You are on page 1of 21

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 7
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALIN 4.4
Panitikan: Nilalaman ng Ibong Adarna- Ikatlong Bahagi
Pakikipagsapalaran sa Kaharian ng Reino Delos
Cristales
Bilang ng Araw: 8 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) F7PN-IVe-f-21


 Nabibigyang kahulugan ang napakinggang mga pahayag ng isang
tauhan na nagpapakilala ng karakter na ginampanan nila.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F7PB-IVh-i-23


 Nasusuri ang mga katangian at papel na ginampanan ng
pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F7PT-IVc-d-21


 Nabibigyang- kahulugan ang salita batay sa kasingkahulugan at
kasalungat nito.

PANONOOD (PD) F7PD-IVc-d-20


 Nagagamit ang karikatyur ng tauhan sa paglalarawan ng kanilang
mga katangian batay sa napanood na bahagi ng akda.

PAGSASALITA (PS) F7PS-IVc-d-21


 Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at
pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda.

PAGSULAT (PU) F7PU-IVe-f-21


 Naisusulat ang tekstong naglalarawan sa isa sa mga tauhan sa
akda.

Ikaapat na Markahan | 77
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAGSASALITA (PS) F7PS-IVc-d-21


 Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at
pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda.

II. PAKSA

Panitikan: Kaisipang May Kaugnayan sa Pakikipagsapalaran sa


Kaharian ng Reino Delos Cristales
Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (PIC- CONNECT)


Bibigyan ng sariling interpretasyon ng mga mag-aaral ang mga larawan sa
pamamagitan ng pagkokonekta nito sa angkop na pahayag.

http://shoebat.com/wp-content/uploads/2015/10/Cross-FS.jpghttp://cliparting.com/wp-content/uploads/2016/09/Mom-
clip-art-images-free-clipart.jpghttps://tambayannilex.files.wordpress.com/2009/02/writer.gif?w=300&h=252
http://images.all-free download.com/images/graphiclarge/elements_of_romantic_cartoon_lovers_vector_set_551727.jpg

Gabay na Tanong:
SAKRIPISYO NI SAKRIPISYO NG SAKRIPISYO NG
SAKRIPISYO NG
a. AnoPARA
JESUS ang pangkalahatang
SA konsepto
INA PARA SA ng mga larawan?
HALIGI NG
NAGMAMAHAL
b. Gaano kahalaga ang pagsasakripisyo
SANGKATAUHAN ANAK alang-alang
TAHANAN sa minamahal?

Pag-uugnay ng guro ng aktibidad na ginawa sa kasalukuyang aralin.

Ikaapat na Markahan | 78
2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano ang pangkalahatang kaisipang may kaugnayan sa pakikipagsapalaran


ni Don Juan sa kaharian ng Reino Delos Cristales na masasalamin sa
tunay na buhay?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (SINE TIME)


Pagpapanood ng video clip mula sa isang dulang pantelebisyon na
nagpapakita ng pagsasakripisyo para sa minamahal sa buhay.

MMK
Unconditional Love

https://www.youtube.com/watch?v=mY1ayzi209Q

ANALISIS

1. Ano ang pangkalahatang kaisipang tinalakay sa inyong napanood?


Naranasan mo na ba ang bagay na ito?
2. Ibahagi ang inyong sariling saloobin, pananaw at damdamin tungkol sa
kaisipang binanggit sa pinanood.
3. May pagkakataon bang nagsakripisyo ka para sa taong iyong
minamahal? Anong sakripisyo ang iyong ginawa? May naging bunga
ba ito? Isalaysay.
4. Isa-isahin ang mga sakripisyo ng bawat isang magulang para sa anak.
Ano ang nararapat na maging gantimpala nila para sa mga
sakripisyong ito?
5. Kung sa tamang edad at ikaw ay makaranas na magmahal, ano- ano
ang mga bagay na kaya mong isakripisyo? Isa-isahin ang kasagutan.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (TORE NG TAGUMPAY)

Ikaapat na Markahan | 79
Gamit ang 10 card board kung saan 4 ang naglalaman ng mga pahayag mula
sa araling tinalakay ay buong tibay na itatayo ito ng mga mag-aaral upang
makabuo ng tore ng pangkalahatang konsepto ng aralin. Hindi pinapayagan
ang pagputol o pagpunit at pagdidikit ng mga card board ngunit maaari
naman itong itupi maliban sa may sulat. Maaari itong gawing pangkatang
gawain kung saan ang pangkat na unang makabubuo ng pangkalahatang
konsepto ang siyang tatanghaling panalo.

