You are on page 1of 12

10

PANGALAN:_________________________________
BAITANG/SEKSYON:________________________
___

FILIPINO
Kwarter IV – Linggo 7
Si Simoun

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino – Baitang 10
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 7: Si Simoun
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Merrilien A. Bacani
Pangnilalamang Patnugot: Eva R. Zumaraga
Editor ng Wika: Lodevics E. Taladtad
Tagawasto: Lodevics E. Taladtad
Tagasuri: Luis R. Mationg, Lodevics E. Taladtad, Mary Jane D. Altes,
At Ligaya A. Miraflor

Tagaguhit: Merrilien A. Bacani


Tagalapat: Lodevics E. Taladtad
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald S. Brillantes Enrile O. Abrigo Jr.
Mary Jane J. Parcon Ernesto P. Socrates Jr.
Ronald N. Fragata Maja Jorey B. Dongor
Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Si Simoun

MELCs: Nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa hilig, interes, kawilihan/


kagalakan/kasiglahan/pagkainip/pagkayamot;pagkatakot,pagkapoot,
pagkaaliw/pagkalibang at iba pa. (F10PU-IVg-h-88)

Nabibigyang -pansin ang ilang katangiang klasiko sa akda (F10PB-IVi-j-94)


Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na
mga salitang hudyat sa paghahayag ng saloobin/ damdamin( F10WG-IVd-e-80)
Mga Layunin:
1.Natutukoy ang karakter ng tauhan na may kaugnayan sa hilig, interes,
kawilihan/kagalakan/kasiglahan/pagkainip/pagkayamot;pagkatakot,
pagkapoot, pagkaaliw/pagkalibang at iba pa.
2.Naibibigay ang ilang katangiang klasiko sa akda
3.Naiisa-isa ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na
mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin/ damdamin.

Ating Subukin

Panuto: Unawaing mabuti ang bawat katanungan. Pilliin ang titik ng tamang sagot sa
bawat tanong. Isulat sa patlang ang sagot bago ang bilang.

_____1. Saan inihambing ni Rizal ang Bapor Tabo?


A. Simbahan at pamahalaan C. Antas ng Lipunan
B. Simbahan at lipunan D. Kastila at Pilipino

_____2. Paano napasok sa usapan ang mga alamat habang naglalayag ang bapor Tabo?
A. Sinimulan ni Simoun upang maawat ang umiinit na usapan sa pagitan ng mga
pasahero.
B. Naisip nilang paraan ang alamat upang mapawi ang inip nila sa mabagal na
takbo ng Bapor
C. Nang mapadako ang bapor malapit sa lupain ng mga Ibarra, humanga ang
mga pasahero sa ganda ng lugar at nauwi ang paghangang ito sa pagbibida ng
mga alamat
D. Lahat nang nabanggit

______3. Bakit nakilala agad ni Basilio si Simoun?


A. Dahil kilala niya talaga ito C. Dahil sa mahabang balbas nito
B. Dahil sa suot nitong salamin D. Naalala niyang si Ibarra ang
nagtago ng kayamanan sa gubat

______4. Bakit hindi nagtagumpay si Simoun sa unang balak niyang maghimagsik laban
sa mga Kastila?
A. Dahil sa pagkamatay ni Maria Clara C. Dahil walang sapat na pondo
B. Dahil wala silang pagkakaisa D. Hindi, dahil hindi ito nararapat

1
_____5. Ano ang dahilan ni Simoun sa muli niyang pagbabalik pagkalipas ng labintatlong
taon?
A. Ipaghiganti ang kamatayan ng ama
B. Upang bawiin ang minamahal na si Maria Clara
C. Mapukaw ang mga kababayan upang mag-adhika na magkamit ng pagbabago
D. Lahat nang nabanggit

_____6. “Kailangang baguhin ang lahi.” ani Simoun, ano ang nais ipahiwatig ng
kaniyang sinabi?
A. Dapat na paiba-iba ang ating lahi
B. Nararapat na may pagbabago sa lahi
C. Kailangan nating kalimutan ang pagiging Filipino
D. Dapat patayin ang mga taong duwag at ayaw sa paghihimagsik dahil ang mga
ito ay magkakaanak lamang ng mga duwag at alipin.

