You are on page 1of 28

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Filipino 7
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Pagsusuri sa Damdamin ng mga
Tauhan sa Dulang
Pantelebisyon/Pampelikula at mga
Karanasan at Pag-unawa at
Pagpapakahulugan sa mga Kaisipan
sa Akda.

MELC: Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan


sa pinanood na dulang pantelebisyon/pampelikula.
(F7PD-IVc-d-19)
 Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-
unawa at pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda.
(F7PS- IVc-d-21)

Inihanda ni:

MESSY DE SICA M. CALIBOSO


Guro I
Dingras National High School/Lt. EFMNHS-Sulquiano Campus
Filipino – Ikapitong Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Pagsusuri sa Damdamin ng mga Tauhan sa
Dulang Pantelebisyon/Pampelikula at mga Karanasan at Pag-unawa at
Pagpapakahulugan sa mga Kaisipan sa Akda.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Messy De Sica Caliboso
Editor: Leonida D. castillo
Tagasuri: Editha R. Mabanag
Jon Jon D. Garcia
Tagalapat: Marvin M. Marugay
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Editha R. Mabanag
Division Design & Layout Artist: Jannibal A. Lojero

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocos.norte@deped.gov.ph
7

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Pagsusuri sa Damdamin ng mga
Tauhan sa Dulang
Pantelebisyon/Pampelikula at
mga Karanasan at, Pag-unawa at
Pagpapakahulugan sa mga
Kaisipan sa Akda
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
Alamin

Mapagpalang araw mahal kong mag-aaral! Ipagpapatuloy muli natin ang ating
pag-aaral. Nawa’y maging matiyaga ka sa mga kasunod na aralin dahil ito ay tiyak
na kasiya-siya para sa iyo.
Ang kabuoan ng modyul na pag-aaralan mo ay tungkol sa damdaming
namamayani sa mga tauhan sa dulang pantelebisyon/pampelikula at mauunawaan
mor in o mabibigyang kahulugan ang mga kaisipan sa akda.
Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga
sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


 Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood na
dulang pantelebisyon/pampelikula. (F7PD-IVc-d-19)
 Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at
pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda. (F7PS- IVc-d-21)

Nasasabik ka na ba? Tara na’t tuklasin ang susunod na Kabanata ng Koridong Ang
Ibong Adarna!

1
Subukin

PAUNANG PAGTATAYA
A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
unahan ng bilang.
____ 1. Ito’y pag-alis ng katapatan sa isang tao, patatraydor o paglilo na
nakagagawa ng masamang bagay.
A. pag-ibig C. pagtataksil
B. pagpapakumbaba D. pagyabang
____ 2. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabanggit na nasa lood ng
mahiwagang balon?
A. diwata B. higante C. lobo D. serpyente
____ 3. Sino ang ikinasal kay Don Diego?
A. Donya Josefa C. Donya Leonora
B. Donya Juana D. Donya Maria Blanca
____ 4. Ano ang naramdaman ni Donya Juana ng lumabas ang higante?
A. galit B. lungkot C. saya D. takot
____ 5. Paano muling ipinahamak ng dalawang prinsipe si Don Juan sa
kaharian ng Berbanya?
A. Pinakawalan nila ang higante
B. Pinakawalan nila ang Ibong Adarna
C. Pinakawalan nila ang Ibong Maya
D. Pinakawalan nila ang serpyente
____ 6. Ano ang nakatago sa ilalim ng mahiwagang balon?
A. bangka B. ginto C. kotse D. palasyo
____ 7. Ano ang hiniling ng dalawang prinsipe sa hari nang makarating sa
Berbanya kasama sina Donya Juana at Donya Leonora?
A. makasal B. mamatay C. mabuhay D. maglaho
____ 8. Ano ang ibig sabihin ng salitang “sindak”?
A. kaba B. galit C. takot D. pangamba
____ 9. Alin sa mga sumusunod ang damdamin ng nasa saknong?
462. Noon niya napagsukat A. nawalan ng pag-asa
ang sa tao palang palad B. nawalan ng tiwala
magtiwala ay mahirap C. nawala ang takot
daan ng pagkapahamak. D. Nawala ang kirot
____ 10. Ito ay pagpapahayag na nagpapakita ng hugis, kabuoan, o kaanyuan at
mayroon itong dalawang uri; obhetibo at subhetibo.
A. panghalip B. idyoma C. paglalarawan D. pang-abay

