You are on page 1of 32

9

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 1
PAKSA:
Pagpapatunay ang mga Pangyayari sa Binasang Parabula ay Maaaring
Maganap sa Tunay na Buhay sa Kasalukuyan.
Pagsulat ng Isang Anekdota o Liham na Nangangaral; Isang Halimbawa
ay Elehiya
Paggamit sa Pangungusap ng Matatalinghagang Pahayag

PARABULA
Ang parabula ay isang makalupang pagsulat na may nakatagong makalangit na
kahulugan. Ito ay isang salita ng Diyos na pumupuna sa hindi kanais-nais na
katangian ng isang tao. Ito rin ay isang uri ng maikling kwento na may aral na
kadalasang ginagamit para makapagturo ng magandang asal at ispiritwal.

Layunin

A. Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring


maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan. (F9PB-IIIa-50)
B. Naisusulat ang isang anekdota o liham na nangangaral; isang halimbawa ay
elehiya (F9PU-IIIa-53)
C. Nagagamit sa pangungusap ang matatalinhagang pahayag ( F9WG-IIIa-53)

2
Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay nangyayari sa tunay na buhay sa
pamamagitan ng paglalagay ng salitang Tama at Mali naman kung
hindi.

_____1. Ang mag-asawa ay magkatuwang sa paggawa ng desisyon sa


loob ng tahanan.
_____2. Ang Ina ang nagsisilbing ilaw ng tahanan.
_____3. Malakas at matindi ang kapangyarihan ng ating pangulo .
Panuto: Sumulat ng isang anekdotang may kaugnayan sa pagyao ng isang mahal
sa buhay. Gawing batayan ang rubrik sa ibaba. ( Bilang 4-7)
Rubrik
Nilalaman 2 puntos
Kawastuhan ng gramatika 2 puntos
Kabuuan 4 puntos

Panuto: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na idyoma.


8. nagsunog ng kilay - ___________________________________________
9. naniningalang pugad - _________________________________________
10. nagtataingang kawali- _________________________________________

Aralin

1 Ang Alibughang Anak

Magandang araw!
Sa pagtatapos ng araling ito, mababatid ang kahulugan ng parabula at
makasusulat ng halimbawa nito.
Handa ka na ba? Halina at ating simulan.

3
Gawain 1
Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap ay halimbawa ng hambingang pasahol
o hambingang palamang.
_____1. Maganda ang tinig ni Morisette paris ni Regine Velasquez
_____2. Labis ang talino ng anak niyang panganay sa lahat.
_____3. Di-hamak na hindi magpapatalo ang ganda ng Filipina sa mga dayuhan.
_____4. Ang anak ay tulad ng kagandahan ng kanyang ina.
_____5. Mayaman ang bansang Japan gaya ng Singapore.

Ang Alibughang Anak

Ang isang mayamang ama’y may dalawang anak na kapwa lalaki. Hiniling ng
batang anak na ang ganang kanya sa kayamanan ng kanyang ama ay ibigay na sa
kanya. Nang makuha na nang bunso ang kanyang mana ay tumungo sa malayong
bayan at nilustay ang kabuhayang ipinagkaloob ng ama.

Naubos na lahat ang kanyang salapi. Namumulubi siya at nang wala nang
makain ay inisip nang bumalik sa dating tahanan upang makain man lamang niya
ang kinakain ng alila ng kanyang ama. Gayon na lamang ang galak ng kanyang
ama, sinalubong ng yakap at halik ang bumalik na anak. Inutusan ang isang alila
na bigyan ang anak ng pinakamagarang kasuotan, ipinasuot sa daliri ang isang
mamahaling singsing at ipinagpatay ng isang matabang baka.

Namangha ang matandang kapatid nang dumating siya sa kanilang


tahanan. Nang malaman niya ang sanhi ng kasayahan ay nagalit nang gayon na
lamang at sinumbatan ang ama. Akong masunurin ninyong anak na buong
katapatang naglilingkod sa inyo ay hindi ninyo naipagpatay kahit isang guya man
lamang. Ngayong dumating ang alibughang anak ninyo ay gugugol kayo nang
malaki at magdiriwang.
Sumagot nang marahan ang ama. Anak ko, ikaw ang lagi kong kapiling. Ang
lahat ng akin ay iyo. Tayo’y nagsasaya ngayon sapagkat ang kapatid mong
namatay ay muling nabuhay, nakita nating muli ang nawala.

4
Pagpapakahulugang Metaporikal
Ang pagpapakahulugang metaporikal ay pagbibigay-kahulugan sa salita bukod
pa sa literal na kahulugan?Ito ay nakabatay kung paano ginamit ang salita sa
pangungusap.

Mga Halimbawa:
1. Gera- digmaan ( literal )
- sigalot ( metaporikal )
Pangungusap: Ang bansang Amerika at China ay matindi ang sigalot.

2. Anay- insekto na kumakain ng kahoy at sumisira ng bahay ( literal )


-taong sumisira ng samahan gaya ng pamilya/organisasyon
( metaporikal)
Pangungusap: Ang dami ng anay sa kisame ng aming tahanan.

3. Buwaya - mabangis na hayop ( literal )


- sakim na tao ( metaporikal )
Pangungusap: Ang namumuno sa aming lugar ay mistulang buwaya .

Gawain 2
Panuto : Tukuyin kung ang mga pangayayari ay maaaring maganap sa tunay na
buhay. Isulat ang K kung ang pahayag ay makatotohanan at
nangyayari sa tunay na buhay at DK kung hindi.

__________1.HIningi ng batang anak ang kanyang mana sa kanyang ama kahit


buhay pa ito.
__________2.May mga anak na masunurin at nanatili sa piling ng magulang.
__________3.Hindi sumama ang loob ng panganay na anak sa ama.
__________4.Ang ama ay may pusong mapagmahal at mapagpatawad.
__________5.Walang magulang na nakatitiis sa kanyang anak.

