You are on page 1of 27

Layunin:

Nailalahad ang sariling kaisipan


at opinyon hinggil sa
pagpapahalaga sa wikang
Filipino at sa iba pang mga wika
ng bansa sa
pamamagitan ng pagsagot sa
tri-question approach.
Mga Kahalagahan ng Wika
1. Behikulo ng kaisipan.
2. Daan tungo sa puso ng
tao.
3. Nagbibigay kautusan o
nagpapakilala sa tungkulin at
katayuan sa lipunan ng
nagsasalita.
5. Kasasalaminan ng kultura
ng isang lahi maging ang
kanilang karanasan.
6. Pagkakakilanlan ng bawat
pangkat o grupong
gumagamit ng kakaibang
mga salitang hindi laganap.
7. Luklukan ng panitikan sa
kanyang artistikong gamit.
8. Kasangkapan sa pag-aaral
ng kultura ng ibang lugar.
9. Tagapagbigkis ng lipunan.
J
Teorya
Ang teorya ay isang
siyentipikong pag-aaral ng
iba’t ibang paniniwala ng
mga bagay-bagay na may
batayan pero hanggang
ngayon, hindi pa
napapatunayan ng lubos.
MGA IBA’T IBANG MGA
TEORYA NG PINAGMULAN
WIKA
1. Teoryang Bow-wow
Isang teoryang ginagayang mga
tunog na nililikha ng mga hayop
gaya ng tahol ng aso, tilaok ng
manok, atbp.; at ng mga tunog
ng kalikasan kaya ng ihip ng
hangin, patak ng ulan, atbp.
2. Teoryang Ding-dong
Itinutukoy nito ang mga sariling
tunog ng lahat ng bagay sa
kapaligiran tulad ng tsug-tsug
ng tren o tik-tak ng orasan.
3. Teoryang Pooh-pooh
Tinutukoy nito sa mga paggamit
ng bibig, na kung saan nililikha
ang mga tunog na galing sa dala
ng emosyon tulad nga saya,
lungkot, galit, atbp.
4. Teoryang Ta-ra-ra Boom De
Ay
Ang teoryang ito ay nagsasabi na
ang wika ng tao ay galing sa mga
tunog na nilikha sa mga ritwal
na nagbabagu-bago at binigyan
ng ibang kahulugan katulat ng
pagsayaw, pagtatanim, atbp.
5. Teoryang Sing-song
Isang teorya na kung saan ang
mga unang salita ay mahaba at
musikal, at hindi maiikling
bulalas na pinaniniwalaan ng
marami.
6. Teoryang Biblikal
Ito ay mula sa Biblia sa Genesis
11: 1-8 na nagsasabi na ang buong
lupa ay iisang wika at iisang mga
salita,
7. Teoryang Yoo He Yo
Ayon kay A.S Diamond, ang tao
ay natutong magsalita bunga ng
kaniyang puwersang pisikal.
8. Teoryang Ta-ta
Galing sa wikang Pranses, ito ay
nangahulugang paalam
sapagkat kapag ang isang tao ay
nagpapaalam, siya ay
kumakampay ang kamay nang
pataas o pababa.
9. Teoryang Mama
Tinutukoy ito sa unang sinabil ng
sanggol, na dahil hindi niya
masabi ang salitang ina o ang
Ingles na mother, sinabi niyang
mama kapalit sa mother.
10. Teoryang Hey you!
Ayon sa linggwistang si Revesz,
nagmula ang wika sa mga tunog
na nagbabadya ng
pagkakakilanlan (Ako!) at
pagkakabilang (Tayo!).
Napapabulalas din tayo bilang
pagbabadya ng takot, galit o
sakit (Saklolo!). Tinatawag din
itong teoryang kontak.
11. Teoryang Coo coo
Tinutukoy nito sa mga tunog na
nalilikha ng mga sanggol na
ginagaya ng mga matatanda
bilang pagpapangalan sa mga
bagay-bagay sa paligid.
12. Teoryang Babble Lucky
Ayon sa teoryang ito, nagmula
ang wika sa mga walang
kahulugang bulalas ng mga tao
na nasuwertehang nakalikha at
iniugnay sa mga bagay-bagay sa
paligid.
13. Teoryang Hocus Pocus
Ayon kay Boree, ang
pinanggalingan ng wika ay tulad
ng pinanggalingan ng mga
mahikal o relihiyosong aspeto
ng pamumuhay ng ating mga
ninuno.
14. Teoryang Eureka!
Ayon rin kay Boree, ang ating
mga ninuno ay may ideya ng
pagtatakda ng mga arbitraryong
tunog upang ipakahulugan sa
mga tiyak na bagay. Nang nalika
ang mga ideyang iyon, mabilis na
iyong kumalat sa iba pang tao at
naging kalakaran sa
pagpapangalan ng mga bagay-
bagay.

Teorya sa Pinagmulan ng Wika


Teoryang Bow-Wow – ayon sa
teoryang ito, ginagaya ng mga
tao ang mga tunog ng kalikasan.
Ang mga sinaunang tao
diumano ay kulang na kulang sa
salitang magagamit. Dahil dito,
ang mga bagay-bagay sa
kanilang paligid ay natutuhan
nilang tagurian sa pamamagitan
ng mga tunog na nililikha ng
mga ito.
Teoryang “Yum-Yum” pinag-
uugnay ng teoryang ito ang
tunog at kilos ng
pangangatawan. Ayon sa
teoryang ito, ang tao ay
tumutugon sa mga bagay na
nangangailangan ng paggalaw
at ginagaya ito sa pamamagitan
ng kanilang bibig.

Teoryang “Pooh – Pooh” ayon


sa teoryang ito, ang tao ay
lumilikha ng tunog nam may
kahulugan upang maipahayag
ang tindi ng damdaming
nararamdaman tulad ng galit,
tuwa, galak, takot, pangamba at
iba pa.

You might also like