You are on page 1of 15

8

`
PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

ARALING PANLIPUNAN
Kwarter IV – Linggo 6
Ideolohiyang Politikal at Ekonomiko
sa Hamon ng Estabilisadong
Institusyon ng Lipunan

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Araling Panlipunan – Baitang 8
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 6: Ideolohiyang Politikal at Ekonomiko sa Hamon ng
Estabilisadong Institusyon ng Lipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi m aaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets


Manunulat: Julius C. Moncatar
Pangnilalamang Patnugot: Nimfa V.Alaska
Editor: Angie Lyka L. Galaroza
Tagawasto: Nimfa V. Alaska
Tagasuri: Marites L. Arenio, Fe O. Cabasal, Nimfa V. Alaska, Jouilyn O.
Agot, Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin

Tagalapat: John Lawrince E. Retanal

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V. SDS
Loida P. Adornado PhD. ASDS
Cyril C. Serador PhD. CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
MaritesL. Arenio, EPS-Araling Panlipunan
Fe O. Cabasal, PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDOII
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Rodney M. Ballaran,


Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.:(048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Ideolohiyang Politikal at Ekonomiko sa
Hamon ng Estabilisadong Institusyon
ng Lipunan
MELC: Nasusuri ang mga ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon ng estabilisadong
institusyon ng lipunan. AP8AKD-IVi-9

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon ng
estabilisadong institusyon ng lipunan
2. Naipaliliwanag ang mga ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon ng
estabilisadong institusyon ng lipunan
3. Nasusuri ang mga ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon ng estabilisadong
institusyon at lipunan

Subukin Natin

Panuto: Unawain ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang bago ang bilang na tinutukoy ng bawat aytem.

_____1. Ano ang layunin ng ideolohiyang komunismo?


A. Palakasin ang pakikipagkalakalan ng mga pribadong mangangalakal.
B. Kilalanin at bigyan ng pagpapahalaga ang mga karapatan ng kababaihan.
C. Tuluyang lansagin ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan batay
sa uri na kanilang kinabibilangan.
D. Kinikilala ang kakayahan ng isang indibiduwal na makapag-ambag sa lipunan
sa iba’t ibang paraan, kapasidad, at antas.

_____2. Bakit mahalaga para sa isang bansa ang ideolohiya?


A. Upang maging tanyag ang isang bansa.
B. Upang maging kilala ang pinuno ng isang bansa.
C. Dahil ito’y nagsisilbi bilang isang propaganda lamang.
D. Dahil ito ang magsisilbing batayan o pamantayan sa pamamahala at
ekonomiya.

_____3. Aling kategorya ng ideolohiya ang nakasentro sa mga patakarang pang-ekonomiya


at paraan ng paghahati ng mga kayamanan para sa mga mamamayan?
A. Ideolohiya C. Ideolohiyang Pampolitika
B. Ideolohiyang Panlipunan D. Ideolohiyang Pangkabuhayan

_____4. Anong uri ng ideolohiya ang nagsasabi na ang kapangyarihan ng pamahalaan ay


nasa kamay ng mga tao?
A. Kapitalismo C. Totalitaryanismo
B. Demokrasya D. Awtoritaryanismo

1
_____5. Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng katangian ng kapitalismong ideolohiya?
A. Pinamumunuan ng isang diktador.
B. Ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan.
C. Ang produksyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong
mangangalakal.
D. Doktrina na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung saan ang
pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao.

