You are on page 1of 8

SMILE

(Simplified Module Intended for Learning Encounters)

Learner’s Packet
FILIPINO 9- KWÁRTER 3-SLP 3
Pangalan ng Mag-aaral: Baitang/Pangkat:
___________________________________________ ______________________
Guro: Petsa ng Pagpasa:
___________________________________________ ______________________

Susing Konsepto:

Mga paraan kung paano maipahahayag ang masidhing damdamin gamit ang pang-uri.
Narito ang ilang paraan.

1. Sa pamamagitan ng pag-uulit ng pang-uri


Halimbawa:
Malamig na malamig ang panahon ngayon. Inulit ang pang-uri na malamig
upang mapasidhi ang damdamin sa pahayag.
2. Sa pamamagitan ng panlaping napaka-, nag-an, pagka-at kay, pinaka, ka-an, upang
mapasidhi o maipakita ang pasukdol na katangian ng pang-uri.
Halimbawa:
Pinakamaganda sa lahat ng kalahok si Maria. Ito ang angkop na gamitin sa
pangalawang bilang sa itaas. Ginamit ang panlaping pinaka bilang pagpapakita ng
kasukdulan ng salitang maganda.
3. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang gaya ng ubod, hari, sakdal, tunay,
lubhang at ng pinagsamang walang at kasing upang mapasidhi o maipakita ang
pasukdol na katangian ng pang-uri.
Halimbawa:
Ubod ng lakas ng boses ang pagsasalita niya habang ipinaliliwanag ang
totoong nangyari. Ginamit ang salitang ubod bilang pagpapakita rin ng kasukdulan
ng lakas ng boses.

Maliban sa tatlong ito meron pang paraan upang mapasidhi ang damdamin sa isang
pahayag .
a. Sa pamamagitan ng pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa.
-Paggamit ng panlaping magpaka
-Paggamit ng panlaping mag-at pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat
-Paggamit ng panlaping -um sa panlaping mag at pagkakaroon ng pag-uulit sa
unang pantig
-Pagpapalit ng panlaping -um sa panlaping magpaka-

RO_Filipino_Baitang 9_K3_LP3 1
SMILE
(Simplified Module Intended for Learning Encounters)

Learner’s Packet
b. Sa pamamagitan ng pangungusap na walang paksa.

1. Padamdam
Halimbawa:
Sugod!
Laban!
c. Maikling Sambitla
Halimbawa:
Ay!
Naku!
Grabe!
Aray!
Subalit ang dalawang paraan na ito ay hindi natin pag-uukulan ng pansin sa
mga gawain natin . Ang mga inihanda kong gawain ay nakapokus sa pamamaraan ng
pagpapasidhi ng damdamin bilang isa hanggang tatlo.

Tandaan:

May mga salita rin na sinonimo (singkahulugan) ang kahulugan pero magkakaiba
ng antas o sidhi ng damdamin,
Halimbawa:
Paghanga, pagsinta, pagliyag, pagmamahal
Sa mga halimbawa ibinigay ang may pinakamasihing damdamin ay pagmamahal.
Ang may pinakamababaw na antas ay ang paghanga, sinundan ito ng pagsinta at pagliyag.
Hindi maaring magmahal ang isang tao kung hindi niya hinahangaan ang taong pinag-
ukulan niya nito.

Matatalinghagang Pahayag
Ang wikang Filipino ay puno ng mga matatalinghagang pahayag.

Ang matatalinghagang pahayag ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin


ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.

RO_Filipino_Baitang 9_K3_LP3 2
SMILE
(Simplified Module Intended for Learning Encounters)

Learner’s Packet
Matalinghagang Pahayag / Kahulugan

Magsunog ng kilay - mag-aral nang mabuti


Balitang kutsero - hindi totoo
Mababa ang luha - iyakin
Tulog mantika - mahabang oras ng pagtulog
Nagtataingang kawali - nagbibingi-bingihan
Pinagbiyak na bunga -magkamukha
Bugtong na anak - kaisa-isang anak
Kabiyak ng dibdib - asawa
Ilista sa tubig - kalimutan na
Lakad-pagong - mabagal
Balat-sibuyas – sensitibo, madaling makaramdam
Agaw-buhay – malapit nang mamatay
Luha ng buwaya – Hindi totoo ang pag-iyak
Nagdidilang angel – Naging totoo ang sinalita
Ahas-bahay – Hindi mabuting kasambahay
Anak-dalita – Mahirap na tao, pulubi
Bahag ang buntot – duwag
Alilang-kanin – utusang walang sweldo, pagkain lang
Sukat ang bulsa – marunong gumamit nga pera, magbayad at mamahala ng kayamanan
Alimuom – tsismis, bulungan, sitsirya
Balat-kalabaw – Makapal, Walang hiya
Balik-harap – Kaibigan sa harapan, traydor sa likod
Basa ang papel – Sira na ang imahe
Buto’t balat – Sobrang payat
Halos liparin – Nagmamadali
Itaga sa bato – Tandaan
Kumukulo ang dugo – naiinis, nasusuklam, gigil na gigil
Bukal sa loob – taos-puso, matapat
Kaibigang karnal – matalik na kaibigan
Anak-pawis – magsasaka

Kasanayang Pampagkatuto:

Sa gawaing pagkatutong ito, inaasahan na:

Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin.


(F9WG-IIIb-c53)

Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinghagang pahayag.


