Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
Filipino 10
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Si Basilio: Buhay, Pangarap at
Mithiin, Paniniwala at Saloobin
MELC: Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa
pamamagitan ng: pagtunton sa mga pangyayari; pagtukoy sa mga
tunggaliang naganap; pagtiyak sa tagpuan; at pagtukoy sa wakas
(F10PB-IVb-c-87)
Nabibigyang-kahulugan ang matatalingha-gang pahayag na
ginamit sa binasang kabanata ng nobela sa pamamagitan ng
pagbibigay ng halimbawa (F10PT-IVb-c-83)
Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video
clip ang pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda (F10PD-
IVb-c-82)
Naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng
binasang akda batay sa: pagkamakatotohanan ng mga pangyayari;
at tunggalian sa bawat katangian ng mga tauhan (F10PS-IVb-c-
86)
Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata (F10PU-IVb-c-86)
Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat
(baybay, bantas, at iba pa), gayundin ang wastong pag-uugnay ng
mga pangungusap/ talata (F10PU-IVb-c-86)
Inihanda ni:
MARCIANA B. VALENCIA
Guro III
Pagsanahan National High School
Filipino – Ikasampung Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Si Basilio: Buhay, Pangarap at Mithiin,
Paniniwala at Saloobin
Unang Edisyon, 2020
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Si Basilio: Buhay, Pangarap at
Mithiin, Paniniwala at Saloobin
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
1
Subukin
2
Aralin Si Basilio: Buhay, Pangarap
2 at Mithiin, Paniniwala at
Saloobin
Sa araling ito makikilala natin si Basilio bilang isa sa mga tauhan ng El
Filibusterismo at iba pang tauhang may kaugnay sa kaniya. Dito natin malalaman
ang mga mapapait niyang dinaranas bago nagtagumpay. At kung ano ano ang mga
pinahahalagahan niya sa buhay.
Balikan
Kabanata 6: Si Basilio
Nang tumutunog ang mga batingaw ng Noche Buena si Basilio ay palihim na
nagtungo sa gubat. Paliit ang buwan. Kaya’t paaninaw na tinungo ni Basilio ang
libing ng kanyang ina. Ipinagdasal ang kaluluwa ng ina at gunita ng nakaraang may
13 taon…
Namatay ang kanyang ina sa gitna ng malabis na pagdadalamhati at
karalitaan. Sugatan at pipilay-pilay siyang nakarating doon sa pagsunod sa
kanyang nabaliw na ina. Isang di-kilalang lalaki ang nakatagpo sa kanya at nag-utos
na gumawa siya ng siga. Natagpuan niya ang isang lalaki sa tabi ng bangkay ng
nauna. Ang di-kilalang tao ay tumulong sa kanyang sumunog ng bangkay ng lalaki
at maglibing sa kanyang ina. Pagkatapos ay binigyan siya ng pera at siya’y pinaalis.
Umalis siya sa gubat. Lumuwas ng Maynila. Maysakit at gulanit ang damit.
Ninais nang pasagasa sa mga karuwahe dahil sa hirap at gutom. Natagpuan niya
sina Kapitan Tiyago na katatapos dalhin sa beateryo si Maria Clara. Kinuha siyang
katulong o utusan kapalit ng kanyang pag-aaral sa San Juan de Letran.
Unang taon: wala siyang nabibigkas kundi ang pangalan niya at ang salitang
adsum o narito po. Minaliit siya dahil sa luma at gulanit na suot.
Gayunman, ay lagi siyang nagsasaulo ng leksiyon. At nang matuos niyang sa
tatlo o apat na paraan sa kanyang klase ay may 40 lamang ang nagtatanong di na
sumama ang loob niya. Nang magsulit, natugon niya ang tanong sa kanya at ang
marka niya para sa unang taon ay aprovado. Ang siyam niyang kasamahan sa
pagsusulit ay nangag-ulit na lahat.
3
Ikatlong taon. Naisipan ng profesor na Dominiko ang pagtanong kay Basilio
na akala niya’y tanga upang magpatawa sa klase. Natugon ni Basilio ang tanong.
Parang loro siya sa pagsagot. Noo’y di na tinanong si Basilio. Bakit pa tatanungin
ito’y di naman nakapagpapatawa sa klase? Nawalan ng sigla sa pag-aaral si Basilio.
