ng
pantawang pananaw ay masasabing paglulugar at paglilinang sa ugnayan
ng may kapangyarihan sa karanasan, kaalaman, diwa, at katauhang mga
gumaganap upang maisakonteksto ang isinasagawang pag-aaral.
Pagpapaliwanag:
Ang pantawang pananaw na konsepto ay nakagawian na ng mga
manunuri. Tradisyonal ang dating nito sa ating pandinig. Ito ay
isang malikhaing paraan ng pagtanggap ng kritisismo. Sinadyang
paghaluin ang pagtawa sa pagkritisismo upang makapagbigay ng
pananaw sa mga tauhan nang sa ganoon ay mapabuti ang
kalagayan ng sangkatauhan. Ayon sa isinagawang rebuy ni
Rodriguez-Tatel (2015), sinangayunan niyang nilikha ang
pantawang pananaw bilang isang gabay konseptuwal sa
pagtatanghal ng karanasan at katuturan ng tawa bilang
kritisismo-isang pagtuligsa sa kapangyarihan at kaayusan sa
lipunan.
Pagpapaliwanag:
Sa paglalapat, magagamit ang teoryang ito bilang
lente sa pag aaral o pagsusuri ng mga dulang
panteatro (komedya, at sarswela) dulang pandarayo
(kwentong kutsero) , kwentong-bayan (kwento ni
matsing), awit, sayaw, pelikula, programa sa
telebisyon, stand up comedy, at iba pang elemento ng
pagpapatawa tungo sa pagbasang kritikal.
bochins.paw

Thank you...

You might also like