You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE

LAGAY NATIONAL HIGH SCHOOL


Calauag West District

Filipino 7
ACTIVITY SHEET
Week 3-4, Quarter 4
Pangalan ______________________________________________________________ Petsa ________________________________
Baitang/ Seksyon _______________________________________________________ Guro G. Melvin P. Ibayan
Modyul 5: Ibong Adarna: Ang Bunga ng Inggit (Saknong 232 317)
GAWAIN: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa iyong pag-unawa sa binasang buod. Isulat ang nawawalang letra sa kahon.
1. Ano ang naisipang gawin ni Don Pedro upang makaligtas sa kahihiyang dala ng pagbabalik sa Berbanya nang talunan, laban kay Don Juan?
P T Y N I D J N
2. Bakit hindi agad pumayag si Don Diego sa balak o plano ni Don Pedro?
K S L N N M R L
3. Ano ang ibinunga ng pagkainggit nina Don Diego at Don Pedro kay Don Juan?
B N G O G A G K P T
4. Kung ikaw si Don Juan, mapapatawad mo ba ang iyong mga kapatid sa pagtataksil at pananakit na ginawa sa iyo?
O O A M A A A D O I L
5. Kanino tumawag si Don Juan sa kaawa-awa niyang kalagayan?
S M H L A B R E

Modyul 6: Ang Awit ng Ibong Adarna (Saknong 318-399)


GAWAIN: Pagtalakay sa Akda
PANUTO: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa akda. Isulat ang letra A-E sa patlang.
______1. Labis ang galit ng hari kaya napagpasyahan na bawian ng lahat ng karapatan ang dalawang prinsipe at ipatapon sa malayong lugar.
______2. May dumating na isang matandang ermitanyo at tinulungan si Don Juan. Himalang nanumbalik ang lakas ni Don Juan kaya ganoon na
lamang ang pagpapasalamat niya sa matanda.
______3. Nang makita ng Ibong Adarna si Don Juan ay agad itong nabuhayan ng loob, bumalik ang taglay na ganda at isinalaysay ang tunay na
pangyayari mula sa pagkahuli sa kanya hanggang sa pagtataksil ng dalawang prinsipe.
______4. Pinakiusapan ni Don Juan ang hari na patawarin ang dalawang kapatid. Pumayag ang hari at nagbigay babala na buhay ang kapalit sa
kung muling magkakamali ang dalawang prinsipe.
______5. Dali-daling umuwi pabalik ng Berbanya si Don Juan upang Makita ang amang hari.

Modyul 7: Muling Pagkapahamak ni Don Juan (Saknong 400-440)


GAWAIN: Panuto: Isaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Isulat ang bilang 1-5 sa patlang.
______a. Nang, tinawag ng ama ang magkakapatid dalawa lamang ang humarap sa kanya.
______b. Ipinagkaila ng magkapatid na wala silang alam sa pagkawala ng ibon at sinabing ang nagbabantay ng gabi ay si Don Juan.
______c. Agad umalis si Don Juan nang malaman na wala na ang ibon. Hindi dahil takot sa parusa ng kanyang ama kundi dahil nais niyang
pagtakpan ang kasalanan ng kanyang mga kapatid.
______d. Ipinahanap ng ama ang bunsong kapatid.
______e. Nangakong hahanapin ng magkapatid si Don Juan at pag nakita’y pananagutin sa kasalanan.

Modyul 8:Sa Bundok Armenya,Ang Mahiwagang Balon !


GAWAIN: Basahin ang sumusunod na katanungan. Gamitin ang clue upang mapadali ang pagsagot. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
1. Sa kabundukan ng A pumunta si Don Juan nang siya ay umalis sa kaharian ng Berbanya.

2. Niyaya ni Don P ang kanyang kapatid na si Don Diego na manirahan sa kabundukan kasama si Don Juan?

3. Isang mahiwagang B ang natagpuan ng magakakapatid.

4. Ang bunganga ng balon ay batong marmol na makinis at ang lumot sa paligid ay mga G na nakaukit.

5. May L na naroon upang magamit ng sinumang nais magtangkang bumaba.

6. Naunang bumaba ng balon si Don Pedro sapagkat siya ang P.

7. Ang sumunod na bumaba ng balon ay si Don D ngunit hindi rin niya iyon nagawang tagalan.

8. Natulala sa T ang pangalawang prinsipe nang tangkaing tuklasin ang lihim ng balon.

9. Si Don J ang pinakahuling sumubok na bumaba ng balon.


10. M na ang narating ni Don Juan at patuloy pa rin siya sa pagbaba.

Modyul 9: Pamagat: Ang Unang Babaeng Nagpatibok sa Puso ni Don Juan, si Donya Juana (saknong 507-566)
/ Si Donya Leonora at ang Serpyente. ( saknong 567-650)

