You are on page 1of 14

PANGALAN:_____________________________________

BAITANG/SEKSYON:___________________________
____ 11
KOMUNIKASYON
AT PANANALIKSIK SA WIKA
1
AT KULTURANG PILIPINO
Kwarter I – Linggo 2
Kaugnayan ng Konseptong Pangwika

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS

SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Baitang 11
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter I – Linggo 2: Kaugnayan ng Konseptong Pangwika
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Marichel V. Miraflores

Pangnilalamang Patnugot: Enrile O. Abrigo Jr.

Editor: Enrile O. Abrigo Jr.

Tagawasto: Enrile O. Abrigo Jr.

Tagasuri: Marilyn C. Villon at Vilma R. Cabansag

Tagaguhit: Angie Lyka L. Galaroza

Tagalapat: Charie Lou M. Crisostomo at Angie Lyka L. Galaroza

Tagapamahala: Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS

Loida P. Adornado, PhD, ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Panlabas naTagasuri: Lilibeth E. Nadayao, PhD, College Professor,

College of Teacher Education (Palawan State University)

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)

Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1

Kaugnayan ng Konseptong Pangwika

MELC: Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong
pangkomunikasyon sa telebisyon (Halimbawa: Tonights with Arnold Clavio,
State of the Nation, Mareng Wennie, Word of the Lourd) F11PD-Ib-86.

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang kahulugan ng mga konseptong pangwika.
2. Natutukoy ang kaugnayan ng mga konseptong pangwika sa mga napanood
na sitwasyong pangkomunikasyon.
3. Nakasusulat ng mga pananaw tungkol sa pagpapahalaga sa wika.

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan at isulat sa patlang ang titik na
katumbas ng iyong napiling sagot.

1. Kung ang nakagisnang wika ng isang bata ay Cagayanen at natutuhan niya sa

paaralan at mga kaibigan ang wikang Filipino, ano ang tawag sa wikang Filipino
batay sa kaniyang pagkatuto?
A. Ikatlong Wika C. Unang Wika
B. Pangalawang Wika D. Wikang Pambansa

Para sa Bilang 2-3

“Malaki ang papel na ginagampanan ng wikang pambansa upang mapanatili ang
pagkakaisang ito. Tayo ay pinagbuklod ng wikang Filipino at kumikilos nang sama-
sama upang makamit ang kapayapaan, kaunlaran at kasaganaan”.
Pang. Rodrigo R. Duterte

2. Mula sa talumpati ni Pang. Duterte, paano makatutulong ang wika sa ating

bansa?
A. Ang mga mamamayan ay magkakaunawaan.
B. Naipakikilos nito ang mga mamamayan nang sama-sama.
C. Naipahahayag ng bawat isa ang mga mithiin para sa bansa.
D. Napagkakaisa nito ang mga pangarap ng mga mamamayan.

3. Ayon sa talumpati ni Pang. Duterte, bakit malaki ang ginagampanan ng

wikang pambansa?
A. Naipaparating ang mga hinaing ng tao.
B. Pinagbubuklod nito ang mga mamamayan.
C. Sa taglay na karunungan ng mga gumagamit nito.
D. Naipapahayag ng bawat isa ang mga saloobin at opinyon.

4. Ano ang pinapatungkulan ng Pansianoan Ag Pondo-Pondo sa mga Cuyonon?

A. Isang sayaw para sa pagtatanim.
B. Isang awit sa pagpapatulog ng bata.
C. Ito ay isang sayaw tungkol sa panliligaw.
D. Isang awit tungkol sa pagmamahal sa ina.

1
5. Alin sa sumusunod ang WASTO ukol sa kasalukuyang patakarang pangwika sa
Pilipinas?
A. Monolingguwal dahil mayroon itong Pambansang Wika, ang Filipino.
B. Monolingguwal dahil ito ang nakabubuti sa lahat ng Pilipino saan mang
dako ng Pilipinas.
C. Bilingguwal dahil sa wikang Ingles at Filipino lang ang ginagamit na wikang
panturo sa mga paaralan.
D. Multilingguwal dahil sa ipinatutupad na Multilingual Education sa
kurikulum ng K to 12 at sa 150 na diyalekto rito.

