You are on page 1of 18

3

Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 6

Mga bagay-bagay na Magkakatugma,


Tukuyin, Talata iyong Sulatin!

AIRs - LM
Filipino 3
Ikalawang Markahan - Modyul 6
Mga bagay-bagay na Magkakatugma, Tukuyin,
Talata iyong Sulatin!

Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Marlynne W. Oler, Sudipen Central School, Sudipen District


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos, Jr. , PII, Marcelo T. Wanget

Tagapamahala:

ATTY. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph.D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Ang araling ito ay ihinanda para sa iyo upang makatulong sa


paghasa sa iyong kaalaman.

Pagkatapos ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• natutukoy ang mga salitang magkatugma (F3KP-IIb-d-8).
• Nakasusulat ng talata nang may wastong baybay,
bantas, at gamit ng malaki at maliit na letra upang
maipahayag ang ideya, damdamin o reaksyon sa isang
paksa o issue (F3KM-IIIi-3.2).
Aralin Pagtukoy sa mga Salitang
1 Magkatugma

Simulan

Gawain A
Panuto : Basahin ang maikling tula, pagkatapos ay salungguhitan
ang huling salita sa bawat linya.

Ang Kokoy ni Totoy


Tula ni : Marlynne W. Oler

Si Totoy ay may alaga


Kanyang minamahal at inaaruga
Ito’y kanyang kaibigan
Tunay niya itong kinagigiliwan.

Minsan nadapa si Totoy


Kahahabol kay Kokoy
Ngunit ang sakit ay hindi alintana
Sapagkat sa paglalaro sila ay masaya.
Gawain B
Panuto : Mula sa nabasang tula , isulat ang mga salitang iyong
sinalungguhitan sa loob ng kahon. Basahin ang mga ito.
Gawain C

Panuto : Sa bawat magkatulad na hugis isulat ang mga salitang


may magkatulad na tunog sa hulihan. Tingnan ang
iyong sagot sa Gawain B.
Lakbayin

Salitang magkatugma - ito ay mga salitang magkapareho o


magkatulad ang tunog sa hulihan pero magkaiba ang mga
kahulugan. Ang mga ito ay ating ginagamit sa pang araw-araw
na komunikasyon. Kadalasan ang mga ito ay ginagamit sa
pagpapahayag ng damdamin sa kaaliw-aliw na paraan gaya ng
tula, kanta, slogan, balagtasan at iba pa.

Halimbawa ng mga salitang magkatugma:

Tula pula
pamayanan Kayamanan
Punit damit
mahusay hanapbuhay
Kahoy pinoy

Galugarin

Gawain A – Tsek o Ekis

Panuto : Lagyan ng Tsek (/) ang bilang na may salitang


magkatugma at Ekis (x) naman ang hindi.

____1. mayaman-mapera
____2. magalang-magulang
____3. mabangis-kapalit
____4. kawali-kasali
____5. aklat-kalat
Gawain B – Tumbukin Mo!

Panuto : Pagdugtungin ang mga salitang magkatugma.

1. sandigan . masikip

2. malikhain . salat

3. takip . masalimuot

4. matapat . dalangin

5. malikot . kaibigan

Palalimin
Gawain A
Panuto : Piliin ang mga salitang magkatugma sa loob ng kahon at
isulat sa ibaba.

mahaba hiling

malambing tampisaw

gusot pagsubok

maalikabok malambot

umapaw dambuhala

makulit mabaho
maaliwalas dilaw
Mga Salitang Magkatugma

1. _________________________ - _________________________

2. _________________________ - _________________________

3. _________________________ - _________________________

4. _________________________ - _________________________

5. _________________________ - _________________________

Gawain B – Piliin Mo!


Panuto : Piliin ang salitang katugma ng may salungguhit na salita
sa pangungusap. Bilugan ang tamang sagot.

1. Natakot at nangamba ang lahat dahil sa pandemya.


(umikot masaya sumamba)

2. Sundin ang payo ng mg eksperto para mailayo tayo sa


kapahamakan.
(perpekto kabundukan ayusin)

3. Pagtutulungan ay mahalaga ngayong panahon ng


pandemya.
(salat pagtamasa ekonomiya)

4. Magsumikap upang makamit ang pangarap sa buhay.


(pamumuno mahirap tagumpay)

5. Matahimik ang paligid at ang mga tao ay nasa loob ng


kanilang bahay.
( lumakad gilagid salapi)
Sukatin
Gawain A
Panuto : Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin
ang mga nagamit na mga salitang magkatugma.
Salungguhitan ang mga ito.

