You are on page 1of 4

Febrero 19, 2019

GRADE 7 –DAFFODIL 8:40-9:40 GRADE 7 – DAISY 1:00-2:00


GRADE 7 – GUMAMELA – 10:00-11:00 GRADE 7- CHRYSANTHEMUM 2:00-3:00
GRADE 7 – SUNFLOWER– 11:00-12:00 GRADE 7 – STARGAZER 3:00-4:00
____________________________________________________________________________
I.LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman
• Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pagunawa sa Ibong Adarna bilang isang obra
maestra sa Panitikang Pilipino.
B. Pamantayang Pagganap
• Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong
naglalarawan ng mga
pagpapahalagang Pilipino
C. Kasanayan sa Pagkatuto
Nailalahad ang sariling interpretasyon sa isang pangyayari sa akda na maiuugnay sa
kasalukuyan (F7PS-IVc-d-19)

 Nakasusulat ng isang sanaysay na naglalahad ng saloobin ng mga mag-aaral kaugnay ng


pinagdaanan ni Don Juan sa kanyang mga kapatid.

II.NILALAMAN/PAKSANG-ARALIN
Panitikan: IBONG ADARNA- Ang Bunga ng Inggit
III.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
A. Sanggunian
• Mga pahina sa gabay ng guro: p.
• Mga pahina sa mga kagamitang pang mag-aaral: p.
• Mga pahina sa teksbuk:p. 458-464
B. Iba pang kagamitang Panturo
• Laptop,TV at chalk
IV. PAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
a. Pagbabalik-Aral
Saang bahagi ng Ibong Adarna ang huli nating tinalakay?
Anong mga nangyari sa pagtulong ng Ermitanyo kay Don Juan? Paano hinuli ni Don Juan ang
Ibong Adarna? Paano naman iniligtas ni Don Juan ang kanyang mga kapatid?
b. Paglalahad ng layunin.
d. Pagtuklas
Aksyon Ko! Hulaan Mo!
 Hatiin ang klase sa tatlong pangkat at mamili ng isang leader na siyang mag aksyon
ng mga kaukulang salitang napili. Huhulaan ito ng mga miyembro ng pangkat.

d. Paglinang ng Talasalitaan

 Hanapin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang nakahilis ayon sa pagkakagamit


nito sa pangungusap.

Mapahamak Nag-umapaw
Katatanong nanghihina/ nananamlay di makakilos/ bulagta

1. Katuwaay nag-ibayo nang silay magkita.


2. Natatakot siyang mapalisya kaya sumang-ayon nalamang siya.
3. Sa kauukilkil niya sa kanyang kaibigan naman niya kung sino ang napupusuan nito.
4. Gulapay na siyang makita ng isang Ermitanyo dahil pilit na kinuha sa kanya ang hawak
na hawlang naglalaman ng Ibong Adarna.
5. Nanlulugo siya dahil sa pag-aalala.
B. Paglinang ng Aralin
a. Gawain at Istratehiya
Pagbasa ng mga saknong ng Ibong Adarna
Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng saknong na kanilang babasahin
at
ibabahagi nila ito sa klase sa pamamagitan ng isang masining na pagbasa.
Unang Pangkat: saknong bilang 232-239
Ikalawang Pangkat: saknong bilang 240-247
Ikatlong Pangkat: saknong bilang 248-255
Ikaapat na Pangkat: saknong bilang 256-263
Ikalimang Pangkat – saknong 257- 274
Mga tanong
1. Ano ang ibinunga ng pagkainggit nina Don Diego at Don Pedro sa kanilang bunsong anak?
2. Bakit hindi umawit ang Ibong Adarna nang madala na ito sa kaharian?

C. PANGWAKAS NA GAWAIN
a. Paglalahat
Ano ang masamang naidudulot ng pagkainggit sa buhay ng tao? Bakit hindi natin ito
dapat pairalin sa ating puso?
b. Paglalapat

 Padugtungan sa mga mag-aaral ang sumusunod na mga pahayag.


1. Kung ako si Don Pedro, ang dapat kong gawin ay ________________.
2. Kung ako si Don Diego, ang dapat kong gawin ay ________________.
3. Kung ako si Don Juan, ang dapat kong gawin ay ________________.
4. Kung ako si Haring Fernando, ang hindi ko dapat gawin ay ________.
c. Pagtataya
 Magpasulat ng isang sanaysay na naglalahad ng saloobin ng mga mag-aaral kaugnay
ng pinagdaanan ni Don Juan sa kanyang mga kapatid.

 Pamantayan sa Pagmamarka

Kabuuang Puntos =
5 – Napakahusay 2 – Sadyang Di-Mahusay
4 – Mahusay 1 – Kailangan pa ng Pagsasanay
3 – Katamtamang husay
d. Kasunduan
Basahin ang mga Saknog 275-317 – Ang Dalangin ng Bunsong Anak sa Gitna ng
Paghihirap.
V. TALA

VI. REFLEKSYON

LIEZL A. RESUELO
Guro sa Filipino

Iwinasto ni:

MA. NILA D. FUENTEBELLA, MT-I


Tagapangulo ng Departamento

You might also like