Don Juan sa kaharian ng Reino na masasalamin sa tunay na


Delos Cristales buhay

ay ang pagsasakripisyo para sa Ang pangkalahatang kaisipang may


taong minamahal kaugnayan sa pakikipagsapalaran ni

Ang pangkalahatang kaisipang may kaugnayan sa pakikipagsapalaran ni


Don Juan sa kaharian ng Reino Delos Cristales na masasalamin sa tunay
na buhay ay ang pagsasakripisyo para sa taong minamahal.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya ( I-ISTATUS MO)


Gumawa ng sariling status sa facebook na nagsasaad ng mga paraan kung
paano maipakikita ang pagsasakripisyo para sa minamahal sa buhay.

http://tlists.com/wp-content/uploads/2015/09/posts.png

IV. KASUNDUAN

1. Sino ang taong malaki ang naging sakripisyo sa iyong pag-aaral? Idikit ang
kanyang larawan at gumawa ng talatang nagsasalaysay ng mga
sakripisyong kanyang ginawa para sa iyo.
2. Basahin ang bahagi ng Ibong Adarna tungkol sa paghahanap sa kaharian
ng Reino Delos Cristales. Ibuod ang bahaging ito.

PAUNLARIN
I.LAYUNIN

Ikaapat na Markahan | 80
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) F7PN-IVe-f-21
 Nabibigyang kahulugan ang napakinggang mga pahayag ng isang
tauhan na nagpapakilala ng karakter na ginampanan nila.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F7PT-IVc-d-21


 Nabibigyang kahulugan ang salita batay sa kasingkahulugan at
kasalungat nito.

PANONOOD (PD) F7PD-IVc-d-20


 Nagagamit ang karikatyur ng tauhan sa paglalarawan ng kanilang mga
katangian batay sa napanood na bahagi ng akda.

II. PAKSA

Panitikan: Karakter na Ginampanan ni Donya Maria


Paghahanap, Pagsapit at Pagkilala kay Donya Maria ng Reino Delos
Cristales
Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (BUUIN ANG SALAWIKAIN)


Gamit ang mga larawan bilang gabay ay bubuo ang mga mag-aaral ng isang
salawikain sa wikang Ingles tungkol sa pag-ibig.

is the a

IS

Ikaapat na Markahan | 81
THE

a
2
http://images.all-free download.com/images/graphiclarge/elements_of_romantic_cartoon_lovers_vector_set_551727.jpg
com%2F2014%2F09%2Fteacher-man.jpg&bvm=bv.136811127,d.d24&psig=AFQjCNHzQ72rkNhmUaRJCORvgZOONFXFkQ&ust=147765781575438
https://www.google.com.ph/search?q=time&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiq6_v40KrQAhVMPY8KHc9HD_oQ_AUIBigB

“LOVE IS LOVELIER THE SECOND TIME AROUND”

Gabay na Tanong:
a. Ano ang inyong saloobin sa salawikaing nabuo?
b. Sumasang-ayon ba kayo rito? Bakit oo? Bakit hindi?

Pag-uugnay ng guro ng aktibidad na ginawa sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano ang karakter/ papel na ginampanan ni Donya Maria ng Reino Delos


Cristales sa buhay ni Don Juan?

3. Paglinang ng Talasalitaan

Mungkahing Estratehiya (ISULAT MO)

Ikaapat na Markahan | 82
Pagbibigay ng kahulugan ng mga salita batay sa kasingkahulugan at
kasalungat nito at pagsulat nito sa tsart.

SALITA KASINGKAHULUGAN SALITA KASALUNGAT

bagtas mangubli

dikit kaaya-aya

abot timpiin

magiliw nasa

kubli liyag

4. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (READER’S THEATER)


Babasahin nang buong pagkamalikhain ng ilang piling mag-aaral ang bahagi
ng akdang Ibong Adarna.

Paghahanap, Pagsapit at Pagkilala kay Donya Maria ng Reino Delos


Cristales

Ikaapat na Markahan | 83
Pagbubuod ng ginawang reader’s theater.

