You are on page 1of 12

8

PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

FILIPINO
Kwarter IV – Linggo 7
Pagsusuri ng Damdamin,
Pagsang-ayon, at Pagsalungat

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino - Baitang 8
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 7: Pagsusuri ng Damdamin, Pagsang-ayon at Pagsalungat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayun pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Lynee C. Cariazo

Pangnilalamang Patnugot: Evelyn D. Peralta

Editor ng Wika: Maricel A. Zamora

Tagawasto: Lynee C. Cariazo

Mga Tagasuri: Luis R. Mationg, Maricel A. Zamora, Maja Jorey B. Dongor


at Jouilyn O. Agot
Tagaguhit: Maricel A. Zamora

Tagalapat: Jonalyn F. Pedigan

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon, Ronald N. Fragata,
Joseph D. Aurello, Enrile O. Abrigo Jr., Maja Jorey B. Dongor
at Ernesto P. Socrates Jr.

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Bgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Pagsusuri ng Damdamin,
Pagsang-ayon at Pagsalungat
MELCs: Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at motibo ng
mga tauhan (F8PB-IV-g-h-37); at
Naihahayag ang pansariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang salitang
nagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat. (F8PU-IV-i-j-40); at
Nakasusulat ng isang islogan na tumatalakay sa paksang-aralin. (F8WG-III-g-h-33)

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at motibo
ng mga tauhan.
2. Nailalahad ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang salitang
nagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat.
3. Nakasusulat ng isang islogan na tumatalakay sa paksang-aralin.

Subukin Natin
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

1. Ito ay tumutukoy sa isang salita o maikling parirala na madaling tandaan.


A. damdamin B. emosyon C. islogan D. pagsalungat

2. Tinaguriang bayani ng Persya.


A. Florante C. Heneral Osmalik
B. Laura D. Haring Linceo

3. Siya ay gererong bantog sa katapangan.


A. Laura C. Heneral Osmalik
B. Aladin D. Haring Linceo

4. Tinagurian siyang hari ng Albanya.


A. Florante C. Heneral Osmalik
B. Aladin D. Haring Linceo

5. Tumutukoy sa emosyon, damdamin o pakiramdam ng isang tao na hindi


nagagawang pisikal kundi mental.
A. Motibo C. pagsang-ayon
B. Damdamin D. pagsalungat

6. Anong bayan ang kubkob ng Moro?


A. Krotona B. Albanya C. Persya D. Athenas

1
7. Ito ay pahayag na tumutukoy sa pagtanggap o pagpayag.
A. pagsang-ayon C. islogan
B. pagsalungat D. damdamin

8. Tumutukoy sa pahayag na nagpapakita ng layunin o pakay.


A. damdamin c. motibo
B. emosyon d. pagsalungat

9. Ito ay pahayag na nagpapakita ng pagtanggi o pagtutol.


A. motibo c. pagsalungat
B. emosyon d. pagsang-ayon

10. Ano ang ginawa ng hari sa kanyang pagkamangha sa pagdating ni Florante?


A. umiyak c. nagalit
B. niyakap d. nagalak

Ating Alamin at Tuklasin

Alam kong nasasabik ka na sa kasunod na saknong ng Florante at


Laura. Tara, maaari ka nang magpatuloy sa iyong paglalakbay sa awit na ito,
na kung saan matutukoy ang damdamin at motibo ng mga tauhan sa akda.

Ano ang nararamdaman mo na


Baul ng Kaalaman marami ka nang nabasa na mga
saknong ng Florante at Laura?
Kubkob – kalaban
Pangingilagan – iiwasan
Hilahil – pagkabagabag
Amis – api
Kiyas – ayos ng pagtindig
Setro – sagisag ng
pagkamaharlika Alam mo, nakasasabik at nakaaaliw ang bawat
Basalyo - kakampi saknong ng Florante at Laura. Maraming kapana-
panabik na tagpo at damdamin ang nakapaloob doon.

