You are on page 1of 18

Mga Pangunahing

Tauhan ng
El Filibusterismo
Filipino 10
Ikaapat na Markahan - Modyul 2

MARICEL G. JUAN
maricel.juan@deped.gov.ph/09776081619

Tagapaglinang
Department of Education Cordillera Adminstrative Region
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF KALINGA
Bulanao, Tabuk City, Kalinga

Inilathala ng:
Learning Resource Management and Development System

PAUNAWA SA KARAPATANG SIPI


2021

Itinakda ng Seksyon 9 ng Pampanguloang Atas Blg 49 na:

Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng


Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o
tanggapan ng pamahalaang naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang
sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang modyul na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum


sa pamamagitan ng DepEd Schools Division of Kalinga - Curriculum Implementation
Division (CID). Maaari itong kopyahin para sa layuning pang-edukasyon at maaaring
hilingin ang pahintulot sa nagmamay-ari nito. Ang paghalaw o pagpapaunlad nito ay
maaaring gawin, ibigay lamang ang karampatang pagkilala sa orihinal na lumikha.
Hindi pinahihintulutan ang paghalaw ng anumang likha mula rito kung ang layunin ay
pangkomersiyo o pagkakakitaan.

ii
ALAMIN
Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat para sa iyo upang may magamit ka sa
iyong pag-aaral lalo na ngayong panahon ng pandemya. Ito ay makatutulong upang
matunton ang mga kaganapan sa nobelang El Filibusterismo at makamit ang mga
sumusunod na kasanayang pampagkatuto;
1. Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa
pamamagitan ng;

1.1. pagtunton sa mga pangyayari


1.2. pagtukoy sa mga tunggaliang naganap
1.3. pagtiyak sa tagpuan
1.4. pagtukoy sa wakas
F10PB-IVb-c-87
2. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa
binasang kabanata ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay ng
halimbawa F10PT-IVb-c-83

SUBUKIN
A. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag at piliin ang letra
ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

1. Uri ng tunggalian kung saan ang pangunahing tauhan ay naaapektuhan ng mga


puwersa ng kalikasan.
A. Tao laban sa tao C. tao laban sa sarili
B. tao laban sa lipunan D. tao laban sa kalikasan

2. Ipinamukha ni Simoun sa mga Pilipino ang kanilang pagiging dukha, pagiging


alipin at kaapihan upang sila mismo ang maghangad ng katarungan. Kaya
ginagatungan niya ang pagpapahirap na ginagawa ng mga Espanyol sa kapuwa
niya Pilipino.
A. tao laban sa tao C. tao laban sa sarili
B. tao laban sa lipunan D. tao laban sa kalikasan

3. “Ang pang-aalipusta at pag-aalimura ng mga kamag-aral at propesor kay Basilio


ay isang halimbawa ng anong tunggalian?
A. tao laban sa tao C. tao laban sa sarili
B. tao laban sa lipunan D. tao laban sa kalikasan

2
4. Ito ang tagpuan ng kabanata ng El Fili na pinamagatang Si Simoun.
A. sa mahiwagang gubat C. sa tabi ng lawa
B. sa libingan ng mga Ibarra D. sa isang puno sa gubat

5. Paano nalaman ni Basilio na si Simoun at Ibarra ay iisa?


A. Magkahawig ang dalawa
B. Nakilala ni Basilio ang tinig ni Ibarra
C. Sa parehong tagpuan niya huling nakausap si Ibarra
D. Matagal nang sinusubaybayan ni Basilio si Simoun

6. Alin sa mga sumusunod ang pinakalayunin ni Simoun sa kanyang pagbabalik


sa Pilipinas?
A. Magnegosyo
B. Maghiganti
C. Humanap ng mapapangasawa
B. Tumulong sa mga naghihirap na Indio

