You are on page 1of 5

CITY SCHOOLS

BALELE
DIVISION OFINTEGRATED
TANAUAN
HIGH SCHOOL
Balele, Tanauan City, Batangas |
(043) 741-3207
321602

balele.highschool001@deped.gov.ph

07
Pangalan ng Guro SARAH Q. AGON
Petsa ng Pagtuturo SETYEMBRE 24, 2019
Oras ng Klase 8:00-9:00
Baitang at Seksiyon G10-CALCIUM

Banghay Aralin sa Filipino 10


Ikalawang Markahan

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng mga bansang kanluranin.
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla (social
media).
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
F10PT-IIIh-I-81
Napag-uugnay ang mga salitang nag-aagawan ng kahulugan.

F10PB-IIIh-I-85
Nasusuri ang binasang nobela batay sa pananaw o teoryang pampanitikan na angkop dito.

II. Paksa Pagpapahalaga:


Paksa: Ang Matanda at ang Dagat
Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Jesus Manuel Santiago
Sanggunian:
Panitikang Pandaigdig, pp. 154-168
K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino 10
Kagamitan:
Laptop, LED TV
III. Pamamaraan ng Pagkatuto

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagtsetsek ng Atendans
4. Pagsasaayos ng silid-aralan
(Sa umpisa pa lamang ng pasukan Gagawin ng mag-aaral ang mga paunang gawain
nagbigay na ang guro ng isang kalakip ang pagsasaayos ng silid-aralan.
palatandaang pangdisiplina sa
klase. May itinataas na parisukat
ang guro na may kaangkupang kilos
na pandisiplina sa klase)
Puti na parisukat- magdarasal
Asul na parisukat-tatayo Tutugon ang klase sa itinakdang gawain
Pula na parisukat-tatahimik
Berde na parisukat-titingin ang lahat sa
unahan o sa nagsasalita
Kahel-pupunta sa pangkatan

07
Heart of Innovation
CITY SCHOOLS
BALELE
DIVISION OFINTEGRATED
TANAUAN
HIGH SCHOOL
Balele, Tanauan City, Batangas |
(043) 741-3207
321602

balele.highschool001@deped.gov.ph

07

Lila-upo ng maayos

Balik-Aral
Bago tayo dumako sa ating bagong aralin Sasagot ang mag-aaral.
ay nais ko munang alamin kung talaga
bang nakinig kayo sa ating talakayan
kahapon. Nagsagawa po kami ng pangkatang gawain na
may kinalamang sa dagli at mga salitang
Ano ba ang mga natatandaan ninyo?
nagpapahayag ng damdamin, pagsasalaysay at
Sabihin nga sa akin.
pangyayari.
Mahusay!!

B. Aktibiti
Ilalahad ng bawat pangkat ang kanilang
Sisimulan ko ang ating talakayan sa isang
presentasyon.
pangkatang gawain. Ang bawat pangkat ay
bubunot ng isang larawan na kung saan
ang bawat pangkat ay magbabahagi ng
impormasyon tungkol sa larawang nabunot.

Napakahusay!!!

C. Analisis
Batay sa isinagawang presentasyon ng
bawat pangkat, sasagutin ang sumusunod
na katanungan:
Nobela po.
1. Anong uri ng panitikan nabibilang
ang apat na larawang binigyang
impormasyon?
*Ang nobela po ay binubuo ng maraming
2. Kung gayon, paano ninyo bibigyang
kabanata.
katuturan o depinisyon ang isang
nobela? * Naglalahad po ito ng maraming pangyayari.
*Marami po itong tauhan.
*Hindi po ito matatapos sa isang upuan lamang
ang pagbabasa.

Tumpak! Mahusay! *Mahusay pong paglalarawan sa mga


pangyayari.
Batay sa nobelang inyong nabasa, ano
kaya sa inyong palagay ang nararapat *May pagkakasunod-sunod po ang mga
taglayin ng isang nobela? kaganapan sa kwento.

07
Heart of Innovation
CITY SCHOOLS
BALELE
DIVISION OFINTEGRATED
TANAUAN
HIGH SCHOOL
Balele, Tanauan City, Batangas |
(043) 741-3207
321602

balele.highschool001@deped.gov.ph

*Nakapupukaw po ng damdamin ng mga 07


mambabasa.

Napakagilas!!! tumpak ang inyong mga


kasagutan. Elemento ng Nobela
a. Tagpuan - lugar at panahon ng mga
Upang mapagyaman ang isang nobela, pinangyarihan
mayroon itong mga elementong tinataglay.
b. Tauhan - sa nagpapagalaw at nagbibigay-
Ano kaya sa palagay ninyo ang mga buhay sa nobela
elementong ito? Bigyan ito ng katuturan.
c. Banghay - pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari
d. Pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda
(a. una-kapag kasali ang mayakda; b.
pangalawa- ang may-akda ang nakikipag-usap;
c. pangatlo- batay sa nakikita o obserbasyon ng
may-akda)
e. Tema - paksang-diwang binibigyang-diin sa
nobela
f. Damdamin - nagbibigay-kulay sa mga
pangyayari
g. Pamamaraan - estilo ng manunulat/awtor
h. Pananalita - diyalogong ginamit
i. Simbolismo - nagbibigay nang mas malalim na
kahulugan sa tao, bagay, at pangyayari

Tama! Mahusay! *Para po maging maganda po ang daloy ng


pangyayari
Bakit mahalaga ang mga elemento ito sa *para po kawilihan ng mga mambabasa
pagbubuo ng isang nobela? Pangatwiranan
*Para po maisalaysay ng maayos ang banghay
po.