Natatandaan mo pa ba ang aralin sa CLAS 6? Sana ay


lubusan mong naunawaan ang aralin na nakapaloob doon.
Isa sa aralin doon ang patungkol sa nagagamit nang wasto
ang mga salitang nanghihikayat. Halina’t alamin natin ang
mga damdamin at motibo ng mga tauhan sa akda.

2
Basahin at unawain ang mga saknong 257-269 ng Florante at Laura

Ang Pinakamamahal na Bayan ng Albanya


(Saknong 257-269)
257 264
“Anupa’t ang aming buhay na mag-ama, Sagot ni Florante, “Huwag ding maparis
nayapos ng bangis ng sing-isang dusa; ang gererong bantog sa palad kong amis;
kami ay dinatnang nagkakayakap pa at sa kaaway ma’y di ko ninanais
niyong embahador ng bayang Krotona. ang laki ng dusang aking napagsapit.

265
258
“Matanto ni ama ang gayong sakuna
“Nakapanggaling na sa palasyo real
sa Krotonang baya’y may balang sumira,
at ipinagsabi sa hari ang pakay;
ako’y isinama’t humarap na biglan
dala’y isang sulat sa ama kong hirang,
sa Haring Linceong may gayak ng digma.
titik ng monarkang kaniyang biyenan.
266
259 Kami ay bago pang nanakyat sa hagdan
“Humihinging tulong at nasa pangamba, ng palasyong batbat ng hiyas at yaman
ang Krotonang reyno’y kubkob ng kabaka; ay sumalubong na ang haring marangal
ang puno ng hukbo’y balita sa sigla niyakap si Ama’t ako’y kinamayan.
Heneral Osmalik bayaning Persya.
267
260 “Ang wika’y O duke! Ang kiyas na ito
“Ayon sa balita’y ang Morong kausap ang siyang kamukha ng bunying gerero;
ng prinsipe niyang bantog sa sangmundo aking napangarap na sabi sa iyo,
Alading kilabot ng mga gerero, magiging haligi ng setro ko’t reyno.
iyong kababayang hinahangaan ko.”
268
261 ‘Sino ito’t saan nanggaling na syudad?’
Dito’y napangiti ang Morong kausap, “Ang sagot ni Ama:… ay ‘Bugtong kong anak
sa nagsasalita’y tumugong banayad; na inihahandog sa mahal mong yapak,
aniya’y “bihirang balita’y magtapat, ibilang sa isang basalyo’t alagaan.’
kung magtotoo ma’y marami ang dagdag.
269
262 Namangha ang hari at niyakap ako,
“At saka madalas ilala ng tapang mabuting panahon itong pagdating mo;
ay ang guniguning takot ng kalaban; ikaw ang heneral ng hukbong dadalo
ang isang gererong palaring magdiwang, sa bayang Krotonang kinubkob ng Moro.
mababalita na at pangingilagan.

263 (Pinagkunan: Glady E. Gimena, Leslie S.


“Kung sa katapanga’y bantog si Aladin, Navarro, Ofelia E. Concepcion, Ang Pinaikling
may buhay rin naming sukat na makitil; Bersiyon – Florante at Laura ni Francisco
iyong matatantong kasimpantay mo rin Baltazar, Caloocan City: Prime Multi-Quality
sa kasam-ang palad at dalang hilahil.” Printing Corp, 2010, 69-71.)

Damdamin – Emosyon o pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawang pisikal kundi


mental.
Motibo - layunin o pakay o dahilan upang gawin ang isang bagay o ninanais
Pagsang-ayon – pagtanggap o pagpayag
Pagsalungat – pagtanggi o pagtutol
Islogon – ay isang salita o maikling parirala na madaling tandan.