_____7. “Sa mga imbi ko natagpuan ang aking mga katulong.”Ang salitang initiman ay
nangangahulugang?
A. Kaibigan B. Kapatid C. Kasama D. Kaaway

_____8.Nagbalik si Simoun sa Pilipinas kasama ang _________.


A. kura B. kastila C. tagalog D. artilyero

Para sa bilang 9 at 10- Isulat kung Tama o Mali ang sumusunod na pangungusap.
_____9. Si Simoun ay ang dating si Ibarra na nagpapanggap na isang mang-aalahas.
_____10. Naging matagumpay ang lahat ng layunin ni Simoun sa kaniyang pagbabalik.

Ating Alamin at Tuklasin


Ang Nobelang ito ay pampolitikal ang aklat na ito ang
Paghawan ng Balakid
nagpamulat sa nasyonalismong Pilipino at nagbigay ng daan
sa Rebulosyunaryong Pilipino. Ang nobelang ito ay puno ng
Nobela/kathambuhay
-Ang nobela o sakit,pait at kalungkutan, sapagkat ito ay naglalaman ng
kathambuhay ay isang tunay na kalagayan ng ating bansa noong panahon ng mga
mahabang kuwentong Kastila. Sinadyang ilahad dito ni Rizal ang lahat ng mga
piksyon na binubuo ng kaapihan ng mga Pilipino at ang tunay na kalagayan ng bansa
iba't ibang kabanata. upang mamulat ang ating mga kababayan na ipagtanggol ang
Mayroon itong 60,000- kanilang mga sarili at ang inang bayan.
200,000 salita o 300-
1,300 pahina. Noong Paano ba dapat Ang lahat ng nangyayari
ika-18 siglo, naging maging positibo sa buhay sa buhay, tagumpay man o
istilo nito ang lumang sa kabila ng pagkakait ng kabiguan ay may dahilan.
pagibig at naging katarungan? Ang lahat ng ating ginagawa
bahagi ng mga ay may kaakibat na bunga.
pangunahing literary
genre.

Ang araling ito ay nakatuon sa pag-aaral tungkol sa tauhang si Simoun. Ang


kanyang panlabas at panloob na katangian ay may mahalagang papel na ginampanan.
Ang pagiging mahiwaga o misteryosong katauhan mula simula hanggang matapos ang
nobela ay lubhang kapana-panabik at nararapat subaybayan.
Tatalakayin sa mga kabanatang ito ang mga kalakasan at kahinaan ni Simoun.