6. Ang sumusunod ay kahulugan ng edukasyong bilingguwal, MALIBAN sa ______ .

A. ang paggamit ng Cuyunon sa pagtuturo ng lahat ng asignatura.
B. ito ay paggamit ng wikang Filipino at Ingles sa magkahiwalay na paraan.
C. ito ay kakayahan na gumamit ng dalawang wika sa pagsasalita at pag-
aaral.
D. ito ay kakayahang makaunawa ng dalawang wika at magamit sa
pakikipag-ugnayan.

7. Ano ang pinatutungkulan ng Pansianoan Ag Erekay sa mga Cuyunon?

A. Ito ang bersyon ng balagtasan.
B. Ito ay halimbawa ng isang pagtatalo.
C. Ito ay isang argumento ng bawat panig.
D. Ito ay tagisan ng talino sa pagsulat ng balita.

8. Ano ang layunin ng pagkakaroon ng palabas na Gabi Y Ang Coltorang Palaweño?

A. Muling buhayin ang tradisyon ng mga Palaweño.
B. Ipagmalaki ang kultura ng mga katutubo.
C. Ipakita ang pagmamahal sa bansa.
D. Ipagmalaki ang mga produkto.

9. Ano ang tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang
tao?
A. Unang Wika C. Ikatlong Wika
B. Pangalawang Wika D. Wikang Pantahanan

10. Ano ang simbolo ng wikang natutunan ng isang tao habang lumalawak ang
mundong ginagalawan niya upang makasabay sa takbo ng daigdig?
A. L C. L2
B. L1 D. L3

2
Ating Alamin at Tuklasin
Malaki ang pakinabang kapag natutuhan mo ang maraming wika na magbibigay
daan sa maraming oportunidad sa buhay ng bawat indibidwal. Ang paggamit ng
katutubong wika na pinag-ugatan natin, ang wikang pambansa na Filipino na siyang
pagkakakilanlan ng ating lahi at ang Ingles na wika ng daigdig ay mga wikang dapat na
matutuhan at mas maganda kung higit pa rito ang sinasalita mong wika. Sa mga wikang
natutuhan natin ay maaari tayong maging bilingguwal at multilingguwal.

Filipino ang
Binhi wika ng aking mga
Ano ang wika sa magulang. But we
ng
inyong tahanan? also speak English in
Kaalaman
our home.

Multilingguwal – mula
sa salitang Ingles na “multi” Ameng
na ibig sabihin ay marami lemeg muro
at salitang lenggwahe na Cuyonon.
kasingkahulugan ng
salitang “wika.” Sa Palawan
ay maraming sinasalitang
wika at diyalekto tulad ng
Agutaynon, Batak,
Cuyunon, Kagayanen,
Palawano, Molbog, at
Tagbanua.

Natatandaan mo pa ba ang aralin sa CLAS 1? Nawa ay napagtanto mo na ang

wika ay mahalagang instrumento sa komunikasyon. Ito ang nagiging daan upang
magkaunawaan at magkaisa ang mga tao. Isa ang Pilipinas sa pagkakaroon ng
maraming wika. Halika at alamin ang kahulugan ng unang wika, pangalawang wika,
ikatlong wika, bilingguwalismo at multilinggguwalismo.

Ang Unang Wika ay wikang natutuhan ng isang bata mula sa kaniyang pagkasilang,
tinatawag din itong katutubong wika o mother tongue (Language 1 o L1). Isang halimbawa
nito ay ang mga nakatira sa Cuyo kung saan ang unang wika nila ay Cuyunon gayundin
sa Agutaya na Agutaynen ang kanilang unang wika at sa Balabac ay may ilang grupo ng
Muslim na nagsasalita ng Molbog. May mga pagkakataon na ang L1 ng ibang bata ay
wikang Ingles o kaya naman ay wikang Filipino mula sa nakagisnan nilang wika.

Ang Pangalawang Wika ay pagkatapos niyang matutuhan ang unang wika. Dahil
marami na siyang makakahalubilo ay may panibagong wika siyang matutuhan tulad ng
wikang ginagamit sa pagtuturo. Ito ang Language 2 o L2. Kapag bihasa na ang isang bata
sa Cuyunon bilang unang wika niya ay matutuhan niya ang pangalawang wika, ang Filipino
sa paaralan. Sa ibang bata ay nagiging L2 nila ang wikang Ingles pagkatapos nilang
matutuhan ang L1 nila.