_____6. Batay sa sumusunod na pahayag, alin dito ang angkop na deskripsyon ng salitang
ideolohiya?
A. Sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan.
B. Galing sa salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.
C. Nagsisilbing kaisipan, panuntunan o pundasyon ng sistemang pang-ekonomiya
at pampolitika ng isang bansa, at pamahalaan o kilusan.
D. A, B, at C

_____7. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa kapitalistang bansa?


A. Canada C. Philippines
B. Japan D. United States

_____8. Anong ideolohiya ang umiiral sa bansang Pilipinas?


A. Awtoritaryanismo C. Pasismo
B. Demokrasya D. Totalitaryanismo

_____9. Ang laissez faire ay isa sa dalawang konsepto ng anong ideolohiya?


A. Konserbatismo C. Peminismo
B. Liberalismo D. Sosyalismo

_____10. May mabuti bang maidudulot ang pagkakaroon ng ideolohiya ng isang bansa?
A. Wala, dahil ito ay para lamang sa personal na interes.
B. Meron, upang maging tanyag ang nagpakilala nito sa isang bansa.
C. Wala, dahil ito ay hindi nagbibigay ng pagkakataon sa isang tao upang umunlad.
D. Meron, dahil sa ideolohiya nagkakaroon ng gabay at direksyon ang isang bansa
sa pamamalakad at pamamahala.

Ating Alamin at Tuklasin

Ang ideolohiya ay nagsisilbing kaisipan, panuntunan


o pundasyon ng sistemang pang-ekonomiya, at pampolitika
ng isang bansa, pamahalaan o kilusan. Ito rin ang
Paghawan ng nagbubuklod sa mga mamamayan upang maging isang
Balakid nagkakaisang puwersa. Ideolohiya rin ang nagsisilbing
gabay ng bawat pamahalaan sa pamamalakad ng bawat
Ideolohiya –
sistema o nasasakupan nito. Ito rin ang lundayan ng mga
kalipunan ng pampolitikang kilusan sa paglulunsad ng reporma o
mga ideya o rebolusyon tungo sa makabuluhan at pang-matagalang
kaisipan na pagbabagong panlipunan.
naglalayong Si Destutt de Tracy ang nagpakilala ng salitang
magpaliwanag ideolohiya bilang pinaikling pangalan ng agham ng mga
tungkol sa
kaisipan o ideya. May iba’t ibang kategorya ang ideolohiya.
daigdig at sa
Ito ay ang sumusunod:
mga pagbabago
nito. 2
1. Ideolohiyang Pangkabuhayan – Nakasentro ito sa mga patakarang pang-
ekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati ng mga kayamanan para sa mga
mamamayan. Nakapaloob dito ang mga karapatang makapagnegosyo,
mamasukan, makapagtayo ng unyon, at magwelga kung hindi magkasundo
ang kapitalista at mga manggagawa.
2. Ideolohiyang Pampolitika – Nakasentro naman ito sa paraan ng pakikilahok
ng mga mamamayan sa pamamahala. Ito ay mga pangunahing prinsipyong
politikal at batayan ng kapangyarihang politikal. Karapatan ng bawat
mamamayan na bumuo at magpahayag ng opinyon at saloobin.
3. Ideolohiyang Panlipunan – Tumutukoy ito sa pagkakapantay-pantay ng
mga mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng
pamumuhay ng mga mamamayan.

Natatandaan mo pa ba ang nakaraang aralin? Nawa’y iyong napahalagahan ang


pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig. Sa bahaging ito ng
susunod na aralin ikaw ay mas lalo pang maliliwanagan sa iba’t ibang ideolohiya na
nakatulong sa isang bansa upang maging estabilisado ang isang institusyong
panlipunan.

Ang Iba’t Ibang Ideolohiya

Ang sumusunod ay mga ideolohiyang laganap at dating laganap sa daigdig:

❖ Kapitalismo
Tumutukoy ito sa isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang
produksyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong
mangangalakal hanggang sa maging maliit na lamang ang papel ng pamahalaan
sa mga patakarang pangkabuhayan.

