You are on page 1of 17

ANG FILIPINO BILANG WIKA NG PAGKAKAISA

Buwan ng Wikang Pambansa 2014


Ngayong Buwan ng Wika 2014, ibinabandera ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang
halaga ng wikang Filipino bilang wikang nagbubuklod sa bansa. Filipino: Wika ng Pagkakaisa
ang tema ng pagdiriwang ngayong taon na magtatampok ng mga gawaing pangwika at
pangkultura na pangungunahan ng KWF sa buong bansa.

Alinsunod ang pagdiriwang sa Proklamasyon Blg. 1041 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel
Ramos. Ipinahahayag nito ang taunang pambansang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa tuwing Agosto. Dagdag pa, ang dating Pangulong Manuel L. Quezon, na itinuturing
na Ama ng Wikang Pambansa, ay isinilang noong 19 Agosto 1878. Sa bisa ng proklamasyong
ito, nangunguna ang KWF sa pagsasagawa ng mga makabuluhan at napapanahong mga
programang may kinalaman sa wika at kulturang Filipino.
Bubuksan ng KWF ang pagdiriwang sa 4 Agosto sa Lungsod Batangas, Lalawigan ng Batangas.
Magdaraos ng pormal na pagbubukas ng Buwan ng Wika sa pakikipagtulungan ng
Tanggapan ng Punong Lalawigan Vilma Santos-Recto. Ipoproklama ang Lalawigan ng Batangas
bilang huwaran o pilot ng E.O. 335. Inaatasan ng E.O. 335 ang mga ahensiyat tanggapan ng
pamahalaan na gamitin ang Filipino bilang opisyal na wika ng korespondensiya at
komunikasyon.

Mula 45 Agosto ay magsasagawa rin ang KWF ng Pagsasanay sa Korespondensiya Opisyal
(KO) at Implementasyon ng E.O. 335 sa Lungsod Batangas, Lalawigan ng Batangas.
Nagsisilbing gabay ng mga tanggapan ng pamhalaan ang KO sa paggawa ng mga opisyal na
komunikasyon sa wikang Filipino. Lalahok ang mga kawani mula sa ibat ibang tanggapan ng
Lalawigan ng Batangas.

Gagawin naman sa 4 Agosto ang taunang pagtataas ng watawat ng KWF sa Palasyo ng
Malacaang. Naimbitahang panauhing pandangal si Kgg. Herminio Coloma, Kalihim ng
Presidential Communications Operations Office.

Mangyayari naman ang Pambansang Kongreso sa Salin mula 79 Agosto sa UP Visayas,
Lungsod Iloilo. Magtitipon-tipon ang mga tagasalin, dalubhasa, guro, at mag-aaral upang
paksain ang mga napapanahong isyu sa pagsasalin. Pakay ng Kongreso na idiin ang halaga ng
pagsasalin sa pambansang pag-unlad.

Sa 15 Agosto, ilulunsad ang KWF Aklat ng Bayan sa Pambansang Museo, Lungsod
Maynila. Binubuo ng 18 titulo ang Aklat ng Bayan na inilimbag ng KWF noong 2013 at 2014.
Minimithi ng Aklat ng Bayan na bumuo ng isang Aklatan ng Karunungan na magtatampok sa
wikang Filipino bilang wika ng paglikha at saliksik.

Kabilang sa Aklat ng Bayan ang Ortograpiyang Pambansa, Manwal sa Masinop na Pagsulat,
Korespondensiya Opisyal, Hambingang Wika, Panitikang Popular, Kung Sino Ang Kumatha kay
Balagtas, Panitikan ng Rebolusyon(g) 1896, Si Balagtas at ang Panitikan ng Kalayaan, Bisayan
Grammar and Notes, Gabay ng mga Senior Citizen, Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan,
Vocabulario de la Lengua Tagala, Mena Pecson Crisologo, mga Lektura sa Panitikan,
Baybayin: Ortograpiya at mga Tuntunin sa Pagsulat sa Wikang Tagalog, Kaalamang-bayan ng
Cordillera, Panitikang Meranaw, at Pandiwa.

Sa Araw ni Quezon, 19 Agosto, mag-aalay ng bulaklak ang mga kawani ng KWF sa Quezon
Circle, Lungsod Quezon. Susundan ito ng pagdiriwang ng Araw ng Pagkakatatag ng KWF at
Gawad sa Sulo Hotel, Lungsod Quezon. Naimbitihan bilang panauhing pandangal si Kgg.
Sitti Djalia A. Turabin-Hataman, Kinatawan ng Anak-Mindanao Party List. Pararangalan
ang mga nagwagi sa mga patimpalak at gawad ng KWF. Ang mga ito ang Dangal ng Wikang
Filipino, Ulirang Guro sa Filipino, Kampeon ng Wika, Sali(n) Na! 2014, at KWF Gawad
Sanaysay.