5
Gawain 3

Panuto: Sumulat ng isang anekdota hinggil sa karanasang may kaugnayan sa


pamilya batay sa parabulang “ Ang Alibughang Anak”. Gawing batayan ang
rubrik sa ibaba. (Isang talata lamang.)

Rubriks

Nilalaman 3 puntos

Kawastuhang gramatikal 2 puntos

Kabuuan 5 puntos

Gawain 4
Panuto: Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang matatalinghagang pahayag
mula sa parabulang binasa.

_____1. Alibughang anak


_____2. Sising alipin
_____3. Pusong mapagpatawad
_____4. Maitim ang budhi
_____5. Tinik sa dibdib

6
Panuto: Isulat ang mga makatotohanang pangyayaring naganap sa parabula
(Alibughang Anak).
1.____________________________________________________________
2.____________________________________________________________
3. ____________________________________________________________

Panuto: Sumulat ng isang karanasang may kaugnayan sa binasang parabula.


Gawing batayan ang iyong pagiging anak sa iyong magulang. Isang
talata lamang. (Bilang 4-7)
Rubriks

Nilalaman 3 puntos

Kawastuhang gramatikal 2 puntos

Kabuuan 5 puntos

Panuto:Suriin ang mga pahayag sa ibaba at bilugang ang mga matatalinghagang


salitang ginamit.
8. Naging alibughang anak ang kanyang nakababatang kapatid.
9. Walang pusong amo ang kanyang pinagsilbihan.
10. Maringal na pista ang sumalubong sa nagbalik-loob na anak.

7
Panuto: Sumulat ng isang anekdotang may kaugnayan sa iyong naging
karanasan sa pag-aaral ngayong pandemya. Gawing batayan ang rubrik
sa ibaba.

Rubrik
Nilalaman 2 puntos
Kawastuhan ng gramatika 1 puntos
Kabuuan 3 puntos

Mga Salitang Ginamit


www.google.com

Inihanda ni:

JEFFREY P. PRIAGOLA
CAA National High School-Annex

8
Filipino
9
Ikatlong Markahan – Modyul 2
PAKSA:
Pagsusuri sa mga Elemento ng Elehiya batay sa Tema, mga Tauhan,
Tagpuan, mga Mahihiwatigang Pangyayari
Pagbibigay-puna sa Nakitang Paraan ng Pagbigkas ng Elehiya o Awit
Paggamit ng angkop na Pang-uri sa Pagpapasidhi ng Damdamin

Sa araling ito ay makikilala mo ang isa sa mga elehiya ng Kanlurang Asya at kung
anong uri ng tula ang elehiya. Matutuklasan mo rin ang mga elementong taglay nito tulad ng
tema, mga tauhan, tagpuan, mga mahihiwatigang kaugalian o tradisyon, wikang ginamit ,
pahiwatig o simbolo at higit sa lahat ay damdamin.
Tutukuyin at mababatid mo rin na sa pamamagitan ng elehiya maipararating natin ang
ating saloobin, paggunita, at pagpaparangal sa isang taong sumakabilang-buhay. Kailangang
matutunan mo na maging maingat at mapili sa mga salitang gagamitin upang lalong maiangkop
ang wastong damdamin sa pagbuo ng isang akda. Nawa’y maging masaya ka sa pag-aaral
gamit ang modyul na ito.

Layunin

A. Nakasusuri ng mga elemento ng elehiya batay sa tema, mga tauhan, tagpuan, mga
mahihiwatigang pangyayari (F9D-IIlb-c-51)
B. Nakapagbibigay-puna sa nakitang paraan ng pagbigkas sa elehiya o awit
(F9D-lIb-c-50)
C. Nagagamit ang angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin
(F9PD-lIIb-c-50)

9
Panuto: Suriin ang isang halimbawa ng elehiya sa ibaba sa pamamagitan ng pagsagot sa
tsart sa ibaba.

Tumanggap ako ng Bulaklak sa Araw na Ito


ni: Saki Ballesteros
salin ni: Ria Ross Alonso

Elemento Pagsusuri
1. Tema
2. Tauhan
3. Pangyayari
4. Tagpuan
5. Sukat/Tugma

Panuto: Suruin ang sumusunod na pangyayari. Lagyan ng simbolong 😊 ang patlang kung
tumutukoy ang pahayag sa positibong damdamin at simbolong ☹ naman kung hindi.

______1. Pagtitiis sa pananakit ng asawa upang mabuo at mapanatili ang pamilya.

10
______2. Pag-alala sa mga espesyal na araw o okasyon ng isang pamilya.
______3. Pagiging matapang sa pagharap sa mga suliranin sa buhay.
______4. Pagsisisi sa mga nagawang kasalanan sa kapwa.
______5. Pag-aalay ng bulaklak sa taong minamahal.

Panuto: Suriin ang nilalaman ng akda batay sa damdaming ipinahihiwatig ng mga pahayag.
Isulat sa patlang ang letra ng sagot.

A. nalulungkot B. natatakot C. galit na galit


D. kinikilig E. masidhing desperasyon F. takang-taka

_____1. “Ngunit batid ko na nagsisisi siya. Sapagkat binigyan niya ako ng mga bulaklak
sa araw na ito”
_____2. “Nagkasagutan kami sa unang pagkakataon kagabi, at madami kaming sinabi
na sadyang nakagugulat sa akin”
_____3. “Tumanggap ako ng mga bulaklak sa araw na ito, Hindi ko naman kaarawan
ni hindi rin espesyal ang araw na ito”
_____4. “Parang bangungot ang nangyari, hindi ko mapaniwalaan na totoo ang lahat”
_____5. “Kung iiwan ko siya, ano ang aking gagawin? Paano ko bubuhayin ang aking
mga anak? Paano ang mga gugulin?