Lumalawak ang ginagalawan ng isang tao kaya may panibago naman siyang wikang
matututuhan upang makasabay sa takbo ng daigdig. Ito ay tinatawag na Ikatlong Wika
(language 3 o L3). Ang wikang dapat matutuhan ng isang Pilipino ay ang wikang Ingles
samantala sa iba ay katutubong wika o wikang Filipino. Ang L1, L2, at L3 ng isang tao ay
nakadepende sa wikang nakagisnan nila at ang mga wikang ginagamit sa paligid na
kanilang ginagalawan. Iba-iba man tayo ng wikang ginagamit, mahalaga pa rin ang
pagkakaunawaan at pagkakaisa tungo sa magandang mithiin ng bawat isa.

3
Ang patakarang edukasyong bilingguwal ng DECS Order No. 25, s.1974 ay pinagtibay
ng National Board of Education (NBE) upang maging bihasa sa dalawang wika. Ito ay may
pamagat na Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education na naglalayong
gamitin ang wikang Filipino at Ingles sa magkahiwalay na paraan at paghusayin ang mga
Pilipino sa dalawang wika.

(Pinagkunan: Magdalena O. Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Batayang Aklat, Quezon City: DepEd-Vibal Group, 2016, 25, 114-115.)

Likas na sa mga Pilipino ang pagiging multilingguwal dahil mayroon tayong mahigit
na 150 na wika at wikain. Marami sa mga batang Pilipino ay gumagamit ng unang wika
kaya nagkaroon tayo ng multilingguwal na edukasyon. Ito ay naging bahagi ng K to 12
Curriculum na ipinapatupad ng DepEd na ang unang wika ay wikang panturo sa
kindergarten hanggang Baitang 3. Ang patakaran na ito ay nakapaloob sa DO 16, s. 2012
na may pamagat na Guidelines on the Implementation of the Mother Tongue Based-
Multilingual Education (MTB-MLE). Nagsimulang ipatupad ang patakarang ito sa taong
panuruan 2012-2013.

(Pinagkunan: ”Guidelines on the Implementation of the Mother Tongue-Based-Multilingual

Education,” Department of Education, June 7, 2020, https://www.deped.gov.ph.)

Ang paggamit ng unang wika ay sinasabing epektibo sa pagkatuto ng mga mag-

aaral dahil malapit sa kanila ang wika at madaling matutuhan ang mga asignatura.
Ang pagkakaroon ng maraming alam sa wika ay nagbubukas sa maraming kaalaman
ng mundo.

Ngayon ay basahin at unawain mo ang nilalaman ng talumpati ni Pangulong Rodrigo

R. Duterte at maaari mo ring buksan ang link na nasa ibaba. Pagkatapos nito ay sagutin
ang gawain ukol dito.

“MAHIGIT ISANG TAON NA MULA

NANG TAYO AY NANGAKO NG “MALAKI ANG PAPEL NA
TUNAY AT MAKABULUHANG GINAGAMPANAN NG WIKANG
PAGBABAGO, MARAMI NA TAYONG PAMBANSA UPANG MAPANATILI ANG
PINAGDAANANG MGA PAGSUBOK PAGKAKAISANG ITO. TAYO AY
BILANG ISANG BANSA AT
NALAMPASAN NATING LAHAT ANG PINAGBUBUKLOD NG WIKANG
MGA IYON DAHIL SA PATULOY NA FILIPINO AT KULIKILOS NANG SAMA-
PAGTUTULUNGAN.” SAMA UPANG MAKAMIT ANG
KAPAYAPAAN, KAUNLARAN, AT
KASAGANAAN SA ATING LIPUNAN.”

“IKINAGAGALAK KO NA ANG TEMA PARA “MAHABA NA ANG ATING NILAKBAY AT

SA TAONG ITO, “FILIPINO: WIKANG NAKIKITA NA RIN NATIN ANG BUNGA NG
MAPAGBAGO,” AY NAANGKOP SA ATING ATING PAGSISIKAP. HINDI TAYO TITIGIL
HANGARING MAITAGUYOD ANG MGA SA LABANG ITO. DAHIL SA ATING WIKA
REPORMANG HIGIT NA AT SA KULTURANG
MAKAPAGPAPATATAG SA BANSANG PINANGANGALAGAAN NATIN, MAS
PILIPINAS.” NAKIKILALA SA BUONG MUNDO ANG
ATING PAGKA-FILIPINO.”