7. Paniniwala ni Simoun na pagkakatulad nila ni Basilio


A. bigo sa pag-ibig C. tinutugis ng mga Kastila
B. uhaw sa katarungan D. dumanas ng kasawian

8. Tauhang sumasalalim sa paniniwala ni Rizal na ang kabataan ay pag-asa ng


bayan.
A. Isagani B. Juli C. Basilio D. Paulita

9. Larawan ng Pilipinang handang magsakripisyo para sa kanyang pamilya.


A. Juli B. Victorina C. Paulita D. Sinang
10. Sumasagisag sa mga Pilipino noon na may-ari ng lupang sinasaka at
pinagyaman ngunit nang umunlad na ay inangkin ng korporasyon ng mga pari.
A. Kapitan Tiyago B. Kabesang Tales C. Sinong D. Simoun

11. Simbolo ng kabataang mapusok ang ideyalismo.


A. Basilio B. Simoun C. Isagani D. Juli

B. Bigyang kahulugan ang mga matatalinghagang pahayag ni Simoun.

12. “Mas maigi umano na paunlarin ang isang katutubong wikain nang mawala ang
pagtatangi-tangi at magkaroon ng mga layuning Pambansa.”
A. Natatangi ang katutubong wika sa ating bansa
B. Mamahalin natin ang basa kung may iisa tayong wika
C. Huwag hangarin na maging wika ng bansa ang dayuhang wika.
D. Kapag napaunlad ang isang Wikang Pambansa, magdudulot ito ng
pagkakaisa.
13. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin.
A. Kung walang naghahari-harian, wala ring alipin
B. Naging alipin tayo dahil sa pananakop ng mga dayuhan
C. Walang maaapi kung, nalalaman ng bawat isa ang kanilang karapatan.
D. Walang alipin kung walang matataas na tao sa lipunan na dapat
paglingkuran

3
14. Nais kong gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik laban sa
pagmamalabis ng pamahalaan at simbahan.
A. Natutulog ang mga Pilipino kaya kailangang gisingin.
B. Ayaw ng mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang mga karapatan.
C. Nais mamulat ni Simoun sa isipan ng mga Pilipino na hindi sila alipin at
dapat nilang ipaglaban ang kanilang karapatan.
D. Natatakot ang mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang karapatan kaya
kailangang tulungan ni Simoun sa paghihimagsik laban sa mga Kastila.

15. Ang pagpipilit sa paghiram ng wikang banyaga ay magbibigay daan lamang sa


Pilipinas sa pagiging bayang walang sariling pagkukuro, walang kalayaan at pati
kapintasan.
A. Ang panghihiram ng wika ay pagpapaunlad ng komunikasyon.
B. Ang panghihiram ng wika ay pagpapaalipin sa bansang pinaghiraman nito.

C. Kakambal ng wikang hiniram ang kultura at paraan ng pag-iisip ng


bansang pinagmulan nito.
D. Kung gagamitin natin ang wika ng iba, magiging anino lamang tayo ng
nagmamay-ari nito.

BALIKAN
Gawain 1. Sulyap sa Nakaraan
A. Panuto: Tukuyin ang kondisyon ng panahong isinulat ang aklat.
Lagyan ng tsek () ang kahon kung ang pangyayari ay tumutukoy sa mga kondisyon
sa panahong isinulat ang El Filibusterismo. Isulat sa patlang ang magpapawasto sa
pangyayari kung mali ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Higit na naging madali para kay Rizal ang pagsulat ng


El filibusterismo kaysa sa Noli Me Tangere.
______________________________________________________
______________________________________________________
Nalagay sa panganib ang pamilya at ibang mahal sa buhay ni Rizal
habang isinusulat niya ang nobelang ito.
______________________________________________________
______________________________________________________
Ang ganda at kasiyahang hatid ng Paris ay nagbigay inspirasyon sa
kanya upang tapusin ang kanyang nobela.
______________________________________________________
______________________________________________________
Mas maraming pahina ang tinanggal ni Rizal sa Noli kaysa sa mga
pahinang hindi isinama sa El Filibusterismo.
______________________________________________________
______________________________________________________

4
TUKLASIN
Isa sa mga mahalagang sangkap ng alinmang akdang pasalaysay o naratibo ang
humuhubog sa pagkatao ng tauhan at siyang nagtutulak sa mga pangyayari sa
kwento. Hindi tulad ng karaniwang akdang pasalaysay ang nobelang napakahaba at
binubuo ng maraming kabanata. Kaya naman ang mga tauhan dito ay humaharap sa
iba’t ibang uri ng tunggalian.