Aralin Elehiya sa Kamatayan ni Kuya


2 Akda mula sa Bhutan na isinalin ni Pat V. Villafuerte

Magandang araw!
Sa bahaging ito ay higit mong makikilala ang Elehiya gamit ang isang akdang
pampanitikan na nagmula sa Kanlurang Asya. Sa pamamagitan nito alam kong
masasagot mo kung ano at paano naiiba ang elehiya sa iba pang akdang
pampanitikan. Higit mo rin malilinang ang iyong kaalamang panggramatika.
Kaya tara na! Simulan na natin ang iyong pagkatuto!

Gawain 1
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap, lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung may
kaugnayan sa katangian ng elehiya at ekis (🗶) naman kung wala.
_____ 1. Ang elehiya ay maaari ring magsalaysay ng mga taong kasama o
nakakasalamuha.

11
_____ 2. Sa pamamagitan ng elehiya maipararating natin ang ating saloobin.
_____ 3. Sa pagsulat ng elehiya kailangang bumuo tayo ng sukat at tugma.
_____ 4. Ang elehiya ay isang maikling akdang pampanitikan hinggil sa mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isang taong yumao o pumanaw na.
_____ 5. Walang taglay na pahiwatig at simbolo ang nilalaman ng isang elehiya.

Elehiya – Isang tulang liriko na naglalarawan o nagpapakita ng masidhing damdamin tungkol


sa alaala ng isang mahal sa buhay.
May iba’t ibang katangian ang elehiya. Ito ay maaaring tula ng pananangis, pag-aalala
at pagpaparangal sa mahal sa buhay na ang himig ay matimpi, mapagmuni-muni at di-
masintahin.

Elemento ng Elehiya
1. Tema- Ito ang pang kabuoang kaisipan ng elehiya, Kadalasang konkretong kaisipan at
maaaring pagbasihan ang mga karanasan. Hal. Pagmamahal ng magulang sa anak,
Paglingap sa kapatid, Pag alala sa kaibigan.

12
2. Mga Tauhan- Taong kasangkot sa tula o ang taong pinag aalayan o pinatutungkulan
ng elehiya Hal. Ina , Lolo , Kuya, Ate
3. Tagpuan- Lugar o panahon na ginamit bilang konteksto ng tula. Maaaring kaugnay ito
ng mga karanasan at alaala ng yumao at maging ang panahon ng kanyang pagpanaw
Hal. Pamahalaan, Tahanan, Paaralan, Opisina
4. Pahiwatig o Simbolo – Tumutukoy sa mga bagay o pangyayari na nagpapahiwatig ng
ideya o kaisipan kaugnay sa pagpanaw ng tauhan at ng makata sa mga inilahad na
elehiya Hal. Lapis= kaalaman , kawayan= katatagan, Bahaghari= Pag-
asa/pagkakapantay-pantay.
5. Wikang Ginamit- Karaniwang puno ng damdamin ang wikang ginagamit sa pagbuo ng
elehiya.bGumagamit din ito ng paulit-ulit na mga pahayag upang bigyang diin ang
damdaming nais nitong iparating sa mambabasa. Hal. Pormal o Di-Pormal
6. Kaugalian o Tradisyon- Maaaring tumukoy ito sa mga gawi o kilos ng pinag-aalayan
ng tula o mga gawi ng lipunang kanyang ginagalawan. Hal. Pagdiriwang ng kaarawan,
Pagmamano, Pagdarasal ng sabay-sabay.
7. Damdamin – Dito binibigyang pansin ang nararamdaman ng makata sa pagpanaw ng
pinag-aalayan ng tula. Hal. lungkot, galit, panghihinayang

Ang Elehiya sa Kamatayan ni Kuya ay Isang tulang nagtataglay ng temang kalungkutan o


pagdadalamhati kaugnay sa pagpanaw ng kanyang kapatid sa napaka aga at di inaasang
panahon.
Mula sa mga nabanggit na katangian ng elehiya mapapansin na ang mga salitang ginamit ay
naglalaman ng masidhing damdamin.
Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o emosyon
sa paraang papataas ang antas. Madalaas na ginagamit ang mga salitang sinonimo sa pag-iiba-
iba ng mga pahayag.
Pang-uri – ay mga salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao, bagay, hayop,
lunan at pangyayari na tinutukoy ng pangalan o panghalip sa loob ng pangungusap.
Hindi lahat ng mga salitang magkakasing kahulugan ay pareho ang ibig sabihin. Hindi
maaring pagpalitin ang gamit ng mga ito bagamat iisa ang kahulugan, magkakaiba ang tindi ng
gamit nito. Kailangang maging maingat sa pag pili ng salita lalo na at gagamitin ito sa loob ng
pangungusap.
Bigyang pansin ang papataas na antas ng salita sa sumusunod na talahanayan.
4. poot 4.pagmamahal 4. ganid
3. galit 3. pagliyag 3. gahaman
2. asar 2. pagsinta 2. sakim
1. inis 1. paghanga 1. damot

Gawain 2
Panuto: Suriin ang pahayag batay sa sumusunod na elemento ng Elehiya. (Tema,
tagpuan, mga mahihiwatigang kaugalian o tradisyon, wikang ginamit,
pahiwatig o simbolo at damdamin na taglay ng akda.)

1. Mga matang nawalan ng luha TEMA:


ang lakas ay nawala O ano ang
naganap ang buhay ay saglit na

13
nawala
2. Mula sa maraming taon ng MAHIHIWATIGANG KAUGALIAN O TRADISYON
paghihirap sa pag-aaral at
paghahanap ng magpapaaral
3. Ang lahat ay nagluksa, WIKANG GINAMIT
Ang burol ay bumaba
Ang bukid ay dinaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
4. Sa Edad na dalawampu’t isa PAHIWATIG O SIMBOLO
Isinugo ang buhay
Ang kanyang malungkot na
paglalakbay na hindi na alintana
5. Ang masaklap na pangyayari DAMDAMIN
nagwakas na, sa pamamagitan ng
luha naglandas ang hangganan
gaya ng paggunita

Gawain 3
Panuto: Bigyang puna ang tono ng may-akda sa elehiyang nabasa. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.

