You are on page 1of 13

7

PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

FILIPINO
Kwarter IV – Linggo 2
Sistematikong Pagsulat
ng Nasaliksik na Kaligirang
Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino - Baitang 7
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 2: Sistematikong Pagsulat ng Nasaliksik na Kaligirang
Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayun paman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Jouilyn O. Agot
Pangnilalamang Patnugot: Norita L. Adorna
Editor ng Wika: Maricar T. Cuenca
Tagawasto: Esther C. Puno
Mga Tagasuri: Luis R. Mationg, Maricel A. Zamora, at Maja Jorey B. Dongor
Tagaguhit: Lucille F. Magnetico
Tagalapat: Jane Marie R. Oreo
1
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Pandibisyong Tagasuri ng LR:

Ronald S. Brillantes Enrile O. Abrigo, Jr.


Mary Jane J. Parcon Ernesto P. Socrates Jr.
Ronald N. Fragata Maja Jorey B. Dongor
Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Sistematikong Pagsulat
Pagsulat ng ng Nasaliksik
Awiting-bayan
na Kaligirang Pangkasaysayan ng IbongAdarna
MELC: Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon kaugnay ng
kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna (F7PU-Iva-b-18)

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna
2. Naibibigay ang impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong
Adarna
3. Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon kaugnay ng
kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Anong uri ng tulang romansa ang Ibong Adarna?
A. Awit B. Korido C. Allegro D. Sanaysay

2. Sa anong panahon lumaganap ang mga Koridong Ibong Adarna sa Pilipinas?


A. Panahon ng Espanyol
B. Panahon ng Hapones
C. Modernong Panahon
D. Panahon ng mga Amerikano

3. Sino ang ipinagpapalagay na sumulat ng Koridong Ibong Adarna?


A. Jose P. Rizal C. Jose Cruz
B. Jose dela Cruz D. Jose Corazon De Jesus

4. Alin sa sumusunod ang orihinal na pamagat ng Koridong Ibong Adarna?


A. Corrido at Buhay na Pinagdaanan ng Tatlong Principeng Magcacapatid na
Anac ng Haring Fernando at ng Reina Valeriana sa Cahariang Berbania
B. Buhay na Pinagdaanan ng Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac ng
Haring Fernando at ng Reina Valeriana sa Cahariang Berbania
C. Pinagdaanang Buhay ng Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac ng
Haring Fernando at ng Reina Valeriana sa Cahariang Berbania
D. Corrido at Buhay na Pinagdaanan ng Tatlong Principeng Magcacapatid na
Anac ng Haring Fernando at ng Reina Valeriana sa Cahariang Albania

5. Bagamat may ipinagpapalagay na sumulat ng Ibong Adarna ngunit hindi pa rin


ito lubos na napatutunayan. Ano kaya ang dahilang ito ayon kay Pura
Santillan-Castrence?
A. Masyado itong mahabang babasahin
B. Hinango lamang ang kasaysayan nito sa ibang bansa
C. Mahirap maintindihan ang mga salitang ginamit
D. Maraming tauhan ang nasa akda
1
6. Saan tinatayang nagmula ang Koridong Ibong Adarna bago ito nakarating sa
Pilipinas?
A. Italy B. Myanmar C. Mexico D. Cambodia

7. Kailan tinatayang isinulat ang Ibong Adarna?


A. 1610 B. 1710 C. 1810 D. 1910

8. Bakit itinuturing na Panitikang Pantakas (escapist) ang Koridong Ibong Adarna?


A. Tuluyang nakatakas ang mga Pilipino sa kanilang tunay na kalagayan
matapos mabasa ang akda.
B. Natulungan ang mga Pilipino sa kanilang tunay na kalagayan matapos
mabasa ang akda.
C. Naging sikat na manunulat ang ilan sa mga Pilipino matapos mabasa ang
akda.
D. Sandaling nakatakas ang mga Pilipino sa kanilang tunay na kalagayan
matapos mabasa ang akda.
9. Bakit walang tiyak na pinagmulan at petsa ang Koridong Ibong Adarna?
A. Ito ay maaaring hinango sa kuwentong-bayan
B. Ito ay halimbawa lamang ng Maikling Kuwento
C. Iba-iba ang kulturang nakapaloob sa Korido
D. Hindi alam ng karamihan sa mga Pilipino ang akdang ito