❖ Demokrasya
Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng taumbayan. Sa
demokrasya, maaaring makilahok nang tuwiran o di-tuwiran ang mga
mamamayan. Tinatawag itong direct o tuwirang demokrasya kung ibinoboto
ng mamamayan ang gusto nilang mamuno sa pamahalaan. Karaniwang pumipili
ang mga tao sa pamamagitan ng halalan ng mga kinatawan na siyang hahawak
sa kapangyarihan o pamahalaan sa ngalan nila. Tinatawag ang pamamaraang
ito na representative o kinatawang demokrasya. Maaari rin namang di-tuwiran
ang demokrasya kung ang ibinoboto ng mga mamamayan ay kinatawan nila sa
pamahalaan na siya namang pipili ng mga pinuno sa pamahalaan. Mayroon ding
uri ng demokrasya na nagiging diktadura. Ito ang nagaganap kapag ang inatasan
ng mga tao upang mamuno ay magsimulang mangamkam ng kapangyarihan at
isawalang-bahala ang kagustuhan ng mga tao. Ang diktadur ay namumuno
batay sa kanyang sariling kagustuhan at hindi sa kagustuhan ng mga tao.

3
❖ Awtoritaryanismo
Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos
na kapangyarihan. Makikita ito sa pamahalaan ng Iran, kung saan ang
namumuno ay siya ring puno ng relihiyong Islam ng estado. Ang namumuno ay
may napakalawak na kapangyarihan na sinusunod ng mga mamamayan.
Mayroon ding tinatawag na konstitusyonal na awtoritaryanismo kung saan ang
kapangyarihan ng namumuno ay itinakda ng saligang batas. Ito ang tawag ng
dating pangulong Marcos sa kaniyang pamamahala sa ilalim ng Batas Militar
noong 1972 hanggang sa mapatalsik siya noong Pebrero 1986.

❖ Totalitaryanismo
Ang pamahalaang totalitaryan ay karaniwang pinamumunuan ng isang
diktador o grupo ng taong makapangyarihan. Sa ilalim ng ganitong pamahalaan,
may ideolohiyang pinaniniwalaan at may partidong nagpapatupad nito. Limitado
ang karapatan ng mga mamamayan sa malayang pagkilos, pagsasalita, at
pagtutol sa pamahalaan. Gayundin, ang pagpapahayag ng relihiyon ay hindi
lubusang sinasang-ayunan ngunit hindi rin naman tahasang ipinagbabawal.
Lahat ng desisyon tungkol sa pamamahala at kabuhayan ay nasa kamay rin ng
isang grupo o ng diktador. Nasa kamay ng pamahalaan ang pag-aari ng mga
lupain, kayamanan ng bansa, at mga industriya. Halimbawa nito ang
pamahalaan ni Hitler sa Germany at ni Mussolini sa Italy bago at habang
nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isang uri ng pamahalaang
totalitaryan ang sistemang diktatoryal. Unang ginamit ang sistemang ito noong
sinaunang panahon tuwing may mga kagipitan o labanan at may
pangangailangang magtakda ng isang punong military na may kapangyarihang
diktatoryal.
Subalit matapos ang kagipitan ay inalis ang ganitong katungkulan. Sa
sinaunang panahon, maraming bansa ang yumakap sa sistema na ang pinuno
ay isang diktador. Naging palasak ito sa mga bansa sa Timog Amerika at iba
pang lugar sa Asya at Africa ngunit higit na makapangyarihan kaysa sa
sinaunang mga diktadorya. Napapanatili ang kapangyarihan sa diktador sa
pamamagitan ng pagkontrol sa pamahalaan, ekonomiya, mass media o mga uri
ng pamamahayag, simbahan, at pati kaisipan ng mga mamamayan.

❖ Sosyalismo
Isa itong doktrina na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung
saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao.
Ang pangkat na ito ang nagtatakda sa pagmamay-ari at pangangasiwa ng lupa,
kapital, at mekanismo ng produksyon. Ang mga industriya at lahat ng mga
pagpapabuti ng kalagayan ng mga mamamayan ay nasa kamay rin ng
pamahalaan. Hangad ng sosyalismo ang pagkamit ng perpektong lipunan sa
pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksyon sa bansa. Binibigyang-
diin nito ang pagtutulungan habang ang mahahalagang industriya ay pag-aari
ng pamahalaan. Halimbawa ng ganitong pamahalaan ang namayani sa China at
ang dating Union Soviet, kung saan ang teorya ni Karl Marx ay sinubukan na
bigyan ng katuparan.