1. Ang mga health protocols ay ipinapatupad nang mahigpit


upang maiwasan ang sakit.

2. Nagbigay ng ayuda ang pamahalaan sa mga


mamamayan.

3. Ang Covid-19 ay lubos na kinakatakutan dahil wala pa itong


gamot na natuklasan.

4. Ang pagpasok ng mga mag-aaral sa paaralan ay hindi


muna pinapayagan.

5. Maraming nasirang palay at ibang produkto dahil sa


bagyong Pepito.

Gawain B
Panuto : Basahin ang talata pagkatapos ay sagutin ang mga
tanong.

Ang aming kapitbahay ay nagtitinda ng gulay. Ang


paligid ng kanilang bahay ay halos puno ng mga tanim na gulay.
May talong, ampalaya, sitaw at luya. Nagtitinda rin sila ng mais na
nilaga tuwing umaga. Meron din silang mga hayop na alaga
tulad ng aso, manok at ganso.

1. Anong salita ang katugma ng kapitbahay sa unang


pangungusap? _______________________.

2. Sa pangalawang pangungusap, ano ang mga salitang


magkatugma? ____________________ - _____________________
3. Isulat ang mga salitang magkatugma sa ikatlong panungusap.
__________________ - _______________________

4. Sa ikaapat na pangungusap, ang mga salitang magkatugma


ay _____________ at _____________.

5. Anong salita sa huling pangungusap ang katugma ng salitang


palayok ? __________________
Aralin
Tamang Pagsulat ng Talata
2

Simulan

Gawain A
Panuto : Basahin ang sumusunod na pangungusap. Pagkatapos
ay sagutin ang mga tanong.

Si Tino ay isang batang Pilipino.


Ang ama at ina niya ay kapwa Pilipino.
Sina Sita, Paulo at Dina na mga kapatid niya ay mga
Pilipino din.

Mga tanong:

1. Ilang pangungusap ang iyong binasa? _________

2. Ano-anong mga bantas ang nagamit sa mga


pangungusap? ______________, ______________

4. Anong mga salita sa mga pangungusap ang nagsisimula sa


malalaking letra? Anong tawag sa mga ito?
________________________________________
Gawain B
Panuto : Pagsamasamahin ang mga pangungusap sa Gawain A.
Isulat ito sa paraang patalata.

____________________________________________________

________________________________________________________________
Lakbayin

Talata - lipon ng mga pangungusap na nagpapahayag ng


diwa o kaisipan.

Sa pagsulat ng pangungusap o talata mahalagang


gumamit ng wastong baybay, bantas, malaki at maliit na mga
letra.

Mga bantas na ginagamit sa pagsulat

Tuldok (.) - ginagamit sa katapusan ng mga pangungusap na


paturol at pautos.

Halimbawa:
Ang aso ni Pedro ay mataba.

Kuwit (,) – ginagamit upang paghiwalayin ang salita o lipon ng


mga salitang magkaka-uri.

Halimbawa:
Ang aso, pusa at baboy ni Pedro ay matataba.

Tandang Pananong (?) – ginagamit sa katapusan ng


pangungusap na nagtatanong.
Halimbawa:
Mataba ba ang aso ni Pedro?

Tandang Padamdam (!) – ginagamit sa hulihan ng isang kataga o


pangungusap na nagpapahayag ng
matinding damdamin.
Halimbawa:
Aray! Naipit ang aking kamay.

Gamit ng Malaki at Maliit na mga Letra

Malaking Titik - ginagamit sa simula ng pangungusap.


Halimbawa:
Binabasa ng bata ang kanyang modyul.

• ginagamit ito sa tiyak na ngalan ng pangngalan.


Halimbawa:
Si Rona ay nagsusulat.

• ginagamit sa ngalan ng buwan at araw.


Halimbawa:
Sa Martes ako pupunta sa Balaoan.

Maliit na Titik - ginagamit kapag ang salita ay hindi tiyak na


ngalan at hindi simula ng pangungusap.

Galugarin

Gawain A
Panuto : Kumpletuhin ang mga pangungusap upang makabuo
ng isang talata.

Ako ay si __________________________________________. Ako

ay ______________taong gulang. Nag-aaral ako sa

_____________________________________________________. Ang

aking guro ay si _______________________________________________.


Gawain B

Panuto : Gawing isang talata ang sumusunod na mga


pangungusap. Itama ang mga mali at ilagay ang mga
nawawalang bantas. Isulat ito sa loob ng kahon.

1. maraming mga tao ang tinamaan ng Covid-19


2. maraming gumaling at marami rin ang namatay
3. ang buong mundo ay apektado sa sakit na ito.

Palalimin
Gawain A

Panuto : Tingnan at pag-aralan ang larawan pagkatapos ay


kumpletuhin ang talata sa ibaba. Piliin ang tamang sagot
sa loob ng mga panaklong.

Mayroong _________ (pito, walo) na magkakapatid na pato.

Tuwing umaga sama-sama silang pumupunta sa __________ (lawa,


bundok). Gustong-gusto nila ang ____________________ (lumangoy,

tumakbo) sa tubig. Sama-sama din silang ___________________

(umu-uwi, lumalayas) tuwing hapon.

Gawain B

Panuto : Sumulat ng isang talata na binubuo ng tatlo o higit pang


pangungusap. Isulat ang mga bagay na iyong
ginagawa
sa inyong bahay. Laging tandaan ang paggamit ng
tamang mga bantas, baybay at ang malaki at maliit na
letra.

Sukatin
Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng
pangungusap o talata?

(Laging tandaan at isaalang-alang ang paggamit ng wastong


baybay, bantas, malaki at maliit na titik sa pagsulat ng
pangungusap o talata.

Gawain A
Panuto : Itama ang mga mali sa talata. Isulat ito sa iyong papel.

ang mga mag-aaral ay sa buhay nag-aaral. ang kanilang

mga magolang o kamag-anak na kasama sa bahay ang

nagsisilbing kanilang tagagabay. sila din ang kumukuha at

nagpapasa ng mga modyul.


Gawain B

Panuto : Sumulat ng isang talata tungkol sa larawan na binubuo


ng tatlo o higit pang pangungausap.
Aralin 1 Aralin 2
Simulan Simulan
Gawain A Gawain B Gawain C Gawain A Gawain B
alaga alaga 1. alaga,
inaaruga
1. 3 o tatlo Si Tino ay isang
inaaruga inaaruga 2. kaibigan, 2. tuldok, kuwit batang Pilipino. Ang
kaibigan kaibigan kinagigiliwan
3.
3. tiyak na ama at ina niya ay
kinagigiliwan kinagigiliwan
Totoy, Kokoy ngalan kapwa Pilipino. Sina
Totoy Totoy
4. alintana,
Kokoy Kokoy masaya Sita, Paulo at Dina
alintana alintana na mga kapatid
masaya masaya niya ay mga Pilipino
din.
Galugarin Galugarin
Gawain A Gawain B Gawain A Gawain B
1. x 1. sandigan masikip
2. malikhain salat (Iba’t-ibang Maraming mga
2. / 3. takip masalimuot kasagutan) tao ang tinamaan ng
3. x 4. matapat dalangin
5. malikot kaibigan Covid-19. Maraming
4. /
5. / gumaling at marami
rin ang namatay. Ang
buong mundo ay
apektado sa sakit na
ito.
Palalimin Palalimin
Gawain A Gawain B Gawain A Gawain B
1. mahaba-dambuhala 1. sumamba
Mayroong (Talata
2. malambing-hiling 2. ayusin
3.gusot-malambot 3.ekonomiya walo na tungkol sa
4. maalikabok-pagsubok 4. mahirap magkakapatid na
5. umapaw-tampisaw 5.gilagid
kanilang
pato. Tuwing
ginagawa sa
umaga sama-sama
silang pumupunta bahay)
sa lawa. Gustong-
gusto nila ang
lumangoy sa tubig.
Sama-sama din
silang umu-uwi
tuwing hapon.
Sukatin Sukatin
Gawain A Gawain B Gawain A Gawain B
1. mahigpit-sakit gulay Ang mga (Talata
2. bahay-gulay mag-aaral ay sa tungkol sa
3. ampalaya-luya bahay nag-aaral. larawan)
2. pamahalaan- 4. nilaga-umaga Ang kanilang mga
mamamayan 5. manok magulang o
3. kinatatakutan- kamag-anak na
natuklasan kasama sa bahay
4. Paaralan-
ang nagsisilbing
pinapayagan
kanilang
5. produkto-
tagagabay. Sila din
pepito
ang kumukuha at
nagpapasa ng
mga modyul.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Cardinoza, Florenda, Jeny-Lyn Trapane, Alde Amaflor, Agnes G.
Roller, Josenette Brana, Ronald Ramilo, Louiegrace Magallo,
Mercelita Salazar, Aireen Ambat, Lea Agustin, Natasha Rae
Natividad, Cynthia Reyroso, Dolorosa Castro, Modesta
Jaurigue. Batang Pinoy Ako Patnubay ng Guro 3. Pasig: Rex
Bookstore, 2015, p. 88.

You might also like