2
B. Ang damdamin ng isang tauhan ay matutukoy sa kanilang mga pahayag.
Tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel
11. “Giliw ko, ang singsing ko’y bayan na, ang pagparoon mo’y mag-isa’y
lubha kong inaalala.” (Donya Leonora)
A. Nangangamba si Donya Leonora na sa muling pagbabalik ni Don
Juan sa balon ay mapahamak ang prinsipe.
B. Hindi na mahalaga kay Donya Leonora ang singsing pagkat ang
tanging nais niya ay makasama ang prinsipe.
C. Gustong samahan ni Donya Leonora si Don Juan sa pagbalik nito
sa balon.
D. Nais ni Donya Leonora na siya ang bumalik sa balon at hindi ang
prinsipe.
12. “Kay Don Juan ano kaya ang ginhawang mapapala? Ang mamatay sa
pagluha at mabuhay na kawawa.” (Don Pedro)
A. Ipinapahiwatig ni Don Pedro kay Leonora na tanging luha at pasakit
lamang ang kanyang mapapala kay Don Juan.
B. Ipinaliliwanag ni Don Pedro kay Leonora na limutin na si Don Juan
sapagkat ang hinihintay na prinsipe ay napahamak na.
C. Walang kuwentang tao si Don Juan kung kaya’t sinasabi ni Don
Pedro kay Leonora na ang buhay niya sa piling nito ay magiging
kawawa.
D. Pinupuri ni Don Pedro si Don Juan kay Leonora upang hindi na ito
magpakasal sa kanya.
13. “Ako po’y di sumusuway sa atas mo, Haring mahal, ngunit hiling ko po
lamang iliban muna ang kasal.” (Donya Leonora)
A. Humiling si Donya Leonora na huwag munang isagawa o idaos ang
kasal nila ni Don Pedro dahil hindi niya talaga ito mahal.
B. Sinuway ni Donya Leonora ang utos ng hari na siya ay makasal kay
Don Pedro.
C. Dahil sa matinding galit ni Donya Leonora Kay Don Pedro, ay
napilitan itong suwayin ang atas ng hari na siya ay makasal sa
prinsie.
D. Sinunod niDOnya Leonora ang atas ng hari ng makasal siya kay
Don Pedro.
14. “Manalig kang walang hirap na di-nagtatamong palad, pagmasdan mo’t
yaong ulap hinahawi ng liwanag.” (Ibong Adarna)
A. Sinasabi ng Ibong Adarna kay Don Juan na kasama sa kanyang
kapalaran ang magdanas ng hirap ngunit hinda siya dapat matakot
dahil siya ay nasa panig ng liwanag.
B. Binigyang-payo ng Ibong Adanra si Don Juan na patuloy na magtiis
anumang hirap ang kanyang harapin dahil ang tiyak na ang bagong
pag-asa ay kanyang kakamtin.
C. Sa kanyang paglalakbay nangako ang Ibong Adarna na siya ay
sasamahan at sa madilim na ulap siya ang magsisilbing liwanag.

3
D. Sinasabi ng Ibong Adarna kay Don Juan na kung hindi siya gaganti
ay maghihirap siya habang buhay.
15. “Ang bunso kong si Don Juan may loob na malumanay, matapat sa
kaibiga’t uliran sa kabaitan.” (Haring Fernando)
A. Ipinagmamalaki ni Haring Fernando ang anak na si Don Juan sa
pagiging mahiyain at mababang loob
B. Nalulungkot si Haring Fernando sa sinapit ng anak dahil sa labis
na kabaitan nit siya ay napahamak.
C. Naniniwalng si Haring Fernando na ang kanyak anak na si Don
Juan ay isang taong uliran at may pusong Dalisay.
D. Ipinagyayabang ni Haring Fernando na ang kanyang anak na si Don
Juan ay matibay at malakas ang loob.

Mahusay! Naisakatuparan mo ang paunang pagtataya. Kung mababa man ang


iyong iskor, huwag mabahala sapagkat paunang pagtataya lamang ito. Ipagpatuloy
mo lamang ang aralin at tiyak ang marka mo’y tataas din.

4
Ang Muling Pagkapahamak ni
Aralin
Don Juan at ang Pagkatok ng
6 Pag-ibig sa Kanyang Puso
Saknong 400-506
Magandang araw sa iyo aking mag-aaral!
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay makasusuri ng mga damdaming
namamyani sa mga tauhan sa pinanood na dulang pantelebisyon/pampelikula.
Handa ka na ba? Simulan na natin.