GAWAIN: Sagutin ang bawat tanong sa bawat bilang Piliin ang wastong sagot sa loob ng panaklong at isulat sa patlang bago ang bilang.
________________1. Sino ang nagbabantay kay Donya Juana? (agila, higante, lobo, serpyente.)
_________________2. Ano ang binigay ni Prinsesa Leonora para ibuhos sa ulo ng serpyente? (asido, balsamo, pabango, tubig.)
________________3.Ano ang ginawa ni Donya Leonora nang makita si Don Juan sa palasyo? (pinatuloy, pinahinto, pinapasok, hindi pinatuloy)
________________4. Sino ang nag-aalaga kay Donya Leonora? (agila, higante, lobo, serpyente.)
________________5. Sino ang unang babaeng nagpatibok sa puso ni Don Juan?
(Donya Juana, Donya Leonora, Maria Blanca, Donya Valeriana.)
________________6. Bakit nangangamba si Prinsesa Leonora sa pag-ibig ni Don Juan?
(baka maglilo, baka makalimot, hindi tumupad sa pangako, umalis at di na bumalik
________________7. Ilang oras naglaban ang serpyente at si Don Juan? (isang oras, dalawang oras, tatlong oras, apat na oras.)
________________8. Ano ang palamuti na makikita sa bintana ng palasyo ni Prinsesa Leonora?
(ginto at pilak, perlas at dyamante, perlas at rubi, tanso at ginto.)
________________9. Ano ang nangyayari sa ulo ng Serpyente kapag napuputol ni Don Juan?
(biglang nawawala, muling tumutubo, nalulusaw unti-unti, natatapon sa malayo.)
_______________10. Ano ang tumambad sa paningin ni Don Juan nang marating niya ang ilalim ng balon?
(dagat, gubat, ilog, napakagandang hardin.)

Modyul 10: Pag-uugnay ng Sariling Karanasan

GAWAIN: Pagsunud-sunurin ang mga mahahalagang pangyayari sa akda. Isulat sa patlang ang letra A-E.
__________1. Niyaya ni Cain si Abel na pumunta sa bukid at ito ay ginawan ng masama.
__________2. Nagkaroon ng anak si Adan at Eba ito ay kanilang pinangalanang Abel at Cain.
__________3. Lumayo si Cain sa Panginoon at tumira siya sa lupain ng Nod, isang lugar sa Silangan ng Eden.
__________4. Dumating ang panahon na si Cain ay naghandog sa Panginoon ng ani niya sa bukid. Ang Panginoon ay nasiyahan kay Abel at sa
kanyang handog,ngunit hindi natuwa ang Panginoon sa handog ni Cain.
__________5. Tinanong ng Panginoon si Cain kung nasaan si Abel.

Modyul 11: Ibong Adarna (saknong 650-790)


GAWAIN: Basahin at unawain ang tanong sa bawat bilang. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.
______ 1. Ano ang ipinayo ng ibong adarna kay Don Juan?
A. ipinayo Ibong Adarna na maglakbay si Don Juan sa napakalayo ngunit magandang reyno.
B. magpakasal kay Donya Leonora.
C. magpatuloy sa paglalakbay at wag nang umuwi sa kanilang kaharian.
D. umuwi sa kaharian berbanya sa piling ng ama at mga kapatid.
______ 2. Ano ang nakita ng hari sa kanyang panaginip?
A. kinain ng serpyente B. itinali at iniwan sa loob ng yungib C. nalaglag sa loob ng balon D. nahulog sa bangin
______ 3. Anong katangian ang ipinamalas ni Don Juan sa araling ito?
A. maawain B. matatakutin C. matapang D. mapagmalasakit
______ 4. Bakit pinili ni Don Juan na bumaba sa balon?
A. kunin ang nawawalang singsing ni Donya Leonora C. magtago sa mga kaaway
B. manirahan sa loob ng balon D. upang antayin ang ibong adarna na dumating
______ 5. Ano ang kahilingan ni Leonora kay Haring Fernando?
A. ipagpaliban ang kasal B. maikasal sila ni Don Pedro C. makausap si Don Juan D. pauwiin ito sa kanilang kaharian