Magaling!!!

Bigyan natin sila ng “Balele Clap”


123, 123, Shine Balele Shine!!!!!

D. Abstraksyon Panuto: Bigyang-kahulugan ang sumusunod na


Susuriin ang akdang “Ang Matanda at ang salitang may salungguhit.
Dagat” nagmula sa obra maestra ni Ernest 1. Inihanda niya ang salapang
Hemingway na pinamagatang “The Old kahulugan:______________________________
Man and the Sea”
2. at siya ang pinakamalaking dentuso na nakita
Bago simulan ang pagsusuri, ko
magsasagawa muna ang mga mag-aaral kahulugan:______________________________
ng paghahawan ng sagabal sa akdang 3. hindi nilikha ang tao para magapi
tatalakayin. kahulugan:______________________________

07
Heart of Innovation
CITY SCHOOLS
BALELE
DIVISION OFINTEGRATED
TANAUAN
HIGH SCHOOL
Balele, Tanauan City, Batangas |
(043) 741-3207
321602

balele.highschool001@deped.gov.ph

4. magkabilang gilid ng kaniyang prowa 07


kahulugan:______________________________
5. nagpapahinga sa popa
kahulugan:______________________________

Magsasagawa ng suri batay sa sumusunod Magkakaroon ng malayang talakayan


na bahagi:
I. Pamagat, May-akda at Genre
II. Buod
III. Paksa
IV. Bisa (sa isip, sa damdamin)
V. Mensahe
VI. Teoryang ginamit

E. Aplikasyon
Magsasagawa ang bawat pangkat ng kanilang
Ang bawat pangkat ay itatanghal ang malikhaing partisipasyon sa iniatang na
bahagi ng suring isinagawa. Makatutulong pangkatang gawain
ito upang lubos na maunawaan ang
tinalakay na nobela. Bibigyan lamang ng
bahaging pag-uukulan ng pansin ang bawat
pangkat.
Pangkat I- Buod
Pangkat II- Paksa at Bisa
Pangkat III- Mensahe
Pangkat IV- Teorya
Isasagawa ito sa pamamagitan ng isang
malikhaing presentasyon. Ang bawat
pangkat ay bibigyan ng kalayaang
maipalabas ang kanilang talento sa
isasagawang pagtatanghal. Bibigyan
lamang ng sampung (10) minuto para sa
paghahanda ng isasagawang
presentasyon.
Pamantayan sa Pagtatanghal

Kaugnayan sa paksa 50%


Presentasyon 20%
(Emosyon at Deliberi)
Pagkamalikhain 15%
Kooperasyon 15%
KABUUAN 100%

F. Ebalwasyon

Matapos ang pangkatang gawain, batid


kong naunawaan na ninyo ang nobelang
“Ang matanda at ang Dagat”. *haharapin ko po ito ng buong tapang
*hihingin ko po ang tulong ng ating Panginoon.
Kung ikaw si Santiago, paano mo
haharapin ang mga pating sa iyong buhay?

Maraming salamat sa inyong pagbabahagi!

07
Heart of Innovation
CITY SCHOOLS
BALELE
DIVISION OFINTEGRATED
TANAUAN
HIGH SCHOOL
Balele, Tanauan City, Batangas |
(043) 741-3207
321602

balele.highschool001@deped.gov.ph
*yung bahagi po na nag-aalinlangan po siya sa
kanyang desisyon, babaguhin ko po iyon at 07
gagawin ko pong sigurado sya sa kaniya pong
Kung ikaw ang may-akda at mayroong desisyon dahil wala naman po sya aasahan na
bahagi sa kuwento na gusto mong baguhin ibang tao kundi ang sarili nya.
ano iyon at bakit? (magkakaroon ng malayang pagbabahagi)

*maging matapang po sa pagharap sa mga


problema sa buhay kahit nag-iisa.
Ngayon naman, ano ang gintong kaisipan (magkakaroon ng malayang pagbabahagi)
na inyong napulot sa akdang tinalakay? at
paano ninyo ito maiuugnay sa mga totoong
pangyayari sa inyong buhay?
(Integrasyon sa ESP, balyuwing) *Ihahambing ko po ito sa Maikling Kwento. Ang
maikling kwento ay nababasa po sa isang upuan
Mahusay! lamang samantalang ang nobela po ay
Kung inyong susuriing mabuti, paano ninyo nangangailangan pa po ng mahabang panahon
maihahambing ang Nobela sa iba pang
akdang pampanitikan? Maglalahad muna (Malayang magpapahayag ang mga mag-aaral
ng akdang ihahambing. ng kanilang kasagutan)

Napakagilas!

IV. Kasunduan
Basahin ang “Harry Potter and the Sorceres
Stone” sa pahina 155-156 ng iyong aklat sa
Filipino 10. Sagutan ang Gabay na tanong
sa pahina 157.

Maraming salamat sa pakikinig, nawa ay


Salamat din po Bb. Agon.
mayroon kayong natutunan!
Mabuhay!!!!!!
Paalam Calcium!!!

Inihanda ni Sinuri Iwinasto Binigyang pansin

SARAH Q. AGON JULIUS RHYAN M. QUINE


Guro sa Filipino Punongguro

07
Heart of Innovation

You might also like