You are on page 1of 6

Sarah Q.

Agon
MaEd- FILIPINO
Educ 503- Pilosopikal at Sosyal na Dimensyon ng Edukasyon

Aralin 4:
Post-Modern ng Edukasyon na Isinakatuparan sa Pilipinas

Pilosopiya ng Edukasyon sa Pilipinas sa Iba’t Ibang Panahon


 Panahon Bago Dumating ang mga Kastila
 Panahon bago dumating ang mga Kastila
 Panahon ng Amerikano
 Panahon ng Commonwealth
 Panahon ng Hapon

 Panahon Bago Dumating ang mga Kastila


 Ang edukasyon ay nakabatay sa pangangailangan ng mga Pilipino at uri ng lipunan sa
Pilipinas.
 Sa panahong ito, ang edukasyon ay bunga ng pansariling karanasan at mga natipong
karanasan ng kanilang lahing kinabibilangan.
 Ang edukasyon ay impormal at ito ay natatamo sa pag-aaral na sinisimulan sa tahanan.
 Ang edukasyon ay unti-unting natatag sa pamamagitan ng panggagaya at mga gawaing
pangrelihiyon tulad ng ritwal.
 Ang mga unang Pilipino ay nagmamay-ari na ng mga pasulat at pasalitang panitikan.
 Pasulat na Panitikan: Code of Kalatiao
 Pasalitang Panitikan: Awit, kawikaan, salawikain, laro, epiko, kwento at mga kowd.
 Ang mga Pilipino sa panahong ito ay may sistema na ng pagbibilang, pagtitimbang,
pagsusukat at pagkukwenta.
 Ginagamit nila ang kanilang kaalaman sa astronomiya upang magbalangkas ng
kalendaryo.
 Ang kanilang likas na kaalaman sa pag-eenhinyero ay nagamit nila sa pagbuo ng Banaue
Rice Terraces na kinilala sa buong mundo ngayon.
 Ang kanilang kasanayang akitektural ay ipinapakita naman nila sa pag-uukit ng mga
kahoy, bato, ginto at ibori. (anito).
 Ang edukasyon sa panahong ito ang itinuturing na paraan upang mapangalagaan ang
kanilang kultura at maipasa ang kaalaman na pamana pa ng kanilang mga ninuno sa mga
salinlahi sa hinaharap at ito rin ang pangunahing salik sa pagpapalaganap ng kanilang
tradisyon.

 Panahon ng mga Kastila


 Ang edukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga kastila ay alinsunod sa
pangrelihiyong kautusan.
 Ang mga paaralang ipinapatayo ng pamahalaan ng kastila ay halos paaralang
pangparokya na kung saan ang itinuturo ay ang pagpapalaganap ng katolisismo.
 Walang regular na gusaling paaralan ----- kombento.
 Magkahiwalay ang lalaki at babae
 Memorization
 Corporal punishment -form of discipline
 Ang kurso ng pag-aaral ay binubuo ng pagbasa ng alpabeto sa pamamagitan ng pantigan
at pagkatuto ng mga awiting panrelihiyon na may kasamang aritmetik at pagsulat.
 Katutubong wika ang ginagamit sa pagtuturo.
 Pagbasa, pagsulat, aritmetika, heograpiya, histori, christian doctrine, spanish, vocal
music, agrikultura at pananahi para sa lalaki at babae.
 It is Compulsory from ages 7 to 12
 May nakalaan sa mga mag-aaral na gamit sa paaralan at mga kagamitang panturo.
 Secondary schools provided instruction together with conciliar seminaries and those
accredited with the university of Sto. Tomas.
 Ang mga karaniwang paaralan ay binibigyan nila ng sapat na guro sa elementarya.
 Ang mga kastila ay nagpatayo ng mga iba’t ibang paaralan mula elementarya hanggang
unibersidad.
 Para sa mga piling tao lamang at hindi para sa masa.