Modyul 12: Pagsusuri sa mga Nangingibabaw na Damdamin sa Tauhan

GAWAIN: Basahin ang sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
_______1. “ Di rin namin matagpuan ang bunso mong minamahal, at sa aming kapaguran ito po ang natagpuan.” Anong katangian ang
masasalamin sa pahayag?
A. Nag-ulat ang magkapatid sa ama na dahil sa kapaguran ay hindi na nila kayang hanapin ang nawawalang kapatid.
B. Nagrereklamo ang magkapatid na napagod na sila sa paghahanap sa nawawalang kapatid.
C. Nagsisinungaling ang magkapatid na Don Pedro at Don Diego sa ama na hindi nila nakita ang kapatid na si Don Juan
D. Nagdadahilan lamang ang dalawa para matigil na ang paghahanap.
_______2. Sa kabila ng kanyang mga dinanas na hirap ay panatag pa rin ang kanyang puso na makakamit niya ang kanyang mga hangarin. Ano
ang ibig sabihin ng salitang nakahilig sa loob ng pahayag.
A. nakalilito B. nakapapahamak C. magulo D. payapa
_______3. “ Kaya Haring mapagmahal, di man dapat sa kalakhan, kung ito po’y kasalanan patawad mo’y aking hintay.” Si Donya Leonora ay:
A. Maawain B. Maka-Diyos C. Mapagmahal D. Mapagkumbaba

________4. “ Huwag Leonorang giliw, ang singsing mo’y dapat kunin; dito ako ay hintayin ako’y agad babalik din.” Si Don Juan ay:
A. Mayabang C. Mahilig sa pakikipagsapalaran
B. Maalalahanin D. Gagawin ang lahat para sa minamahal
________5. “ Malayo nga lamang dito ang kinalalagyang reyno, gayunpaman, prinsipe ko, pagpagurang lakbayin mo.” Ang Ibong Adarna ay:
A. Maalalahanin B. Maawain C. Mapagpaubaya D. Masayahin

Modyul 13: Korido !


GAWAIN: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot upang mabuo ang mga pahayag sa bawat bilang sa ibaba ng kahon. Isulat lamang ang titik.
A. Ginto B. Kagandahan C. Pagsubok D. Pagtingin E. Patibong
1. Si Prinsesa Minda ay tanyag sa kanilang lugar dahil sa taglay niyang________________.
2. Napagpasyahan ni Prinsipe Lanao na humiram ng mga kaing-kaing na_______________ mula sa kanyang mga kaibigan.
3. Nabatid ng Prinsipe na may________________ din ang Prinsesa sa kanya.
4. Tuwang- tuwa si Prinsipe Lanao ng makapasa siya sa unang ____________.
5. Nabalitaan ni Prinsesa Minda na may binabalak na_______________ang kanyang amang si Sultan Gutang.

Modyul 14: Ibong Adarna !


GAWAIN: Piliin ang iyong palagay o kukuro sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
______ 1. Ipinagtapat ni Donya Maria Blanca kay Don Juan ang lihim na kapangyarihan ng ama.
A. Dahil may taglay din siyang kapangyarihan C. Maligtas sa kapahamakan si Don Juan
B. Gusto niyang ipagmalaki ang kapangyarihang taglay ng ama D. Walang sikretong di nabubunyag
______ 2. Tinanggap ni Don Juan ang pagsubok ni Haring Salermo.
A. Kayang-kaya niyang gawin ang anumang pagsubok
B. Nang hindi mapahamak sa patibong ng hari na umakyat ng palasyo
C. Upang patunayan na isa siyang magiting na prinsipe.
D. Wala siyang ibang pagpipilian kundi sundin ang hari
______ 3. Naging madali para kay Don Juan ang pagsasagawa ng mga utos ng hari
A. Ang lahat ng utos ay pawang ginamitan ng dunong at kapangyarihan ni Donya Maria Blanca.
B. Ginamitan niya ng kanyang lakas ang lahat ng pagsubok
C. Napakagaan lamang ng pagsubok kung ihahambing sa pinagdaanang hirap noon
D. Walang bagay na di kakayanin alang-alang sa minamahal
______ 4. Hindi lubos ang kasiyahan ng hari kahit nagtagumpay si Don Juan sa pagsubok na kanyang ibinigay.
A. Alam niyang pandaraya lamang ang ginawa ni Don Juan
B. Hindi naging patas ang labanan
C. Kulang pa ang ibinigay niyang pagsubok sa prinsipe
D. Nangangamba ang hari na mapili ang anak niyang pinakakamamahal sa lahat.
______ 5. Labis ang pagmamahal ni Haring Salermo sa mga anak subalit naging sakim din siyang iparamdam ito
A. Di niya inaasikaso ang mga anak
B. Ginawa niyang alila ang mga anak sa palasyo
C. Lahat ng mangingibig nito ay ay pawang inengknto ng hari
D. Mas nangingibabaw sa kanya ang kapakanan ng kanyang kapangyarihan

Modyul 15: Ibong Adarna !

GAWAIN: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap .Sabihin kung alin ang di angkop sa pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.