A. Nagagalit C. Nagdadalamhati
B. Nalulungkot D. Nanghihinayang

_________1. Hindi napapanahon sa edad na dalawampu’t isa isinugo ang buhay.


_________2. Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga maniwala’t dili panghihina
at pagbagsak.
_________3. Wala ng dapat ipagbunyi! Ang masaklap na pangyayari ay nagwakas na.
_________4. Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay dinaaanan ng
unos, malungkot na lumisan ang tag-araw.
_________5. Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita.

Gawain 4
Panuto: Iranggo at lagyan ng bilang 1 hanggang 3 ang mga susumusunod na pang-uri
batay sa sidhi ng damdamin mula sa nilalaman ng tula. Isulat ang bilang sa
patlang.

1.“Sa edad na 2. “Sa kanyang 3. “At kahit 4. “Malungkot 5. “Bilang


dalawampu’t malungkot na pagkaraan ng na lumisan ang paggalang sa
isa, isinugo ang paglalakbay na maraming tag-araw” kanyang
buhay” hindi na pagsubok” kinahinatnan”
matanaw”

14
_____ pinadala _____ makita _____pighati _____ umalis _____ wakas
_____ binigay _____ mahagilap _____suliranin _____ pumaram _____ resulta
_____ kinuha _____ masilip _____ hirap _____ naglaho _____ kinalabasan

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na linya mula sa tula. Tukuyin kung anong uri ng
elemento ng elehiya at piliin ang sagot sa kahon na matatagpuan sa ibaba.

Simbolo Damdamin Tagpuan Tema Tauhan

______1. Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay.


______2. Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga.
______3. Walang katapusang pagdarasal, kasama ang lungkot, luha at pighati.
______4. Si Pema, ang imortal na pangalan.
______5. Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita.

Panuto: Pakinggang ang tulang ELEHIYA SA KAMATAYAN NI KUYA at bigyang puna ang
paraan ng pagbigkas ng tula at Itala ang mga nasuri sa talahanayan.
https://www.youtube.com/watch?v=s5rTFkgWe4Y

Blg 6- 10
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Panuto: Piliin ang angkop na pang-uri na naglalarawan sa wastong sidhi ng damdamin
________________________________________________________________________________
mula sa pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.
________________________________________________________________________________
_____11. Ipinadama ng may-akda ang labis niyang (A. pagdadalamhati B. kalungkutan
________________________________________________________________________________
C.pangungulila D. pagdaramdam) sa yumao
________________________________________________________________________________
_____12. Ang masaklap na pangyayari sa kanilang pamilya ay (A. natapos B. nawala
________________________________________________________________________________
C.naglaho D. nagwakas) na mula noong pumanaw ang kanyang kapatid.
________________
_____13. Dahil sa masaklap na pangyayari, maraming (A. nais B. pangarap
C.layunin D. minimithi) ang hindi na matutupad.
_____14. Dala ng kanilang kahirapan sa buhay maraming taon na nakaranas ng
(A. pagpapagal B. paghihirap C. pighati D. pagsubok) ang kanilang pamilya.
_____15. Malungkot na lumisan ang tag-araw, kasama ang pagmamahal na (A. binigay
B. hinandog C. inialay D. dinulot) ng isang ina sa kanyang anak.

Dulot ng kasalukuyang panahon marami sa atin ang iba-iba ang emosyong dala ng pagpanaw
ng isang taong ating minamahal. Maaari rin tayong magdalamhati para sa ibang taong nawalan
din. Gamit ang iyong nutbok o sagutang papel ikaw ay bubuo ng isang Elehiya. Gamitin ang
rubrik bilang gabay sa pagbuo ng tula.

15
Rubrik sa Pagsulat ng Elehiya
5 4 3 2 1
Pagsunod sa elemento ng elehiya
Wastong gamit ng pang-uri sa pagpapasidhi ng damdamin
Paraan ng pagkakabuo ng
Pagkakaugnay ng mga pangungusap sa loob ng tula

AKLAT
Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9
KULINTANG ni Badayos, Paquito aklat sa Filipino karapatang Ari, 1990 ng NBS
Mula sa Internet
https://www.youtube.com/BbMikayAmante
https://www.panitikan.com.ph/asignaturangPilipino Cahnne
Larawan
https://images.app.goo.gl/3Ha5aDgHY16psosh8
https://images.app.goo.gl/3XnqhgEPE5tSNVwN8

Ihinahda ni:

Mariella P. Balboda
Las Piňas City National Science High School

16
Filipino
9
Ikatlong Markahan – Modyul 3
PAKSA:
Pagsusuri sa Tunggalian (Tao vs.Tao at Tao vs.Sarili)
B.Pagpatutunay na ang mga Pangyayari at/o Transpormasyong
Nagaganap sa Tauhan ay Maaaring Mangyari sa Tunay naBuhay
C.Pagtukoy sa Pinagmulan ng Salita (Etimolohiya)

Sa araling ito, ay matutunan mong magsuri ng mga uri ng tunggalian. Magiging


gabay mo ang mga kuwento at akda na iyong babasahin upang masuri ang mga
tunggalian batay na rin sa paraan ng pakikipag-usap ng mga tauhan sa kuwento. Ang
araling ito ay magtuturo rin ng mga pangyayaring nagaganap sa bawat tauhan ng
kuwento. Maaari itong mangyari sa tunay na buhay. Bukod sa mga pagsusuri sa
tunggalian ay tatalakayin din ang pinagmulan ng salita o tinatawag na etimolohiya.
Halina’t basahin natin at unawain ang mga ito.
Layunin:

A. Nasusuri ang tunggalian (tao vs.tao at tao vs. sarili) sa kuwento batay sa
napakinggang pag-uusap ng mga tauhan (F9PNIlld-e-52)
B. Nakapagpapatunay na ang mga pangyayari at/o transpormasyong nagaganap
sa tauhan ay maaaring mangyari sa tunay na buhay ( F9PB-llld-e-52)
C. Natutukoy ang pinagmulan ng salita (Etimolohiya) ( F9PT-IIId-e-52)

Panuto: Suriin ang mga pahayag kung anong uri ng tunggalian ang sumusunod.
Ilagay ang TS- kung tao laban sa sarili o TT-kung tao laban sa tao.