Balikan

Bago ka magpatuloy sa pagbabasa ng nilalaman ng Ibon Adarna. Atin


munang lilinangin ang iyong kaisipan hinggil sa pag-alala ng iyong mga
karanasan sa buhay.

Sagutin Natin!

Mga Tanong:
1. May kinakaharap ka bang mga pagsubok sa kasalukuyan? Kung wala ngayon
kailan ang huling may problema ka?
2. Papaano mo ito pinaghahandaan o pinaghandaan?
3. Ano ang naiisip mo o ginawang solusyon upang malampasan ito?

5
Tuklasin

Narito ang buod ng muling pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego kay Don
Juan. Basahin at unawain mo ito nang mabuti upang matuklasan ang mensaheng
nais nitong ipahatid. Masusuri mo rin dito ang damdaming namamayani sa mga
tauhan sa akda.

Ang Muling Pagkapahamak ni Don Juan at ang Pagkatok ng Pag-ibig sa


Kanyang Puso
(Buod)

Muling napagkasunduan nina Don Pedro at Don Diego na linlangin si Don


Juan. Pinakawalan ng dalawa ang Ibong Adarna habang natutulog si Don Juan na
siyang nakatalagang tagabantay ng Ibong Adarna. Upang maiwasan ang
pagtatanong ng hari at matuklasan ang kasalanang ginawa ng kanyang dalawang
kapatid ay nilisan ni Don Juan ang palasyo at nagtungo sa bundok Armenya.
Hinanap at natagpuan ng dalawang prinsipe ang bunsong kapatid sa bundok
Armenya at napagkasunduang doon na sila manirahan. Naisipan ng tatlong
prinsipeng mamasyal sa kabundukan at doon ay natagpuan nila ang isang
mahiwagang balon. Tanging si Don Juan ang nagtagumpay sa pagsulong sa
mahiwagang balon dahil sa taglay na tibay ng loob at pananalig sa Diyos.
Natagpuan niya sa ilalim ng balon ang isang palasyo. Doon ay naninirahan
ang isang dalagang nagngangalang Donya Juana na gagad bumihag sa puso ng
binate. Iniligtas ng prinsipe ang dalaga sa kamay ng higanteng nagbabatay rito. Bago
umalis sa ilalim ng balon, ipinakiusap ni Donya Juana na iligtas din ang kanyang
nakababatang kapatid na si Donya Leonora na bihag naman ng isang serpyenteng
may pitong ulo.
Muling nabighani at napaibig si Don Juan sa kagandahan ni Donya Leonora.
Habang nag-uusap ang dalawa ay dumating ang serpyente at dito nagsimula ang
pagllaban ng dalawa. Sa bawat pinuputol na ulo ni Don Juan ay tumutubo ulit ito.
Inabot ni Donya Leonora ang basalmo na ilalagay sa ulo ng serpyente sa bawat putol.
Hindi na rin tumubo ang ulo ng serpyente. Nagkaroon ng madugong labanan at sat
long ni Donya Leonora at s matibay napananalig sa Diyos, natalo ni Don Juan ang
serpyente at napalaya mula rito si Donya Leonora.