❖ Konserbatismo
Lumaganap ang ideolohiyang ito noong Middle Ages. Isa sa mga naging
pangunahing tagapagtaguyod ng konserbatismo ay si Edmund Burke (1729-
1797), isang Irish na mambabatas, manunulat, at pilosopo.

4
Pangunahing katangian ng konserbatismo ang layuning mapanatili ang
nananaig na kaayusan (status quo). Mas pinahahalagahan nito ang mga
tradisyon ng nakaraang henerasyon kaysa mga makabagong sistema na
inaakala nito na walang malinaw na direksiyon at hindi maaasahang
makatutugon sa mga kasalukuyang suliranin. Ilan sa mga saligang prinsipyo ng
ideolohiyang ito ay kaayusan, pagkamakabayan, moralidad, at katapatan.

❖ Liberalismo
Kinikilala ng liberalismo ang kakayahan ng isang indibiduwal na
makapag-ambag sa lipunan sa iba’t ibang paraan, kapasidad, at antas.
Kinikilala rin nito ang kakayahan ng isang indibiduwal na mapaunlad ang
kanyang sarili. Sa bahagi naman ng pamahalaan, dapat nitong tiyakin na
maisasakatuparan ang pag-unlad ng tao sa pamamagitan ng pagkilala sa
kanyang mga natatanging kakayahan at pagbibigay sa kanya ng iba’t ibang
pagkakataon upang linangin ang mga ito.
Dalawang mahalagang konsepto ang nakapaloob sa liberalismo.

1. Utilitarianismo – sumusuporta sa batayang prinsipyong “pinakamabuti para


sa nakararami” (the greatest good for the greatest number).
2. Laissez Faire Economics – naniniwala na mas makabubuti sa pamilihan na
maging malaya ito mula sa anumang anyo ng kontrol o manipulasyon ng
pamahalaan. Ayon sa paniniwala ng mga liberal, dapat hayaang maging
malaya ang pamilihan sa pagtatakda ng presyo. Kung nais kumita ng isang
negosyante ng mas malaki, dapat pagbutihin niya ang paggawa ng kanyang
produkto. Para sa mga liberal, dapat ay magsilbing instrumento ang mga
patakaran ng pamahalaan upang bumuti ang negosyo ng mga
namumuhunan. Makikita ang ganitong sistema sa mga kapitalistang bansa
sa pangunguna ng United States, Canada, Japan, at iba pa.

❖ Komunismo
Layunin ng ideolohiyang ito na tuluyang lansagin ang hindi
pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan batay sa uri (class) na kanilang
kinabibilangan. Ito ang nagsisilbing batayan ng pagkakahati-hati ng tao ayon sa
estado sa buhay. Iniuugat ng mga komunista ang hindi pagkakapantay-pantay
sa mapang-abuso at hindi makatarungang sistema ng kapitalismo. Ayon sa
ideolohiyang ito, sa kagustuhan ng mga kapitalista na magkamit ng malaking
tubo, ginigipit nila ang mga manggagawa sa pamamagitan ng mababang
pasahod, pagbabawal sa kanilang magtatag o sumali sa unyon, at hindi
pagbibigay ng katiyakan sa trabaho o security of tenure.
Sa ilalim ng komunismo, ang mga kagamitan sa produksyon ay
kolektibong pagmamay-ari at pinangangasiwaan ng lahat ng mamamayan.
Pantay-pantay ang karapatan ng bawat isa. Sa sosyalismo, ang pagmamay-ari
ay nasa kamay pa ng estado. Sa komunismo naman, isinasalin na sa kamay ng
mga mamamayan ang pagmamay-ari nito, wala nang pangangailangan sa estado
kung kaya kusa na itong mawawala (withering away of the state). Sumasang-
ayon din ang mga komunista sa armadong pakikidigma upang lansagin ang
kasalukuyang pamahalaang kontrolado ng naghaharing-uri. Para kay Karl
Marx, ang komunismo ang pinakamataas na yugto na maaaring abutin ng
ebolusyon ng lipunan. Sa komunismo, lahat ay pantay-pantay ang katayuan sa
buhay at sama-samang nakikinabang sa produksiyon ng ekonomiya.