Nguni’t isang professor niya ang nasiyahang tumanggap ng hamon ng mga kadete
sa isang pasyalan at nagyakag ng mga estudyante niya na inilaban niya sa mga
kadete sable laban sa baston. Namayani si Basilio sa labanan. Nakilala ng
professor. Nang magtapos: sobresaliente at may mga medalya pa.
Muhi si Kapitan Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara.
Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Sa paaralan ng mga Heswita ay natagpuan
niya ang sistema ng pagtuturo na hindi niya akalaing kanyang matatagpuan. Isang
bagong daigdig ang sumilang sa kanyang paningin. Maliban sa ilang bagay na hindi
makabuluhan, hinangaan ni Basilio ang pagtuturo roon at ang pagiging masigasig
ng mga propesor ay labis niyang pinasalamatan. Nangilid ang luha sa kanyang mga
mata nang maalala ang apat na taong sinayang niya dahil walang maitustos sa sarili.
Kinailangang pag-ibayuhin niya ang pagsisikap upang makaabot siya sa mga mag-
aaral na may magandang simula at sa isang taong iyon ay nasabi niya sa sarili na
natutuhan niya ang buong limang taong kurso sa kursong Bachiller en Artes.
Dahil sa kanyang hilig ay pinili niya ang medisina samantalang ang nais ni
Kapitan Tiagong kunin niya ay abogasya. Sa huli ay napahinuhod din si Kapitan
Tiago. Matagumpay na nag-aral ng medisina si Basilio. Nang nasa ikatlong taon siya
ay nagsimula nang makapanggamot, bagay na maituturing na paghahanda para sa
isang magandang kinabukasan at isang paraan para kumita siya ng pera at makabili
ng mainam na kasuotan at makapagtabi nang kaunti.
Ito ang huli niyang taon sa kanyang kurso at sa loob ng dalawang buwan ay
ganap na doktor na siya. Magbabalik siya sa sariling bayan upang magpakasal kay
Juli at mamuhay nang maligaya.
_____ Inaglahi si Basilio ang mga taong kanyang nakasalamula sa paaralan dahil sa
aba niyang kalagayan at kakaiba niyang bihis at anyo.
_____ Naging aliping walang bayad ni Kapitan Tiago si Basilio kapalit ng libreng
pagpapaaral nito sa kanya
_____ Inilipat siya ni Kapitan Tiago sa Ateneo kung saan siya naging matagumpay
sa kanyang pag-aaral
4
Gawain 3: Talaan ng Buhay ni Basilio
Panuto: Gamit ang ladder organizer, punan ang hinihingi nito upang matukoy ang
papel na ginampanan ni Basilio sa binasang kabanata at mahulaan mo sa huli ang
magiging kahinatnan ng kanyang buhay.
1. _________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________
wakas
3. _________________________________________________________________
4. _________________________________________________________________
5. _________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________
3. _______________________________________________________________________
4. _______________________________________________________________________
5. _______________________________________________________________________
Ano ano ang mga naging karanasan ni Basilio nang musmos pa?
1. _____________________________________________________________________________
simula
2. _____________________________________________________________________________
a
3. _____________________________________________________________________________
4. _____________________________________________________________________________
5. _____________________________________________________________________________
5
Tuklasin
Kabanata 7: Si Simoun
Pauwi na sana si Basilio nang may marinig siyang mga yabag at liwanag na
palapit. Nangubli siya sa puno ng Baliti. Sa kabila ng puno tumigil ang dumating.
Nakilala ito ni Basilio - ang mag-aalahas nang mag-alis ito ng salamin. Nagsimulang
maghukay si Simoun sa tulong ng isang asarol. Naalaala ni Basilio. Ito ang taong
tumulong sa paglilibing sa kanyang ina at sa pagsunog sa isa pang lalaking doon
namatay. Nag-isip si Basilio. Sino sa dalawang lalaking ito ang namatay o ang buhay
na nagbubuhay Simoun - ang si Ibarra?
Nagpakita na kay Simoun si Basilio at naghandog ng pagtulong bilang ganti
sa tulong na ipanagkaloob nito may 13 taon na ang nakalilipas. Tinutukan ni
Simoun ng baril si Basilio. “Sino ako sa palagay mo?” tanong ng mag-aalahas.
