You are on page 1of 5

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang

isang obra mestra sa Panitikang Pilipino.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay naisasagawa ang malikhaing pagtatanghal ng ilang


saknong ng koridong naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Ang mag-aaral ay natutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe ng


napakinggang bahagi ng akda. (F7PN-Iva-b-18)

I. Layunin: Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay mahahasa ang mga sumusunod
na kakayahan:

a. natutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe ng napakinggang bahagi ng akda.


(F7PN-IVa-b-18)
b. naisusunod-sunod ang mga pangyayari sa akdang napanood.
c. naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagtutulungan.

II. Paksang Aralin: Ibong Adarna Kabanata 22 - 23


Sanggunian:
Kagamitan: Laptop, TV, PPT presentation, Word wall

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

1. Paghahanda

Magandang Umaga, Baitang 7! Magandang Umaga rin po, Bb!

Bago tayo magsimula ay manalangin muna


tayo. Maaari mo bang pangunahan ang ating
panalangin ________? Opo Bb.

Maraming salamat, ______.

Magandang Umaga ulit, baitang 7! Magandang Umaga po, Bb.

Kamusta kayo sa umagang ito? Maaari ba


kayong pumili ng emoji na kumakatawan sa (Itataas ng mga mag-aaral ang emoji)
inyong nararamdaman sa umagang ito?

Natutuwa ako at karamihan sa inyo ay nasa


mabuting kalagayan.
Klas, anuman ang nararamdaman ninyo ngayon
sana ay hindi ito maging hadlang sa pagtuklas
natin ng bagong kaalaman ngayong araw na ito.

Kagaya ng ibang guro klas, mayroon din tayong


mga alituntunin sa klaseng ito.

1. huwag magsasalita kung ang inyong guro ay


nagsasalita pa.
2. magtaas ng kamay kung gustong sumagot.
3. makinig nang mabuti sa guro habang
nagtatalakay.

Maliwanag ba ang mga alituntunin, klas? Maliwanag po, Bb.

2. Pagbabalik-Aral

Natatandaan niyo pa ba ang tinalakay natin


noong nakaraan? Opo.

Tungkol saan ang tinalakay natin noong


nakaraan? Ang tinalakay po natin noong nakaraang tagpo
ay tungkol po sa kabanata ______ ng Ibong
Adarna.
Magaling! Mayroon ba kayong mga katanungan
tungkol dito, klas? Wala na po, Bb.

Kung wala na, mayroon akong inihandang


maikling aktibidad upang masiguro ko kung
talagang naintindihan ninyo ang nakaraang
talakayan.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat Mga inaasahang sagot:


pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa mga
pagpipilian. 1. B
2. A
1. Sino ang pumunta sa kagubatan para 3. C
magtago at takas an ang parusa dahil sa 4. A
pagkawala ng Ibong Adarna? 5. D

a. Don pedro b. Don juan


c. Don diego d. Don Fernando

2. Sino ang nagpakawala sa Ibong Adarna?


a. Don pedro b. Don juan
c. Don diego d. Don Fernando

3. Sino ang pinangakuan ni Don Pedro na


magiging kanang kamay niya kapag siya ay
naging hari?
a. Don pedro b. Don juan
c. Don diego d. Don Fernando
4. Saan nanirahan si Don Juan pagkatapos ng
pagkawala ng Ibong Adarna?

a. Armenya b. Berbanya
c. Espanya d. Ramana

5. Sino ang Hari ng Berbanya?


a. Pedro b. Juan
c. Diego d. Fernando

mahusay! Tiyak nga na nauunawaan ninyo ang


kabanata _____ ng ibong Adarna.

3. Pagganyak

Bago tayo magsimula, magkakaroon muna tayo


ng isang aktibidad.

Mayroon akong ipapakitang larawan at sa


bawat larawan mayroon itong letrang
nakatago, ang kailangan nintong gawin ay
tukuyin kung ano ang nais ipahiwatig sa
larawan.

Panuto: Tukuyin kung ano ang nais ipahiwatig


sa larawan upang mabuksan ang mga Mga inaasahang sagot:
nakatagong letra sa bawat larawan. 1. PRINSIPE
2. PRINSESA
Mga Larawan: 3. LOBO/WOLF
Harap 4. AHAS
5. SINGSING

Likod
Gagawin natin ang ating aktibidad sa Word
Wall.

Maliwanag ba klas?
Opo, Bb.
Ano nga ulit ang salitang ating nabuo sa
aktibidad, klas? Ibong Adarna kabanata 22 - 23 po, Bb.

Tama! At tatalakayin natin ngayong umaga ay


tungkol sa kabanata 22 at 23 ng Ibong Adarna.

Talasalitaan

Upang lubos nating maunawaan ang akda na


tatalakayin natin ngayong umaga ay bigyan
muna natin ng kasingkahulugan ang mga
mahihirap na salita.

Panuto: Tukuyin ang mga kasingkahulugan ng


mga salita batay sa konteksto ng paggamit nito
sa mga pahayag.

1. Nilinlang
2. Panata
3. Nanumbalik
4. Matuklasan
5. Nagtungo

Mga Pagpipilian

Mga Pahayag:
Mga inaasahang sagot:
1. Ayaw muna ni Leonora na ikasal dahil iyon
ang panata niya sa Diyos. 1. Nilinlang - Niloko
2. Nagtungo ang engkantadong lobo sa balon 2. Panata - Pangako
para iligtas si Don Juan. 3. Nanumbalik – Bumalik
3. Ayaw ni Don Pedro na matuklasan ng hari 4. Matuklasan – Malaman
ang masamang ginawa nila sa kanilang bunsong 5. Nagtungo – Pumunta
kapatid.
IV. Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang tamang sagot. Katumbas ng
dalawang puntos ang bawat aytem.

1. Sino ang nais pakasalan ni Don Pedro?


a. Prinsesa Juana b. Prinsesa Paulita
c. Prinsesa Leonora d. Prinsesa Nora

2. Sino ang nagligtas kay Don Juan?


a. Don Pedro b. Don Diego
c. Haring Fernando d. Engkantadong Lobo

3. Ano ang nais balikan ni Don Juan?


a. Singsing b. Ibong Adarna
c. Espada d. Engkantadong Lobo

4. Sino ang nanaginip tungkol sa pagtataksil na natamo ni Don Juan?


a. Don Pedro b. Don Diego
c. Haring Fernando d. Prinsesa Leonora

5. Ilang taon ang panata ni Prinsesa Leonora na hindi nagpakasal?


a. 5 taon b. 6 taon
c. 7 taon d. 8 taon

You might also like