_______1. Nakikipaghabulan ang lalaki sa kanyang pangarap. - TS


_______2. Sinagot ng babae ang matabil na kapitbahay.

17
_______3. Hindi niya malaman kung paano haharapin ang asawang matagal
nawalay sa kanya.
______4. Nagdadalawang-isip ang babaeng lumapit sa anak upang humingi ng
tulong.

Panuto: Isulat sa tamang hanay ng mga bansang pinagmulan ng mga salitang


hiram na isinalin. (5-8)

Hulyo – Julio Tsaa – Chá


bansa – bangsa lider - leader

Kastila Ingles Chinese Malay

Panuto: Patunayan kung ang sumusunod na mga pahayag ay nangyayari sa tunay na


buhay. Lagyan ng tsek (/) kung nangyayari sa tunay na buhay at ekis (X) kung
hindi.

______9. Pagkakaroon ng pandemyang kumikitil ng buhay.


______10. Paghihirap ng mga tao dahil sa maling desisyon sa pagpili ng
namumuno.

Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan


Aralin
Dalawang Uri ng Tunggalian
Pagtukoy sa Pinagmulan ng Salita
3 (Etimolohiya)

Magandang araw!
Sa pagtatapos ng araling ito,ikaw ay makapagsusuri ng mga uri ng
tunggalian sa kuwentong binasa. Mapatutunayan mo rin na ang mga
transpormasyong nangyayari sa mga tauhan sa kuwento ay maaring
mangyari sa tunay na buhay. Sa aralin ding ito ay matututunan mo ang
pinagmulan ng mga salita (etimolohiya)
Handa ka na ba? Halina at ating simulan.

18
Gawain 1
Panuto: Lagyan ng bilang 1-3 ang mga salita batay sa tindi o sidhi ng kahulugan nito.
Gamitin ang mga salita sa makabuluhang pangungusap.
1. ___ lumbay 2. ___hagulgol 3. __pagkawala
___pighati ___ iyak __pagkaubos
___lungkot ___ hikbi ___pagkasaid
4. ___nawasak 5. ___ nagalak
___nagiba ___ natuwa
___nasira ___nasiyahan

Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan


( Mateo 20:1-16 sa Bagong Tipan)

Ang kaharian ng Langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-


maaga upang humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan. Nang
magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang mga
manggagawa ay pinapupunta niya sa kaniyang ubasan. Lumabas siyang muli nang
mag-ikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayo-tayo lamang sa
palengke. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan,
at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.” At pumunta nga sila. Lumabas na naman
siya nang mag-ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo ng hapon, at sa ganoon
din ang ginawa niya. Nang mag-ikalima na ng hapon, siya’y lumabas muli at nakakita
pa ng ibang wala ring ginagawa.”

Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang katiwala, “


Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang
sa unang nagtrabaho.” Ang mga nagsimula nang mag-ikalima ng hapon ay
tumanggap ng tig-iisang salaping pilak. Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang
tatanggap sila nang mahigit doon; ngunit ang bawat isa’y binayaran din ng tig-iisang
salaping pilak. Nagreklamo ang mga unang dumating na manggagawa.
Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, “ Kaibigan, hindi kita dinadaya.
Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang s aiyo at umalis
ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko s
aiyo?
“ Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo ba’y
naiinggit dahil ako’y nagmagandang-loob sa iba?”

19
Tunggaliang Tao vs. Sarili
Ang tao vs sarili o tao laban sa sarili ay uri ng panloob na tunggalian dahil nangyayari
ito sa loob ng katauhan natin. Halimbawa nito ang suliraning may kinalaman sa
moralidad at paniniwala.

Karaniwang suliranin ng tauhan kung ano ang pipiliing aksyon o kilos, kung tama ba o
mali, kung ito ba ay mabuti o masama.
Maaari rin naman itong tumukoy sa pagsupil ng sariling damdamin. Halimbawa nito ay
ang paggawa ng isang aktibidad na maaaring magdulot sa kaniya ng kaligayahan
ngunit maaari ring magpahamak sa kaniya kaya nagtutunggali ang kaniyang mga
pagpipilian. Ang tauhan lamang ang makalulutas sa hinaharap niyang suliranin.

Mga Transpormasyong Nagaganap sa Tauhan


1.Pisikal- pagbabagong anyo o kalagayan ng isang tao.
2.Emosyonal- pagbabago ng emosyon ng isang tauhan.
3.Intelektwal- pagbabago ng pag-iisip o paniniwala ng isang tauhan.

Ang etimolohiya (pinagmulan ng salita) ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at kung
paano nag-iba ang kanilang anyo at kahulugan sa paglipas ng panahon.
Ang apat na uri ng pinagmulan ng Salita
Onomatopeia- paghihimig, gumagamit ng kaugnay na tunog o himig ng mga salita
upang ipahiwatig ang kahulugan.
Halimbawa: Splash – paghampas ng tubig sa isang bagay
Morpolohikal- pagkakaiba sa anyo at ispeling ng salita at hind isa taglay na
kahulugan.
Halimbawa: oras- panahon
Hiram na Salita- pamghihiram ng salita sa dayuhang salita.
Halimbawa: hikaw- hikao
Pagsasama ng Salita- pagsasama ng dalawa o higit pang salita , nakabubuo ng
bagong salita na may tiyak na kahulugan
Halimbawa: Taga- o- nakatira sa, ilog- nakatira sa ilog

Gawain 2
Panuto: Mula sa binasang teksto na “Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan”. Suriin
at tukuyin ang uri ng tunggalian sa mga pahayag sa ibaba.