Tugon ni Basilio: “Kayo po’y isang taong mahal sa akin, kayo’y ipinalalagay ng lahat,
matangi sa akin, na patay na at ang tinamong kasawian sa buhay ay labis kong
ipinagdaramdam”. Lumapit si Simoun sa binata. Aniya: “Basilio, nabatid mo ang
isang lihim na maaring maging dahilan ng aking kasawian, at ngayo’y natuklasan
mo pa ang isa na kung mabubunyag ay ikasisira ng aking mga balak”. At sinabi ni
Simoun na dapat ay patayin na niya si Basilio upang iligtas ang kanyang layunin.
“Gayunman, hindi ko marahil pagsisihan na ika’y di ko patayin. Gaya ko rin ay
mayroon kang pautang na dapat singilin sa lipunan. Ikaw at ako ay uhaw sa
katarungan. Dapat tayong magtulungan.”
Sinuwatan niya sina Basilio at mga kasamahan na nagbabalak magtayo ng
paaralan ng Wikang Kastila at humihinging gawing lalawigan ng Espanya ang
Pilipinas at bigyan ng pantay na karapatan ang mga Kastila at Pilipino. “Ay! Ang mga
kabataan ay salat sa karanasan at mapangarapin; laging sumusunod sa lipad ng
paruparo at halimuyak ng bulakalak. Nagbubuklod kayo sa pag-aakalang mapag-
iisa ninyo ang Pilipinas at Espanya sa kuwintas ng rosas, ngunit ang katotohanan
ay kinakadenahan kayo ng matigas pa sa bakal.” bulalas niya. Ang Kastila
kailanman ay di magiging wikang pangkalahatan sa bayang ito; sapagka’t sa mga
kulubot ng kanyang isip at sa pintig ng kanyang puso ay wala ang mga akmang
pananalita sa wikang iyan.” Iilan lamang daw ang nakapagsasalita ng Kastila. At
ang iilang ito ay mawawalan ng sariling kakayahan, magpapailalim sa ibang utak,
paaalipin.
Inihimutok rin ni Simoun na ang kilusan ng kabataan sa pagpapaturo ng
Kastila ay ipinagdurusa ng kanyang loob. Naniniwala siyang matapat sa kabataang
ito ang paniniwala na sa kapakanan ng bayan ang kanilang ginagawa. Ninais niyang
6
kausapin sina Isagani at Macaraig. Nguni’t baka di siya pakinggan ng mga ito.
Naisip rin niyang pagpapatayin ang mga ito.
Nagpatuloy si Simoun ukol sa kilusang ibinunsod ng kabataan. “Bukod sa
isang pag-aaksaya ng panahon ay nilinlang ninyo ang bayan sa pag-asa sa wala at
tinutulungan ninyong magyuko ng ulo sa mga mapangamkam. Ayaw ituro sa inyo
ang kanilang wika, paunlarin ang isang katutubong wikain nang mawala ang
pagtatangi-tangi at magkaroon ng mga layuning pambansa. Huwag hayaang
magpalagay ang Kastila na sila ang panginoon dito at sila’y bahagi ng bayang ito
kundi manlulupig at dayuhan. Sa gayo’y matatamo ninyo ang paglaya. Iyan ang
dahilan at binayaan ko kayong mabuhay!”
Ani Basilio, pinili niya ang siyensiya para makapaglingkod sa bayan. Nauwi
sa kadakilaan ng karunungan ang pag-uusap. Ang karunungan ay
panghabangpanahon, makatao at pandaigdig. Napailing si Simoun. Upang
makaabot daw sa kalagayang sinabi ni Basilio ang daigdig kailangan munang
lumaya ang mga tao at ito ay nangangailangan namang pagpapadanak ng dugo
upang ang mga sinisikil ay makalaya sa mapaniil. Ang kadakilaan ng tao ay di
magagawa sa pagpapauna sa kanyang panahon kundi nasa pagtugon sa kanyang
pangangailangan at hangarin sa pag-unlad.
Sinabi ni Simoun na walang ginagawa si Basilio kundi tangisan ang bangkay
ng ina na parang babae. Paano ako makapaghihiganti? tanong ni Basilio. Ako’y
dudurugin lamang nila. Sinabi ni Simoun na tutulungan siya. Hindi na raw
bubuhayin ng paghihiganti ang ina o kapatid niya, tugon ni Basilio.