10. Kahit hindi pa napatutunayan na isinulat ng isang Pilipino ang Koridong Ibong
Adarna ay niyakap pa rin ito ng marami dahil _____________________.
A. naangkop sa kultura at pagpapahalaga ng bansa ang takbo ng kuwento nito
B. hindi mababakas sa akda ang pagmamahal sa pamilya, pagpapahalaga sa
magandang ugnayan ng bawat miyembro, at ang pagiging mabuting anak.
C. punong puno ito ng mga masasayang pangyayari katulad ng pag-uugali ng
mga Pinoy na masayahin
D. mababakas dito ang mga magagandang tanawin sa bansang Pilipinas

Ating Alamin at Tuklasin


Bahagi ng kultura ng isang bansa ang mga akdang pampanitikan. Ito ay karaniwang
nagiging daan upang lubos na makilala ang mga paniniwala, tradisyon, at kultura ng isang
bansa. Ang mga akdang pampanitikan na ito ay maituturing na yaman na hindi mananakaw
ninuman dahil ito ay nakatatak na sa mga mamamayan nito.

Tessa, kilala mo ba kung sino ang nagsulat ng


Kaban ng Kaalaman Ibong Darna? Alam mo rin ba kung saan at kailan
ito nailimbag?
Korido- walong pantig
sa loob ng isang
taludtod at apat na Hindi ko pa ito alam, Jose.
taludtod sa isang Sa totoo lang gusto ko na
saknong. ngang malaman ang
tungkol sa Kaligirang
Pangkasaysayan ng Ibong
Adarna.

2
Natatandaan mo pa ba ang aralin sa CLAS 1? Sana ay lubos mo nang naunawaan
ang tungkol sa korido at mahahalagang tauhan sa Ibong Adarna. Ngayon naman
ay mas palalimin pa natin ang iyong pag-unawa hinggil sa Kaligirang
Pangkasaysayan ng Koridong Ibong Adarna. Handa ka na ba?

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Lumaganap sa panahon ng mga Espanyol ang mga Koridong katulad ng Ibong


Adarna. Ayon kay Jose Villa Panganiban et al., sinasabing mayroong tatlong katangian ang
mga panitikan noong Panahon ng Espanyol:

1. May sari-saring kaanyuan at pamamaraan


2. Panrelihiyon at pananampalataya ang karaniwang paksa
3. Ang lalong nakararami ay huwad, tulad o halaw sa anyo, paksa, o tradisyong
Espanyol
Ang Korido ay isang tulang romansa na binubuo ng walong pantig sa loob ng isang
taludtod at apat na taludtod sa isang taludturan. Ang tulang romansa ay karaniwang
nagsisimula sa panalangin o pag-aalay sa Birhen o sa isang santo.
Hindi lubos na matukoy kung sino ang tunay na nagsulat ng akdang Ibong Adarna
dahil ayon kay Pura Santillan-Casrence, maaaring hinango lamang ito sa mga kuwentong-
bayan na mula sa mga bansa sa Europa. Kahit hindi isinulat ng isang Pilipino, niyakap ito
ng marami dahil naangkop sa kultura at pagpapahalaga ng bansa ang takbo ng kuwento
nito, kabilang ang pagmamahal sa pamilya, pagpapahalaga sa magandang ugnayan ng
bawat miyembro, at ang pagiging mabuting anak. Kabilang din sa aral na makukuha sa
korido ay ang pananampalataya.
Gayunpaman, mayroong mga haka-haka na ang manunulat na si Huseng Sisiw o
Jose dela Cruz ang maaaring nagsulat o nagsalin nito. Sinasabi ring nagmula ang koridong
ito sa bansang Mexico at nakarating lamang sa Pilipinas noong 1610. Ginamit itong
instrumento ng mga Espanyol upang mahimok ang mga katutubong yakapin ang relihiyong
Katolismo.
Itinuturing na panitikang pantakas (escapist) ang akdang Ibong Adarna dahil ang
mga Pilipinong nakababasa nito ay pansamantalang nakatatakas sa hirap na kanilang
dinaranas sa buhay. Nailalagay nila ang kanilang sarili sa sitwasyon ni Don Juan na
bagamat maraming pinagdaraanan sa buhay ay hindi pa rin bumitaw at sumuko hanggang
sa makamit niya na ang tagumpay.
Ang buong pamagat ng Koridong Ibong Adarna ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan
ng Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac ng Haring Fernando at nang Reina Valeriana
sa Cahariang Berbania.

Ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay maaaring hango sa mga kwentong-bayan ng


iba't ibang bansa, tulad ng Alemanya, Denmark, Romania, Austria, Finland, Indonesia at
iba pa na kinalap sa aklat ni Pura Santillan-Castrence. Narito ang ilan sa mga ito:

• Mula sa Denmark, 1696- Tanging ibong Phoenix na pag-aari ng reyna ng


Arabia ang tanging sagot sa pagkakasakit ni Haring Eduardo ng England.