20
1. ”Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming
nagtrabaho at nagtiis sa nakakapasong init ng araw, bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang
aming upa?”
Tunggalian: ____________________________________

2. “Kahit na anong gawin namin ay walang nagbibigay ng trabaho sa amin kaya ano ang
gagawin namin?”
Tunggalian: ___________________________________

3. Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak lang
ibabayad ko sa inyo?”
Tunggalian: __________________________________

4.” Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli
nang tulad ng ibinayad ko sa iyo?”
Tunggalian: _________________________________

5.Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y nagmagandang-loob sa iba?


Tunggalian: _________________________________

Gawain 3
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang maaaring
mangyari sa tunay na buhay sa mga tauhan at isulat kung anong
transpormasyon sa tauhan ang nangyari sa kanila kung Pisikal,
Emosyonal at intelektwal na transpormasyon.
1. Karamihan sa mga tao sa labas ay walang ginagawa. Kaya nagpasya
ang may-ari ng ubasan na sila ay kunin upang mayroon silang kita sa buong araw na
ipakakain sa kanilang pamilya.
Transpormasyon: ________________________________________________
Maaring Mangyari sa Tauhan sa tunay na Buhay:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Nakaramdam ng pagkainggit at galit ang mga unang manggagawa na nagtrabaho sa


ubasan sa mga huling manggawa na dumating dahil nakakuha rin sila ng isang
salaping pilak.
Transpormasyon: ________________________________________________
Maaring Mangyari sa Tauhan sa tunay na Buhay:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

21
3. Naniniwala ang may-ari ng ubasan na tama ang kanyang desisyon sa pagbibigay ng
pantay na bayad sa lahat ng mga manggagawa. Kaya matibay ang kanyang
paninindigan na tama ang kanyang pasya.

Transpormasyon: ________________________________________________
Maaring Mangyari sa Tauhan sa tunay na Buhay:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Gawain 4
Panuto: Tukuyin ang uri ng pinagmulan ng salita. Piliin sa kahon at isulat sa
patlang ang titik ng tamang sagot.
Onomatopoeia B. Morpolohikal
Hiram na Salita D. Pagsasama-sama ng mga salita

_________1. pilak- perak

_________2. oras- panahon

_________3. inakala- inaakala

_________4. upa- bayad

_________5. pag-uugali- attitude

Panuto: Isulat ng salitang TAO kapag ang pahayag ay nagsasaad ng tunggaliang tao laban
sa tao at isulat ang SARILI kapag ang pahayag ay nagsasaad ng tunggaliang tao
laban sa sarili.

_________1. Wala akong mahanap na trabaho kahit na anong gawin kong pagpupursugi sa
buhay kaya nakakaisip na akong gumawa ng masama.
_________2. Ang may-ari ng ubasan ay nagpasiya na magbigay ng pantay na bayad para
sa mga gumawa mula umaga hanggang hapon.

22
_________3. Nagreklamo ang lalaki kung bakit isang pilak lamang ang ibinigay sa kaniya
gayong maghapon siyang nagtrabaho sa initan.
_________4. Nakaramdam ng inggit ang mga nagtrabaho mula umaga hanggang hapon sa
mga nagtrabaho lamang ng isang oras.
Panuto: Lagyan ng P kung ito ay transpormasyong pisikal, E kung ito ay transpormasyong
emosyonal at I kung ito ay transpormasyong intelektwal.

_________1. Naawa ang may-ari ng ubasan sa mga nakatambay at walang ginagawa.


_________2. Nakaramdam ng inggit ang mga manggawang nagtrabaho ng umaga sa mga
manggagawang nagtrabho lamang ng ilang oras.
_________3. Mabilis na nagalit ang mga manggagawang nagtrabaho ng ilang oras dahil sa
desisyon ng may-ari ng ubasan.
_________4. Tinanggap ng mga manggagawa ang desisyon ng may-ari ng ubasan.
Panuto: Isulat sa tamang hanay ng mga bansang pinagmulan ang mga salitang hiram na
isinalin.

Bisita- visita ubasan- ladang anggur

Ingles Kastila Chinese Malay

Panuto: Magsaliksik. Kopyahin sa sagutang papel ang talahanayan at punan ng


tamang sagot.

Salita Pinanggalingan ng Pinagmulan ng Kahulugan


Wika Salita
1. Oras
2.Dyipni
3.Ekonomiya
4.Bansa
5.Pasko

23
AKLAT
o Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc, 2014.
o Aklat: Layag: Wika at panitikan

LARAWAN
o www.pandayan.com.ph
o https//: wordpress.com
o https//:www.google.com
o https//:www.slideshare.net
o www.google.com
o https://tl.wikipedia.org/wiki/Etimolohiya

Inihanda ni:

MARIA PATRICIA A. BATARIO


LPNHS-ALMANZA

24
9
Filipino
9
Ikatlong Markahan – Modyul 4
PAKSA:
A. Pag-uugnay sa Kasalukuyan ng mga Tunggaliang Tao vs. Tao at Tao vs. Sarili
B. Pagsulat muli ng Maikling Kwento Nang May Pagbabago sa Ilang
Pangyayari at Mga Katangian ng Sinuman
C. Paggamit ng Angkop na Pang-ugnay na Hudyat ng Pagsusunod-sunod ng mg
Pangyayari

pagbibigay-opinyon (sa tingin / akala / pahayag / ko, iba


pa)
Ang modyul na ito ay naglalaman ng maikling kwento na tiyak magbibigay inspirasyon at
mahahalagang aral na maiuugnay mo sa tunay na mga pangyayari sa buhay.
Sa araling ito, mararanasan mong sumulat ng maikling kuwento nang may pagbabago sa ilang
pangyayari at mga katangian ng sinuman sa mga tauhan.