_______ 1. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng pangnahing tauhan sapagkat


A, Nagiging huwaran siya ng mga mambabasa C. Siya ang nagbibigay kulay at buhay sa istorya
B. Sa kanya umiikot ang istorya D. Siya ang pabigat sa takbo ng mga pangyayari sa istorya.
_______ 2. Kadalasan sa mga nababasa nating kuwento ang katangian ng bida ay
A. Laging mabait B. Mapagkumbaba C. Maunawain D. Sagabal sa buhay
_______ 3. Tinatawag na antagonista ang tauhan kung siya ay
A. Kontra sa pangunahing tauhan. C. Sagabal sa bida
B. Hadlang sa mga layunin at prinsipyo ng pangunahing tauhan D. Siya ang nagiging sentro sa istorya
_______ 4. Tinatawag namang protagonista ang tauhan kung siya ay
A. Maituturing na mahalaga sa kuwento C. May malaking papel na ginagampanan sa istorya
B. Maliit lamang ang gampanin sa istorya D. Sa kanya umiikot ang istorya mula simula hanggang wakas
_______ 5. Ang katunggali ng pangunahing tauhan sa istorya kadalasan ay
A. Gumagawa ng kasamaan laban sa bida C. Nagiging magkakampi sila ng pangunahing tauhan
B. Hadlang sa mga plano ng pangunahing tauhan D. Sumasalungat sa nais gawin ng pangunahing tauhan
Modyul 16: Ang Pagtakas nina Don Juan at Donya Maria Hanggang sa Pagwawakas (Saknong 1286-1712)

GAWAIN: Lagyan ng tsek (✔ ) ang panaklong ng kahulugan ng salitang nakahilig sa sumusunod na pangungusap.
1.Ang pagliyag niya sa kanyang ama ay hindi matatawaran.
( ) galit ( ) takot ( )pagmamahal ( )paggalang
2.Kailangan matalastas ng hari ang mga pinagdaanan natin.
( ) maisip ( ) maunawaan ( )madama ( )malaman
3.Oh! Giliw payag ka nang iwan kita pangako ako’y babalik. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa salitang “Giliw”.
( ) ligaya ( ) mahal ( ) sinta ( )irog
4.Ang hiling ko sana pagdating mo sa palasyo iwasan mong makitungo sa mga kababaihan.
( ) makisama ( ) tumingin ( ) makipagkaibigan ( )makipagkita
5.Huwag mong hintayin na ang aking puso ay mawakawak sa iyong pangako.
( ) magalit ( ) matakot ( ) mawasak ( ) masaktan

Modyul 17: Mga Salita at Pangungusap na may Kaisahan at Pagkakaugnay-ugnay!

PANUTO: Punan ang mga patlang ng mga ankop na pang-ugnay. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot sa patlang.

1- 2. Nagsadya sa palasyo si Donya Maria sakay ang isang magarang karosa ¹_______ suot ang isang kasuotang pang emperatris, at ²_______
ay naghanda ng palabas tungkol sa pag-iibigan nila ni Don Juan upang muli siyang maalala nito.
¹ A. at B. dahil C. kapag D. upang
² A. ito B. niya C. sila D. siya
3. Sa bawat palo ng negrita sa kasama nitong negrito, si Don Juan ang nasasaktan, _______ kahit anong sakit ay wala pa rin syang maalala.
A. dahil B. ngunit C. samantala D. upang
4. ________, nang makita ang pagtangis ni Donya Maria ay biglang nagbalik sa alaala ni Don Juan ang kanyang sumpa kay Donya Maria.
A. Habang B. Kalaunan C. Matapos D. Samantala
5. Naiwan ang Berbanya sa pamumuno ni Don Pedro at nagbalik naman sina Don Juan at Donya Maria sa Kaharing Cristalinos ________ doon
magsimula ng bagong buhay.
A. at B. kapag C. upang D. sapagkat

Modyul 18: Paraan ng Pagsulat ng Iskrip ng Dula!

GAWAIN: Ayusin ang mga sumusunod na diyalogo gayon din ang mga nagsabi nito. Isulat ito sa paraang paiskrip.

Emperatris, ipakita ang palabas, Ako’y sadyang nasisiyahan nang dahil sa iyong bigay na regalo.
Emperatris na marilag, hindi pa huli ang iyong hangad sapagkat ang kasal ay itinigil para ikaw ay matanaw. Tradisyon na ng kaharian na
parangalan muna ang bisita bago ang sarili.
Ganoon po ba? Kung ganun ay mayroon akong regalo sa inyong mga taga-Palasyo. Isang palabasa na bagay sa kasalang magaganap.
Itigil muna ang kasalan. May dumarating na emperatris.
Naakit po akong tumigil at dumalo sa kasalan. Ngunit, parang ako ay nahuli na ng dating.
Hari Maria Reyna

ISKRIP NG DULA
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________

You might also like