You are on page 1of 8

Department of Education

Schools Division Office of Quezon City


Novaliches High School

FILIPINO 7

Name of Student: _______________________________________ Date Received: __________

Section: _______________________________________ Date Accomplished: __________

Name of Teacher: _______________________________________ Score: __________

LEARNING ACTIVITY SHEET SA Pagbibigay at Pag-aalay


ARALIN 4.3 - LINGGO 3 | MARKAHAN 4 | TAONG PANURUAN 2020-2021

I. PANIMULA
Sa araling ito ay pag-aaralan ang paglalakbay at mga pagsubok na hinarap ni Don juan upang mapagtagumpayan ang
paghuli sa ibong Adarna. Sa pagbabasa iyong matutuklasan ang tunay na ugali ng dalawang nakatatandang kapatid na sina Don
Pedro at Don Diego, ang kanilang pagtataksil na ginawa sa bunsong kapatid.
Sabik ka na bang matuklasan ang mga pangyayari? Basahin at unawaing mabuti ang mga layuning dapat matamo sa
araling ito.

II. MGA LAYUNIN


A. Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig mula sa akda. F7PN-IVc-d-19
B. Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan na dapat
mabigyang solusyon. F7PB-IVc-d-21
C. Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa binasa. F7PB-IVc-d-22

Bago ka magpatuloy ay sagutin mo muna ang Paunang Pagsubok.

III. PAUNANG PAGSUBOK


Panuto: Bilugan ang titik na kumakatawan sa maling kasagutan.
1. Nagtungo sa bundok Armenya si Don Juan upang abangan ang ibong Adarna.
A B C D
2. Muling nagdasal si Don Juan sa Poong Sto. Nino kahit na ang luha niya ay patuloy na dumadaloy.
A B C D
3. Kaya nais nilang maglakbay ay upang mahuli ang ibong Adarna para sa inang may karamdaman.
A B C D
4. Nang dumating ang magkakapatid sa kanilang kaharian, kanilang naisigaw ang
A B C
“Nasaan ang Amang Hari, kami’y narito na!
D
5. Natutuksong makatulog si Don Juan kaya kinuha ang labaha at ang paa ay hiniwa.
A B C D

IV. BALIK-ARAL
Sa nakaraang aralin ay binasa natin ang pagkakaroon ng hari ng masamang karamdaman at paglalakbay ng dalawang
magkapatid upang hanapin ang ibong Adarna. Kaya, magiging madali lamang para sa iyo ang susunod na gawain.
Panuto: Lagyan ng titik A-E ang bawat patlang ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
______1. Dahil masama ang pakiramdam ng hari, naging malungkot ang kaharian.
______ 2. Agad lumakbay si Don Pedro sa kabayo niya papunta sa bundok Tabor. Naglakbay siya ng tatlong buwan sa
kamalasan namatay ang kanyang kabayo at tuloy siyang lumakad.
______ 3. Sa sobrang tagal paghihintay ni Don Pedro para dumapo ang Adarna, natulog siya at naging bato dahil sa dumi nito.
______ 4. Sa kamalasan ulit napatakan siya ng dumi na galling sa Adarna at naging bato siya tulad ni Don Pedro.
DEVELOPMENT TEAM 1 Filipino 7
Authors: Mr. Virgilio D. Alcayde
Mrs. Rowena C. Amor
Evaluator: Mrs. Imelda Concepcion B. Manuntag
______ 5. Hahanapin ni Don Diego ang kanyang nawawalang kapatid at ang lunas.

V. TUKLASIN
Mahusay! Ngayon naman ay iyong tuklasin ang nilalaman ng aralin sa pagsagot ng gawain. Simulan mo na!
A. GAWAIN 1: Bukas-palad, anong epekto?
Sa iyong sariling pagkaunawa, ano ang maaaring maidulot kung ikaw ay bukas-palad sa iyong kapwa? Itala ang
kasagutan sa loob ng palad

Bukas-palad sa kapwa
(Ano ang bunga nito?)

____________________________ ___________________________
____________________________ ___________________________
Binabati kita! Mabilis mong natapos ang gawain.
____________________________ Magpatuloy ka na.
___________________________
B. POKUS NA TANONG __________________
(Pagbasa) _____________________
1. Bakit kailangan panatilihin ang kabutihan sa ating pagkatao?
2. Ano ang sa iyo sa paglilingkod sa mga nangangailangan?