6
Gawain 1: Unawain ang Damdamin
PANUTO: Mula sa akdang binasa sagutin ang mga tanong kung anong damdamin
ang namamayani sa mga tauhan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
____ 1. Sino ang nakabantay sa Adarna sa mga oras na iyon?
A. Don Diego C. Don Juan
B. Don Fernando D. Don Pedro
____ 2. Saang bundok natagpuan ng dalawang prinsipe si Don Juan?
A. Albanya B. Armenya C. Berbanya D. Sapiro
____ 3. Sa pamamasyal ng tatlong prinsipe sa bundok, anong mahiwagang
bagay ang kanilang nakita?
A. ahas B. balon C. burol D. puno
____ 4. Sino sa tatlong ang walang takot na nagpatuloy bumaba sa mahiwagang
bagay na nakita nila?
A. Don Diego C. Don Juan
B. Don Fernando D. Don Pedro
____ 5. Ano ang naramdaman ng dalawang prinsipe bakit hindi sila bumaba sa
mahiwagang bagay na nakita nila?
A. Galit, dahil mas naging matapang na naman ang bunsong
prinsipe sa kanilang tatlo.
B. Malungkot, dahil wala silang sandata na gagamitin.
C. Masaya, dahil hindi na sila mapapagod bumaba.
D. Takot, dahil wala silang lakas ng loob na bumaba.
____ 6. Ano ang bumungad sa dalawang prinsipe bakit ayaw nilang bumaba sa
mahiwagang bagay na nakita nila?
A. madilim B. mahangin C. maiinit D. maliwanag
____ 7. Ano ang damdamin ni Don Juan noong Makita niya ang palasyo sa
ilalim?
A. masaya B. nagulat C. nalungkot D. natakot
____ 8. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng taong matibay ang loob?
A. Magpapatuloy sa kanyang gawain kahit anong pagsubok ang
nakaabang sa kanya.
B. Magpapatuloy sa padududa sa kanyang mga abilidad na gawin ng
isang bagay.
C. Takot makipagsapalaran sa lahat ng bagay na kanyang tatahakin.
D. Takot sumubok ng mga bagay dahil sa mga maaring pagsubok na
tatahakin.
____ 9. Ano ang damdamin ni Don Juan nang makita ang dalawang prinsesa?
A. pag-ibig C. pagkamuhi
B. pagkabagot D. panghihinayang
____ 10. Sa inyong tahanan, tama ba na pagtaksilan mo kahit sino sa miyembro
ng iyong pamilya sa kahit anong bagay?
A. Hindi po, dahil ako ang pinaka matapang sa kanila.
B. Hindi po, dahil masama ang pagtataksil kahit kanino.
C. Opo, dahil makabubuti ito sa akin at sa pamilya ko.
D. Opo, dahil pinagtaksilan din nila ako.

7
Gawain 2: Kahulugan ng Damdamin

A. Bigyang-kahulugan ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin sa


nasalungguhitang salita sa bawat pangungusap.
1. Ang puso ni Don Juan ay punumpuno ng tinik sa siphayo dahil sa muling
pagtataksil ng dalawa niyang kapatid.
A. pag-aalala B. pag-asa C. pagkabigo D. paglaya
2. Si Don Juan ay nakipagbati sa kanyang mga kapatid sapagkat wala ng naiwang
salaghati sa kanyang puso.
A. galit B. inggit C. kalungkutan D. sama ng loob
3. Labis na kasabikan ang namayani kay Don Juan na makita ang loob ng balon.
A. matinding aalala C. matinding pagkagusto
B. matinding pagkabalisa D. matinding pagkatakot
4. Di mapakali si Don Juan sa pagnanais na siya ang lumusong sa ilalim ng balon.
A. di makagalaw C. di malaman
B. di maipaliwanag D. di mapalagay
5. Nanggigilas si Don Juan nang masilayan ang napakagandang si Donya Juana.
A. nagulat B. namangha C. ninerbyos D. natakot
B. Hanapin at bilugan sa puzzle sa ibaba ang limang kasingkahulugan ng salitang
PAG-IBIG na binanggit sa akda.
A G P A G S I N T A

B H A L P T X B G L

P A G I R O G C H M

C I L M Q U Y D I N

D J I P A G K A S I

E J Y N R V Z E J O

F K A O S W A F K P

P A G M A M A H A L

1. ________________
2. ________________
3. ________________
4. ________________
5. ________________

Mahusay, binabakita kita! Upang lubos mo pang maintindihan ang akdang binasa,
makatutulong sa iyo ang pagsagot sa mga mahahalagang katanungan. Alam kong
kayang-kaya mong sagutin ang mga sumusunod na katanungan dahil ikaw ay may
malalim nang pang-unawa sa binasa.

8
Suriin

Sa araling ito ay nakita natin kung paanong naghari ang inggit at kasakiman
sa puso nina Don Pedro at Don Diego kaya nagawa nilang ipahamak ang bunsong
kapatid na si Don Juan. Ang halimbawa ng pagkainggit na ito ay maiuugnay natin
sa crab mentality ng mga Pilipino na umiiral magpahanggang ngayon. Pagnilayan
ang mensahe ng dalawang larawan gayundin ang artikulo sa ibaba at pagkatapos ay
sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Talangka Ripablik