3
Tayo’y Magsanay
Gawain 1
Panuto: Basahin muli ang mga saknong at suriin kung anong damdamin at motibo ng
tauhan ang maghahari. Itiman ang bilohaba ng titik ng tamang salita o pariralang bubuo
sa pangungusap.
A B C D 1. 259
“Humihinging tulong at nasa pangamba,
ang Krotonang reyno’y kubkob ng kabaka;
ang puno sa hukbo’y balita ng sigla
Heneral Osmalik na bayaning Persya.
Ang naglalahad ay punumpuno ng …
A. takot B. pag-asa C. pag-aalinlangan D. pananalig

2. 260
“Ayon sa balita’y pangalawa ito
ng prinsipe niyang bantog sa sangmundo
Alading kilabot ng mga gerero,
iyong kababayang hinahangaan ko.”
Ang naglalahad ay punumpuno ng …
A. pagdududa B. inggit C. paghanga D. inis

3. 261
Dito’y napangiti ang Morong kausap,
sa nagsasalita’y tumugong banayad;
aniya’y “Bihirang balita’y magtapat,
kung magtotoo ma’y marami ang dagdag
Ang Moro ay nagpakita ng …
A. pagkabilib sa sarili C. pagtatampo
B. pagkagulat D. pagiging mapagpakumbaba

4. 264
Sagot ni Florante, “Huwag ding maparis
ang gererong bantog sa palad kong amis;
at sa kaaway ma’y di ko ninanais
ang laki ng dusang aking napagsapit.
Si Florante ay nagpakita ng …
A. pagmamalasakit sa kapwa C. matinding takot
B. pagkamuhi sa sarili D. kagustuhang makapaghiganti

5. 276
“Tuwang pangalawa kung hindi man langit
ang itinatapon ng mahinhing titig;
o, ang luwalhating buko ng iniibig,
pain ni Kupidong walang makarakip.
Si Florante ay nakaramdam ng …
A. labis na pagkamuhi kay Laura
B. labis na pagmamahal kay Laurs
C. matinding pag-aalala para para kay Laura
D. matinding selos
4
Gawain 2

Panuto: Ilahad o ipahayag ang iyong sariling paniniwala at pagpapahalaga na maaaring


sumasang-ayon o sumasalungat sa mga kaisipang hango sa binasa. Isulat ang iyong mga
sagot sa linya.

1. Naging mabuting magkaibigan at nagsama nang matagal sa kagubatan ang isang


Moro at Kristiyano na kabilang sa magkalabang lahi.

Sumasang-ayon ako dahil Sumasalungat ako dahil

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Isang pana ang pinakawalan ni Flerida na naging sanhi ng pagkamatay ng buhong


na si Adoldo nang makita niyang pinagtatangkaan nito nang masama si Laura.

Sumasang-ayon ako dahil Sumasalungat ako dahil

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Tinanggap ni Flerida ang alok na kasal ni Sultan Ali-Adab upang maligtas sa


kamatayan si Aladin subalit tumakas din siya at hinanap ang kasintahang si Aladin
bago pa man ang kasalan.

Sumasang-ayon ako dahil Sumasalungat ako dahil

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Bumalik lamang sa Persiya sina Aladin at Flerida nang mabalitaan nilang patay na
ang ama ni Aladin na si Sultan Ali-Adab.

Sumasang-ayon ako dahil Sumasalungat ako dahil


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5. Ang pagmamalabis at kasamaan sa pamumuno ay nagbubunga ng kabutihan.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Sa iyong palagay ang


pagmamalabis ba ay kasamaan
ng pamumuno?

5
Ating Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Ibigay ang motibo o layon ng pahayag. Isulat ng titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.

1. Humingi ng tulong at nasa pangamba ang Krotonang reynong napaliligiran ng


kalaban.
A. Mailigtas ang kahariang Krotona C. Mapalawak ang kaharian
B. Mamatay ang kalaban D. Kapangyarihan
2. Nakapanggaling na sa palasyo real at ipinagsabi sa hari ang pakay.
A. Pagmamahal kay Laura C. madalaw ang monarka
B. Paghatid ng sulat D. mangumusta sa kaharian
3. Matanto ni ama ang gayang masamang pangyayari sa Krotonang bagay may
balang sumira. Si Haring Linceong may gayak na digma.
A. Handa sa labanan C. Matakot sa napipintong laban
B. Maging ligtas sa labanan D. Sumuko sa labanan
4. Kami ay bago pang umakyat ng palasyong hagdan ay sumalubong na ang
haring marangal. Niyakap si ama’t ako’y kinamayan.
A. Pagbati C. pagmamahal
B. pakikiramay D. pagdadalamhati
5. Ang isang gererong palaring magdiwang mababalita na’t pangingilagan.
A. bantog C. katatakutan
B. matapang D. lalapitan

Gawain 2

Panuto: Gumawa o isulat sa kahon ng islogan na may kaugnayan sa binasang tula.