2
Buhay ni Simoun sa El Filibusterismo( Buod)
Winakasan ni Simoun ang kanyang buhay hindi dahil sa bigo siya sa kanyang layunin.
Buong puso niya itong ginawa upang sa ganitong paraan ay tuluyan na siyang
makalaya.Pauwi na si Basilio galing sa sementeryo nang makita niya ang isang lalaki na
naghuhukay malapit sa libingan ng kanyang ina. Ito ay ang mag-aalahas na si
Simoun.Nagulat ang binata at muling nagbalik ang kanyang alaala labing-tatlong taon na
ang nakakaraan. Dito nagkaroon ng linaw ang lahat, si Simoun at Crisostomo Ibarra ay
iisa. Si Basilio ang unang nakatuklas sa lihim ni Simoun at ito ay hindi naman
pinasungalingan noong sa huli.Inalok ni Simoun si Basilio upang makiisa sa kanyang
layunin, ngunit ito ay tinanggihan ng binata. Ayon kay Basilio, mas gugustuhin niya na
lamang pagsilbihan ang kanyang bayan bilang isang doktor sa halip na maging isang
rebolusyunaryo.Si Basilio, kasama ng iba pa niyang mga kamag-aral at kaibigan, ay
masugid na nag-aaral ng wikang Espanyol. Malaki ang kanilang paniniwala na
pagkadalubhasa sa wikang ito ang magbibigay sa kanila ng kalayaan at katungkulan sa
pamahalaan na binuo ng mga Kastila.
Ngunit naging taliwas ito sa nangyari. Silang lahat na kasapi ng akademiya ng pag-
aaral ng wikang Kastila ay hinuli at ipinasok sa bilangguan. Hindi kalaunan, pinalaya na
ang lahat ng maliban kay Basilio na ulila nang lubos.Gumawa ng paraan ang kanyang
kasintahan na si Huli upang siya ay makalaya. Pinuntahan niya si Pari Camorra upang
humingi ng saklolo. Subalit, sa kasamaang palad, siya ay namatay. Tumalaon siya mula
sa bintana para matakasan ang masamang hangarin ng pari.Nakarating kay Simoun ang
kalagayan ng binata kaya agad niya itong tinulungang makalaya. Paglabas ni Basilio sa
karsel ay agad niyang pinuntahan si Simoun at buong pagpapakumbaba niyang sinabi ang
kanyang pakikiisa sa kanyang layunin.
Nabalitaan ni Simoun ang nalalapit na pag-iisang dibdib nina Paulita Gomez at
Juanito Pelaez. Dahil dito, pinautang niya ng pera ang ama ni Juanito upang billhin ang
bahay ng namayapang si Kapitan Tiyago.Bilang kapalit ng kanyang pagpapautang ng salapi
ay siya ang mag-aayos ng pagdadausan ng piging. Si Simoun ang namahala sa pagtatayo
ng kiyosko sa balkonahe ng bahay. Inayos din niya ang kisame at lahat ng sulok ng
nasabing mansyon.Maliban sa mga malalapit na kaibigan at pamilya ng ikakasalay
darating din ang mga matataas na tao sa pamahalaan. Ito ang dahilan kaya labis itong
pinaghahandaan ni Simoun. Nagkahanda rin siya ng espesyal na lampara para kina Paulita
at Juanito.Lingid sa kaalaman ng lahat maliban kay Basilio, ang piging na ito ang magiging
hudyat ng isang himagsikan. Nais niyang ikalat ang kaguluhan sa maraming lugar sa
bansa.

Ang buong sulok ng bahay hanggang sa kisame ay nilagyan ng mga pulburang


pampasabog. Samantala, ang espesyal na lampara na alay niya sa ikakasal ay mayroong
dinamita sa gitna. Ang paglamlam sa ilaw ng lampara ang magsisilbing mitsa para
pasabugin ang buong kabahayan.Hindi itinago ni Basilio kay Isagani (dating kasintahan ni
Paulita) ang pagsabog na magaganap. Dahil dito ay mabilis na kinuha ni Isagani ang
lampara at ihinagis sa ilog ng Pasig.Nabigo ang balak ni Simoun.

Tumakas siya at nagtago sa bahay ni Pari Florentino. Inusig siya ng mga


maykapangyarihan, ngunit bago pa sila makarating ay uminom na ng lason si
Simoun.Ginamit niya ang kanyang hulinh sandali upang ipagtapat ang lahat ng
katotohanan sa pari.Inamin niya ang kanyang buong pagkatao at ang kanyang layunin na
pabagsakin ang pamahalaan sa pamamagitan ng himagsikan.Bago dumating ang mga
kinauukulan ay mabilis na inipon ni Padre Florentino ang mga pera, alahas at lahat ng
kayamanan ni Simoun. Inilagay niya ito sa isang baul at itinapon sa dagat Pasipiko upang
kailanman ay hindi na ito magagamit at magdulot ng kasamaan.

