You are on page 1of 12

3

Filipino
Ikatlong Markahan - Modyul 1
Pakners Tayo Eh!

AIRs - LM
`
Filipino 3
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Pagtukoy sa Kahulugan ng Tambalang Salita na
Nananatili ang Kahulugan
Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Felicitas V. Olarte


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph.D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, Ph.D, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

`
Sapulin

Magandang araw! Kumusta na? Ako ay lubos na nagagalak


na ipalaam sa iyo na ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo.
Naglalaman ito ng mga aralin na tiyak na kagigiliwan mo. Dito
maipapamalas mo ang iyong kakayahan sa mapanuring
pagbabasa at pag-unawa sa mga aralin at paksa.

Pagkatapos ng iyong pagbabasa sa modyul na ito, ikaw ay


inaasahang matukoy ang kahulugan ng tambalang salita na
nananatili ang kahulugan (F3PT-IIIci.3.1)
Ang modyul na ito ay para sa iyo – ikaw na tinaguriang pag-
asa ng bayan. Tuklasin mo ang kaalaman, konsepto at aral na
nakapaloob dito.
Upang makamit ang layunin na inilahad sa taas, gawin ang
mga sumusunod na hakbang:
• Basahin at unawaing mabuti ang aralin.
• Sundin at gawin ang inilahad na panuto sa bawat
pagsasanay at pagtataya.
• Sagutin ang lahat ng pagtataya at pagsasanay.
ARALIN
Pagtukoy sa Kahulugan ng mga
1 Tambalang
Salita na Nananatili ang Kahulugan

Simulan

Panuto : Tukuyin ang tambalang salita gamit ang mga larawan.


Isulat ang sagot
sa patlang.

1.

= ______________________

2.

=________________________

3.

=________________________
4.

=_________________________

5.

=__________________________

Lakbayin

Alam mo ba?

Ang tambalang salita ay binubuo ng dalawang payak


na salita upang makabuo ng panibagong salita. Kadalasan,
ang kahulugan ng tambalang salita ay nanggagaling sa
pinagsamang dalawang payak na salita. Minsan naman ay
napananatili ang kahulugan. Sa pagbuo ng tambalang
salita, maaaring gumamit ng dalawang salitang magkaiba
pero napananatili pa rin ang dalawang salita.

Ano ang tambalang salitang nananatili ang kahulugan?


Sa uring ito, ang taglay na kahulugan ng dalawang
salitang pinagtambal ay hindi nawawala. Walang ikatlong
kahulugan ang nabubuo. Gitling ang ipinapalit sa mga
kataga o salitang nawawala sa pagitan nito at puwede ring
walang gitling.

Galugarin

A. Panuto : Basahin ang mga tambalang salitang nakasulat


nang may diin sa
hanay A. Hanapin sa hanay B ang angkop na
kahulugan nito.
Isulat sa linya ang titik na tamang sagot.

A B
1. masarap na bungangkahoy a. buong-puso
2. kaninang hatinggabi b. prutas
3. nagpunta sa kalapit-bayan c. gabing-gabi na
4. hukay lampas-tao d. katabing bayan
5. taos-pusong pasasalamat e. malalim na
hukay
(lalim na lampas sa ng
taong
nakatayo)

B. Panuto : Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Piliin sa


loob ng kahon
ang kahulugan ng tambalang salita na may
salungguhit. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa patlang.

________1. Madalas pumunta si Pepe sa bahay-pawid na


gawa ng kanyang ama.
________2. Ang bahay-pawid na ito ay makikita sa kanilang
likod-bahay.
________3. Pampalipas-oras si Pepe ang eskultura o paggawa
ng mga molde ng tao na yari sa putik.
________4. Sa murang-edad, natuto na siyang mangarap
nang mataas.
________5. Sinabi ni Ferdinand sa sarili na balang-araw ay
kikilalanin siya ng maraming tao.