Ang crab mentality ay isang pag-uugaling hindi


maganda na naihahalintulad sa katangian ng mga
talangka na hinihila ang kapwa talangka upang
makaakyat sa itaas. Ang pag-uugaling ito ay nag-uugat
sa pagkainggit ay kasakiman. Dahil dito, hinihila
pababa ang kapwa sa pamamagitan ng paninira o
paggawa ng masama upang hindi magtagumpay. Higit
pang gugustuhin na mabigo ang kapwa o magsama-
sama sa hirap ang lahat sa halip na makitang umunlad
ang iba. Ang taong may ganitong pag-uugali ay
matituturing na maksarili o makitid ng pag-iisip na nagpapakita ng kahinaan sa
pagkatao.
Sinasabi na ang mga Pilipino ay may ganitong pag-uugali kay hindi tayo
umuunlad bilang isang bansa. Marami raw sa mga Pilipino ang hinihila pababa ang
mga kapwa Pilipinong nasa mataas na posisyon o kalagayan upang umangat o kaya
naman ay upang magsama-sama na lamang sa di magandang kalagayan sa buhay

9
ang lahay. Mayroon daw ssa mga negosyanteng Pilipino ang sinisiraan ang kalaban
sa Negosyo upng bumenta ng Malaki o kaya naman ay mga politikong nagsisiraan
sa panahon ng eleksiyon upang manalo.
Gayunpaman, ang pag-uugaling ito ay sinasabing hindi lamang hindi
katangian lamang ng mga Pilipino kundi ito ay isang pag-uugaling unibersal o likas
sa bawat tao na nagmumula sa inggit (envy) at kasakiman (greed). Dahil sa inggit at
kasakiman ay hinihila ng isang tao ang kanyang kapwa pababa para magtagumpay
sa buhay o kaya’y tapakan o abusuhin ang mga ito.

Mula sa: http://emanila.com/philippines/2010/01/09/


crab-mentality-is-universal/

Gawain 3: Hilaang Talangka!


1. Ano ang mensaheng taglay ng dalawang larawan at ng artikulo sa itaas?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Sa anu-anong sitwasyon sa kasalukuyan maaaring makita ang pagkakaroon


ng kaisipang talangka?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Anu-ano ang maaring ibunga ng pagkakaroon ng ugaling ito?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Bakit kailangang iwasan ang ugaling crab mentality o isip-talangka?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Paano maaring malabanan ng isang tao ang hindi mabuting pagkainggit sa


kapwa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

10
Pagyamanin

Gawain 4: Lights! Camera! Action!


A. Manood ng bahagi ng isang pelikula o palabas pantelebisyon na may paksang
kaugnay sa pag-ibig at naaangkop sa iyong edad. Suriin ang damdaming
namayani ng tatlong tauhan sa palabas. Ilarawan ang kanilang damdamin gamit
ang diagram sa ibaba.

Tauhan 1

__________________________
__________________________
__________________________

Tauhan 2

__________________________
__________________________
__________________________

Tauhan 3

__________________________
__________________________
__________________________

11
B. Isulat ang pahayag ng tatlong tauhan na sinagot mo sa Gawain 4-A at tukyin ang
damdaming ipimapahitwatig at surrin kung ang pa g-ibig na namamaya sa mga
ito ay positibo o negatibo.

Tauhan Pahayag Damdamin kung


positibo at
X kung
negatibo

Halimbawa: “Lilo pa ba akong itong Pangungumbinsi/


matapat na ali pin mo?” pagmamakaawa
Don Pedro

(Tauhan 1)

(Tauhan 2)

(Tauhan 3)

Isaisip

Tandaan!
Ang pagkakainggit at pagiging sakim ay pag-uugaling maaring magdulot
ng matinding hindi pagkakaunawaan. Dahil dito hinihila ng isang tao ang
kanyang kapwa pababa para magtagumpay sa buhay o kaya’y tapakan o
abusuhin ang mga ito.

12
Isagawa

Gawain 5: Dear Ate Charo


Bawat tao ay nakararanas, magmahal bagama’t iba’t iba nga lamang ang
karanasan natin kaugnay nito. Sa araling ito nasaksihan natin ang wagas na pag-
ibig ni Don Juan sa kanyang mga kapatid kahit pa nagging taksil sila sa kanya.
Ikaw naman ngayon ang magbabahagi ng iyong damdamin at karanasang
may pagkakatulad sa isang tauhan sa akdang iyong nabasa o napanood.

Panuto: Ikaw ay isang letter sender sa programang “Maalaala Mo Kaya”. Isusulat


mo ang iyong kuwentong kapupulutan ng aral at mabubuting kaisipan ng
mga manonood.