“Makatulong ka sa iba nang di magdanas ng gayon ding kasawian”., tugon ni
Basilio. Ang pagpapaumanhin ay di laging kabaitan, ito’y kasalanan kung
nagbibigay-daan sa pang-aapi. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin. At
ipinaalaala ni Simoun na sa pag-aaral ni Basilio ay maaaring danasin nito ang
dinanas ni Ibarra. Nagtaka si Basilio. Siya na raw ang inapi ay siya pa ang
kamumuhian. Likas sa tao ang mamuhi sa kanyang inaapi, ani Simoun. Nguni’t di
ko sila pinakikialaman; pabayaan nila akong makagawa at mabuhay. Tugon ni
Basilio na sinundan ni Simoun ng:
“Namamana ng mga anak ang paraan ng pag-iisip, mabuti man o masama.
Magkatotoo sana ang iyong kaisipan ukol sa masayang buhay, mabuhay nawa ang
panaginip ng alipin na humingi lamang ng basahan para maipambalot sa kadena
niya para hindi makalikha ng ingay o masaktan ang balat. Kayo ay walang hangad
kundi isang munting tahanan, kaunting kaginhawahan, isang asawa; isang dakot
na bigas; at iyan ang mithiin ng marami sa Pilipinas, at kung iyan ay ibigay sa inyo,
ituturing ninyong kayo’y mapalad na.”
Magmamadaling araw na. Matapos sabihing di niya pinagbabawalan si
Basilio sa pagbubunyag ng kanyang lihim ay sinabing kung may kailangan si Basilio
ay magsadya lamang ito sa kanyang tanggapan sa Escolta. Nagpasalamat si Basilio.
Naiwan si Simoun na nag-iisip: Di kaya niya napaniwala si Basilio sa paghihiganti o
may balak itong maghiganti nguni’t naglilihim lamang at nais sarilinin iyon o
sadyang wala nang hangad maghiganti. Lalong nagtumining sa loob ni Simoun ang
matinding nasa na makapaghiganti.
7
Gawain 4: Magkasingkahulugan o Magkasalungat
Panuto: Tukuyin kung ang dalawang salitang ay magkasingkahulugan (MS) o
magkasalungat (MK).
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
8
4. “Gaya ko rin ay mayroon kang pautang na dapat singilin sa lipunan”
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Suriin
9
Malubha, ani Basilio. Malala na raw ang kalat ng lason sa katawan. Tulad daw ng
Pilipinas, ani Simoun.
Hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan laban sa
pamahalaang Kastila dahil ang hindi kakampi sa kanila ay ituturing na kaaway na
dapat patayin. Inatasan ni Simoun si Basilio na itakas si Maria Clara mula sa
kumbento ni Sta. Clara habang nagkakagulo ang buong lungsod.
Sinabi ni Basilio na huli na, dahil sa nagpakamatay na si Maria Clara. Naroon
siya sa kumbento upang makibalita kaya niya nabatid. Nang bumalik siya ay nakita
niya ang liham na padala ni Padre Salvi kay Padre Irene na siyang nagpabasa niyon
kay Kapitan Tiyago na nagpanangis nang mabatid na patay na si Maria Clara.
Litong-lito na patakbong nanaog ng bahay si Simoun. Nawala sa pag-aaral
ang isip ni Basilio. Ang naglaro sa isip ay ang kahabag-habag na buhay nina Ibarra
at Maria Clara.
10
Gawain 7: Ilahad ang iyong Nalalaman!
Panuto: Sumulat ng talata tungkol sa masamang dulot ng droga at ang tungkulin
ng kabataang tulad mo sa pagsugpo sa paglaganap nito.
(Pamagat)
______________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
______________________________________________________________.
Pagyamanin
11
si Simoun. Wala raw kinalaman dahil nahihiga ang mag-aalahas dahil sa sinugatan
ng kung sino. Dito’y may ibang mga kamay na nakapangingilabot, anang
katedratiko.
Itinanong ni Basilio kung may kasangkot na tulisan. Wala raw. Panay raw
mga estudyante. Nagkatagpo raw sa unibersidad ng mga paskil o mga paskin
(posters) na mapanghimagsik.
May nasalubong silang isa pang katedratiko na kakilala ni Basilio. Ang una:
Nangangamoy na si Kapitan Tiyago. Nilalapitan na siya ng mga uwak at buwitre.
Nagpatuloy si Basilio sa paglalakad. Mga karagdagang balita. Marami raw
estudyante ang papupugutan ng ulo, ipabibilanggo, ibabagsak sa pag-aaral.
Nagunita ni Basilio ang sinabi ni Simoun. Sa oras na kayo’y itiwalag nila di
kayo makatatapos sa inyong karera. Pinaghinalaan ni Basilio na may kinalaman si
Simoun sa mga paskil.