A. libangan D. darating na panahon


B. bahaykubo E. lote sa likod ng bahay
C. bata pa F. sa kasunod na araw

Palalimin

A. Panuto : Isulat sa patlang ang salitang maaaring itambal sa


ibinigay na
salita upang makabuo ng tambalang salita. Pumili
mula sa mga
salita sa kahon. Gamitin bilang gabay ang ibinigay
na kahulugan.

Tambalang Salita Kahulugan

1. punong_________________ halamang may mga


sanga at dahoon,
nabubuhay ng ilang
taon at may kataasan

2. _______________mata maikling sandali

3. _______________ulo away na pisikal

4. hanap_________________ paraan ng pamumuhay


5. _______________bahay taong nakatira sa katabi
o kalapit na bahay

6. _______________palad palabigay

7. kapit_________________ mahigpit ang kapit

8. _______________araw pagitan ng hatinggabi


at bukang liwayway

9. agaw_________________ madaling makakuha ng


pansin o atensiyon

10. ______________tingin pagsulyap sa isang tao


na hindi niya nalalaman

buhay madaling pansin


tuko
ligaw bukas buhay
kisap basag kapit

B. Panuto : Punan ng patlang ng angkop na tambalang


salita. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.

agaw-pansin tubig-alat
abot-tanaw abot-tenga
lakad-pagong

1. Lasang asin ang karagatan dahil _____________________ ito.

2. Palaging nahuhuli sa klase ang kapatid ko dahil


___________________ siya.
3. Malapit lang ang bahay namin __________________________
siya sa paaralan natin.

4. Habang nanonood kami ng palatuntunan, sumigaw nang


napakalakas ang bata sa likuran. Nagtinginan sa kanya
ang lahat ng nanonood. ______________________ talaga
ang batang iyon.
5. ________________________ ang ngiti ni Armie nang makita
ang pusa at mga kuting.

Sukatin

A. Panuto: Buoin ang puzzle sa pamamagitan ng pagsulat ng


mga
nawawalang titik upang mabuo ang tambalang
salita. Gawing
gabay ang mga kasingkahulugan sa ibaba.
Pahalang:
1. itinakdang gawaing pambahay
2. taong nakatira sa katabi o kalapit-bahay
3. isang uri ng laro sa padulasan

Pababa:
1. tubig na galing sa dagat
2. silid ng mga aklat
B. Isulat ang kahulugan ng sumusunod na tambalang salita.
1. sulat-kamay _________________________________________

2. kapit-bisig _________________________________________
3. isip-bata _________________________________________
Simulan Galugarin
1. punongkahoy A. 1. B B. 1. B
2. bahaykubo 2. C 2. E
3. bungangkahoy 3. D 3. A
4. tubig-ulan 4. E 4. C
5. abot-kamay 5. A 5. D
Palalimin Sukatin
A. 1. kahoy B. 1. tubig-alat A. Pahalang
2. kisap 2. lakad-pagong 1. takdang-aralin
3. basag 3. abot-tanaw 2. kapitbahay
4. buhay 4. agaw-pansin 3. palo-sebo
5. kapit 5. abot-tenga Pababa
6. bukas 1. tubig-alat
7. tuko 2. silid-aklatan
8. madaling B. (Maaring iba’t iba ang sagot)
9. pansin
10. ligaw
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
A. Mga Aklat
• BASA PILIPINAS
Gabay sa Pagtuturo ng Filipino
Ikatlong Baitang
Yunit 4
• Ikalawang Edisyon
Pinagyamang PLUMA
Wika at Pagbasa sa Elementarya
• WOW FILIPINO
Integratibong Aklat Para sa Wika at Pagbasa
K to 12, Bagong Edisyon
VIBAL
• Vinta
Paglalayag sa Wikang Filipino
K to 12
• BUKLOD 3
Batayang Aklat sa Filipino

B. Iba pang Sanggunian


• www.google.com

You might also like