3
• Mula sa Hessen, Germany, 1812- Hinanap ng tatlong anak ang panlunas sa
Haring maysakit at tanging awit lamang Ibong Phoenix ang sagot.

• Mula sa “Isang Libo’t Isang Gabi”–may isang kuwentong pinamagatang


“Tatlong Prinsipe sa China.” Nagkasakit ang ina at ang lunas ay ang tubig
ng buhay. Ang bunsong anak ang nakakuha nito matapos ang maraming
pakikipagsapalaran. Sa huli, ang bunso ang naging isang sultan.

• Mula sa Malayo-Polinesia na sinulat ni Renward Brandsetter- Nanaginip ang


hari na ang lunas sa kaniyang sakit ay ang mahiwagang halaman.

(Pinagkunan: Ma. Rosario Benedicta, Ang Ibong Adarna Isang Pagsasaayos at Pagpapahalaga,
Quezon City: ISA-JECHO Publishing, Inc.,2014.1-8.)

Sistematikong Pagsulat

Pagsulat- Ito ay pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. Ito
rin ay pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at kaalaman. Ang pagsulat ay
pagsasalin sa papel o sa anomang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan
ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang nasa kanyang kaisipan. (Sauco, et al., 1998)

Proseso ng Pagsulat

1. Pagtatanong. - Ang mga sulatin ay nagmumula sa maraming tanong. Nabubuo sa


tulong ng mga tanong ang paksa ng sulatin.

Halimbawa: Saan ba nagmula ang Ibong Adarna?


Kailan ba nagsimula ang Ibong Adarna?

2. Pala-palagay - Habang wala pang tiyak na balangkas at daloy ng pagtalakay sa


paksang susulatin, naghahain muna ng haka-haka/opinyon ang
manunulat.

3. Inisyal na pagtatangka- ito ang bahagi kung saan aayusin ng manunulat ang mga
impormasyong nakalap.

4. Pagsulat ng unang draft o burador-Dito ilalagay ng manunulat ang mga nasaliksik o


nabatid na kaalaman kaugnay sa paksa.

5. Pagrerebisa, pag-eedit, o pagpapakinis ng papel- kung tapos na ang unang draft, dito
na susuriin ang baybay, gramatika, paggamit ng mga salita, at daloy
ng pagpapahayag o impormasyon na dapat ayusin o baguhin.

6. Pinal na kopya- kapag naayos na ang mga baybay, gramatika at impormasyon, maari
nang ipasa guro.

(Pinagkunan: Corazon L. Santos Santos PhD et al, Filipino sa Piling Larang, Pasig City: 2018. 35-
36.)

4
Tayo’y Magsanay
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang
pahayag ay may katotohanan at MALI kung ito ay walang katotohanan base sa Kaligirang
Pangkasaysayan ng Koridong Ibong Adarna.

Gawain 1

__________1. Si Jose dela Cruz ang orihinal na sumulat ng Koridong Ibong Adarna.
__________2. Ang mga Pilipinong nakababasa ng Ibong Adarna ay mas lalong nalulungkot
at nakukulong sa hirap na kanilang dinaranas sa buhay.
__________3. Hindi lubos na matukoy kung sino ang tunay na nagsulat ng akdang Ibong
Adarna.
__________4. Ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay maaaring hango sa mga kwentong-
bayan ng iba't ibang bansa.
__________5. Ginamit ang Koridong Ibong Adarna ng mga Espanyol upang mahimok ang
mga katutubong yakapin ang relihiyong Katolismo.

Gawain 2

Panuto: Pagtambalin ang tinutukoy ng mga pahayag na nasa Hanay A sa mga salitang
nasa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Hanay A Hanay B
_______1. Siya ang haka-hakang manunulat A. 1610
o nagsalin ng koridong Ibong Adarna. B. Mexico
_______2. Ito ay kasaysayan na mula sa Denmark C. Mula sa “Isang
kung saan ito ang tanging sagot sa pagkakasakit Libo’t Isang Gabi”
ni Haring Eduardo ng England. D. Cambodia
_______3. Ito rin ay kasaysayan tungkol sa pagkakasakit E. Ibong Phoenix
reyna at ang lunas ay ang tubig ng buhay. F. 1710
_______4. Sa bansang ito sinasabing nagmula G. Jose dela Cruz
ang Koridong Ibong Adarna H. Jose Corazon
_______5. Ito ang taon kung saan tinatayang nakarating
sa Pilipinas ang Koridong Ibong Adarna

Mula sa ating aralin, ano ang kahalagahan


ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman
patungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng
Koridong Ibong Adarna?

