You are on page 1of 15

8

PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

ARALING PANLIPUNAN
Kwarter IV – Linggo 2
Bunga ng Unang Digmaang
Pandaigdig

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Araling Panlipunan - Baitang 8
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV–Linggo 2: Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig

Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheet

Manunulat: Crystal Ann S. Liad, Mary Grace N. Miranda

Pangnilalamang Patnugot: Nimfa V. Alaska

Editor: Jouilyn O. Agot

Tagawasto: Maritess L. Arenio, Nimfa V. Alaska

Tagasuri: Maritess L. Arenio, Fe O. Cabasal, Nimfa V. Alaska,


Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot,

Tagalapat: Christine S. Poligrates

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD. ASDS
Cyril C. Serador PhD. CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Maritess L. Arenio, EPS, AP
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes,Rodney M. Ballaran,


Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig

MELC: Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng


Unang Digmaang Pandaigdig. (AP8AKD-IVa-1)

Mga Layunin:

1. Natutukoy ang naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig


2. Naipaliliwanag ang naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig
3. Nasusuri ang naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig

Subukin Natin
Panuto: Unawain ang bawat katanungan at isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

__________1. Alin sa sumusunod na bansa ang HINDI kabilang sa Alyadong Puwersa?

A. France C. Japan
B. Great Britain D. Russia

__________2. Kailan binalangkas ang kasunduaan sa Paris na pinangungunahan ng


tinatawag na Big Four?

A. 1917-1918 C. 1918-1920
B. 1918-1919 D. 1919-1920

__________3. Ano ang tawag sa puwersang tatluhang alyansa, na kinabibilangan ng Imperyong


Aleman, Austriya-Unggarya, at Italya?

A. Alyadong Puwersa C. Puwersang Sentral


B. Puwersang Alyado D. Sentral na Puwersa

__________4. Kailan nilagdaan ang Treaty of Versailles sa pagitan ng Allies at Germany na


naging opisyal na kasunduan sa pagwawakas ng Unang Digmaang Pandaigdig?

A. Hunyo 25, 1919 C. Hunyo 27,1919


B. Hunyo 26, 1919 D. Hunyo 28, 1919

__________5. Sinong pangulo ng bansa ang nagtagumpay sa panghihikayat sa mga pinuno


ng bansang alyado na maitatag ang liga ng mga bansa?

A. Clemenceau C. Vittorio Emmanuel Orlando


B. David Lloyd D. Woodrow Wilson

1
__________6. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa naging bunga ng Unang Digmaang
Pandaigdig?

A. Nagwakas ang apat na imperyo.


B. Nag-iba ang kalagayang pampolitika sa buong daigdig.
C. Kinilala ang mahalagang tungkulin at papel ng kababaihan sa lipunan.
D. Nagkaroon ng hindi magandang usapan tungkol sa pangkapayapan ang mga
natalong bansa.

__________7. Kailan binalangkas ang ideya, tungkol sa isang kapayapaang walang talunan,
para sa pakinabang ng lahat ng bansa, at nagkaroon ng anim na puntos na
naglalaman ng kasunduan?

A. Enero 1819 C. Enero 1918


B. Pebrero 1819 D. Pebrero 1918

__________8. Ilang taong gulang ang kababaihan na binigyang karapatang bomoto noong
1918?

A. 16 C. 25
B. 18 D. 30

__________9. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga imperyong nagwakas sa


Europa?

A. Imperyong Pransya
B. Imperyong Romanov ng Austria
C. Imperyong Hohenzollern ng Germany
D. Imperyong Hapsburg ng Austria-Hungary

__________10. Bakit tinawag na “The Great War” ang Unang Digmaang Pandaigdig?

A. Dahil ito ang kauna-unahang malawakang digmaan na maraming bansa ang


bumagsak ang ekonomiya at maraming inosenteng tao ang namatay.
B. Dahil ito ang kauna-unahang malawakang digmaan na nagdulot ng
masamang epekto sa bawat bansang nasakop ng mga bansang nais
magpalawak ng kanilang mga teritoryo.
C. Dahil ito ang kauna-unahang malawakang digmaan na nagtulungan ang mga
maliliit na bansa upang sugpuin ang mga mananakop na bansang nais
sakupin ang kanilang bayan.
D. Dahil ito ang kauna-unahang malawakang digmaan na nagpabago sa takbo ng
kasaysayan ng daigdig na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa
na napapangkat sa magkalabang alyansa.