Nakita niya si Sandoval. Tinawag ito. Naging bingi ito sa tawag niya.
Tuwang-tuwa si Tadeo. Wala na raw klase. Ibibilanggo raw lahat ang kasama
sa kapisanan ng mga estudyante. Tuwang-tuwa pa rin ito dahil walang klase.
Si Pelaez naman ay parang baliw na paulit-ulit ang pagsasabi: Wala-wala
akong kinalaman, wala akong kinalaman; ikaw ang saksi ko Basilio, na sinabi kong
isang quijoterias ang lahat.
12
Isaisip
13
Kamahalan-di mabuting pagsasamahan at pagkakaunawaan na pinalala ng mga di
kanais-nais na bulong-bulungan.
Napaghulo ng mataas na kawani ang kanyang pagkakamali. Lalo pa siyang
naging masigasig sa pagmamalasakit kay Basilio.
“Ngunit sa aking palagay ang binatang iyon ay walang kasalanan sa lahat.”
ang maingat na pagtutol ng kawani.
“Lalong mabuti!” ang masiglang bulalas ng kanyang Kamahalan. “Sa ganyang
paraan, ang kaparusahan ay magiging makabuluhan. At pagbabala upang
katakutan ng iba. Ganyan ang paraan ng pamamahala, mahal kong kaibigan.
Madalas ipinagpapakasakit ang kabutihan ng isa para sa kabutihan ng nakararami.
Ngunit, higit pa riyan ang aking ginagawa. Sa kagalingan ng isa ay natatamo ko aang
kagalingan ng lahat.”
Namayani ang sandaling katahimikan. Ang mataas na kawani ay tumayong
nakayuko. At nang tila nakapagpasiya na ay nagtaas ng ulo, tumitig sa Heneral at
namumutla na wari’y nangangatal, at pigil na pigil na nagwika:
“Ang inyong Kamahalan ay hindi hinirang ng sambayang Pilipino kundi ng
Espanya. Ito’y isa pang dahilan kung bakit dapat ninyong tingnang mabuti ang mga
Pilipino upang huwag maparatangan ang Espanya. Opo, Heneral, lalong dapat
pagpakitaan nang mabuti! Ang inyong Kamahalan ay nangako sa inyong pagdating
na mamamahala nang may katarungan, magsisikap para sa ikabubuti…”
“Ginoo, nasusuklam tayo kapag ang kapangyarihan ay nangingibabaw sa
katwiran, ngunit sa katotohanan, pinupuri natin ang paggamit ng kapangyarihang
nagbabalatkayong baluktutin ang katuwiran upang magtagumpay. Mahal ko ang
Espanya, kaya ako’y nagsasalita ngayon. Hindi ako nababahala kung magalit kayo.
Hindi ko nais na sa hinaharap ay maparatangan siyang ina-inahin ng mga bansa,
maninipsip ng dugo ng mga tao, mananakop ng maliliit na pulo! Iyan ay kakila-
kilabot na pagyurak sa mararangal na adhikain ng ating mga unang hari. Paano tayo
makatutupad sa kanilang banal na habilin? Pinangakuan nila ang mga pulong ito
ng pagkalinga at katarungan, ngunit pinaglauan natin ang kanilang buhay at
kalayaan. Pinangakuan sila ng kabihasnan ngunit pinagkaitan natin sa takot na
baka maghangad ang mga katutubo ng lalong marangal na kalagayan sa buhay.
Pinangakuan sila ng liwanag, ngunit nilagyan natin ng piring ang kanilang mga
mata, upang huwag makita ang ating mga kalaswaan. Pinangakuan silang tuturuan
ng kabaitan, ngunit pinalago natin ang kanilang masasamang hilig. Sa halip na
kapayapaan, kaunlaran, at karunungan, namayani ang kaligaligan at pag-
aalinlangan. Kapag ipinagkait sa isang bayan ang liwanag, ang mga tahanan, ang
pag-aaral, kalayaan, katarungan, mga biyayang kung wala ay hindi maaaring
mabuhay, na siyang pamana sa sangkatauhan, ang bayan ay may karapatang
ituring ang sinumang mapagsamantala sa kanila na magnanakaw na humarang sa
daan. Hindi ako isang militar. Namamatay na ang kaunting apoy na nag-aalab sa
aking dugo. Ngunit mamatamisin kong magkagutay-gutay ang aking katawan,
maipagtanggol ko lamang ang karangalan ng Espanya laban sa mga dayuhang
mananakop o laban sa walang katarungang paggalaw ng kanyang mga lalawigan.