Kuwento ng Buhay Mo, Ibahagi Mo

___________________

Dear Ate Charo,


____________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_____________.

____________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_____________.

Nagmamahal,
___________________

13
RUBRIK SA PAGSULAT NG LIHAM

Pamantayan
4 3 2 1
Mahusay na nasunod ang mga bahagi nga liham.

Malinaw at detalyadong naipahayag ang damdamin at


mensahe.

Maayos at magkakaugnay ang nilalaman ng liham.

Wasto ang gramatika, bantas at gamit ng malaking titik.

Malinis at maayos ang pagkakasulat ng liham.

Kabuoang Puntos

4 – Napakahusay 2 – Katamtaman
3 – Mahusay 1 – Dimahusay

Binabati kita! Natapos mo rin ang aralin. Sana’y


naiwan sa iyong isipan ang lahat ng mga napag-
aralan natin sa Ibong Adarna, at sa pagsusuri ng
damdaming namamayani sa mga tauhan sa
pinanood na dulang pantelebisyon/pampelikula.
Nawa’y maging aral ito sa pakikisalamuha ng mabuti
at maging masaya sa tagumpay ng kapwa tao.
Bagaman tapos na tayo sa araling ito. Ihandang muli
ang iyong sarili sa panibago na namang aralin –
Aralin 7: Saknong 507-729

14
15
GAWAIN 3: Hilaang Talangka
Iba’t iba ang sagot ng mga mag-aaral.
GAWAIN 4: Lights! Camera! Action!
Iba’t iba ang sagot ng mga mag-aaral.
GAWAIN 5: Dear Ate Charo.
Iba’t iba ang sagot ng mga mag-aaral.
GAWAIN 2: Kahulugan ng Damdamin
A. B.
1. C Pababa - Pagliyag
2. D
3. C Pahalang - Pagsinta
4. D Pagirog
5. B Pagkasi
Pagmamahal
GAWAIN 1: Unawain ang Damdamin SUBUKIN
1. C Paunang Pagtataya
2. B A.
3. B 1. C
4. C 2. A
5. D 3. B
6. A 4. D
7. B 5. B
8. A 6. D
9. B 7. A
10. C 8. D
9. B
10. C
B.
11. A
12. C
13. A
14. B
Iba’t iba ang sagot ng mga mag-aaral.
15. C
BALIKAN: SAGUTIN NATIN!
Susi sa Pagwawasto
Ang Muling Pagtataksil kay
Aralin
Don Juan at ang kanilang
7 Pagtatagpo ni Donya Leonora
Saknong 500-729

Tuklasin

Narito naman ang buod ng saknong 507-729. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong.

ANG MULING PAGTATAKSIL KAY DON JUAN AT ANG KANILANG


PAGTATAGPO NI DONYA LEONORA
Muling nagtaksil ang mga nakatatandang kapatid ni Don Juan sa kanya snhi
ng paghahari ng inggit sa kanilang mga puso. Habang sila ay naglalakbay pabalik ng
Berbanya ay naalala ni Donya Leonora ang kanyang diyamanteng singsing na
kanyang naiwn sa balon. Nagpilit si Don Juan na balikan ito kung kayanagtali siya
ng lubid sa kanyang baywang upang makabalik ng balon ngunit pinatid ito ng taksil
na kapatid na si Don Pedro. Sa pangyayaring ito, labis nag alit ng naramdaman ni
Donya Leonora kay Don Pedro. Samantalang sa kaharian, nakita ni Haring Fernando
sa panaginip si Don Juan ay nasa isang yungib at nakatali. Sinikap ng haring ang
masamang panaginip na ito ay mawaglit sa kanyang isip pagkat patuloy siyang
umaasang buhay na muling makikita ang pinakamamahal na anak.
Sa pagdaing nina Don Pedro at Don Diego sa kaharian ng Berbanya ay pawing
kasinungalingan muli ang kanilang ibinalita sa kanilang ama. Kanilang inulat na
hindi nila nakita si Don Juan. Karugtong nito ay agad nilang hiniling ni Don Pedro
sa ama na makasal siya kay Donya Leonora at si Don Diego naman kay Donya Juana.
Naikasal ang huli ngunit si Donya Leonora ay tumutol sa planong ito at sa halip ay
kanyang hiniling sa hari na hayaan muna siyang tuparin ang kanyang panatang
mamuhay mag-isa.
Sa pagkakasadlak ni Don Juan sa matinding paghihirap sa loob ng balon ay
kinandili siya ng isang mahiwagang lobo. Nanumbalik ang lakas ng prinsipe. Siya ay
tinulungan ng lobong makalabas sa balon. Pagkatapos ng pangyayaring ito ay
nagpaalam sa binate ang lobo at agad na nagtungo sa kabundukan.
Sa gitna ng paghihirap ni Don Juan, siya ay muling nanalangin sa Diyos na
iligtas ang kanyang ama. Nagpasya siyang bumalik sa kaharian ngunit naisipan niya
munang ang kanyang pagal na katawan sa ilalim ng isang punongkahoy hanggang
sa siya ay nakatulog. Sa gitna ng kanyang mahimbing na pagtulog ay nagising siya