2
Ating Alamin at Tuklasin

Ang mga tuklas sa agham ay nagbigay-daan sa


pagpapabuti sa pamumuhay ng tao kaya naging posible

Paghawan ng ang paglaki ng populasyon. Sa kabuuan, positibo ang


kapaligirang tinahak ng sangkatauhan, partikular ng
Balakid mga Europeo sa pagpasok ng ika-20 siglo.

Subalit sumiklab noong ikalawang dekada ng ika-


20 siglo ang Unang Digmaang Pandaigdig. Nagdulot ito
ng malawakang pagbubuwis ng buhay, pagkasira, at
pagbabago ng kaayusan ng daigdig.
Social Darwinism
Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay tinawag na
Ang paglaganap ng The Great War dahil ito ang kauna-unahang malawakang
paniniwalang digmaan na nagpabago sa takbo ng kasaysayan ng
nakatakdang
daigdig na kinasangkutan ng mga makapangyarihang
makipagtunggalian sa
bansa na napapangkat sa magkalabang alyansa. Ang
isa’t isa para sa yaman
at kapangyarihan ng Alyadong Puwersa (batay sa tatluhang kasunduan ng
mga kanluraning Imperyong Briton, Imperyong Ruso, at Pransiya) at
bansa. Puwersang Sentral (mula naman sa tatluhang Alyansa
ng Imperyong Aleman, Austriya-Unggarya, at Italya).

Matapos mong mabatid ang naging sanhi at mahahalagang pangyayaring naganap sa


Unang Digmaang Pandaigdig, marahil ay marami ka pa ring katanungan na nais masagot
tungkol sa paksa. Handa ka na bang tuklasin ang naging bunga ng Unang Digmaang
Pandaigdig?

Matinding pinsala ang naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari-


arian. Tinatayang umabot ng 8,500,000 katao ang namatay sa labanan. Nasa 22,000,000
naman ang tinatayang nasugatan. Samantalang 18,000,000 ang bilang ng sibilyang
namatay sa gutom, sakit, at paghihirap. Napakaraming ari-arian ang nawasak at naantala
ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangka-buhayan. Tinatayang nasa 200
bilyong dolyar ang nagastos sa digmaan.
Mga Naging Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig

 Kinilala ang mahalagang tungkulin at papel ng kababaihan sa lipunan


 Umusad ang karapatan ng kababaihan
 Binigyang karapatan ang kababaihan na edad 30 pataas na
makapagboto simula 1918 at ibinaba sa edad 21 sa taong 1928
 Maraming kababaihan ang naghangad makapag-aral
 Maraming kababaihan ang naghangad magtrabaho at magkaroon
ng karera bilang propesyonal.

3
 Nag-iba ang kalagayang pampolitika sa buong daigdig.
 Ang Austria at Hungary ay nagkahiwalay.
 Ang mga bansang Latvia, Estonia, Lithunia, Finland,
Czechoslovakia, Yugoslavia, at Alabania ay naging malalayang
bansa.
 Apat na imperyo sa Europa ang nagwakas.
 Imperyong Hohenzollern ng Germany
 Imperyong Hapsburg ng Austria-Hungary
 Imperyong Romanov ng Austria
 Imperyong Ottoman ng Turkey

 Nagkaroon ng usapang pangkapayapan ang mga nanalong bansa upang


maiwasan ang digmaan na pinaniniwalaang salot sa kapayapaan.
 Bumalangkas ng kasunduaan sa Paris noong 1919-1920, ito ay
pinangungunahan ng tinatawag na Big Four:
 Pangulong Woodrow Wilson ng Estados Unidos
 Punong Ministro David Lloyd George ng Britanya
 Estadista Vittorio Emmanuel Orlando ng Italya
 Punong Ministro Clemenceau ng Pransya

Ang pangunahing nilalaman ng kasunduan ay ibinatay sa 14 na puntos ni Pangulong


Woodrow Wilson ng Estados Unidos.