5
Tinutuligsa rin sa sistemang ito ang maluho, makasarili, at materyosong
pamumuhay na umiiral sa kapitalismo.
Ang China, Cuba, Vietnam, at North Korea ay mga bansang komunista
bagama’t sa pamantayan ni Marx, ang katayuan nila ay sosyalista pa lang at
hindi pa nila nararating ang estado ng komunismo.

❖ Pasismo
Ang kaisipang pasismo ay nakabatay sa paniniwalang napapailalim ang
kapakanan ng mamamayan sa tunguhin at interes ng estado. Isinusulong ng
pasismo ang pagtatayo ng isang estadong pinamumunuan lamang ng isang
partido. Karaniwang namumuno sa partido at estado ang isang karismatiko at
diktador na pinuno.
Tutol ang pasismo sa anumang uri ng organisasyon at kontrolado ang
lahat ng uri ng mass media. Naniniwala rin ang pasista na sadyang may hindi
pagkakapantay-pantay sa lipunan. Ang kagalingan ng mamamayan ay
maitataguyod lamang sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang bansang may
pamahalaang sentralisado ang pamamalakad. Halimbawa ng ganitong sistema
ay ang Italy sa pamumuno ni Benito Mussolini at Germany sa ilalim ni Hitler.

❖ Peminismo
Tumutukoy ito sa ideolohiyang nagsusulong ng kagalingan ng
kababaihan at ang kanilang pagtatamasa ng mga karapatang taglay ng
kalalakihan. Kabilang sa mga itinataguyod ng mga peminista ang karapatan ng
kababaihang bumoto, kumandidato, at mahalal. Gayundin, isinusulong ng mga
peminista ang karapatan ng kababaihan sa ari-arian (property rights), sa
pinagtatrabahuhan (workplace rights), at sa karapatang reproduktibo
(reproductive rights). Pangunahin din nilang tuon ang proteksiyon ng
kababaihan sa lahat ng uri ng karahasan at diskriminasyon.

(Pinagkunan: Rosemarie C. Blando et al., Araling Panlipunan:


Kasaysayan ng Daigdig, Modyul para sa Mag-aaral, Pasig City:
Department of Education- Bureau of Learning Resources, 2014,
493-501.)

(Pinagkunan: Grace Estela C. Mateo et al., Kasaysayan ng Daigdig-


Batayang Aklat, Quezon City: Department of Education-Vibal
Publishing House, Inc., 2021, 337-345.)

(Pinagkunan: Teofista L. Vivar et al., Kasaysayan ng Daigdig-


Batayang Aklat, Quezon City: Department of Education-SD
Publications, Inc., 2000, 263-271.)

6
Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salita sa Hanay
A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

_____1. Pamahalaan A. Umiral


_____2. Pakikipagkapuwa B. Pakikitungo
_____3. Pakikialam C. Paniniwala
_____4. Nanaig D. Masalimuot
_____5. Ideolohiya E. Gobyerno
F. Panghihimasok

Gawain 2
Panuto: Mula sa ginulong mga letra, bumuo ng isang salita na may
kaugnayan sa tinalakay na paksa.

1. AYIHOLIDEO –
2. ASYARKOMED –
3. LISKATAPIMO –
4. TARYATALITOMONIS –
5. MOLISSOSYA –

Bakit mahalaga ang ideolohiya para sa isang bansa?

7
Ating Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung may katotohanan ang
isinasaad sa pangungusap at MALI naman kung wala itong katotohanan.