Ano nga ba ang tunggalian? Ang tunggalian ay ang pakikipagsapalaran o


pakikipaglaban ng mga pangunahing tauhan sa mga hamong kinahaharap sa buhay.
Minsan, ito ay pakikipaglaban sa kanyang sarili, sa kapuwa, o kaya sa kalikasan na
nakapalibot sa kanya.

A. Mga Uri ng Tunggalian:

1. Tao Laban sa Sarili


- Ito ay uri ng tunggaliang nangyayari sa loob mismo ng tauhan. Dito ang
kanyang pangunahing kalaban ay ang kanyang sarili.
- kadalasang makikita ito kapag ang mga tauhan ay mayroong internal
conflict o kaya ay nahihirapan sa pagdedesisyon. Maaring naglalaban ang
kayang puso at isipan tungkol sa isang bagay na kanyang pipiliin.
Halimbawa:
 Sobrang dinamdam ni Maria Clara ang mga malulungkot na
pangyayari sa kanyang buhay kaya ito ay nagpatiwakal.
2. Tao Laban sa Tao
- ang tunggaliang ito ay nagpapakita ng tunggalian sa pagitan ng tauhan at
ng iba pang tauhan sa loob ng kuwento.
Halimbawa:

 Ang pagkakaiba ng kuro-kuro nina Basilio at Simoun; si Simoun


ay hindi naniniwala na ang Akademya ang magbubukas ng pinto
para sa mga Pilipino upang maging kapantay ng mga Espanyol
sa opurtunidad, pagtingin o pagtrato, samantalang si Basilio at
mga kasamahan nito ay naniniwala at umaasang ito ang
magiging susi upang maging mas matagumpay sa buhay.
3. Tao Laban sa Kalikasan
- ang pangunahing tauhan ay naaapektuhan ng mga puwersa ng kalikasan.
Ang mga halimbawa nito ay lindol, pagbagyo o pagbaha na naglalagay sa
tauhan sa panganib.
Halimbawa:

 Kumapit siya nang mahigpit sa sanga ng punong-kahoy upang


hindi matangay ng rumaragasang baha na dulot ng bagyo.

5
4. Tao laban sa Lipunan
- ang pangunahing tauhan ay lumalaban sa lipunan. Halimbawa nito ay ang
pagsuway sa mga alituntunin ng lipunan o di kaya ay ang pagtakwil sa
kultura ng lipunan.
Halimbawa:

Ipinamukha ni Simoun sa mga Pilipino ang kanilang pagiging dukha,


pagiging alipin at kaapihan upang sila mismo ang maghangad ng katarungan. Kaya
ginagatungan niya ang pagpapahirap na ginagawa ng mga Espanyol sa kapuwa
niya Pilipino.

B. MGA PANGUNAHING TAUHAN SA EL FILIBUSTERISMO


Bago ka magpatuloy, kilalanin muna ang ilan sa mga mahahalagang tauhan ng El
Filibusterismo.

SIMOUN- Isang napakayamang mag-aalahas. Siya ay matalik na kaibigan at


tagapayo ng Kapitan Heneral. Makapangyarihan kaya iginagalang at pinangingilagan
ng mga Indio maging ng mga prayle. Nais niyang pag-alabin ang damdamin ng mga
makabayang Pilipino sa palihim at tahimik niyang paghahasik ng rebolusyon. Nais
niyang linisin ang bayan at lipulin ang lahat ng masama kahit na inuusig siya ng
kanyang budhi.