RUBRIK sa paglikha ng islogan:


Nilalaman - 5 puntos
Kaugnayan sa paksa - 5 puntos
Kalinisan - 5 puntos
KABUUAN - 15 puntos

Sa iyong palagay ang motibo ba ay


nagbibigay ng eksaktong
impormasyon?

6
Ang Aking Natutuhan
Panuto: Piliin mula sa kahon ang mga salita/pariralang maaaring ipuno sa bawat patlang
upang mabuo ang pahayag.

pagsang-ayon motibo
islogan damdamin
pagsalungat

DUDUGTUNGAN KO!

Ang 1. ______________________ ay pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawang


pisikal kundi mental, habang ang dahilan upang gawain ang isang bagay ay tinatawag
na 2. _____________________.

Ang pahayag na 3. _________________________ ay pagtanggap o pagpayag


samantalang ang pahayag naman ng pagtanggi o pagtulad ay tinatawag na
4. ______________________, na kung saan ay puwede itong gamitin sa pagbuo ng
5. ______________________

7
Ating Tayahin
Panuto: Hanapin sa HANAY B ang mga tinutukoy ng pangungusap sa HANAY A. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B

________ 1. Ito ay isang salita o maikling parirala na


madaling tandaan. A. Florante at Laura
________ 2. Isang emosyon o pakiramdam ng isang tao B. Pagsang-ayon
na hindi nagagawang pisikal kundi mental.
C. pagsalungat
________ 3. Ang tinutukoy nito ay layunin o pakay.
D. motibo
________ 4. Pagtanggap o pagpayag E. damdamin
F. islogan
________ 5. Pagtanggi o pagtutol

Panuto: Isulat ang T kung wasto ang pahayag at M kung hindi wasto ang pahayag. Isulat
ang sagot sa patlang bago ang bilang.

________ 6. Dala ang isang sulat sa ama kong hirang.

________ 7. Si Heneral Osmalik ang bayani ng Persya.

________ 8. Napaiyak ang morong kausap ni Florante.

________ 9. Hindi matanto ang sakuna na darating kay ama.

________ 10. Si Haring Linceong may gayak ng digma.

8
Susi sa Pagwawasto
Tayo’y Magsanay Ating Subukin Ating Tayahin
Gawain 1 1. F
1. A 1. C 2. E
2. C 2. C 3. D
3. D 3. B
4. B
4. A 4. A
5. C
5. B 5. B
6. A 6. T
7. A 7. T
Gawain 2
1. Sumasang-ayon ako dahil - ipaliwanag 8. C 8. M
2. Sumasang-ayon ako dahil - ipaliwanag 9. C 9. M
3. Sumasang-ayon ako dahil - ipaliwanag 10. B 10. T
4. Sumasang-ayon ako dahil - ipaliwanag
5. Sumasalungat ako dahil - ipaliwanag
Ang Aking Natutuhan

1. damdamin
2. motibo
3. pagsang-ayon
Ating Pagyamanin 4. pagsalungat
5. islogan
Gawain 1
1. A
2. B
3. A
4. A
5. C

Gawain 2
Nakabase sa sagot o
opinyon ng mag-aaral

Sanggunian

Aklat
Gimena, Glady E., Leslie S. Navarro, Ofelia E. Concepcion. Ang Pinaikling Bersiyon –
Florante at Laura ni Francisco Baltazar, Caloocan City: Prime Multi-Quality Printing
Corp. 2010.

9
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito OPO HINDI


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya.

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

10

You might also like