16
sa awit ng Ibong Adarna. Pinayuhan siya nito na limutin na si Donya Leonora at siya
ay magtungo sa Reyno de los Cristales upang doon ay m atagpuan ang marilag na
dalagang si Donya Maria Blanca. Samantala sa kaharian ng Berbanya ay labis na
nangungulila si Donya Leonora at umaasang buhay na magbalik si Don Juan upang
siya ay hanguin sa matinding kalungkutan.

Gawain 1: Anong Masasabi Mo?


Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa sariling kaalaman at karanasan sa pag-
unawa at pagpapakahulugan sa mga kaisipan.

1. Kung ikaw ang nasa katauhan ni Don Juan, babalikan mo ba ang singsing sa
kabila ng pag-awat sa iyo ng iyong minamahal na huwag nang bumalik sa balon
dahil sa panganib na maari niyang kasakdalan?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
2. Kung ikaw si Don Juan, itatakwil mob a si Don Pedro bilang kapatid dahil sa
ikalawang pagkakataon ay muli siyang nagtaksil sa iyo? Bakit?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. Kung ikaw si Donya Leonora, maniniwala ka bas a mga pangako ni Don Pedro
matapos mong masaksihan ang kanyang ginawang pagtataksil sa kanyang
kapatid? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Mahusay! Upang lubos mo pang magamit at maihayag ang iyong dating


kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa
akda, ano ang dapat mong matutunan? Kung ang paglalarawan ang iyong sagot,
tama ka! Halina’t ating itong matutunan sa susunod na pahina.

17
Suriin

Sa paggamit ng dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan


sa mga kaisipan sa akda kung paano ito ilarawan. May dalawang uri ng
paglalarawan. Halina’t basahin natin ang mga ito.

PAGLALARAWAN

Ang paglalarawan isang uri ng pagpapahayag na nagpapakita ng hugis,


kabuoan, o kaanyuan sa pamamagitan ng mga salitang naglalarawan.

Dalawang Uri ng Paglalarawan:


1. Karaniwan o Obhetibong Paglalarawan
Ang pangunahing layunin nito ay makabuo lamang ng isang
malinaw na larawan sa isipan ng bumabasa o nakikinig. Wala itong
kaugnayan sa sariling kuro-kuro at damdamin ng naglalarawan.
2. Masining o Subhetibong Paglalarawan
Ito ay higit sa nakikita ng mata ang inilalarawan sa ganitong uri ng
paglalarawan. Gumagamit ang paglalarawang ito ng mga salitang
nagbibigay kulay, tunog, galaw, at matinding damdamin.

Pagyamanin

Gawain 2: Tubig o Juice?


PANUTO: Isulat sa patlang ang TUBIG kung ang salita ay malinaw o obhetibong
paglalarawan. Lagyan naman ng JUICE kung masining o subhetibong paglalarawan.

____________1. Balat kalabaw _________ 6. Kagalang-galang


____________2. Kaawa-awa _________ 7. Lumuhod ang mga tala
____________3. Laylay ang balikat _________ 8. Maitim ang budhi
____________4. Matapang _________ 9. Galit na galit
____________5. Nabuhayan ng loob _________10. Napakalawak

18
Isaisip

Tandaan!
Sa wastong paggamit ng dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at
pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa mga akda ay mas mauunawaan natin ang
sitwasyon kinakaharap ng bawat isa at kung paano makakatulong sa
paghahanap ng solusyon sa mga ito.