 Binalangkas noong Enero 1918, naglalaman ng ideya tungkol sa


isang kapayapaang walang talunan, para sa pakinabang ng lahat
ng bansa. Anim sa mga puntos na napagkasunduan ay ang
sumusunod:
1. Katapusan ng lihim na pakikipag-ugnayan
2. Kalayaan sa karagatan
3. Pagbabago ng mga hangganan ng mga bansa at paglutas ng
suliranin ng mga kolonya ayon sa sariling kagustuhan ng mga
mamamayan.
4. Pagbabawas ng mga armas
5. Pagbabawas ng taripa at
6. Pagbuo ng Liga ng mga bansa

Ang pagkakaroon ng isang pandaigdigang samahan ng mga bansa ay matagal nang


pangarap ni Pangulong Woodrow Wilson, sa wakas nagtagumpay siya sa paghihikayat sa
mga pinuno ng bansang alyado at naitatag at sumapi sa liga ng mga bansa.

 Ang Konstitusyon ng Liga ng mga Bansa ay nakapaloob sa


kasunduan sa Versailles na may sumusunod na layunin.
1. Maiwasan ang digmaan
2. Maprotektahan ang mga kasaping bansa sa pananalakay ng iba
3. Lumutas sa usapin at hindi pagkakaunawaan ng mga kasapi
4. Mapalaganap ang pandaigdigang pagtutulungan
5. Mapalaganap ang mga kasunduang pangkapayapaan

 Nilagdaan ang Treaty of Versailles noong Hunyo 28, 1919 sa pagitan ng Allies
at Germany na naging opisyal na kasunduan sa pagwawakas ng Unang
Digmaang Pandaigdig. Batay sa Artikulo 231 o War Guilt Clause ng Treaty of
Versailles ang sumusunod:

 Nawalang lahat ang mga kolonya ng Germany. Ibinigay ang teritoryong


Posen, Kanlurang Prusia, at ang Selisia sa bagong Republika ng
Poland.
4
 Ang Danzig ay naging malayang lungsod sa pangangasiwa ng mga
alyado bilang mandato.
 Ang Alsace-loraine ay naibalik sa Pransya.
 Ang Saar Basen ay napasailalim sa pamamahala ng Liga ng mga bansa
sa loob ng labinglimang-taon,
 Ang Hilagang Schleswig ay ibinigay sa Denmark
 Lubhang pinahina ang hukbong sandatahan ng Alemanya sa lupa at
sa dagat. Binawasan ito ng marami ng hukbo ang pinaglalakbayang
ilog ng Alemanya at ipinagbawal ang kanilang partisipasyon sa
anumang digmaan.
 Ang Kanal Kiel at lahat ng mga pinaglakbayang ilog ay ginawang pang-
Internasyonal.
 Pinagbawalang gumawa ng mga armas at amyunisyon ang Alemanya
 Ang Alemanya ay pinagbabayad ng malaking halaga sa mga bansang
napinsala nito bilang reparasyon.
(Pinagkunan: Rosemarie C. Blando et al., Modyul ng Mag-aaral ”Araling Panlipunan
Kasaysayan ng Daigdig, Pasig City: Department of Education-Instructional
Materials Council Secretariat, Vibal Group, Inc., 446-469.)

(Pinagkunan: Grace Estela C. Mateo et al., Kasaysayan ng Daigdig-Batayang Aklat, Quezon


City: Department of Education-Vibal Publishing House, Inc., 2012, 308-321.)

Tayo’y Magsanay

Gawain 1

Panuto: Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang B kung ito ay
BUNGA ng Unang Digmaang Pandaigdig o HB kapag HINDI BUNGA.

1. Matinding pinsala ang naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari-


arian.
2. Lumakas ang kapangyarihan ng mga kalalakihan sa lipunan.
3. Kinilala ang mahalagang tungkulin at papel ng kababaihan sa lipunan.
4. Maraming mga maliliit na bansa ang nagsanib puwersa upang labanan ang mga
mananakop.
5. Binigyang karapatan ang kababaihan na edad 30 pataas na makapagboto simula
1918 at ibinaba sa edad 21 sa taong 1928.
6. Maraming negosyante ang yumaman dahil sa pagbebenta ng mga armas at
kagamitan sa pandigma.
7. Nag-iba ang kalagayang pampolitika sa buong daigdig.
8. Apat na imperyo sa Europa ang nagwakas.
9. Nagkaroon ng usapang pangkapayapan ang mga nanalong bansa upang maiwaan
ang digmaan na pinaniniwalaang salot sa kapayapaan.
10. Maraming kababaihan ang naghangad makapag-aral.

5
Gawain 2

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang T kung ang
pahayag ay tama at M kung ang pahayag ay mali. Isulat ang tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.