BASILIO- Nalampasan niya ang hirap ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan
Tiago. Nagpunyagi siya sa pag-aaral, nilunok niya ang pagmamaliit sa kanya ng
kapuwa mag-aaral at mga guro dahil sa kaniyang anyo at kalagayan sa
buhay.Nagtagumpay siya at nakapanggamot agad kahit hindi pa natatanggap ang
diploma ng pagtatapos.

KABESANG TALES- Telesforo de Dios ang buo niyang pangalan,masipag na


magsasaka at dating kasama sa mayayamang may lupain. Umunlad siya dahil
mahusay niyang ginamit ang kanyang kinitang pera. Pinili siyang maging Kabesa ng
barangay ng kanyang kanayon dahil sa kanyang kasipagan.

JULI – Anak ni Kabesang Tales at kasintahan ni Basilio. Madasalin, matiisin,


masunurin, at madiskarte sa pagtulong sa kaniyang pamilya.

ISAGANI- Siya ay makatang malalim mag-isip. Mahusay siyang makipagtalo at


matapang siya sa pagpapahayag ng kaniyang pinaniniwalaan kaninuman. Matuwid
siya at ayaw sa likong paraan sa pagkakamit ng adhikain. Pamangkin siya ng butihing
si Padre Florentino.

PAULITA GOMEZ- Ang masayahin at ang napakagandang dalagang hinahangaan


ng mga lalaki. Pamangkin ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani. Larawan siya
ng dalagang laging maayos at maalaga sa sarili.

6
SURIIN
Basahin at unawain ang Kabanata 7 ng El Filibusterismo na pinamagatang “Si
Simoun” upang mas lalong makilala ang pangunahing tauhan at maunawaan ang
kaniyang mahalagang ginampanan sa nobela.

Kabanata 7 Si Simoun

El Filibusterismo Buod Kabanata 7: Si Simoun

Uuwi na sana si Basilio nang may nakita siyang liwanag na paparating at


makarinig ng mga yabag. Nagtago siya sa puno ng baliti at sa kabilang dako ng
punong kanyang pinagtaguan ay tumigil ang taong dumating. Nagsimula itong
maghukay gamit ang asarol. Nakilala siya ni Basilio. Ang taong dumating ay ang mag-
aalahas na si Simoun. Siya rin ang taong tumulong sa paglilibing sa kanyang ina at
sa lalaking sugatan labing-tatlong taon na ang lumipas. Lumabas sa pinagtataguan si
Basilio at lumapit kay Simoun upang tumulong sa paghuhukay. Ngunit tinutukan siya
ng baril ni Simoun at itinanong kung siya daw ba ay nakikilala nito. Tumugon si Basilio
at sinabi na nakikilala siya nito. Siya diumano ang taong tumulong sa kanya labing-
tatlong taon na ang nakalilipas. Inakala ng lahat na siyang patay na ngunit kinilala siya
ni Basilio na ang lalaking kausap ay walang iba kundi si Ibarra. Ani Simoun, malaking
sikreto ang nalalaman ni Basilio kaya di niya pagsisihan na patayin ito dahil ayaw
niyang masira ang kanyang planong paghihiganti. Ngunit dahil sa halos pareho sila
ng sinapit ni Basilio at uhaw din sa katarungan ay dapat daw silang magtulungang
dalawa.

Inamin ni Simoun na siya nga si Ibarra at ikinuwento na nilibot niya ang buong
daigdig upang magpayaman at sa kanyang pagbabalik ay mapabagsak ang
pamahalaang sumira sa kanyang buhay. Siya raw ay bumalik upang gisingin ang
damdamin ng bayan sa paghihimagsik laban sa pagmamalabis ng pamahalaan at
simbahan.