_____1. Nagsimula ang sosyalismo bilang tugon sa hindi makatao, hindi pantay, at di-
makatuwirang relasyon ng mga kapitalista at mga karaniwang mamamayan.
_____2. Ang kaisipang pasismo ay nakabatay sa paniniwalang higit na nakatataas ang
interes ng estado sa sinumang mamamayan.
_____3. Ang peminismo ay nagsusulong na makamtan ng kababaihan ang pantay na
karapatan at pagkakataon sa lahat ng aspekto ng buhay.
_____4. Ang ideolohiya ang nagsisilbing kaisipan, panuntunan o pundasyon ng sistemang
pang-ekonomiya at pampolitika ng isang bansa, pamahalaan, o kilusan.
_____5. Malaki ang ugnayan ng pampolitikang ideolohiya sa sistemang pang-ekonomiya
ng isang bansa.

Gawain 2
Panuto: Punan ng impormasyon ang kasunod na data retrieval chart.

Mga Ideolohiya Katangian Bansang Nagtaguyod

1.

2.

3.

4.

5.

Sa iyong palagay, paano nakaaapekto ang ideolohiya sa pag-unlad ng ekonomiya ng


isang bansa?

8
Ang Aking Natutuhan
Gawain 1
Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang
mga pangungusap. Piliin sa mga nakakahong salita ang tamang sagot.

kategorya Destutt de sistema o ideolohiya ideya o


Tracy kalipunan kaisipan

Ang _______________ ay isang ___________________ ng mga ideya o


kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga
pagbabago nito. Galing ito sa salitang ___________________ na tuwirang
sinusunod ng mga tao.
Si ________________ ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang
pinaikling pangalan ng agham ng mga kaisipan o ideya. May iba’t ibang
__________________ ang ideolohiya.

Ating Tayahin
Panuto: Unawaing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Anong uri ng ideolohiya ang nagsasabi na ang kapangyarihan ng pamahalaan ay


nasa kamay ng mga tao?
A. Awtoritaryanismo C. Kapitalismo
B. Demokrasya D. Totalitaryanismo

_____2. May mabuti bang maidudulot ang pagkakaroon ng ideolohiya ng isang bansa?
A. Wala, dahil ito ay para lamang sa personal na interes.
B. Meron, upang maging tanyag ang nagpakilala nito sa isang bansa.
C. Wala, dahil ito ay hindi nagbibigay ng pagkakataon sa isang tao upang umunlad.
D. Meron, dahil sa ideolohiya nagkakaroon ng gabay at direksyon ang isang bansa
sa pamamalakad at pamamahala.

9
_____3. Ano ang layunin ng ideolohiyang komunismo?
A. Palakasin ang pakikipagkalakalan ng mga pribadong mangangalakal.
B. Kilalanin at bigyan ng pagpapahalaga ang mga karapatan ng kababaihan.
C. Tuluyang lansagin ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan batay
sa uri na kanilang kinabibilangan.
D. Kinikilala ang kakayahan ng isang indibiduwal na makapag-ambag sa lipunan
sa iba’t ibang paraan, kapasidad, at antas.

_____4. Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng katangian ng kapitalismong ideolohiya?


A. Pinamumunuan ng isang diktador.
B. Ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan.
C. Ang produksyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong
mangangalakal.
D. Doktrina na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung saan ang
pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao.

_____5. Bakit mahalaga para sa isang bansa ang ideolohiya?


A. Upang maging tanyag ang isang bansa.
B. Upang maging kilala ang pinuno ng isang bansa.
C. Dahil ito’y nagsisilbi bilang isang propaganda lamang.
D. Dahil ito ang magsisilbing batayan o pamantayan sa pamamahala at
ekonomiya.