Isagawa

Ilan sa mahalagang kaisipang lumutang sa akda ay ang pagkasadlak ng


mahahalagang tauhan sa kapahamakan dahil sa pagsasamantala at
pagsasabwatan ng magkapatid na Don Pedro at Don Diego sa paggawa ng kasamaan.
Sa kasalukuyan, napakaraming mga tao sa ating lipunan ang patuloy na
nakararanas ng miserableng buhay dahil narin sa kagagawan ng ilang nating
mapagsamantalang politiko o mga kawani ng ating pamahalaan.
Gawain 3: Sino at Ano?
Panuto: Gamit ang iyong mga dating kaalaman at karanasan ay iugnay mo ang
mahalagang kaisipang nabanggit sa itaas sa ilang mga napapanahaong pangyayari
o isyu sa ating lipunan. Sa talahayanan sa ibaba ay makikita ang ilang tao o grupo
ng mga taong nakaranas ng trahedya o malaking problema sa buhay. Sa tapat ay
isulat sa palagay mo responsableng taong maituturing mong may kinalaman o
kagagawan ng mga trahedya o kahirapang nararanasan nila. Pagkatapos, gaya ng
Ibong Adarna, ay magbigay karib ng mga paying maaaring gumabay sa kanila upang
sila ay makahanap ng solusyon o kasagutan sa problemang kanilang kinakaharap
sa kasalukuyan.
Mga Tao o Grupo ng Mga Taong sa Palagay Payong Maaari Mong
taong Nakaranas o mo ay Responsible o Maibigay sa Kanila
Patuloy na may Kagagawan ng Upang Kahit Paano ay
Nakararanas ng Paghihirap na Makatulong sa Kanila
Kahirapan o Kanilang Nararanasan sa Paghahanap ng
Misarableng Buhay Solusyon
1. Mga taong biktima ng
bagyong Yolanda
particular ang mga
mamamayan ng
Silangang Visayas

19
2. Mga mamamayang
Pilipinong patuloy na
naghihirap dahil ang
pera ng bayan na
dapat sila ang
nakikinabang ay
napupunta lamang
sa bulsa ng iilan
3. Mga bata at
kabataang biktima ng
child labor,
prostitusyon, at child
trafficking

Tayahin

PANUTO: Gamit ang dating kaalman at karanasan sa pag-unawa at


pagpapakahulugan sa mga kaisipan, magbigay ng desisyon o pagpapasyang iyong
gagawin sa sumusunod na sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Sitwasyon 1
Napagalitan ka ng iyong magulang dahil may ginawa kang mali at hindi
nila nagustuhan. Sinabi mo ito sa iyong mga kaibigan at pinayuhan ka nilang
sumali sa kanilang fraternity/sorority at tiyak na masusumpungan mo ang pag-
unawang hindi mo nakikita sa iyong magulang. Susundin mo ba ang payo ng
iyong mga kaibigan? Bakit?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Sitwasyon 2
Kaarawan ng kaibigan mo at inanyayahan ka niyang dumalo sa
pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa kanilang tahanan hanggang alas dose ng
hatinggabi. Batid mong may nakatakda kang mahabang pagsusulit sa inyong
paaralan bukas. Ano ang iyong gagawin?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

20
Sitwasyon 3
Maaga kayong pinauwi ng inyong guro kaya’t nagkayayan ang iyong mga
kamag-aral na pumunta sa mall upang mamasyal. Niyaya ka nilang sumama sa
kanila at batid mong kung hindi mo sila pagbibigyan ay sasabihan ka nilang KJ
o kill joy. Ano ang gagawin mo sa pagkakataong ito?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Binabati kita! Natapos mo rin ang aralin. Sana’y naiwan


sa iyong isipan ang lahat ng mga napag-aralan natin,
ang wastong gamit ng mga pahayag sa pagbibigay ng
mga patunay. Nawa’y magamit mo ito sa maayos na
pakikipagtalastasan. Bagaman tapos na tayo sa araling
ito. Ihandang muli ang iyong sarili sa panibago na
namang aralin.

21
22
Gawain 1
Iba’t iba ang sagot ng mga mag-aaral.
Gawain 2: Tubig o Juice?
1. JUICE
2. TUBIG
3. JUICE
4. TUBIG
5. JUICE
6. TUBIG
7. JUICE
8. JUICE
9. TUBIG
10.TUBIG
Gawain 3
Iba’t iba ang sagot ng mga mag-aaral.
Tayahin
Iba’t iba ang sagot ng mga mag-aaral.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Dayag A. M., et.al (2017). Pinagyamang Pluma Ikalawang Edisyon. Quezon City:
Phoenix Publishing House Inc. page 480-529.

Rex Interactive. Supplemental Lessons. Filipino 7: Ikaapat na Markahan. page 31-39.

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

You might also like