 Educational Decree of 1863


1. Pagpapatayo ng kompletong antas ng sekundarya at unibersidad.
2. Pamamahala ng gobyerno at pagkontrol sa mga paaralan.
3. Pagtatatag ng instutusyon sa pagsasanay ng mga guro.

 Ang edukasyon ay simbolo ng katayuan sa buhay, isang pribelehiyo at hindi isang


karapatan.

 Panahon ng Amerikano
 President William Mckinley-First Philippine Commission, April 7, 1900.
“It will be the duty of the Commission to promote and as they find occasion to improve
the system of instruction already inaugurated by the military government. In doing, this,
it should regard as of first importance.”

“It will be the duty of the Commission to promote and as they find occasion to improve
the system of instruction already inaugurated by the military government. In doing, this,
it should regard as of first importance the extension of a system of primary instruction
which shall be free to all and which tend to fit the people for the duties of citizenship and
for the ordinary vocations of a civilized community.’’

 Gawing Sibilisado ang mga Pilipino.


 Walang intensyon ang mga Amerikano na ipakilala ang teknolohiya at mataas na antas ng
aral sa mga Pilipino.
 Ang pangunahing pilosopiya ng edukasyon sa ilalim ng pamumuno ng mga Amerikano
ay turuan ng hindi lalabis pa sa simpleng bokasyong pangkabuhayan upang maging
sibilisado ang mga Filipino.
 Ingles ang ginagamit sa pagtuturo.
 Act No. 74
 - Educational Act of 1901- “Organic School Law”
 Ang mga libro at babasahin ng mga Amerikano ay nagsisilbing mga bibliya sa
edukasyong kanilang ipinatutupad bilang bahagi ng kanilang pananakop.
 Reading, writing, arithmetic, language, good manners and right conduct, civics, hygiene
and sanitation, gardening, domestic science, American history, and Philippine History.
 Vocational Areas: Gardening, carpentry, needle work, sewing, lace making, and almost
everything that would “civilize” the “uncivilized’’ Filipino.
 Congressional records in Washington, D. C.
 May intensyong ipakita ang bintana ng demokrasya at makalikha ng isang mercado na
kayang ipagbili ang kanilang produkto. -Filipino writers-
 Noong 1922, ang Direktor ng Edukasyon ay naglabas ng opisyal na pahayag
tungkol sa hangganan ng uri ng edukasyon na siyang nakikita ng mga
Amerikano para sa mga Pilipino, ang sumusunod:

1. Ipagpatuloy ang primaryang edukasyon hanggang ang bawat bata ay mabigyan ng


pagkakataon na matapos ang primaryang lebel na may layong tatlong kilometro mula sa
kanilang tahanan.
2. ipagpatuloy ang intermediyang edukasyon hanggang sa ang bawat nagtapos sa primarya
ay mabigyang pagkakataong na makatapos ng intermediyang lebel sa kanilang
munisipalidad na kung saan doon sila nakatira at ang munisipalidad ay ang pinakamalapit
sa kanilang tirahan.
3. Ipagpatuloy ang pansekundaryang edukasyon hanggang ang mga nagsipagtapos sa
intermediya ay mabigyan ng pagkakataon na matapos ang pansekundaryang lebel sa
kanilang probinsyang tinitirahan.
4. Ipagpatuloy ang bokasyunal (agrikultura, normal, trade, commercial and domestic
science) edukasyong angkop sa pangangailangan ng lipunan at kalagayang pang-
ekonomiya.
5. Matugunan ang lugar, gusali, kagamitan at pangangailangan na tutugon sa pinakamataas
na uri ng pagtuturo.
6. Magkaroon ng eedukasyon ang bawat bata ng bansa na makatatanggap ng pangunahing
konsiderasyon sa lahat ng oras at laging magkaroong ng pamahalaang nalalaman ang
kanilang obligasyon.
7. Mabigyan ng karagdagang buwis para sa layunin ng paaralan dahil ito ang susi sa pag-
unlad at daan sa iba pang gawaing pampaaralan.
8. Magkaroon ng kurikulum na pantay-pantay at para sa lahat ng bata upang malinang ang
kanilang magandang kalusugang pagkamamamayan at mahasa sila sa trabaho na
interisado sila.

