You are on page 1of 8

Filipino 7

Ikaapat na Markahan

Modyul 3 Para sa Sariling Pagkatuto

Si Haring Fernando at ang Tatlong


Prinsipe (Saknong 1-161)
Manunulat: Flerida A. Cruz at Melanie C. Reyes
Tagasuri: Flerida A. Cruz at Leda L. Tolentino/ Editor: Leda L. Tolentino at Cindy
Macaso
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 Modyul 3 ukol sa Ibong Adarna: Si Haring
Fernando at ang Tatlong Prinsipe (Saknong 1- 161).

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat
mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at
mga dapat mo pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at
naunawaan sa mga naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa
kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng ibat
ibang pagsasanay na dapat sagutin ng mga
mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang
konsepto na dapat bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN

Ang araling nakapaloob dito ang gagabay sa iyo upang lubusang


maunawaan ang mga pangyayari sa Ibong Adarna. Gayundin ang mga tagpo sa
akda na maaring maiugnay sa sariling karanasan.
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:
1. Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa
bisa ng binasang bahagi ng akda.
2. Natutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe ng akdang binasa.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot.

_____1. Ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng mahiwagang ibon.


A. namamatay C. nakakatulog
B. nagkakasakit D. nagiging bato

_____2. Sakit ng matandang nasalubong ni Don Juan sa kanyang paglalakbay.


A. kanser C. ketong
B. hika D. lagnat

_____3. Ang bagay na hiningi ni Don Juan sa ama bago siya umalis sa kaharian.
A. salapi o yaman C. pagkain at tubig
B. bendisyon D. kabayo

______4. Ang bagay na ibinigay ni Don Juan sa matandang nasalubong.


A. tubig C. kanin
B. prutas D. tinapay

_____ 5. Ang bilang ng taon simula nang umalis at hindi na nakabalik ang mga
kapatid ni Don Juan.
A. isang taon C. dalawang taon
B. tatlong taon D. apat
na taon

BALIK-ARAL
Panuto: Tukuyin kung sino ang isinasaad ng pahayag. Isulat sa patlang ang
tamang sagot.

_____________1. Makapangyarihang ibong nakatira sa puno ng Piedras Platas.

_____________2. Humatol na dapat ikasal sina Don Juan at Donya Leonora.

_____________3. Pangalan ng bundok kung saan mahahanap ang puno na tinitirhan


ng Ibong Adarna.
______________4. Alaga ni Donya Leonora na gumamot kay Don Juan sa Kaharian
ng Armenya.
_____________5. Malaking ahas na may pitong ulo.

ARALIN

Si Haring Fernando at ang Tatlong Prinsipe

Sa kaharian ng Berbanya ay may isang haring kilala dahil sa kanyang kahusayan


at katapatan sa pamumuno. Siya ay si Haring Fernando na may ulirang kabiyak
na nagngangalang Donya Valeriana. Sila ay biniyayaan ng Maykapal ng tatlong
Makikisig na anak na lalaki-sina Don Pedro, Don Diego at ang bunsong anak na si
Don Juan. Pawang mahuhusay at magagaling sila sa larangan digmaan kaya ang
kaharian ay lalong naging mapayapa, matatag at tahimik. Ngunit isang araw ay
biglang nagkasakit si Haring Fernando dahil sa isang malagim na panaginip na
pinaslang si Don Juan ng dalawang taksil. Labis itong pinangambahan ng hari
kung kaya’t siya ay dinapuan ng malubhang karamdaman. Agad na nagpatawag ng
manggagamot sa kaharian at dito natuklasan na ang tanging makagagamot sa
sakit ng hari ay ang awit ng Ibong Adarna na nanahan sa isang punungkahoy na
kung tawagin ay Piedras Platas.

Sa labis na pagmamahal ng mga prinsipe sa kanilang ama, sila ay nagpasyang


makipagsapalaran upang hulihin ang Ibong Adarna. Naunang lumakad ang
panganay na si Don Pedro kung saan tumagal ang kanyang paglalakbay nang
tatlong buwan. Hindi nagtagumpay sa misyon si Don Pedro at sa kasawiang-palad
ay naging bato pa siya nang mapatakan ng dumi ng Ibong Adarna. Sumunod
naman si Don Diego na naglakbay ng limang buwan. Katulad ng kapatid na
panganay, nabigo at naging bato rin si Don Diego at hindi na nakabalik sa
kaharian. Ito ang naging hudyat upang suungin ni Don Juan ang hamong mahuli
ang Ibong Adarna. Sa kabila ng pagtutol ng magulang ay lumakad pa rin siya
upang mahanap ang ibong magdudulot ng kagalingan sa ama at upang mailigtas
din ang kanyang dalawang kapatid sa kapahamakang kanilang kinahantungan.