(Pinagkunan: Glady E. Gimena at Leslie S. Navarro, Ang Pinaikling Bersiyon


El Filibusterismo ni Jose Rizal, Prime Multi-Quality Printing Corp., 2009)
3
Masining na Paglalarawan
Sa mga akdang pampanitikan, mahalaga ang paggamit ng masining na
paglalarawan ng tao, ng damdamin, ng mga kaganapan sa paligid na kanyang
ginagalawan at kinabibilangan. Dahil binabasa ang akda, nararapat na gumamit ng
angkop na mga salita upang malinaw itong mailarawan sa imahinasyon ng mga
mambabasa.Karaniwang ginagamit ang mga pang-uri, pang-abay at mga pahiwatig.

1. Paglalarawan ng katangiang pisikal- Maaaring gamitin ang mga salitang matangkad,


parang kawayan, bansot, balingkinitan, kayumanggi, maputi, matangos ang ilong,
maganda, mabilog ang pangangatawan at ibapa.

2. Paglalarawan ng kilos, ugali at pakikitungo- Maaaring gamitin ang mga salitang


mahinhin, masayahin, malungkutin, mapagbiro, seryoso, walang-kibo, palaiwas, magaling
makisama, matulungin, mapagbiro, mapagpakumbaba at iba pa.

3. Paglalarawan ng saloobin at damdamin- Maaaring gamitin ang mga salitang: walang


pakundangan, malambing, maramdamin, matatakutin, madaling kabahan, payapa,
tahimik, iyakin, palangiti, matapang at iba pa.

Tayo’y Magsanay

GAWAIN
1
Panuto: Piliin sa kahon ang mahahalagang katangian ng pangunahing tauhan. Ihanay ito
kung anong uring paglalarawan ang ginamit. Piliin lamang ang titik sa kahon na nasa ibaba
at isulat sa loob ng kahon ng aspeto.

Mga Katangian ni Simoun

A. may mahabang balbas D. mapaghiganti

B. mayaman E.magaling makisama

C. matapang F.may ibang intensyon sa bansa

D.
1.Paglalarawan ng
Katangiang Pisikal
____
____
2.Paglalarawan ng 3.Paglalarawan ng
Kilos,ugali, gawi o saloobin at
Pakikitungo damdamin
_____ ______
_____ ______

Simoun

4
GAWAIN
2
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay klasikong katangian o mabuting
katangian ni Simoun at HINDI naman kung hindi klasikong katangian.

___1. Ang panghihikayat ni Simoun sa mga kabataan na mahalin ang sariling wika natin.
___2. Pagtatapat ng kaniyang kasalanan bago malagutan ng hininga.
___3. Pagpapanggap bilang isang mayamang mag-aalahas upang maghiganti.
___4. Pagtutol sa mga maling gawain ng mga namumuno sa pamahalaan.
___5. Paggamit sa mga taong makapangyarihan upang maisagawa ang layunin.

Replektibong Tanong: Mahalaga ba ang edukasyon sa isang tao at sa isang bansa?


Paano mo ito magagamit nang tama?

Ating Pagyamanin

GAWAIN
1
Panuto: Paghambingin ang tauhang si Crisostomo Ibarra ng Noli me Tangere at Simoun
ng El filibusterismo sa pamamagitan ng Venn Diagram sa ibaba. Piliin ang sagot mula sa
kahon at isulat lamang ang titik.

A.Mayamang binatang galing sa Europa


B.namalagi sa Europa nang matagal at umuwi nang mamatay ang ama
C.Sinisimbolo na may pangarap, may damdamin ng pag-ibig at may-awa
D.Isang mayamang mag-aalahas
E. Humiling ng katarungan sa marahas na paraan
F.hindi nagpakita ng awa;kundi pawang kalupitan
G.Naglayon ng paghihiganti laban sa pamahalaan at simbahan
E. May pagpapahalaga sa pamilya