Bahagi rin ng aralin ang isa sa kasanayang dapat matutunan ang pagtukoy at paggamit sa
mga salitang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang akda. Sa
pamamagitan nito, higit na magiging malinaw ang pag-unawa sa binasang akda.

Layunin:
A. Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga tunggaliang ( Tao vs. Tao at Tao vs. Sarili)
sa napanood na programang pantelebisyon (F9PD- IIId-e-51)
B. Naisusulat muli ang maikling kuwento nang may pagbabago sa ilang pangyayari
at mga katangian ng mga tauhan; ang sariling wakas sa naunang
alamat na binasa (F9PU-IIId-e-54)
C. Nagagamit ang angkop na pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari sa lilikhaing kuwento (F9WG-IIId-e-54)

25
Panuto: Iugnay sa kasalukuyan ang programang pantelibisyong napanood batay sa
tunggaliang tao vs tao at tao vs sarili (4 na puntos)

Programang Pantelebisyon Halimbawa ng Tunggaliang Halimbawa ng Tunggaliang


Napanood Tao vs Sarili Tao vs Tao

Tauhan
Pangyayari

Panuto: Batay sa “Alamat ng Pinya”, sumulat ng buod kung saan babaguhin ang karakter ng
tauhan at wakas ng akda tungo sa pagbabago. (3 puntos)

Rubriks
Nilalaman at kulturang ginamit 3 puntos
Wastong Gramatika 2 puntos

Kabuuan 5 puntos

Panuto: Batay sa alamat na binasa, isalaysay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari


mula simula hanggang wakas. Gumamit ng angkop na pang-ugnay. (3 puntos)

Rubriks
Nilalaman at kulturang ginamit 2 puntos
Wastong gamit ng mga pang-ugnay sa 1 puntos
pagsusunod-sunod ng pangyayari

Kabuuan 3 puntos

26
Aralin
Parabula ng Banga

4
Mapagpalang Araw!
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay mabibigyan ng inspirasyon at mahahalagang
aral na maiuugnay mo sa tunay na mga pangyayari sa buhay. Mai-uugnay mo sa
kasalukuyan ang mga tungggaliang (tao vs.tao at tao vs. sarili) sa mga napapanood sa
mga Programang Pantelebisyon.

Tara na’t alamin natin ang kaalaman sa modyul na ito. Handa ka na ba? Halina at
ating simulan.

Panuto: Dugtungan ang pahayag.

Matapos kong Mabasa ang parabulang “May-ari ng Ubasan”, nalaman kong…..

Basahin at isa-isahin ang mga pangyayaring inilahad sa binasang akda na maaari mong
iugnay sa sarili mong karanasan.

27
Parabula ng Banga

“Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,” ang tagubilin ng Inang Banga sa kaniyang
anak. “ Tandaan mo ito sa buong buhay mo.”
“Bakit madalas mong inuulit ang mga salitang ito, Ina?” ang tanong ng anak na banga na may pagtataka.
“Sapagkat ayokong kalimutan mo ito. At ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga
kauring banga.” Kaya’t sa buong panahon ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa kanyang isipan na siya ay
isang banga na gawa sa lupa. Hanggang sa makakita siya ng ibang uri ng banga. Nakita niya ang eleganteng
bangang porselana, ang isang makintab na bangang metal, at maging ang iba pang babasaging banga.
Tinanggap niya na sila ay magkakaiba. Ngunit hindi niya lubos na maunawaan kung bakit hindi siya maaaring
makisalamuha sa ibang banga. Marahil, gawa sila mula sa iba’t ibang materyal at iba-iba rin ang kanilang kulay.
May puti, may itim, may kulaytsokolate at may dilaw. Sila ay may kaniya-kaniyang kahalagahan. Hinulma sila
nang pantay-pantay. Lahat sila ay ginawa upang maging sisidlan o dekorasyon.
Isang araw, isang napakakisig na porselanang banga ang nag-imbita sa kaniya na maligo sa lawa. Noong una,
siya’y tumanggi. Nang lumaon, nanaig sa kanya ang paniniwalang ang lahat ng banga ay pantay-pantay.
Naakit siya sa makisig na porselanang banga. Napapalamutian ito ng magagandang disenyo at matitingkad ang
kulay ng pintura. May palamuting gintong dahon ang gilid nito. Kakaiba ang kaniyang hugis at mukhang
kagalang-galang sa kaniyang tindig.
“Bakit wala namang masama sa paliligo sa lawa kasama ng ibang uri ng banga. Wala naman kaming gagawing
hindi tama,” bulong niya sa sarili. At sumunod siya sa porselanang banga at sinabing,”
Oo, maliligo ako sa lawa kasama mo. Ngunit saglit lamang, nais ko lang na mapreskuhan.”
‘’Tayo na,” sigaw ng porselanang banga na tuwang-tuwa”.
Sabay silang lumundag sa lawa at nasarapan sa malamig na tubig. Nakadama sila ng kaginhawahan sa mainit
na panahon nang araw na iyon.
Nang sila’y lumundag sa tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang porselanang banga ay tinangay papalapit sa
kaniya. Kahit hindi nila gusto, bigla silang nagbanggaan nang malakas. Isang malaking alon ang humampas
mula sa gilid ng lawa. Lumikha ito ng napakalakas na tunog.
Ang porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang nangyari. Ngunit ang bangang gawa sa lupa ay
nagkalamat dahil sa malakas na banggaan nila.