Bilang pagsasara sa Buwan ng Wika, makikiisa ang ahensiya sa Unyon ng mga Manunulat sa
Pilipinas (UMPIL) sa kanilang taunang UMPIL Congress mula Agosto 2830.


























































































































Buwan ng Wika 2014
August 27, 2014

Buwan ng Wika 2014:
Sentro@Beynte-singko: Laban Filipino, Sulong Wikang Pambansa,

Ang Sentro ng Wikang Filipino UP Diliman (SWF), sa pakikipagtulungan sa UP Kolehiyo ng
Arte at Literatura (UP KAL) at Tanggapan ng Tsanselor ng UP Diliman ay magdaraos ng
Buwan ng Wika 2014 sa darating na Agosto 27, Miyerkoles, 8:00 nu 5:00 nh, na gaganapin sa
Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Faculty Center, UP
Diliman, Lungsod Quezon. Dadaluhan po ito ng mga Komite sa Wika ng ibat ibang Kolehiyo
ng UP Diliman at mga opisyal ng UP at buks din po ito sa lahat ng nais dumalo. Ang tema po
para sa tang ito ay Sentro@Beynte-singko: Laban Filipino, Sulong Wikang Pambansa, bilang
paggunita sa ika-25 anibersaryo ng SWF at bilang pagbibigay ng diin sa halaga ng Filipino sa
akademya na nahaharap ngayon sa dagok dulot ng CHED Memo Blg. 20 s2013.

Gaya ng mga nakaraang selebrasyon ng Buwan ng Wika, kinapapalooban ng tatlong mahalagang
bahagi ang programa: panayam, parangal, at paglulunsad.

Ang programa ay bubuksan ng mga Panayam, sa pangunguna ng Susing Tagapanayam na si
Prop. Rolando de la Cruz, pangulo at CEO ng Darwin International School System, isang
natatanging alumnus ng UP, isang guro, administrador ng isang institusyong pang-edukasyon,
kolumnista, at kilalang tagapagsulong din ng wikang Filipino at kultura sa pamamagitan ng
edukasyon. Sa pamamagitan niya, mas lalong mapagtitibay ang patuloy na pagtataguyod sa
wikang pambansa bilang importanteng salik sa totoong pag-unlad ng bansa na kailangan
maipamulat sa mga pinuno ng bansa lalo na sa larang ng edukasyon. Bukod kay Prop. de la Cruz,
magbibigay rin ng panayam si Dr. Clemen Aquino ng Departmento ng Sosyolohiya upang
maipakita ang maunlad na gamit ng Filipino sa saliksik sa larang Sosyolohiya.

Ang bahaging Parangal ang magbubuks sa panghpong programa. Malugod naming
ipinababatid na para sa tang ito, ang bibigyan ng pagkilala ay si Dr. Teresita G. Maceda bilang
natatanging personalidad na may malaking ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino sa
Unibersidad ng Pilipinas (UP). Isa siya sa mga nakipaglaban upang magkaroon ng Patakarang
Pangwika ang UP noong 1989 na naging daan sa pagkakatatag ng SWF na pinagsilbihan rin niya
bilang pinakaunang direktor na nagdiriwang ngayon ng ika-25 anibersaryo. Higit sa lahat,
kinikilala rin ang patuloy niyang paglilingkod sa wika bilang guro at administrador nang
maluklok siya bilang tagapangulo ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa UP
hanggang sa magretiro. Pagkaraan ng parangal kay Dr. Maceda, iaanunsiyo rin ang mga
nagwagi para sa mga parangal para sa Pinakamahusay na Artikulo sa Daluyan Journal,
Pinakamahusay na Teksbuk, at Natatanging Kolehiyo sa UP Diliman.

Matatapos ang programa sa pamamagitan ng Lunsad-Aklat para ipakilala ang pinakabagong
mga lathalang aklat ng SWF at ang pinakabagong isyu ng Daluyan Journal.

Sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, umaasang magiging modelo ang
Unibersidad ng Pilipinas sa patuloy nitong pakikipaglaban para sa wikang Filipino bilang
pangunahing wika ng karunungan at pagsulong nito bilang wikang pambansa.

Para sa detalye, maaaring tumawag sa Sentro ng Wikang Filipino - UP Diliman sa Tel. Blg. 924-
4747 / 981-8500 lok. 4583, magpadala ng email sa upswfdiliman@gmail.com, o bumisita sa
aming website: pages.upd.edu.ph/sentrofilipino.

You might also like