Nagsimulang maglakbay si Don Juan baon ang bendisyon ng kanyang mga


magulang at dala ang limang pirasong tinapay na kakainin sa paglalakbay.
Minabuti niyang maglakad lamang at hindi magdala ng kabayo sapagkat
naniniwala siyang hindi kakayanin ng kabayo ang mahabang paglalakbay at dahil
na rin sa kanyang busilak na layunin ay magtatagumpay siya. Sa kanyang
paglalakbay ay hindi niya nakalimutang tumawag sa Diyos na siyang naging
pangunahing sandata niya upang marating ang Bundok Tabor. Dahil sa busilak
niyang puso at pagiging maawain sa isang ermitanyong nakatagpo niya sa
kabundukantinulungan at ibinigay niya ang natitirang tinapay sa nagugutom na
matandang ketongin. Ang misteryosong matanda ang nagbigay-payo sa kanya
upang makaiwas sa panganib sa balak niyang paghuli sa mailap at mahiwagang
Ibong Adarna.

MGA PAGSASANAY

A. Panuto: Ayusin ang mga pantig na nakakahon upang mabuo ang kahulugan
ng mga salitang may salungguhit sa piling saknong sa akda. Isulat sa patlang
ang sagot.

1. … maginoo man at dukha tumanggap ng hi ma rap wastong pala.

2. Bawat utos na balakin kaya lamang pairalin, kung kanya nang napaglining
na sa bayan ay magaling.
pag na ni mu

3. Kapilas ng puso niya ay si Donya Valeriana,


ganda’y walang pangalawa’t sa bait ay
ran hu wa
uliran pa.

4. Si Don Diego ay nasindak sa mungkahing ha nag nap kahahayag,


matagal ding nag-apuhap ng panagot na marapat.

5. Ako’y iyong kahabagan, Birheng kalinis- ka wa a an linisan…

B. Panuto: Ipaliwanag ang iyong sariling pananaw tungkol sa motibo o dahilan


ng may-akda sa pagsasama nito sa bahagi ng akdang binasa.
1. Handang humarap sa pagsubok at ilagay sa panganib ng mga anak ang
sariling buhay para sa kanilang ama. Sa aking palagay, ang motibo ng
mayakda sa paglalagay ng bahaging ito ay
_____________________________________
__________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ikinalungkot ng buong kaharian ang pagkakasakit ng kanilang hari. Sa


aking palagay, ang motibo ng may-akda sa paglalagay ng bahaging ito ay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

3. Pinaiiwas ng matanda si Don Juan na huwag masilaw o mahumaling sa


kinang ng mahiwagang puno upang makaiwas siya sa kapahamakan. Sa
aking palagay, ang motibo ng may-akda sa paglalagay ng bahaging ito ay
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_

__________________________________________________________________________

PAGLALAHAT

 Mag-ugnay ng ng mga pangyayari sa kasalukuyan (sa iyong pamilya, sa mga


kakilala, nabasa, napanood o narinig) batay sa mga nakalahad na
pangyayari sa akda.
Kaugnay na Pangyayari sa
Mga Pangyayari sa Ibong Adarna
Kasalukuyan
Si Haring Fernando ay isang
makatarungan at mahusay na pinunong
iginagalang at sinusunod ng kanyang
nasasakupan.

Ang hari ay dinapuan ng karamdamang


nagdulot ng labis na kalungkutan sa
kanyang pamilya at sa buong kaharian.

Sina Don Pedro at Don Diego ay naakit sa


kinang at ganda ng puno ng Piedras
Platas kaya’t sila ay nabiktima ng taglay
nitong ganda.

Nagdasal at humingi ng gabay si Don


Juan bago siya sumuong sa kanyang
misyon.

PAGPAPAHALAGA
 Punan ang hinihinging impormasyon sa character values profile. Ibigay ang
mga tauhan at mga katangian o pagpapahalagang ipinamalas nila sa aralin.

Pagpapahalagang ipinamalas
Ama

Pagpapahalagang ipinamalas
Ina

Pagpapahalagang ipinamalas Pagpapahalagang ipinamalas Pagpapahalagang ipinamalas


Anak 1 Anak 2 Anak 3
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Gamitin ang
titik A-E.

_______1. Sina Don Diego at Don Pedro ay naging bato.

______ 2. Huling naglakbay si Don Juan at nagbigay siya ng limos sa matandang


leproso.
______ 3. Nanaginip ang Haring Fernando na pinatay si Don Juan ng dalawang
lalaki kaya siya nagkasakit.
_______ 4. Ang kaharian ng Berbanya ay pinamumunuan nina Haring Fernando at
Reyna Valeriana.
______ 5. Ayon sa manggagamot ang tanging makagagamot sa sakit ng hari ay ang
awit ng ibong Adarna.

You might also like