MGA PAHAYAG:

___________1. Napakaraming ari-arian ang nawasak at naantala ang kalakalan, pagsasaka,


at iba pang gawaing pangkabuhayan.
___________2. Umusbong ang ekonomiya ng bawat bansa sa daigdig.

___________3. Sumiklab noong ikalawang dekada ng ika-20 siglo ang Unang Digmaang
Pandaigdig.
____________4. Maraming oportunidad ang nagbukas sa Digmaang Pandaigdig.

____________5. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay tinawag na The Great War.


____________6. Tatlong imperyo ng Europa ang nagwakas sa pandaigdigang digmaan.
____________7. Ang Kanal Kiel at lahat ng mga pinaglakbayang ilog ay ginawang pang-
Internasyonal.

___________8. Nagkaroon ng usapang pangkapayapan ang mga nanalong bansa upang


maiwasan ang digmaan na pinaniniwalaang salot sa kapayapaan.

___________9. Binigyang karapatan ang kababaihan na edad 30 pataas na makapagboto


simula 1918 at ibinaba sa edad 21 sa taong 1928
___________10. Binalangkas noong Enero 1918 ang ideya tungkol sa isang kapayapaang
walang talunan, para sa pakinabang ng lahat ng bansa.

Ano ang naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig sa


bawat bansang kabilang dito?
?

6
Ating Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Ilahad sa ibaba ang mga naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig

1.

2.

3.

4.

5.

Gawain 2

Panuto: Mula sa tekstong iyong nabasa, punan ang bubble map ng mga naging bunga
ng Unang Digmaang Pandaigdig patungkol sa kababaihan at sa isyung pampolitikal.

Bunga ng Unang
Digmaang Pandaigdig
sa mga Kababaihan
at sa Pampolitikal.

Ano-ano ang naging bunga ng Unang Digmaang


Pandaigdig?

7
Ang Aking Natutuhan

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Pumili sa ibabang kahon ng tamang
sagot, at isulat ang sa patlang.

Paris Kababaihan Kalalakihan


Woodrow Wilson Puwersang Sentral Alyadong Puwersa

The Great War Treaty Of Versailles Unang Digmaang


Pandaigdig
200 bilyong dolyar 8,000,000 bilyong dolyar 9,000,000 bilyong dolyar

8
Ating Tayahin

Panuto: Unawain ang bawat katanungan at isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

__________1. Kailan binalangkas ang kasunduaan sa Paris na pinangungunahan ng


tinatawag na Big Four?

A. 1917-1918 C. 1918-1920
B. 1918-1919 D. 1919-1920

__________2. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga imperyong nagwakas sa


Europa?

A. Imperyong Pransya
B. Imperyong Romanov ng Austria
C. Imperyong Hohenzollern ng Germany
D. Imperyong Hapsburg ng Austria-Hungary

___________3. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa naging bunga ng Unang Digmaang
Pandaigdig?
A. Nagwakas ang apat na imperyo.
B. Nag-iba ang kalagayang pampolitika sa buong daigdig.
C. Kinilala ang mahalagang tungkulin at papel ng kababaihan sa lipunan.
D. Nagkaroon ng hindi magandang usapan tungkol sa pangkapayapan ang mga
natalong bansa

___________4. Kailan binalangkas ang ideya tungkol sa isang kapayapaang walang talunan,
para sa pakinabang ng lahat ng bansa at nagkaroon ng anim na puntos na
naglalaman ng kasunduan?

A. Enero 1819 C. Enero 1918


B. Pebrero 1819 D. Pebrero 1918

____________5. Ilang taong-gulang ang kababaihan na binigyang karapatang bomoto noong


1918?
A. 16 C. 25
B. 18 D. 30

____________6. Alin sa sumusunod na bansa ang HINDI kabilang sa Alyadong Puwersa?

A. France C. Japan
B. Great Britain D. Russia

9
____________7. Bakit tinawag na “The Great War” ang Unang Digmaang Pandaigdig?

A. Dahil ito ang kauna-unahang malawakang digmaan na maraming bansa


ang bumagsak ang ekonomiya at maraming inosenteng tao ang namatay.
B. Dahil ito ang kauna-unahang malawakang digmaan na nagdulot ng
masamang epekto sa bawat bansang nasakop ng mga bansang nais
magpalawak ng kanilang mga teritoryo.
C. Dahil ito ang kauna-unahang malawakang digmaan na nagtulungan ang
mga maliliit na bansa upang sugpuin ang mga mananakop na bansang nais
sakupin ang kanilang bayan.
D. Dahil ito ang kauna-unahang malawakang digmaan na nagpabago sa takbo
ng kasaysayan ng daigdig na kinasangkutan ng mga makapangyarihang
bansa na napapangkat sa magkalabang alyansa.