(Pinagkunan:“Kahalagahan ng Wikang Pambansa sa Pag-unlad ng Pilipinas, binigyang diin ni

Pres. Duterte”. Network PTV 4, June 5, 2020, https://www.youtube.com/watch?
v=pkn-6Ywb5Jc.)

4
Nalaman mo mula kay Pangulong Duterte ang kahalagahan ng wikang Filipino, ngayon
naman ay panoorin mo ang balita na ”Kulturang Palaweño” mula sa TV Patrol Palawan sa
link na https://www.youtube.com/watch?v=KOxgPkyvEF0. Maaari mo rin basahin ang
iskrip ng video kung sakaling hindi mo mabuksan ang link.

“Kulturang Palaweño”
TV Patrol Palawan

Boses ni Lynette dela Cruz (Tagapagbalita):

“Hindi lamang ang mga naggagandahang booth,
souvenir at masarap na pagkain ang maaaring
matutunghayan sa Baragatan Festival 2018
dahil iba’t ibang palabas din ang aabangan gabi-
gabi.”

Boses ni Lynette dela Cruz (Tagapagbalita): “Isa

sa mga highlight ay ang Gabi Y Ang Coltorang
Palaweño. Ngayong taon ay nakatutok ito sa mga
kulturang Cuyonon kaya magkakaroon ng
pagalingan sa “Pansianoan Ag Erekay” at
“Pansianoan Ag Pondo-Pondo”. Ang Erekay ay
bersyon ng balagtasan sa Cuyunon habang ang
Pondo-Pondo ay sayaw na nakatuon sa
panliligaw.”

Bing Peña: “Gabi Y Ang Coltorang Palaweño

meaning lahat ng tribu ay magkakaroon ng
pagkakataon pero sa taong ito gusto muna nating
balikan muna ang orihinal ‘yong Cuyonon Night.”

Boses ni Lynette dela Cruz (Tagapagbalita): “Ilan

daw kasi ito sa mga tradisyong unti-unting
nawawala sa paglipas ng panahon gaya ng
Erekay, piniling isama sa tagisan pagkatapos
nitong muling buhayin ng nanalong Ms.
Cuyunon Palawan 2018 sa talentong kanyang
ipinamalas.”

Bing Peña: “Nakalilimutan na, unti-unting

nawawala kaya siguro its high time na magkaroon
ulit tayo non para balikan natin nang kaunti ang
mga masasayang panahon na medyo mababaw
ang kaligayahan ng mga Cuyonon, alam mo na,
mag-erekay kita anay.”

Jessa May Tabangay: “Ayamo kaba’y sa tempo

dadi (Bakit kaya sa panahon ngayon?) Duro ren
ag bago sateng kabui (Marami na ang nagbago sa
ating buhay) Mayteng bisara ateng eng sisinte
(mapagalitan nang kaunti, dinamdam agad)
Datong primero agabutig bisaran ngane
abaliskad ang bibig (sa una’y nagsisinungaling
kapag napagalitan ay bumabaligtad ang bibig).
Ang ako po ang highschool sa ‘ming school, ako
aga intra ren ag erekay (Noong highschool pa ako,
sa school namin, sumasali na ako sa erekay).”

(Pinagkunan: “Kulturang Palaweño,” TV Patrol Palawan, June 1, 2020,

https://www.youtube.com/watch?v=pkn-6Ywb5Jc.)

5
Tayo’y Magsanay

Panuto: Alamin natin ang wikang sinasalita mo. Sagutin ang mga tanong na nasa tsart
Panuto:
at isulat sa dalawang kahon ang iyong mga sagot.

Ano ang iyong

unang wika?
Paano mo ito
natutuhan?

Ano ang iyong

pangalawang
wika? Paano ito
nalinang sa iyo?

Ano ang iyong

ikatlong wika?
Paano ito nalinang
sa iyo?

Panuto: Alamin natin ang wikang sinasalita mo. Sagutin ang mga tanong na nasa
tsart at isulat sa dalawang kahon ang iyong mga sagot.