a. Kabilang dapat ang 3R’s para sa kanilang pagiging iliterado.


b. Pisikal na kultura at sukatan ng kalusugan.
c. Pisikal na lakas at pagiging mabuting tao.
d. Magandang pag-uugali at tamang-asal upang mahikayat sila sa palagiang paggalang
at moralidad.
e. Sa pagkamamamayan, upang malinang ang pag-iisip at aksyon na siyang ugat ng
matagumpay na pamahalaang demokratiko.

 “Seven Cardinal Principles of Eduction”


 Matapos ang dalawa at kalahating dekada ng pananakop ng mga Amerikano
--Monroe Survey Commission 1925-
 Philosophy of Philippine Education
“So far as the state is concerned, the primary aim of education is to prepare the
individual to exercise the right of suffrage intelligently and to perform the duties
of citizenship fully and honestly.”
 In 1927, the American Director of the then Bureau of Education synthesized
the underlying components of the philosophy of the public school system, as
follows:
1. Training for self-government
2. Provision of english as a common language.
3. Concurrent Resolution No. 17

 In the Philippine Legislature in 1925


The Concurrent Resolution contained the following:
 Mass Education. Ang unang tungkulin ng pamahalaan ay ang edukasyon para sa
masa, sisiguraduhing ang bawat bata sa edad ng kanilang pagpasok hanggat
maaari ay libre sa elementarya, na kung saan ito ang karapatan nila na pamana pa
sa kanila.
 Elementary Education. Ang pondo ng pamahalaan ay kinakailangang paglaan ng
malaki upang mabawasan at kung posible pa nga ay lipulin ang kamangmangan sa
pamamagitan ng patuloy at paunlad na edukasyong pang-elementarya, kabilang
ang lugar na pagsasanayang ng mga guro, upang masiguradong edukado at
kapakipakinabang na mamamayan.
 Secondary Education. Ang pag-unlad ng kultural at bokasyunal na pagsasanay
sa mga mamamayan na magkaroon ng kakayahan sa pamumuno ay ang nais
maging resulta ng institusyong pang-edukasyon sa sekundarya.
 Higher Education. Ang mga kolehiyo at Unibersidad ay nararapat
makapaghubog ng mga kalalakihan at kababaihang sapat ang kahandaan sa
pamumunong kultural, propesiyonal at bokasyonal.

The Americans did not realize that they were doing a hit or-miss job of laying the
philosophical groundwork for Philippine education. Nevertheless, despite their errors and
short comings, the American concept of education for the Filipinos maybe considered as the
“greatest’’ contribution of America to the Philippines in a form of a public school system.

 Panahon ng Commonwealth (1935)


 This constitution provided a definite orientation for Philippine education.
 The stated objectives of education became the fundamental basis of the educational
system under the Republic that was established after the commonwealth. --Section 5,
Article 14 of the Commonwealth Constitution.--
 This was definitely a significant landmark in the development of a Filipino philosophy of
education.
 Quezon promulgated Executive Order No. 17 (Quezon Code of Ethics) ---guiding
principles for standards of behavior, especially for the Filipino Youth.

 Upang makapagbigay ng legal na alituntunin sa pagpapatupad ng


konstitusyon sa edukasyon, ang Commmonwealth Act 586 ay naisabatas
upang magkaroon ng pangkalahatang pagsasaayos sa sistema ng mga
pampublikong paaralan na bibigyang linaw sa ss:
a. upang mapadali, mapaikli at makapagbigay ng praktikal at ekonomikal sa parehong
primarya at intermediyang kurso ng pagtuturo at upang matugunan ang layuning
magkaroon ng mataas na bilang ng mga mag-aaral na pumapasok.
b. upang makayanan ng bawat mag-aaral sa edad ng kanilang pagpasok ang pagkaroon ng
sapat na pasilidad sa pagsisimula at makakumpleto kahit man lamang primaryang kurso
ng pagtuturo.
c. upang makapagbigay sa bawat mag-aaral ng kumpletong primaryang kurso na sapat sa
kaalaman sa pagbasa at pagsulat, pundasyon sa aritmetika, heograpiya, kasaysayan ng
Pilipinas at pamahalaan at karakter at pagsasanay sa pagkamamamayan at;
d. upang masiguro na ang lahat ng mga mag-aaral na pumapasok ng elementarya ay
mananatiling edukado at kapaki-pakinabang, makatarungan at makabayang mamamayan.