____________8. Ano ang tawag sa puwersang kinabibilangan ng tatluhang Alyansa ng


Imperyong Aleman, Austriya-Unggarya, at Italya?

A. Alyadong Puwersa C. Puwersang Sentral


B. Puwersang Alyado D. Sentral na Puwersa

____________9. Kailan nilagdaan ang Treaty of Versailles sa pagitan ng Allies at Germany na


naging opisyal na kasunduan sa pagwawakas ng Unang Digmaang
Pandaigdig?

A. Hunyo 25, 1919 C. Hunyo 27,1919


B. Hunyo 26, 1919 D. Hunyo 28, 1919

____________10. Sinong pangulo ng bansa ang nagtagumpay sa panghihikayat sa mga


pinuno ng bansang alyado na maitatag ang liga ng mga bansa?

A. Clemenceau C. Vittorio Emmanuel Orlando


B. David Lloyd D. Woodrow Wilson

10
Susi sa Pagwawasto

Ang Aking Natutuhan

1. The Great War Ating Pagyamanin


2. Alyadong Puwersa
3. Puwersang Sentral Gawain 1 (Posibleng Sagot)
4. Unang Digmaang
 Kinilala ang mahalagang tungkulin at papel
Pandaigdig
ng kababaihan sa lipunan.
5. 8,000,000 bilyong dolyar
 Maraming mga maliliit na bansa ang
6. 200 bilyong dolyar nagsanib pwersa upang labanan ang mga
7. Kababaihan mananakop.
8. Paris  Binigyang karapatan ang kababihan na edad
9. Woodrow Wilson 30 pataas na makapagboto simula 1918 at
10. Treaty Of Versailles ibinaba sa edad 21 sa taong 1928
Ating Tayahin  Maraming negosyante ang yumaman dahil sa
pagbebenta ng mga armas at kagamitan sa
1. D 6. C pandigma.
2. A 7. D  Nag-iba ang kalagayang pampolitika sa
3. D 8. C buong Daigdig.
4. C 9. D Gawain 2 (Posibleng Sagot)
5. D 10.D  Kinilala ang Mahalagang tungkulin at papel
ng kababaihan sa lipunan
Subukin
 Umusad ang karapatan ng kababaihan
1. C 6. D  Binigyang karapatan ang kababihan na edad
30 pataas na makapag boto simula 1918 at
2. D 7. C
ibinaba sa edad 21 sa taong 1928
3. C 8. D  Maraming kababaihan ang nag hangad
4. D 9. A makapag-aral
 Maraming kababaihan ang nag hangad mag
5. D 10. D trabaho at magkaroon ng karera bilang
Tayo’y Magsanay propesyunal.
Gawain 1  Nag-iba ang kalagayang pampolitika sa
1. B 6. HB
buong Daigdig.
2. HB 7. B  Ang Austria at Hungary ay nagkahiwalay.
3. B 8. B  Ang mga bansang Latvia, Estonia, Lithunia,
4. HB 9. B Finland, Czechoslovakia, Yugoslavia at
Alabania ay naging malalayang bansa.
5. B 10. B

Gawain 2
1. T 6. M

2. M 7. T

3. T 8. T
4. M 9. T

5. T 10.T

11
Sanggunian

Aklat

Blando, Rosemarie C., Mercado, Michael M., Cruz, Mark Alvin M., Espiritu, Angelo C., De
Jesus, Edna L., Paso, Asher H., Padernal, Rowel S., Manalo, Yorina C., at Asis,
Kalenna Lorence S. Modyul ng Mag-aaral ”Araling Panlipunan Kasaysayan ng
Daigdig.” Pasig City: Department of Education – Intructional Materials Council
Secretariat, Vibal Group Inc., 2014.

Mateo, Grace Estela C., Balonso, Celinia E., Boncan, Celestina P., Tadena, Rosita D., at
Jose, Mary Dorothy dl. Kasaysayan ng Daigdig-Batayang Aklat. Quezon City:
Department of Education-Vibal Publishing House, Inc., 2012.

12
FEEDBACK SLIP
A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

13

You might also like