1. Ano ang saloobin mo hinggil sa paggamit ng Pangulo ng wikang Filipino sa

kaniyang talumpati? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga ang wika ayon kay Pangulong Duterte? Paano pauunlarin ang
wikang Filipino?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Ginamit ba ng mga nagsasalita ang L1, L2 at L3 sa video ng “Kulturang Palaweño”?

Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

6
Ating Pagyamanin

Panuto: Natutuhan mo na marahil ang pakinabang kapag marami kang alam na wika.
Nakikita mo ba ang komiks na nasa ibaba pero walang usapan. Mag-isip ng angkop na
diyalogo sa bawat sitwasyon gamit ang L1, L2 at L3.

Sitwasyon 1: Pagpapaalala ng ina na iwasan muna ang palagiang paglabas ng bahay upang
hindi mahawa ng covid virus gamit ang L1.

Sitwasyon 2: Pagtanong ng guro at pagpapaliwanag ng mag-aaral tungkol sa kahalagahan

ng multilingguwalismo (L2 at L3).

7
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

Katulad ng ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal, marami

siyang sinasalitang wika. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na matuto ng
tatlo o higit pang wika bukod sa mga wikang ginagamit mo sa kasalukuyan,
ano-ano ang mga wikang ito? Bakit? Maaari ka bang magbigay ng mga
halimbawa?
_________________________________________________________________

Mula sa mga gawain, bakit mahalaga ang maging bilingguwal at multilingguwal?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

8
Ang Aking Natutuhan

Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan at isulat sa patlang ang titik na
katumbas ng iyong napiling sagot.

1. Ang sumusunod ay kahulugan ng edukasyong bilingguwal, MALIBAN sa ______ .

A. ang paggamit ng Cuyunon sa pagtuturo ng lahat ng asignatura.
B. ito ay paggamit ng wikang Filipino at Ingles sa magkahiwalay na paraan.
C. ito ay kakayahan na gumamit ng dalawang wika sa pagsasalita at pag-
aaral.
D. ito ay kakayahang makaunawa ng dalawang wika at magamit sa
pakikipag-ugnayan.

2. Ano ang pinatutungkulan ng Pansianoan Ag Erekay sa mga Cuyunon?

A. Ito ang bersyon ng balagtasan.
B. Ito ay halimbawa ng isang pagtatalo.
C. Ito ay isang argumento ng bawat panig.
D. Ito ay tagisan ng talino sa pagsulat ng balita.

3. Ano ang layunin ng pagkakaroon ng palabas na Gabi Y Ang Coltorang Palaweño?

A. Muling buhayin ang tradisyon ng mga Palaweño.
B. Ipagmalaki ang kultura ng mga katutubo.
C. Ipakita ang pagmamahal sa bansa.
D. Ipagmalaki ang mga produkto
9
4. Ano ang tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang
tao?
A. Unang Wika C. Ikatlong Wika
B. Pangalawang Wika D. Wikang Pantahanan

5. Ano ang simbolo ng wikang natutunan ng isang tao habang lumalawak ang
mundong ginagalawan niya upang makasabay sa takbo ng daigdig?
A. L C. L2
B. L1 D. L3

6. Kung ang nakagisnang wika ng isang bata ay Cagayanen at natutuhan niya sa

paaralan at mga kaibigan ang wikang Filipino, ano ang tawag sa wikang Filipino
batay sa kaniyang pagkatuto?
A. Ikatlong Wika C. Unang Wika
B. Pangalawang Wika D. Wikang Pambansa

Para sa Bilang 7-8.

“Malaki ang papel na ginagampanan ng wikang pambansa upang mapanatili ang
pagkakaisang ito. Tayo ay pinagbuklod ng wikang Filipino at kumikilos nang sama-
sama upang makamit ang kapayapaan, kaunlaran at kasaganaan”.
Pang. Rodrigo R. Duterte

7. Mula sa talumpati ni Pang. Duterte, paano makatutulong ang wika sa ating

bansa?
A. Ang mga mamamayan ay magkakaunawaan.
B. Naipakikilos nito ang mga mamamayan nang sama-sama.
C. Naipahahayag ng bawat isa ang mga mithiin para sa bansa.
D. Napagkakaisa nito ang mga pangarap ng mga mamamayan.

8. Ayon sa talumpati ni Pang. Duterte, bakit malaki ang ginagampanan ng

wikang pambansa?
B. Naipaparating ang mga hinaing ng tao.
B. Pinagbubuklod nito ang mga mamamayan.
C. Sa taglay na karunungan ng mga gumagamit nito.
D. Naipapahayag ng bawat isa ang mga saloobin at opinyon.