PAGKAKATULA IBARRA
SIMOUN D NG MGA
TAUHAN ______
______
______ ______
______
______ ______
______

5
GAWAIN
2
Panuto: Ilahad ang iyong saloobin sa sumusunod na sitwasyon .Isulat sa patlang ang titik
ng tamang sagot.

Mga Katanungan Opinyon/ Kasagutan

______1. Sa paglaganap ng pandemyang A. Wala tayong karapatang kitilin ang


COVID-19 sa kasalukuyan, ating sariling buhay kundi ang Diyos
kinakailangang mag-ingat ang lahat. lamang.
_____2. Paano ka magiging B. Sundin ang health protocol na
makatarungan sa gitna ng iyong mga ipinatutupad ng IATF
kabiguan? C. Siya ay aking patutuluyin at
______3. Sapat bang kitilin ang buhay papayuhan ng makabubuti para sa
dahil sa pagkakait ng katarungan? kaniya.
_____4. Paano mo pagagaanin ang loob D. Pananatilihin kong maging mabuti
ng isang taong punong-puno ng hinanakit dahil alam kong pawang mga pagsubok
sa buhay? lang ang mga kabiguan ko.
_____5.Tatanggapin mo ba sa iyong E. Bibigyan ko siya ng mga payo
tahanan ang isang taong alam mong may tungkol sa mga bagay-bagay sa ating
pagkakasala sa batas? buhay upang mapagaan ang kaniyang
kalooban

Replektibong Tanong:
Paano nakatutulong ang nobela sa pagpapahalaga sa ating bansang minamahal?

Ang Aking Natutuhan


Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng talata.

Natutuhan ko sa buong modyul na …

Matapos kung mabasa ang mga kabanata, nalaman ko na si 1_______ pala ang
pangunahing tauhan na nagpanggap na isang mayamang mag-aalahas. Bumalik siya ng
Pilipinas makalipas ang 2.____ taon upang maghiganti.

Naudlot ang kaniyang paghihiganti nang malaman niyang patay na ang kaniyang
babaeng minamahal na si 3._______. Sa huling bahagi ng nobela, humingi siya ng tulong
kay 4.______ at ang kaniyang iniwang 5. ______ ay itinapon sa Dagat Pasipiko.

6
Ating Tayahin
Panuto: Unawaing mabuti ang bawat katanungan. Pilliin ang titik ng tamang sagot at isulat
sa patlang bago ang bilang.

_____1. Ang lahat ay mga paraan kung paano mapangalagaan ang karapatan maliban sa
____________.
A. huwag manlalamang
B. ipagyabang ang mga ari-arian
C. huwag manira sa karangalan ng iyong kapuwa
D. maging parehas o patas sa lahat ng pagkakataon

_____2."Ang kabaitan ay di tulad ng mga brilyante na maisasalin sa iba. Ito ay likas sa


tao." Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
A. Likas sa tao ang kabaitan
B. Hindi naibibigay ang ugali ng isang tao
C. Ang kabaitan ay tulad ng isang Brilyante
D. Ang ugali ay yaman ng tao na maaaring ipamana sa iba

______3."Ibig ko siyang iligtas. Pagliligtas sa kanya ang dahilan ng aking pagnanasang


makabalik upang maghimagsik ang magbubukas ng mga pinto ng kumbento," ani
Simoun."Ay huli na kayo! Patay na siya!"Sino ang tauhan na tinutukoy sausapan?
A. Huli B. Maria Clara C. Paulita Gomez D. Donya Consolacion

______4. "Sa isang utos ng pamahalaan, maaaring maipabilanggo ang ama, asawa o
kapatid." Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
A. Mahilig manakot ang pamahalaan
B. Makapangyarihan ang pamahalaan
C. Nagbubulag-bulagan ang pamahalaan
D. Natatakot ang ama, asawa o kapatid sa pamahalaan

_____5. Ano ang ibig na ilantad na katotohanan ni Rizal hinggil sa hindi na dapat ang
pag-aantanda kapag marumi na ang agua bendita?
A.Walang bisa ang agua bendita kapag marumi na.
B.Parang kinikitil na ang buhay sa ganitong paniniwala
C.Hindi na pantay ang biyayang matatanggap kapag marumi na ang agua bendita.
D.Maaring may gumamit na sa agua bendita na may nakahahawang sakit at ito ay
makahawa pa.