5
Ating Pagyamanin

Gawain 1

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang hanay na Napatunayan kung ang pahayag ay napatunayan
na sa kasalukuyan at Hanay na Hindi Napatunayan kung hindi pa rin batid hanggang
sa kasalukuyang impormasyong tinutukoy.

Pahayag Napatunayan Hindi


Napatunayan
Manunulat ng Koridong Ibong Adorna
Panahon kung kailan isinulat ang Koridong Ibong
Adorna.
Lugar kung saan nagmula ang Koridong Ibong Adorna
Itinuturing na panitikang pantakas (escapist) ang
Ibong Adarna
Ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay maaaring hango
sa mga kwentong-bayan ng ibang bansa

Gawain 2

Panuto: Matapos mong mabatid ang ilang mga impormasyon hinggil sa Kaligirang
Pangkasaysayan ng Ibong Adarna, ikaw naman ngayon ang naatasang gumawa ng
sariling pananaliksik hinggil sa akdang ito. Maaaring gumamit ng libro o mag-search sa
Internet. Gawing gabay ang mga tanong sa ibaba.

1. Mayroon bang itinuturing na ispesipikong manunulat ang Koridong Ibong


Adarna? Sino? Patunayan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Kailan at Saan unang nakilala ang akdang Ibong Adarna?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Bakit marami ang nagsasabing hindi ganap na akdang Pilipino ang
Koridong Ibong Adarna?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

6
4. Bakit ba hindi tiyak kung saan, kailan, at kanino nagmula ang akdang Ibong
Adarna?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Ano pa ang ibang impormasyon na iyong nabatid kaugnay sa Kaligirang
pangkasaysayan ng Ibong Adarna?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Mahalaga bang mabatid ang Kaligirang


Pangkasaysayan ng isang akda bago ito
lubusang basahin at pag-aralan?

Ang Aking Natutuhan


Panuto: Batay sa iyong natutuhan sa buong aralin ay dugtungan ang sumusunod na
pahayag. Piliin ang iyong sagot sa kahon at ilagay sa patlang pagkatapos ng bilang.

Panitikang Pantakas Espanyol Awit Ibong Adarna


Panitikang pampasaya wawaluhing Mexico Thailand
Hapon lalabinwaluhing

DUDUGTUNGAN KO!
Natutuhan ko sa araling ito na ang (1.) __________________ ay isang
tulang romansa na binubuo ng (2.) _________________ pantig bawat
taludturan. Sinasabing ang koridong ito ay nagmula sa (3.)
_________________ bago nakarating sa Pilipinas noong 1610. Ginamit itong
instrumento ng mga (4.) _________________ upang mahimok ang mga
katutubong yakapin ang relihiyong Katolismo. Bagamat hindi lubos na
napatunayang sa Pilipinas ito nagmula ay niyakap pa rin ito ng marami
dahil naangkop sa kultura at pagpapahalaga ng bansa ang takbo ng
kuwento nito. Itinuturing na (5.) _________________ ang akdang Ibong
Adarna dahil ang mga Pilipinong nakababasa nito ay pansamantalang
nakatatakas sa hirap na kanilang dinaranas sa buhay.

7
Ating Tayahin

Panuto: Unawain ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot na tinutukoy
ng bawat aytem.

1. Ito ay isang tulang romansa na binubuo ng walong pantig sa loob ng isang taludtod
at apat na taludtod sa isang taludturan.
A. Korido B. Awit C. Allegro D. Sanaysay

2. Bagamat may ipinagpapalagay na sumulat ng Ibong Adarna ngunit hindi pa rin ito
lubos na napatutunayan. Ano kaya ang dahilang ito ayon kay Pura Santillan-
Castrence?
A. Masyado itong mahabang babasahin
B. Hinango lamang ang kasaysayan nito sa ibang bansa
C. Mahirap maintindihan ang mga salitang ginamit
D. Maraming tauhan ang nasa akda

3. Ayon kay Jose Villa Panganiban et al., sinasabing mayroong tatlong katangian ang
mga ang mga panitikan noong Panahon ng Espanyol. Alin sa sumusunod ang hindi
kabilang?
A. May sari-saring kaanyuan at pamamaraan
B. Panrelihiyon at pananampalataya ang karaniwang paksa
C. Ang lalong nakararami ay huwad, tulad o halaw sa anyo, paksa, o tradisyong
Espanyol
D. Tungkol sa pinagmulan ng iba’t ibang bagay

