You are on page 1of 6

Pebrero 11, 2019

GRADE 7 –DAFFODIL 8:40-9:40 GRADE 7 – DAISY 1:00-2:00


GRADE 7 – GUMAMELA – 10:00-11:00 GRADE 7- CHRYSANTHEMUM 2:00-3:00
GRADE 7 – SUNFLOWER– 11:00-12:00 GRADE 7 – STARGAZER 3:00-4:00
____________________________________________________________________________

I. LAYUNIN:

A. Pamantayang Pangnilalaman

• Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang isang obra maestro sa
Panitikang Pilipino.

B. Pamantayang Pagganap

• Naisasagawa ng mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong


naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino

C. Kasanayan sa Pagkatuto

Nagagamit ang mga larawan sa pagpapaliwanag ng pag-unawa sa mahahalagang kaisipang


nasasalamin sa bahagi ng akda (F7PD-Iva-b-17)

 Nakapagbabahagi ng karanasan at opinyon kaugnay ng matibay na pananampalataya sa


Diyos at pagtulong sa kapwa.

II.NILALAMAN/PAKSANG-ARALIN

Panitikan: IBONG ADARNA- Si Don Juan, Ang Bunsong Anak saknong 110- 161

III.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO

A. Sanggunian
• Mga pahina sa gabay ng guro:

• Mga pahina sa mga kagamitang pang mag-aaral:

• Mga pahina sa teksbuk: p 429-437

B. Iba pang kagamitang Panturo

• Laptop,TV at chalk

IV. PAMAMARAAN

A.Panimulang Gawain

a. Pagbabalik-Aral

Saang bahagi ng Ibong Adarna ang huli nating napag-aralan?

Ano ang sinapit ni Don Diego ng siya ay naglakbay patungo sa Bundok Tabor?

b. Paglalahad ng layunin.
c. Pagganyak

Nakakita na ba kayo ng taong may ketong?

Ano ang alam ninyo sa taong may ketong?

Mayroon na bang nanglimos sa iyo?anong ginawa mo?

d. Paglinang ng Talasalitaan

Ipapakuha ang quiz notebook at magkakaroon ng pagbabaybay sa mga salita.

1. Tulutan – payagan
“Ama koy iyong tulutan
Ang bunso mo’y magpaalam
Ako ang hahanap naman
Ng iyo pong kagamutan

2. Subyang – tinik, pasakit


O, ama kong minamahal
Muling samo ni Don Juan
Sa puso ko namay subyang
Makita kang nakaratay

3. Bendisyon – basbas
Si Don Juan’y lumuhid na
Sa haring may bagong dusa
Bendisyon mo, aking ama
Babaunin kong sandata

4. Hinuhulo – inuunawa
Ang prinsipe’y di kumibo
Ngunit nasaktan ang puso
Ang matanday hinuhulo
Baka siya’y binibiro

5. Nagbadya – nagsalita
“Maginoo, bakit po bat
Iyay ibabalik mo pa
Gayong naibigay ko
B. Paglinang ng Aralin

a. Pagtatalakay

 Pangkatang Gawain: Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng tableau kung


saan ipakikita ang mahahalagang pangyayari sa mga saknong na itatalaga sa
kanila.
Unang Pangkat: saknong bilang 110-125
Ikalawang Pangkat: saknong bilang 126-139
Ikaapat na Pangkat: saknong bilang 140-161

Ang isang kinatawan ng pangkat ang magpapaliwanag sa mensahe ng tableau sa


pamamagitan ng maikling pag-uulat.

Mga katanungan:

1. Bakit hindi agad pumayag si Haring fernado sa kagustuhan ng bunsong anak na si


Don Juan na siya naman ang maglakbay para mahanap ang Ibong Adarna?
2. Paano naiba ang paglalakbay ni Don Juan sa naunang paglalakbay sa kanyang
dalawang kapatid?
3. Bakit mahalaga ang bendisyon ng magulang at ang pananalangin sa Panginoon
bago magsagawa ng anumang gawin, lalo nan g isang malaki at mapanganib na
misyonng tulad ng isinagawa ni Don Juan?
4. Ano ginawa ni Don Juan bawat isang buwan sa kanyang paglalakbay?
5. Ano ang ibinunga ng pagiging maawain at mapagkawanggawa ni Don Juan?
6. Paano ipinakita ni Don Juan ang kabutihan ng kanyang puso?
b. Aktibiti

--Dugtungan magbahagi ng isang pangyayari na ikaw ay tumulong sa iyong kapwa.


Isa-isa patatayuin at tatnungin ng kanilang karanasan.

 Bakit kaya may mga taong nagdadalawang-isip sa pagtulong sa kanilang


kapwang nangangailangan?
 Ano kaya ang nasa-isip ng isang taong tumanggi sa pagtulong sa kapwa?
 Kung hindi kaya tayo mananalangin, may magiging epekto kaya ito sa ating
buhay? Bakit?

C. PANGWAKAS NA GAWAIN

a. Paglalahat

Anong mensahe ang nais iparating ng tauhang si Don Juan sa iyo?

b. Paglalapat

Sa iyong palagay mahalaga pa bang manalangin sa oras na ikaw ay naglalakbay?

Kung ikaw ay may pagkaing sapat lamang sa iyo at hihingin ng isang taong higit na
nagugutom, ibibigay mo ba ito? Bakit oo bakit hindi?

c. Pagtataya
Pagmasdang mabuti ang mga larawang nagpapakita sa pagkakaiba ni Don Juan kina
Don Pedro at Don Diego. Sagutin ang mga katanungan pagkatapos.

Mga Anak na tinuruan ng kabutihan Pagtulong sa nangangailangan

Paggawa ng makakaya para sa mahal na ama

d. Kasunduan

Basahin ang unang kabanata ng IBONG ADARNA –saknong-110-161 – Si Don Juan,


Ang Bunsong Anak

V. TALA

VI. REFLEKSYON

LIEZL A. RESUELO

Guro sa Filipino

Iwinasto ni:

MA. NILA D. FUENTEBELLA, MT-I

Tagapangulo ng Departamento

You might also like