9. Ano ang pinapatungkulan ng Pansianoan Ag Pondo-Pondo sa mga Cuyonon?

A. Isang sayaw para sa pagtatanim.
B. Isang awit sa pagpapatulog ng bata.
C. Ito ay isang sayaw tungkol sa panliligaw.
D. Isang awit tungkol sa pagmamahal sa ina.

10. Alin sa sumusunod ang WASTO ukol sa kasalukuyang patakarang pangwika sa

Pilipinas?
A. Monolingguwal dahil mayroon itong Pambansang Wika, ang Filipino.
B. Monolingguwal dahil ito ang nakabubuti sa lahat ng Pilipino saan mang
dako ng Pilipinas.
C. Bilingguwal dahil sa wikang Ingles at Filipino lang ang ginagamit na wikang
panturo sa mga paaralan.
D. Multilingguwal dahil sa ipinatutupad na Multilingual Education sa
kurikulum ng K to 12 at sa 150 na diyalekto rito.

10
Susi sa Pagwawasto

Tayo’y Magsanay
Subukin Natin
1. B
Gawain 1 (Posibleng sagot)
2. B
1. Pamilyar ako sa apat na wika ang Molbog, Filipino, Ingles at
3. B
Cuyunon. Ang Molbog ay natutuhan ko dahil ito ang wikang
4. C
ginagamit ng aking ina. Ang Filipino ay natutuhan ko sa aking
5. D
mga tiyuhin at tiyahin na nagpaaral sa akin mula elementarya
6. A
hanggang kolehiyo at ito rin ang wikang ginagamit sa paaralan
7. A
sa mga asignaturang Filipino, Araling Panlipunan at Edukasyon
8. A
sa Pagpapakatao. Ang Ingles ay natutuhan ko sa paaralan na
9. A
ginagamit sa mga asignaturang Ingles, Matematika at Agham.
10. D
Gawain 2 (Posibleng sagot)
Ang Aking
1. Natutuwa ako na ang pangulo ang nangunguna sa paggamit
Natutuhan
ng wikang Filipino. Nagpapakita ito ng pagtaguyod sa sariling
1. Mother Tongue
wika natin.
2. Ikalawang
2. Mahalaga ang wika ayon kay Pangulong Duterte dahil
Wika
pinagbubuklod nito ang mga mamamayan. Mapapaunlad ang
3. Ikatlong Wika
wika sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga
4. Bilingguwal
mamamayan na gamitin ito sa iba’t ibang larangan.
5. 150
3. Ginamit ng tagapagbalita ang L2 o wikang Filipino sa
pagbabalita dahil ito ang wikang nauunawaan ng lahat.
Ating Tayahin
Ang mga kinapanayam na sina Bing Peña at Jessa May
1. A 6. B
Tabangay ay multilingguwal dahil gumagamit sila ng Cuyunon,
2. A 7. B
Filipino at Ingles. Karaniwan na sa mga Pilipino ang maging
3. A 8. B
multilingguwal dahil marami tayong diyalekto at ang Filipino at
4. A 9. C
Ingles ay itinuturo sa paaralan.
5. D 10. D
Ating Pagyamanin
Gawain 1: Nakabatay sa sagot ng mag-aaral.
Gawain 2: Nakabatay sa sagot ng mag-aaral.

Sanggunian
Aklat
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon
City: Department of Education-Vibal Group, Inc., 2016.

Website
”Guidelines on the Implementation of the Mother Tongue-Based- Multilingual
Education.” June 7, 2020. https://www.deped.gov.ph.

Santos, Alex. “Kahalagahan ng Wikang Pambansa sa Pag-unlad ng

Pilipinas, binigyang diin ni Pres. Duterte.” June 5, 2020.
https://www.youtube.com/watch?v=pkn-6Ywb5Jc.

Zabanal, Jay at Lynette dela Cruz. “Kulturang Palaweño.” June 1, 2020.

https://www.youtube.com/watch?v=pkn-6Ywb5Jc.

11
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito

ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang

nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong

kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan

(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo

at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono : __________________________________

PANGALAN NG MAG-AARAL:

Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

Lagda ng Guro:

12

You might also like