Di rin sang-ayon si Ibarra sa plano nina Basilio na pagtatayo ng paraalan ng


Wikang Kastila at sa paghingi nilang gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at
bigyan ng pantay na karapatan ang mga Kastila at Pilipino. Ayon kay Simoun,
magbibigay lamang daw ito ng daan sa Pilipinas sa pagiging bayang walang
sariling pagkukuro, walang kalayaan at pati kapintasan ay hiram dahil sa
pagpipilit manghiram ng wika. Katuwiran naman ni Basilio, ang kastila umano ay
isang wikang magbubuklod-buklod sa mga pulo ng Pilipinas. Bagay na pinabulaanan
ni Simoun. Kailan man ay di raw magiging wikang pangkalahatan sa bayang ito ang
Wikang Kastila. Iilan lamang daw ang nakapagsasalita ng Kastila at ang iilang ito
ay mawawalan ng sariling kakayahan, magpapailalim sa ibang utak, at paaalipin.

7
Tinuligsa ni Simoun ang mga pangkat na naghahangad luminang sa Wikang
Kastila at di sa kaalamang magsalita o sumulat sa sarili nilang wika pati ang mga
nagpapanggap na di sila maalam magsalita at umunawa ng sariling wika. Dagdag pa
ni Simoun, mabuti raw kung ayaw silang turuan ng mga Kastila ng kanilang wika. Mas
maigi umano na paunlarin ang isang katutubong wikain nang mawala ang
pagtatangi-tangi at magkaroon ng mga layuning pambansa. Dapat din ay huwag
hayaang magpalagay ang Kastila na sila ang panginoon dito at sila ay bahagi ng
bayang ito kundi sila ay mga manlulupig at dayuhan. Sa gayon daw ay mas matatamo
nina Basilio ang tunay na paglaya. Inamin ni Simoun na ito ang dahilan kung bakit
hinayaan niyang mabuhay si Basilio, Isagani at Makaraig na binalak niyang patayin
dahil baka maging hadlang ang mga ito sa pinaplano niyang paghihiganti.

Paliwanag naman ni Basilio, hindi raw siya isang pulitiko. Napalagda lamang siya sa
kahilingang tungkol sa paaralan dahil inaakala niyang iyon ang mabuti. Ngunit sa
panggagamot daw talaga ang hilig niya. Sa kasalukuyang kalagayan daw ng lipunan
ay hindi makapanggagamot nang mahusay si Basilio ayon kay Simoun dahil mas
dapat umanong unahing gamutin ang sakit ng bayan. Ngunit para kay Basilio, kaya
nga daw niya pinili ang siyensiya ay upang makapaglingkod sa bayan. Kalaunan ay
nauwi sa kadakilaan ng karunungan ang pag-uusap nina Basilio at Simoun.

Napansin ni Simoun na tila hindi naantig ang kalooban ni Basilio kaya tinuya
niya ito. Ani Simoun, wala namang ginagawa si Basilio kundi tangisan ang bangkay
ng kanyang ina na parang isang babae. Tutulungan daw niya si Basilio sa
paghihiganti. Ngunit ano naman daw ang mapapala niya sa paghihiganti kung hindi
naman daw mabubuhay ang kanyang ina at kapatid kahit gawin niya ito, sagot ni
Basilio. Ngunit tinugon siya ni Simoun na ang pagpapaumanhin ay ‘di laging
kabaitan, ito ay kasalanan kung nagbibigay-daan sa pang-aapi. Walang mang-
aalipin kung walang paaalipin. Saka ipinaalala ni Simoun na sa pag-aaral ni Basilio
ay maaaring danasin nito ang dinanas ni Ibarra. Nagtaka si Basilio. Siya na raw ang
inapi ay siya pa ang kamumuhian.Ani Simoun, likas sa tao ang mamuhi sa kanyang
inaapi.Ngunit hindi naman daw sila pinakikialaman ni Basilio kaya pabayaan daw nila
siyang makagawa at mabuhay.Tinugon naman ni Simoun si Basilio at sinabing
magkakaanak din ito ng mababait na alipin at ang mga damdaming mabuti o masama
ay mamamana ng kaniyang magiging anak.Dagdag pa ni Simoun, walang hangad si
Basilio kundi isang munting tahanan, kaunting kaginhawahan, isang asawa; isang
dakot na bigas; mithiin rin ng marami sa Pilipinas, at kung iyan ay ibigay sa kanila,
ituturing nilang sila ay mapalad na.