4. Saan tinatayang nagmula ang Koridong Ibong Adarna bago ito nakarating sa
Pilipinas?
A. Cambodia B. Mexico C. Italy D. Myanmar

5. Kailan tinatayang isinulat ang Ibong Adarna?


A. 1410 B. 1510 C. 1610 D. 1710

6. Ang sumusunod ay mga dahilan na kahit hindi pa man napatutunayan na isinulat


ng isang Pilipino ang Koridong Ibong Adarna ay niyakap pa rin ito ng marami
MALIBAN SA
A. Naangkop sa kultura at pagpapahalaga ng bansa ang takbo ng kuwento nito
B. Mababakas sa akda ang pagmamahal sa pamilya, pagpapahalaga sa
magandang ugnayan ng bawat miyembro, at ang pagiging mabuting anak.
C. Mababakas dito ang mga magagandang tanawin sa bansang Pilipinas
D. Makikita rito ang pagiging matatag ng mga Pilipino sa kabila ng mga pagsubok
na dinaranas sa buhay ay matatag pa rin.

7. Bakit walang tiyak na pinagmulan at petsa ang Koridong Ibong Adarna?


A. Ito ay maaaring hinango sa kuwentong-bayan
B. Iba-iba ang kulturang nakapaloob sa korido
C. Ito ay halimbawa lamang ng epiko
D. Hindi alam ng karamihan sa mga Pilipino ang akdang ito

8
8. Ilan ang sukat ng pantig ng bawat taludturan ng Koridong Ibong Adarna?
A. pipituhin (7) C. wawaluhin (8)
B. lalabindalawahin (12) D. Lalabinpituhin (7)

9. Isa sa mga kasaysayang kahawig ng Ibong Adarna ay mula sa Hessen, Germany


kung saan hinanap ng tatlong anak panlunas sa Haring maysakit at tanging awit
lamang ng ________ ang lunas.
A. aso B. ibong Phoenix C. pusa D. halamang gamot

10. Bakit itinuturing na Panitikang Pantakas (escapist) ang Koridong Ibong Adarna?
A. Tuluyang nakatakas ang mga Pilipino sa kanilang tunay na kalagayan matapos
mabasa ang akda.
B. Natulungan ang mga Pilipino sa kanilang tunay na kalagayan matapos mabasa
ang akda.
C. Naging sikat na manunulat ang ilan sa mga Pilipino matapos mabasa ang akda.
D. Sandaling nakatakas ang mga Pilipino sa kanilang tunay na kalagayan matapos
mabasa ang akda.

Matapos mong maisagawa ang napakahalagang


gawaing ito ay lubos kitang binabati at
pinasasalamatan!

9
Susi sa Pagwawasto
Subukin Tayo’y Magsanay Ang Aking
Ating
Natin Gawain 1 Gawain 2 Natutuhan
Tayahin
1. B
2. A 1. Mali 1. G 1. A
3. B 2. B 1. Ibong Adarna
4. A 2. Mali 2. E 3. D 2. wawaluhin/g
5. B 4. B
6. C 3. Tama 3. C 5. C 3. Mexico
7. A 6. C
8. D 4. Tama 4. B 4. Espanyol
7. A
9. A
10. A 5. Tama 5. A 8. C 5. Panitikang
9. B Pantakas/escapist
Ating Pagyamanin 10. D
Gawain 1
Pahayag Napatunayan Hindi
Napatunayan
Ating Pagyamanin
Manunulat ng Koridong Ibong Adorna /

Panahon kung kailan isinulat ang Koridong Ibong Adorna. / Gawain 2


Lugar kung nagmula ang Koridong Ibong Adorna /
Maaring mag-iba-
Itinuturing na panitikang pantakas (escapist) ang Ibong /
Adarna iba ang sagot ng
Ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay maaaring hango sa / mga mag-aaral
mga kwentong-bayan ng ibang bansa

Sanggunian
Aklat

Benedicta, Ma. Rosario. Ang Ibong Adarna Isang Pagsasaayos at Pagpapahalaga, Quezon
City: ISA-JECHO Publishing , Inc.,2014.

Santos Santos PhD, Corazon L., Gerard P. Concepcion PhD, Salvador Biglaen, Wilma B.
Bitamor MA, at Teresa Bernadette L. Santos. Filipino sa Piling Larang Kagamitan ng
Mag-aaral, Pasig City: Department of Education- Bureau of Learning Resources,
2018.

10
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin


nito ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at


pamamaraang nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa
iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na


serbisyo at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono: __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

11

You might also like