Tinitiyak ko sa inyo na papanigan ko ang mga Pilipino kapag sila’y naaapi, sapagkat
14
pipiliin ko pa ang mamatay para sa niyuyurakang karapatan ng sangkatauhan,
kaysa magtagumpay kapanig ng isang bansa, na ang hangarin ay ikagagaling
lamang ng kanyang sarili, kahit na ang bansang iyon, ay ang bansang Espanya.”
“Alam ba ninyo kung kailan aalis ang susunod na barkong pang-koreo?” ang
malamig na tanong ng kanyang Kamahalaan pagkatapos makapagsalita ang mataas
na kawani.
Tinitigan lamang siya ng mataas na kawani, iniyuko ang ulo, at tahimik na
lumisan ng palasyo.
Naghihintay na sa kanya ang karwahe sa halamanan.
“Kung balang araw ay nakapagsarili na kayo,” ang sabi niya sa Indiong lacay
na nagbukas ng pintuan ng karwahe, “alalahanin ninyo na sa Espanya ay may mga
pusong tumibok nang dahil sa inyo at nagtanggol sa inyong karapatan!”
15
Tayahin
Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak nakilala mo nang
husto si Basilio. Ngayon, ating tayahin ang iyong kaalaman sa mga nakalipas na
kabanata.
16
Karagdagang Gawain
17
Binuhusan ito ni Simoun ng likido. Nabasa ni Basilio ang nakatitik sa lalagyan ng
likido – nitroglisirina.
Tumango si Simoun. Ipinaliwanag niya na ang granada ay hindi isang payak
na dinamita. Iyon daw ang mga tinipon na luha ng mga api na siyang panglaban
nila sa lakas at dahas. Noon lamang nakakita ng dinamita si Basilio. Hindi
makakibo ang aestudyante. Tinurnilyuhan ni Simoun ang isang masalimuot na
kasangkapang inilagay sa ilawan. Sinabi ni Simoun na ang ilawan ay gagamitin sa
isang pista. Pagkaraan ng 20 minuto ang liwang nito’y mangungulimlim at kapag
ginalaw ang mitsa ay sasabog ang Granada kasunod ang mga supot ng pulbura sa
kainan at walang makaliligtas sa mga bisita ng kapistahan.
Nabigo ang pagkakagulong katulong sana ang mga artilyero dahil sa kawalan ng
pangangasiwa. Ngayon kailangan niya si Basilio upang mangunguna sa labanan.
Kukunin nila sa tindahan ni Quiroga ang mga baril at patayin ang lahat ng kalaban
at ayaw sumama at patayin. Hindi na sinuri ni Basilio ang narinig. Binulag na siya
ng tatlo’t kalahating buwang pagkabilanggo. Nais niyang maghiganti.
18
kaya si Don Timoteo. Kung sinabi lamang ng Heneral na ibig nitong makain ng tao,
gagawin iyon ni Don Timoteo.
Mga Pamantayan 1 2 3 4 5
Naipakikita ang pagkamakabayan at makahulugang
mensahe ng komik-istrip
20
Kabuuong Puntos
19
20
Tayahin
Gawain 11: Pangwakas na Pagtataya
1. C 6. D
2. C 7. A
3. A 8. A
4. B 9. B
5. D 10. C
Isaisip Tuklasin
Gawain 9: Sinong Nagsabi? Gawain 4: Magkasingkahulugan o Magkasalungat?
1. MK 4. MK 1. MK 4. MK
2. KH 5. KH 2. MS 5. MS
3. MK 3. MK
Balikan Subukin
Gawain 2: Alin ang Nauna? Gawain 1: Kilalanin Mo Ako…
4 1. kasukdulan 6. tauhan
3 2. tagpuan 7. simula
5 3. kakalasan 8. tunggalian
2 4. wakas 9. kaisipan
1 5. banghay 10. saglit na kasiglahan
6.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Marasigan, Emily V. et al. 2016. Pinagyamang Pluma 10. Aklat 2. Phoenix
Publishing House, Inc. Quezon City
https://www.kapitbisig.com/philippines/el-filibusterismo-ni-dr-jose-rizal-book-
notes-summary-in-tagalog
21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem