You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X
Division of Ozamiz City
District 10
SINUSA ELEMENTARY SCHOOL
Sinusa, Ozamiz City

DLP Bilang: Asignatura: Antas: Markahan: Araw:


Filipino Grade 7 Ikaapat Huwebes/Pebrero 27, 2020
Pamantayan sa a. Nahihinuha ang maaaring mangyari sa tauhan batay sa napakinggang bahagi ng akda.
Pagganap/Pamantayan sa
Pagkatuto
Code: F7PN-IVe-f-22
I. Mga Layunin: Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng mga sumusunod na kakayahan:
a. nakatutukoy sa mga paglalarawan sa mga tauhan;
b. nakagagawa ng isang paghihinuha sa maaaring mangyari sa tauhan sa pamamagitan ng isang pagsasadula.
c. nakapapaliwanag sa kahalagahan ng pagtupad sa pangako.
II. Paksa: Kabanata 15: Paghihinagpis ni Donya Leonora
III. Sanggunian: Ibong Adarna, Aida M. Guimarie, pp. 125-129
Mga Kagamitan: larawan,kagamitang biswal
IV.Pamamaraan: 3Is
1. Introduksyon A. Panimula
- Panalangin
- Pagtsek kung sino ang lumiban sa klase
B. Pagbabalik-aral
Magkakaroon ng pagbabalik-aral tungkol sa nakaraang talakayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nakasulat sa
crumpled papers na nasa sahig.
1. Sino ang tumulog kay Don Juan?
2. Ano ang ipinanggamot ng lobo kay Don Juan?
3. Sino ang nakita ni Don Juan nang siya’y gumising mula sa pagkatulog nito?
4. Ano ang ibinadya ng Ibong Adarna?
5. Sino ang ama ng tatlong Prinsesa ayon sa Ibong Adarna?

C. Pagganyak
Magpapakita ng isang patalastas ng boysen na ang isang preso ang bida at itatanong ang mga sumusunod:
ang mga sumusunod:
a. Ano ang nasa bidyung inyong napanood?
b. Paano ba ninyo mailalarawan ang buhay ng isagn taong nakakulong?
D. Paglalahad ng Layunin
2. Interaksyon A. Talasalitaan:
Panuto: Ibigay ang dalawang salitang magkasingkahulugan na ginamit sa bawat pangungusap.
1. Araw-gabing nalulumbay o nalulungkot si Donya Leonora.
2. Lagi raw nasasambit ni Leonora o nababanggit ang pangalan ni Don Juan.
3. Ayon pa kay Donya Leonora, hindi mawawala ang pagmamahal niya kay Don Juan kahit pa ang buhay niya ay mautas o mapatay.
4. Ang hinagpis at himutok ay kayakap ni Donya Leonora sa pagtulog.
5. Hindi na maririnig ang panaghoy at daing ni Donya Leonora.
Sagot:
1. nalulumbay at nalulungkot
2. nasasambit at nababanggit
3. mautas at mapatay
4. hinagpis at himutok
5. panaghoy at daing
B. Mga Gabay na Tanong:
1. Anong nangyari kay Donya Leonora nang umalis sa Kahariang Berbanya si Don Juan?
2. Bakit hiniling hiniling ni Donya Leonora na siya’y mamuhay na mag-isa sa loob ng pitong taon?
3. Gaano kadakila ang pag-ibig ni Don Leonora kay Don Juan?
4. Ano raw ang nagbigay ng lakas kay Donya Leonora?
C. Gawain 1
- Mag-uulat na ang naatasang mag-aaral sa kabanatang ito.
- Sasagutin na ang mga katanungan sa gabay na tanong.
3. Integrasyon A. Paggamit
Panuto: Ipapangkat ang klase sa apat na grupo Bawat grupo ay gagawa ng isang pagsasadula batay sa paghihinuha sa maaaring
mangyari sa tauhan sa kabanatang ito.
Krayterya:
Kawastuhan sa Paggawa Batay sa Pangyayari – 12 puntos
Pagkamalikhain – 8 puntos
Kabuuan: 20 puntos
Halagang Pangkatauhan:
1. Paano ninyo mailalarawan ang damdamin ni Donya Leonora?
2. Ano ba ang pinanghahawakan niya?
3. Gaano kahalaga na tumupad tayo sa pangakong binitiwan natin sa isang tao?
4. Naranasan niyo na rin bang pangakuan at hindi tinupad? Anong ginawa ninyo?
IV. Ebalwasyon Panuto: Kumuha ng isang-kapat na papel at magkakaroon ng pasulit.
V. Takdang-aralin Panuto: Basahin ang Kabanata 16 para sa talakayan kinabukasan.

Inihanda ni Iniwasto ni

ANNIE P. PATOY HENRY Q. ABARCO


Guro Punong Guro

You might also like