Matapos sabihing ‘di niya pinagbabawalan si Basilio sa pagbubunyag ng


kanyang lihim ay sinabing kung may kailangan si Basilio ay magsadya lamang ito sa
kanyang tanggapan sa Escolta. Nagpasalamat naman si Basilio at iniiwan si Simoun
na nag-iisip. Di raw kaya niya napaniwala si Basilio sa paghihiganti o may balak din
itong maghiganti ngunit naglilihim lamang at nais sarilinin o sadyang wala nang

8
hangad na maghiganti? Ngunit lalong nagtumining sa loob ni Simoun ang matinding
nasa na makapaghiganti.

Gawain 2. Ilarawan si Simoun batay sa kanyang mga pahayag sa kabanata. Isulat


ang sagot sa kahon.

1.

2.

3.

PAGYAMANIN
GAWAIN 3: Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa binasang kabanata
gamit ang story pyramid . Gawin ito sa inyong sagutang papel.

S Pangalan ng mga tauhan


T

O Paglalarawan sa bawat
tauhan
R

Y Paglalarawan sa tagpuan

Y Tunggalian sa
R kabanata

A Mahalagang
pangyayari 1
M

I
Mahalang
D pangyayari 2

Wakas

9
ISAISIP
Gawain 5. Basahin ang mga hinalaw na pahayag ni Simoun sa kabanatang iyong
binasa. Ibahagi ang iyong opinyon kung sumasang-ayon ka ba sa kaisipang taglay
nito o hindi. Ipaliwanag ang iyong katuwiran.
1. “Ang pagpapaumanhin ay hindi laging kabaitan kundi ito’y kasalanan na
nagbibigay-daan sa pang-aapi”. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin.
______________________________________________________________
___________________________________________________________.

2. “Mas maigi umano na paunlarin ang isang katutubong wikain nang mawala
ang pagtatangi-tangi at magkaroon ng mga layuning pambansa”.

______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

Gawain 6
Panuto: Dugtungan ang mga pahayag bilang pagbubuod sa natutuhan sa aralin at
pagpapahalaga sa mga aral na nakapaloob sa aralin.

Nalaman ko na….
______________________________
________________________________
____________________________

Napagpasyahan ko na…
Mga ________________________________
natutuhan ____________________________
ko ____________________________

Gamit ang mga kaalamang


natutunan ko, ako ay
magiging….
Aralin ________________________________
______________________________
EL FILIBUSTERISMO

10
ISAGAWA
Gawain: Magtala ng tig-isang halimbawa ng apat na uri ng tunggalian na kinakaharap o
kinakahap mo sa iyong buhay at ilahad ang pamaraan mo upang malutas ito.

URI NG TUNGGALIAN TUNGGALIANG PAMAMARAAN SA


KINAKAHARAP PAGLUTAS
1. tao laban sa tao

2. tao laban sa sarili

3. tao laban sa lipunan

4. tao laban sa
kalikasan

TAYAHIN
A. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag at piliin ang letra
ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.
1. “Ang pang-aalipusta at pag-aalimura ng mga kamag-aral at propesor kay Basilio
ay isang halimbawa ng anong tunggalian?
A. tao laban sa tao C. tao laban sa sarili
B. tao laban sa lipunan D. tao laban sa kalikasan

2. Ipinamukha ni Simoun sa mga Pilipino ang kanilang pagiging dukha, pagiging


alipin at kaapihan upang sila mismo ang maghangad ng katarungan. Kaya
ginagatungan niya ang pagpapahirap na ginagawa ng mga Espanyol sa kapuwa
niya Pilipino.
A. tao laban sa tao C. tao laban sa sarili
B. tao laban sa lipunan D. tao laban sa kalikasan