VI. LINANGIN
Nahamon ba ng mga natapos mong gawain ang iyong kakayahan? Bago ka dumako sa pagbabasa ng teksto ay sikapin mo
munang sagutin ang kasunod na gawain.
A. TALASALITAAN
Panuto: Bigkasin nang may damdamin ang sumusunod na saknong. Ilagay sa ibaba ng mga sumusunod na imahe
ang kahulugan ng salitang may salungguhit at lagyan ng angkop na emoticons ang mga bilog upang maipakita ang
damdaming nangingibabaw sa bawat saknong.
Kahulugan Damdamin
1. Saknong 261: Naghimutok na ang Hari
katuwaan ay napawi
ibigin ma’y di magiti’t
ang hininga ay may tali.

2. Saknong 279: Sa kawalan ng pag-asa


sa Diyos tumalaga
kung gumaling ay ligaya’t
kung masawi’y palad niya

3. Saknong 165: Mga daho’y malalabay


pati usbong kumikinang
maging sanga’y gintong lantay
yamang dapat pagtakhan

B. Pagbasa sa Teksto
Basahin at unawain mabuti ang teksto.

2 Filipino 7
3 Filipino 7
4 Filipino 7
5 Filipino 7
C. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Isulat sa nakalaang patlang ang kasagutan sa bawat katanungan.
1. Bakit sa tatlong prinsipe, si Don Juan ang tinulungan ng ermitanyo?
__________________________________________________________________________________________
2. Ilarawan ang naging damdamin ng dalawang nakatatandang kapatid ni Don Juan sa pagkakaligtas niya at
pagkakahuli niya sa ibong Adarna.
__________________________________________________________________________________________
3. Ano ang nais patunayan ng ibong Adarna sa hindi nito pag-awit?
__________________________________________________________________________________________
4. Patunayang may mabuting puso si Don Juan at matatag sa pagharap sa pagsubok sa buhay.
__________________________________________________________________________________________
5. Kung nakararanas ng kabiguan sa buhay, ano ang nararapat na gawin upang manatiling matatag?
_________________________________________________________________________________________

D. Paano ako natulungan at Paano ako makatutulong?


Panuto: Mabigay ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig mula sa akda Itala ang kasagutan sa mga dahoon
ng puno ng Piedras Platas.

Paano mo
Paano naipakita/maipapakita
na
aralin a ipakita sa ang pagtulong sa
n g pag
Don Ju tulong n inyong kapwa?
an? i

Solusyon:

Solusyon:

TANDAAN
Basahin ang sumusunod na saknong at suriin ang may salungguhit na mga pahayag.

Urong-sulong magsalita,
Nakahambing ni Don Diego tumutol ay di magawa,
yaong si Bernardo Carpio
sa takot na magkasala,
nagpipilit na matalo,
umayon nama’y masamaang
nag-uumpugang bato.

Ang mga salitang may salungguhit ay halimbawa ng Idyoma, ito ay may naiibang kahulugan (talinghagang
kahulugan) sa literal o tahasang pahayag. Binubuo ito ng lipon ng mga salita o pariralang pandiwa o
pariralang pang-uri.

E. PAGSASANAY
Sa bahaging ito, ay sasanayin naman ang iyong kaalaman sa iba’t ibang kasanayan. Sana ay taimtim mong sagutin at
pag-isipan ang bawat isa. Magsimula ka na.
Panuto: Piliin ang letra ng patalinghagang kahulugan ng sumusunod na mga paglalarawan at mga sitwasyon.
___1. Tatlong dekada na ang nakararaan, hindi mabilang ang mga taong dumalo sa EDSA People Power.
___2. Maraming paghihirap na dinaan bago natin nakamit ang demokrasya.
___3. Hanggang sa ngayon higit na marami ang nagtitiis pa rin ng hirap.
6 Filipino 7
___4. Kahit humaharap tayo sa mga pagsubok ay marami pa rin ang nagbibigayan at nagtutulungan.
___5. Sana ay ipagpatuloy ang tunay na diwa ng bayanihan.

Pagpipilian
A. Hindi ningas-kugon
B. Bukas-palad
C. Maiksi ang kumot
D. Nagdaan sa butas ng karayom
E. Hindi mahulugang karayom

Kumusta ang pagsagot mo sa mga pagsasanay? Naniniwala akong mahusay mong nasagutan ang mga ito. Kaya
binabati kita! Malapit mo ng matapos ang lahat ng mga bahagi ng aralin. Simulan mo na ang kasunod pang mga gawain.