(F9WG-IIIa-53)

RO_Filipino_Baitang 9_K3_LP3 3
SMILE
(Simplified Module Intended for Learning Encounters)

Learner’s Packet

  Mga Gawain sa Pagkatuto:


 

 
Pagsasanay  1
Panuto: Baguhin o dagdagan ang nasa loob ng panaklong upang maging
masidhi ang damdaming nangingibabaw sa pangungusap.

1. (Tuwa) ___________ang ina sa kanyang anak dahil sa nakamit nitong karangalan.


2. (Sayá) __________ ng mag-anak nang dumating sa bahay-bakasyunan.
3. (Lungkot) _________ Si Ana ng mawala ang kanyang ina.
4. (Kasingganda)___________ang Pilipinas.
5. (Nagustuhan)____________ni Rosita ang manikang sumasayaw.

Napakahusay! Nagamit mo ang wastong pang-uri sa


pangungusap, maaari mo ng ipagpatuloy ang sunod na
gawain.

Pagasasanay 2
Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na matalinghagang pahayag na dapat gamitin sa
pangungusap

di-maliparang uwak malalim ang bulsa malikot ang kamay magsunog ng kilay anak-pawis

1. _______________________ ang bagong bukás na Mall sa aming lalawigan.

2. Kahit anak siya ng _______________________ hindi ito naging hadlang upang

makapagtapos ng pag-aaral.

3. _________________ ni Cardo kaya maraming nagagalit sa kaniya at halos ayaw na

siyang papuntahin sa ibang bahay.

4. Ang __________________ ang susi sa hinahangad na pangarap sa buhay.

5. _____________________ ni Greg kaya marami siyang pera na ginamit sa

pagpapatayo ng kanilang bahay.

RO_Filipino_Baitang 9_K3_LP3 4
SMILE
(Simplified Module Intended for Learning Encounters)

Learner’s Packet
Pagbati sa matagumpay mong natapos ang ikalawang
gawain. Ngayon naman ay subukang sagutan ang
ikatlong gawain.

Pagsasanay 3
Gawain 1

Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na pang-uring dapat gamitin sa bawat bilang upang
mapasidhi ang damdamin sa bawat pahayag. Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang
bago ang bilang.

Walang kasing galit na galit ubod selos na selos


Pinakamalungkot tuwang tuwa

1. Si Analiza ang ________sa lahat ng kaibigan ni Luis nang ito ay pumanaw.

2. ____________ang batang babae sa bagong dating na kapatid sa ina.

3. ____________ng lakas ng pagsabog ang narinig mula sa kaguluhang iyon.

4. ___________ang ina sa masamang sinapit ng kanyang anak.

5. ___________sarap ang kare-kareng niluto ni ama.

Mahusay! Madali mong nasagutan ang bawat bilang. Narito pa ang isa pang gawain
para sa iyo.

Gawain 2
Panuto: Gamitin ang wastong matalinghagang pahayag sa pangungusap.
Buto’t balat kutis kalabaw balitang kutsero kabiyak ng dibdib
ilista sa tubig balat-sibuyas tulog mantika

1. Halos tangayin na ng hangin si Korina dahil sa kaniyang


____________________ na katawan.
2. Si Flora ay _______________________ kaya mabilis siyang masaktan sa
sinasabi ng iba.

RO_Filipino_Baitang 9_K3_LP3 5
SMILE
(Simplified Module Intended for Learning Encounters)

Learner’s Packet
3. _____________________ si Jessie kaya hindi niya namalayan na nasusunog na
ang kanilang bahay.
4. Si Kevin ang _____________________ ni Jessa, sila ay nagsasama ng masaya
at nagmamahalan.
5. Pakiusap ng Pangulo na wag maniwala sa mga __________________ upang
maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Repleksyon

Bilib ako sa iyo! Nagawa mo ang lahat ng gawain, kaya Smile naman diyan , ayan
bilang pangwakas sagutin mo ang katanungan sa ibaba upang mabuo ang kaisipan ng
natutuhan mo sa ngayon 

Batay sa iyong mga nabasa tungkol sa pang-uri at matatalinghagang


pahayag, ano ang kahalagahan ng mga ito?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
________

RO_Filipino_Baitang 9_K3_LP3 6
SMILE
(Simplified Module Intended for Learning Encounters)

Learner’s Packet

Susi sa Pagwawasto

Mga Gawain sa Pagkatuto

Pagsasanay 1
1. Tuwang-tuwa
2. napakasaya
3. Ubod ng lungkot
4. Walang kasingganda
5. Pinakanagustuhan

Pagsasanay 2

1. Di maliparang uwak
2. Anakpawis
3. Malikot
4. Magsunog ng kilay
5. Malalim ang bulsa

Pagsasanay 3

Gawain 1
1. Pinakamalungkot
2. Selos na selos
3. Ubod
4. Galit na galit
5. Walang kasing

Gawain 2
1. Buto’t balat
2. Balat sibuyas
3. Tulog mantika
4. Kabiyak ng dibdib
5. Balitang kutsero

Repleksyon
Nakadepende sa sagot ng mga mag-aaral

RO_Filipino_Baitang 9_K3_LP3 7
SMILE
(Simplified Module Intended for Learning Encounters)

Learner’s Packet
Sanggunian:

Learning Activity Sheet

-FILIPINO 9 KWARTER 3- LAS 3, pahina 3-7.

Internet
https://www.tagaloglang.com/matalinghagang-pahayag/
https://philnews.ph/2019/07/18/matalinghagang-salita-at-kahulugan/

Inihanda ni;

KEVIN C. JALATA

Sinuri ni:
JOYCE D. LABORTE

RO_Filipino_Baitang 9_K3_LP3 8

You might also like