_____6. Sa kabila ng paghihiganting pinlano ni Simoun, kakikitaan pa rin siya ng


mabuting katangian gaya ng ________.
A. mapaghiganti B. maawain C. makabayan D. tuso

_____7. “Ang lahat ng nangyayari sa buhay, tagumpay man o kabiguan ay may dahilan.
Ang lahat ng ating ginagawa ay may kaakibat na bunga.”Ano ang nais ipahayag ng
pangungusap?
A. Kung anong puno, ay siyang bunga.
B. Kung anong ginawa mo sa kapwa mo, ay mangyayari din sa’yo.
C. Lahat ng pangyayari sa buhay natin ay may kaakibat na kabiguan.
D. Lahat ng pangyayari sa buhay, tagumpay o kabiguan ay nagkakalakip para sa
ating ikabubuti.
7
Para sa bilang 8

Winakasan ni Simoun ang kanyang buhay hindi dahil sa bigo siya sa kanyang
layunin. Buong puso niya itong ginawa upang sa ganitong paraan ay tuluyan na
siyang makalaya.

_____8. Ano ang nais ipahayag ng talata?


A. Nabigo si Simoun sa kanyang mga layunin.
B. Para makalimutan ang hindi mabuting nangyari sa kanyang buhay
C. Upang tuluyang makalaya si Simoun sa paghihiganti.
D .Lahat nang nabanggit.

_____9.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangiang klasiko na taglay ni Simoun


na maihahambing natin sa kasalukuyang panahon?
A. Pagpapanggap bilang isang mayamang mag-aalahas
B. Panghihikayat sa mga kabataang mahalin ang sariling wika.
C. Paggamit sa mga taong makapangyarihan.
D. Pagtutol sa mga maling gawain ng mga namumuno sa pamahalaan.

_____10. Nang malaman ni Simoun na patay na si Maria Clara siya ay nakaramdam ng


pagkabalisa. Sa kasalukuyang panahon ito ay maiuugnay sa pangyayaring dulot
ng pandemya na ______________.
A. nawalan ng mahal sa buhay dahil sa COVID 19.
B. nagbuwis ng buhay dahil sa pakikipaglaban.
C. namatay dahil sa aksidente.
D. nawalan ng pag-asa sa buhay dahil sa mga nangyari.

8
Susi sa Pagwawasto

Ating Pagyamanin
Subukin Tayo’y Magsanay Ang Aking Tayahin
1.C Natutuhan
Katangian ng Noli
2.C Gawain 1 1.B
Me Tangere
3.D 1. A at B 1. E 2.D
ACE
4.A 2. D at E 2. D 3.B
5.D 3. C and F 3. C 4.B
Pagkakatulad ng
6.D 4. B 5.D
nobela
7.D Gawain 2 5. A 6.C
GH
8.B 7.D
9.Tama 8.D
1.Tama Katangian ng El
10.Mali 9.D
2.Tama Filibusterismo
1. 1 3.Mali B DF 10.A
4.Tama
5.Mali Gawain 2
1.B
2.D
3.A
4.E
5.C

Sanggunian
Aklat:

Ambat, Vilma C., Teresa B. Eric O. Carino, Mary Ane R. Dasig, Willita A. Enrijo, Shiela C.
Molina, Julieta U. Rivera, Roselyn T. Salum, Joselyn C. Sayso, Mary Grace A. Tabora
at Roderic P. Urgelles. Panitikang Pandaigdig, Patnubay ng Guro, Pasig City: DepEd-
Vibal Group, 2015.

Gimena, Glady E. at Leslie S. Navarro. Ang Pinaikling Bersiyon El Filibusterismo ni Jose


Rizal, Prime Multi-Quality Printing Corp., 2009.

9
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

10

You might also like