_____6. Aling kategorya ng ideolohiya ang nakasentro sa mga patakarang pang-ekonomiya


at paraan ng paghahati ng mga kayamanan para sa mga mamamayan?
A. Ideolohiya C. Ideolohiyang Pampolitika
B. Ideolohiyang Panlipunan D. Ideolohiyang Pangkabuhayan

_____7. Batay sa sumusunod na pahayag, alin dito ang angkop na deskripsyon ng salitang
ideolohiya?
A. Sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan.
B. Galing sa salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.
C. Nagsisilbing kaisipan, panuntunan o pundasyon ng sistemang pang-ekonomiya
at pampolitika ng isang bansa, at pamahalaan o kilusan.
D. A, B, at C

_____8. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa kapitalistang bansa?


A. Canada C. Philippines
B. Japan D. United States

_____9. Anong ideolohiya ang umiiral sa bansang Pilipinas?


A. Awtoritaryanismo C. Pasismo
B. Demokrasya D. Totalitaryanismo

_____10. Ang laissez faire ay isa sa dalawang konsepto ng anong ideolohiya?


A. Konserbatismo C. Peminismo
B. Liberalismo D. Sosyalismo

7
Susi sa Pagwawasto
TAYO’Y MAGSANAY
ATING
SUBUKIN Gawain 1 Gawain 2 TAYAHIN
NATIN
1.IDEOLOHIYA 1.E 1. B
1. C 2.DEMOKRASYA 2.B 2. D
2. D 3.KAPITALISMO 3.F 3. C
3. D 4.TOTALITARYANISMO 4.A 4. C
4. B 5.SOSYALISMO 5.C 5. D
5. C ANG AKING NATUTUNAN 6. D
6. D 7. D
7. C ideolohiya 8. C
8. B sistema o kalipunan 9. B
9. B ideya o kaisipan 10. B
10. D Destutt de Tracy
Kategorya

ATING PAGYAMANIN
Gawain 1

1. TAMA
2. TAMA
3. TAMA
4. TAMA
5. TAMA

Gawain 2

Mga
Katangian Bansang Nagtaguyod
Ideolohiya
kapital,nagmumungkahi at nagtatanggol sa
Kapitalismo pribadong pag-aari ng mga paraan ng USA,Japan, France, Canada
paggawa
tuwiran at di-tuwirang pakikilahok ng mga Athens, Greece, Pilipinas,
Demokrasya
mamamayan Iceland, Norway
napakalawak ang kapangyarihan ng Iran, Hungary, Egypt, Bahrain,
Awtoritaryanismo
namumuno Syria
pinamumunuan ng isang diktador o grupo Germany, Italy
Totalitaryanismo
ng tao
Sosyalismo pagpapahalaga sa pagkakapantay-pantay France, China
Konserbatismo Iran, Saudi Arabia, Uganda,
pagpapanatili sa kaayusan
Russia, Indonesia, Jamaica
Liberalismo pagpapaunlad sa sarili at makapag-ambag USA, Canada, Japan
sa lipunan
mga kagamitan sa produksyon ay Russia, China, Vietnam, Africa,
Komunismo pagmamay-ari ng lipunan o mamamayan, Latin America, Hilagang Korea,
pantay-pantay ang bawat isa Romania, Cuba
Pasismo ang kapakanan ng mamamayan ay Italy, Germany, Spain
tunguhin at interes ng estado
UK, Austria, Belgium, France,
Peminismo nagsusulong ng kagalingan ng kababaihan Germany, Italy, Greece, Ireland,
Portugal

8
Sanggunian

Aklat
Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu,Edna
L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Pedernal, Yorina C. Manalo, at Kalenna Lorene S.
Asis. Araling Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig, Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City:
Department of Education-Bureau of Learning Resources, 2014.

Grace Estela C. Mateo, Rosita D. Tadena, Mary Dorothy dl. Jose, Celinia E. Balonso,
Celestina P. Boncan, John N. Ponsaran, at Jerome A. Ong. Kasaysayan ng Daigdig-
Batayang Aklat, Quezon City: Department of Education-Vibal Publishing House, Inc., 2021.

Teofista L. Vivar, Zenaida M. De Leon, Priscilla H. Rillo, at Nieva J. Discipulo. Kasaysayan


ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon. Quezon City: SD
Publications, Inc., Kagawaran ng Edukasyon, 2000.

9
FEEDBACK
\ SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

10

You might also like