VII. PAGNILAYAN AT UNAWAIN


Umabot ka na sa bahaging ito ng aralin kaya huwag ka nang bumitiw! Dito ay sikapin mong suriin ang mga pangyayari sa
akda na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan na dapat mabigyang solusyon.

A. Gawain 1: Suliraning panlipunan, bigyan ng solusyon!


Panuto: Maglahad ng suliraning panlipunan na maiuugnay sa sumusunod na saknong at magbigay ng kasalukuyang
pangyayari o sitwasyon sa ating bansa. Suliraning Panlipunan
____________________________________
____________________________________
Saknong 298 ____________________________________
Kaya naging kasabihan ____________________________________
ng lahat na lipunan __________________
sa langit ang kabanalan
Solusyon
sa lupa ang kasalanan
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
B. Gawain 2
Pagsagot sa Pokus na Tanong
1. Bakit kailangan panatilihin ang kabutihan sa ating pagkatao?
__________________________________________________________________________________________
2. Ano ang sa iyo sa paglilingkod sa mga nangangailangan?
__________________________________________________________________________________________

VIII. ILIPAT
Pagsulat ng Karanasan at Pagsasalaysay nito
Naimbitahan ka ng iyong dating guro noong ika’y nasa ika-6 na baitang pa lamang. Ikaw ay naatasan na magbahagi ng
iyong karanasan na may kaugnayan sa aralin na magbibigay inspirasyon sa mga mag-aaral. Kinakailangan ang susulatin ay
nakabatay sa mga pamantayang nasa ibaba. Pagkatapos, ipost mo ito sa social media tulad ng Facebook upang mabigyan ng
marka.
Pamantayan:
 May paksang isang pagsubok na dumating sa buhay na napagtagumpayan………...5 Puntos
 Matagumpay na natamo ang layuning maipahatid sa mambabasa……………..……..5 Puntos
 Gumamit ng idyoma sa pagsulat nito……………………..…………………………….....5 Puntos
 Wasto ang pagkakagamit ng malalaking titik, bantas at gramatika………………….…5 Puntos
Kabuuan…………………………………………………………………………….………..20 Puntos

Mahusay! Binabati kita sa iyong mahusay na pagbabahagi ng iyong naging karanasan na nagbigay inspirasyon sa mga
mambabasa. Bilang pagtatapos, tatayain ang iyong naunawaan sa araling ito sa pamamagitan ng maikling pagsusulit.
IX. PAGSUSULIT
A. Tama o Mali
Panuto: Basahin mabuti ang bawat aytem at isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at Mali kung ito ay hindi tama.
_________1. Hiniwa ni Don Juan ang kanyang palad para hindi makatulog at mahuli ang ibong Adarna.
_________2. Tinulungan ng ermitanyo si Don Juan kung paano huhulihin ang mahiwagang ibon.
_________3. Binigay kay Don Juan ang kutsilyo at anim na dayap upang gamitin at hindi makatulog sa awit ng ibong
Adarna.
_________4. Walong awit na nagwakas at walong sugat din ni Don Juan ang natamo sa pagpupuyat.
_________5. Natagpuan ni Don Juan ang ibong Adarna sa puno ng Piedras Platas.
_________6. Sama-sama ang tatlong masasayang magkakapatid sa pagbabalik sa Berbanya.
_________7. Binugbog nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan upang kuhain ang ibong Adarna at hindi nila
makasama sa pag-uwi.
_________8. Muling nanalangin sa Inang Mahal na Birhen si Don Juan habang umaagos ang luha.
_________9. Pagbalik sa Berbanya ng dalawang magkapatid, ang ibong Adarna ay masiglang umawit.
_________10. Namayani ang pagtutulungan ng tatlong magkakapatid.
X. REPLEKSYON NG MAG-AARAL
Panuto: Dugtungan ang pahayag batay sa iyong natutuhan.
7 Filipino 7
Ang aking natutuhan ay _____________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

XI. MGA SANGGUNIAN


Castro, Cecile M.et.al. 2016. Ang Pitak : Bolyum4 . Quezon City. ERC.
Internet
www.Filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com

Inihanda ni:

Angela Mae L. Mahidlawon


May-akda

8 Filipino 7

You might also like