3. Uri ng tunggalian kung saan ang pangunahing tauhan ay naaapektuhan ng mga


puwersa ng kalikasan.
A. Tao laban sa tao C. tao laban sa sarili
B. tao laban sa lipunan D. tao laban sa kalikasan

4. Ito ang tagpuan ng kabanata ng El Fili na pinamagatang Si Simoun.


A. sa mahiwagang gubat C. sa tabi ng lawa
B. sa libingan ng mga Ibarra D. sa isang puno sa gubat

11
5. Paano nalaman ni Basilio na si Simoun at Ibarra ay iisa?
A. Magkahawig ang dalawa
B. Nakilala ni Basilio ang tinig ni Ibarra
C. Sa parehong tagpuan niya huling nakausap si Ibarra
D. Matagal nang sinusubaybayan ni Basilio si Simoun

6. Paniniwala ni Simoun na pagkakatulad nila ni Basilio


A. bigo sa pag-ibig C. tinutugis ng mga Kastila
B. uhaw sa katarungan D. dumanas ng kasawian

7. Alin sa mga sumusunod ang pinakalayunin ni Simoun sa kanyang pagbabalik


sa Pilipinas?
A. Magnegosyo
B. Maghiganti
C. Humanap ng mapapangasawa
B. Tumulong sa mga naghihirap na Indio

8. Tauhang sumasalalim sa paniniwala ni Rizal na ang kabataan ay pag-asa ng


bayan.
A. Isagani B. Juli C. Basilio D. Paulita

9. Larawan ng Pilipinang handang magsakripisyo para sa kanyang pamilya.


A. Juli B. Victorina C. Paulita D. Sinang

10. Simbolo ng kabataang mapusok ang ideyalismo.


A. Basilio B. Simoun C. Isagani D. Juli

11. Sumasagisag sa mga Pilipino noon na may-ari ng lupang sinasaka at


pinagyaman ngunit nang umunlad na ay inangkin ng korporasyon ng mga pari.
A. Kapitan Tiyago B. Kabesang Tales C. Sinong D. Simoun

B. Bigyang kahulugan ang mga matatalinghagang pahayag ni Simoun.

12. “Mas maigi umano na paunlarin ang isang katutubong wikain nang mawala ang
pagtatangi-tangi at magkaroon ng mga layuning Pambansa.”
A. Natatangi ang katutubong wika sa ating bansa
B. Mamahalin natin ang basa kung may iisa tayong wika
C. Huwag hangarin na maging wika ng bansa ang dayuhang wika.
D. Kapag napaunlad ang isang Wikang Pambansa, magdudulot ito ng
pagkakaisa.

13. Nais kong gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik laban sa


pagmamalabis ng pamahalaan at simbahan.
A. Natutulog ang mga Pilipino kaya kailangang gisingin.
B. Ayaw ng mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang mga karapatan.
C. Nais mamulat ni Simoun sa isipan ng mga Pilipino na hindi sila alipin at
dapat nilang ipaglaban ang kanilang karapatan.
D. Natatakot ang mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang karapatan kaya
kailangang tulungan ni Simoun sa paghihimagsik laban sa mga Kastila.

12
14. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin.
A. Kung walang naghahari-harian, wala ring alipin
B. Naging alipin tayo dahil sa pananakop ng mga dayuhan
C. Walang maaapi kung, nalalaman ng bawat isa ang kanilang karapatan.
D. Walang alipin kung walang matataas na tao sa lipunan na dapat
paglingkuran

15. Ang pagpipilit sa paghiram ng wikang banyaga ay magbibigay daan lamang sa


Pilipinas sa pagiging bayang walang sariling pagkukuro, walang kalayaan at pati
kapintasan.
A. Ang panghihiram ng wika ay pagpapaunlad ng komunikasyon.