 Commonwealth Period was too short to bring about the full implementation of
philosophical concepts of 1935 Constitution but Filipinos found its way, finally, as the
hard work of “native” intellectuals.
 It became the consuming concern of the Filipino leaders that education must reach as
many people as possible.
 The Philosophical and ethical principles advocated by President Quezon constituted
a kind of moral conscience of the Filipino People.
-- Principle of separation of church and state.
-- Love of Country
-- Character and right Conduct
 Ang edukasyon sa panahon ng Commonwealth ay itinadhana upang maihanda ang
mga Filipino sa paparating na kalayaan sa isang bagong bansa.

 Panahon ng Hapon
 “Greater East Asia Co-Prosperity Sphere”
 Ang hapon ay nagtatag ng isang pamahalaang militar na kung saan ay agarang papalitan
ang pangunahing diwa at kurso ng edukasyon sa Pilipinas.
 Pinilit nila ang mga Filipino na ang sabi ng nakararami ay “palsipikadong pagbabagong
buhay ispiritwal” at “pagbabagong moral”

 The Commander-in-Chief of the Japanese Imperial Forces (Hirohito) set the


war-time educational objectives (Executive Order No. 2) on February 17,
1942, as follows:
a. Upang maunawaan ng mga Pilipino ang katatayuan ng Pilipinas bilang isang
myembro ng East Asia Co-Prosperity Sphere, ang totoong kahulugan ng
pagpapatupad ng bagong kautusan ito at ang bahagi nila rito at upang mapagtibay
ang magandang samahan ng Hapon at Pilipinas.
b. Upang lipulin ang dating kaisipan ng pagtitiwala sa mga kanluraning bansa lalo’t
higit sa Amerika at Britanya at upang mapagyaman ang bagong kulturang Pilipino
batay sa sariling kabatiran sa mga taga-silangan.
c. Upang pagsikapang mapataas ang moralidad ng mga Pilipino, binibigyang-diin dito
ang pagiging materyalismo.
d. Upang magsumikap na mapalaganap ang wikang hapon sa Pilipinas at maalis ang
paggamit ng Ingles sa pgtuturo.
e. Upang mabigyang halaga ang pagpapalaganap ng edukasyong pang-elementarya at
mapatatag ang edukasyong bokasyunal.
f. Pukawin ang mga Pilipino na magkaroon ng ispiritu ng pagmamahal sa paggawa.
 Ginamit nila ang edukasyon bilang instrumento sa war propaganda.
 Nagkaroon ng mahigpit na sensora sa mga aklat at iba pang kagamitan sa pagkatuto sa
paaralan na may layuning baguhin ang demokratikong konsepto mula sa mga kanluranin.
 Ang mga Pilipinong guro ay ginawa ang lahat upang maputol ang ideolohiyang
ipinakikilala ng mga Hapon.
 Napahanga ang mga Hapon sa ipinakitang pagmamahal ng mga Pilipino sa sariling bansa
at ang kanilang pagiging makabayan.
 Ang mga mag-aaral na Pilipino ay pumapasok sa paaralan upang matuto ng mga awitin at
larong hapon ngunit sa pagbalik sa kanilang tahana ay tinutulungan nila ang kanilang
mga magulang sa kilusang laban sa mga hapon.
 Ang pagiging malupit ng mga Hapon ang nagbunsod sa mga Pilipino upang lalo silang
magkaisa na makalaya sa pananakop ng mga ito.

You might also like