Isa sa kasanayang dapat matutuhan sa modyul na ito ay ang pagtukoy at paggamit sa mga salitang
naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang akda. Sa pamamagitan nito,
higit na magiging malinaw ang pag-unawa sa binasang akda.
Hinahati ang bawat bahagi ng kwento sa mahahalagang pangyayari: sa simula, sa gitna, at sa wakas.
Ito rin ay isang paraan ng pagbubuod ng isang kwento kung saan mahalaga ang kasanayan sa
pagkuha ng mga esensiyal o pangunahing kaisipan ng bawat talata o pangungusap sa kwento. Lubos
na nakakatulong ito upang makuha rin ang mga detalye at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
May mga panandang ginagamit na naghuhudyat ng pag-uugnayan sa iba’t ibang bahagi ng
pagpapahayag.
Sa Filipino, ang mga panandang ito ay kadalasang kinakatawan ng mga Pang-ugnay. Ipinakikilala
nito ang mga pag-uugnayang namamagitan sa mga pangungusap o bahagi ng teksto.

May mga tungkuling ginagampanan ang mga pang-ugnay:


a. sa pagsisimula – una, sa umpisa, noon una, unang-una
b. sa gitna - ikalawa, ikatlo, sumunod, pagkatapos
c. sa wakas – sa dakong huli, sa huli, wakas

Narito ang iba pang pang-ugnay na ginagamit sa pagsalaysay ng magkakasunod na pangyayari.


isa pa bukod dito samantala Hanggang di-naglaon
kung gayon kasunod kaugnay nito sa isang banda sa wakas
kung susuriin Pagkalipas dagdag pa rito nauna na Pagkaraan
28
Panuto: Unawain ang mga pahayag mula sa akda. Iugnay ito sa mga uri ng tunggalian (tao vs.
tao at tao vs. sarili), iugnay ito sa mga pangyayaring napapanood sa teleserye at
kasalukuyan.

Halaw mula sa akda Uri ng Tunggalian Pangyayari Pangyayari sa


sa Teleserye Kasalukuyan

1. Ang batang banga ay sumama tao vs. sarili


sa porselanang banga nang
di nagpapaalam sa kanyang ina.

2. Sumama ang batang banga sa mga tao vs. tao


kalarong batang banga na maligo sa
ilog

Panuto: Isulat muli ang maikling kuwento na “Parabula ng Banga” na nagpapakita ng


pagbabago sa mga mga pangyayari sa kuwento at mga tauhan.

Rubrik sa Pagsulat ng Maikling Kuwento


5 4 3 2 1
Malinaw na nailahad ang mga pagbabago sa mga
tauhan.
May maayos na pagkakasunod-sunod ng
pangyayari
Kalinawan sa mga mahahalagang pagbabago na
pangyayari sa kuwento.
Pagkakaugnay ng mga pangungusap.
Kabuuang puntos
5-napakahusay 2- di mahusay
4-mahusay 3- Katamtaman 1-nangangailangan pa ng pag-unlad

29
PANUTO: Suriin muli ang maikling kuwento ng “Parabula ng Banga”. Ibuod muli ito at
gumamit ng mga pang-ugnay na ginagamit sa pagsalaysay ng magkakasunod
na pangyayari.

● Rubrik sa Pagsulat ng Maikling Kuwento


5 4 3 2 1

Nilalaman at kulturang ginamit


Wastong gamit ng mga pang-ugnay sa pagsusunod-
sunod ng pangyayari
Wastong Gramatika
Kabuuang puntos
5-napakahusay 2- di mahusay
4-mahusay 3- Katamtaman 1-nangangailangan pa ng pag-unlad

Panuto: Iugnay sa kasalukuyang programang pantelebisyong napanood at suriin at tukuyin


ang mga pangyayaring nagpapakita ng tunggaliang tao vs tao at tao vs sarili (4 na
puntos)

Programang Halimbawa ng Tunggaliang Halimbawa ng Tunggaliang


Pantelebisyon Napanood Tao vs Sarili Tao vs Tao

Tauhan
Pangyayari

Panuto: Batay sa “Parabula ng Banga”, sumulat ng buod kung saan babaguhin ang karakter
ng tauhan at wakas ng akda tungo sa pagbabago. (3 puntos)

30
Rubriks
Nilalaman at kulturang ginamit 3 puntos
Wastong Gramatika 2 puntos

Kabuuan 5 puntos

Panuto: Batay sa maikling kuwentong binasa, isalaysay ang pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari mula simula hanggang wakas. Gumamit ng angkop na pang-ugnay. (3
puntos)

Rubriks
Nilalaman at kulturang ginamit 2 puntos
Wastong gamit ng mga pang-ugnay sa 1 puntos
pagsusunod-sunod ng pangyayari

Kabuuan 3 puntos

Panuto. Magsalaysay ng karanasang naranasan mo noong ikaw ay nasa ikawalong baitang


na nagpapakita ng iwan sa iyo ng isang magandang aral sa buhay. Mga
pangayayaring may kaugnayan sa pandemya. Gumamit ng angkop na mga pang-
ugnay na naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Gawin ito sa
isang papel.

Rubrik sa Pagsulat ng Karanasan


5 4 3 2 1
Pagsunod sa paksang hinihingi
Wastong gamit ng salita, bantas at iba pa
Paraan ng pagkakabuo ng salita, pangungusap.
Pagkakaugnay ng mga pangungusap.
Kabuuang puntos
5-napakahusay 2- di mahusay
4-mahusay 3- Katamtaman 1-nangangailangan pa ng pag-unlad

31
AKLAT
● Panitikang Asyano (Modyul sa Filipino 9)
● Modyul sa Filipino 9 Ikatlong Markahan
● https://www.scribd.com/document/503138952/Ikatlong-Markahan-FIL-9-
MODULE-4Tao vs sarili? | Panitikan.com.ph
● https://www.academia.edu/8412775/Filipino_Learner_s_Module_Grade_9

Inihanda ni:
Purisa S. Costinar
LPNHS ALMANZA

32

You might also like