B. Ang panghihiram ng wika ay pagpapaalipin sa bansang pinaghiraman nito.


C. Kakambal ng wikang hiniram ang kultura at paraan ng pag-iisip ng
bansang pinagmulan nito.

D. Kung gagamitin natin ang wika ng iba, magiging anino lamang tayo ng
nagmamay-ari nito.

13
KARAGDAGANG GAWAIN

Basahin ang bahagi ng Kabanata 8, “Maligayang Pasko,” at sagutin ang mga


sumusunod na tanong.
Maligayang Pasko

Walang himalang nangyari sa araw na iyon. Ang araw ay sumikat


at nagpakita na ng maliwanag na umaga, malamig ang dapyo ng hangin
at ang tilaok ng manok ay lalong nag-ibayo. Sa ilalim ng imahen ay nakita
niya na hindi nadagdagan ang dalawang daan at limampung piso na
inilagay niya roon, kundi ang sulat na galing sa mga tulisan na humihingi
ng pantubos para sa kanyang ama.

Si Huli ay inilarawan ni Rizal na mahina subalit kinakitaan ng katatagan ng


kalooban sa pagharap sa suliranin na dumating sa pamilya. Bagama’t
naghihirap ang kalooban ay tinanggap ang alok na mamasukan bilang
katulong. Araw pa man din Pasko.

Panuto: Sagutin nang mahusay ang tanong sa pamamagitan ng pagbuo sa mga


pahayag.

1. Ipagpalagay na ikaw si Huli. Alam mo ang hirap na dinanas niya, sa paanong


paraan mo maaaring maipakita ang pagmamahal at pagmamalasakit sa
magulang?

Kung ako si Huli/Juli, maipakikita ko ang pagmamahal at pagmamalasakit


sa aking mga magulang sa pamamagitan ng …
___________________________________________________________
___________________________________________________________

 Magagampanan ko ang mga ito sa pamamagitan ng…


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

14
SUSI NG PAGWAWASTO

Subukin
Pagyamaninm
1. D Maaaring iba-iba ang sagot
2. B
Isaisip
3. A Sariling sagot
4. B
5. C Isagawa
Sariling sagot
6. B
7. B Tayahin
8. C 1. A
9. A 2. B
10. B 3. D
11. C 4. B
12. D 5. C
13. C 6. B
14. C 7. B
15. C 8. C
9. A
BALIKAN 10. C
1. Hindi madali 11. B
2.  12. D
3.  13. C
4.  14. C
15. C

Karagdagang Gawain
Sariling sagot

15
SANGGUNIAN

Bacu, Amelia V., Marga B. Carreon. Obra maestra El Filibusterismo. Quezon


City: Rex Publishing House, 2012.

El Filibusterismo kabanata si “Basilio” Accessed February 5, 2021.


http://www.sildeshare.net/mobile/riojreyes/kabanata-6-si-basilio-.

Espinoza, Teodora et.al, El Filibusterismo. Quezon City: Kalayaan Press Mktg.


Enterprise, 2014.

Fandom.com. “Noli Me Tangere” Accessed February 5, 2021. Juli/Noli Me


Tangere http://noli-me-tangere.fandom.com/wiki/Juli.

Marasigan, Emily V. Pinagyamang Pluma 10. Quezon City: Phoenix


Publishing House, 2015.

Mabanglo, Ruth Elynia S. et al. El Filibusterismo. Lungsod ng Quezon: Rex


Printing Company, 1999.

Panitikan.com. “Kabanata 30 – Si Juli” Accessed februay 4, 2021.


https://www.panitikan.com.ph/kabanata-30-si-huli-si-juli-buod-el-
filibusterismo.

Philnews.ph. Ano ang Tunggalian” Accessed February 5, 2021.


https://philnews.ph/2020/10/27/ano-ang-tunggalian-halimbawa-at-
kahulugan-nito/

Slideshare.net. “Mga Panloob at Panlabas na Tunggalian” Accessed February


6, 2021. https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/mga- panloob-at-panlabas-
na-tunggalian.

16
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education - Schools Division of Kalinga
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
Telefax/Website: www.depedkalinga.ph
Email Address: kalinga@deped.gov.ph

17

You might also like