Paghahanap sa Kaharian Pagtatagpo nina Don Pag-iibigan nina Don


ng Reino Delos Cristales Juan at Donya Maria Juan at Donya Maria

ANALISIS

1. Isalaysay ang mga naranasan ni Don Juan sa kanyang ginawang


paghahanap sa Reino Delos Cristales? Naging madali ba para sa kanya
ang ginawang paglalakbay? Bakit?
2. Paano nakilala ni Don Juan si Donya Maria? Ano ang kanyang nadama sa
kagandahan nito?
3. Bigyang kahulugan mula sa napakinggang mga pahayag ang karakter
nina Don Juan, Donya Maria at Haring Salermo.
4. Isa-isahin ang mga katangian ng mga tauhan sa napakinggang bahagi ng
akda. Sino ang higit mong nagustuhan sa kanila? Bakit?
5. Sang-ayon ka ba sa pag-iibigang naganap sa pagitan nina Don Juan at
Donya Maria? Bakit oo, bakit hindi?

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (MAGLAKBAY TAYO)


Tutulungan ng mga mag-aaral si Don Juan sa paglalakbay sa Reino Delos
Cristales sa
pamamagitan ng
paglalagay ng mga
yapak sa tamang
daan sa maze
upang mabuo ang
pangkalahatang
konsepto ng aralin.

Si Donya Maria
Blanca ng Reino
Delos Cistales

Ikaapat ang
na babaeng
Markahan | 84
inibig
ni Don Juan

sa
pangalawang

pagkakataon.

https://s-media-cache-ak0.pinimg.com/236x/e6/0a/b2/e60ab28a217745679bc6b7b7e2c4fff6.jpg

Si Donya Maria ng Reino Delos Cristales ang babaeng inibig ni Don Juan
sa pangalawang pagkakataon.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya ( LIKHANG SIMBOLO)


Gagawa ang mga mag-aaral ng isang poster na nagpapakita ng simbolismo
ng pag-ibig sa pangalawang pagkakataon. Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Ano ang katangiang ipinakita ni Donya Maria sa saknong sa ibaba?

Pagkat di na makatiis
Na timpiin ang pag-ibig,
Ninakaw na yaong damit
Ng prinsesang sakdal-dikit
Ikaapat na Markahan | 85
a. Matuwain at humanga siya nang makita niya ang makisig na binata.
b. Matatakutin siya sapagkat inakala niyang may ibang taong
nagmamasid sa kanila.
c. May pagpapahalaga sa sarili sapagkat nang nalaman niyang
nawawala ang kanyang damit ay nabahala siya.
d. Siya ay walang tiwala sa sarili.

2. Alin ang saknong na nagpapakita ng pagiging mapagmahal ni Donya


Maria?

a. Pagkat kita’y iniibig c. Upang siya’y maniwala


Pag-ibig ko’y hanggang langit Marangal ang iyong nasa
Don Juan hindi ko nais Sa kanya’y ipahalata
Mabilang ka sa naamis. Sa utos ay nakahanda.

b. Limang buwang paglalakad d. Dilag ni Donya Maria


Pitong bundok ang binagtas Walang kapantay sa kanya
Pitong dusa’t pitong hirap Ipikit man yaong mata
Bago sinapit ang hangad. Nasisilaw din sa ganda.
3. Ang kahulugan ng salitang mawawalat sa saknong sa ibaba ay
_________.

“Galingan mo ang pag-ilag


Sa dampa at mga sikad,
Mga kuko’y matatalas
Katawan mo’y mawawalat”

a. makukuha b. mabubuhay c. mabubuo d. masisira

4. Ano ang katangian ni Haring Salermo sa paghiling o pagpapagawa ng


mga imposibleng bagay kay Don Juan?

a. Siya ay palaisip sapagkat gusto niyang sukatin ang hangganan ni Don


Juan.
b. Siya ay mapagmahal na ama ayaw niyang nawalay sa piling ng
kanyang anak.
c. Siya ay matatakutin sapagkat natatakot siyang mas magaling pa sa
kanya si Don Juan.
d. Siya ay tamad na hari sapagkat iniaasa niya lahat sa utos.

5. Limang buwang paglalakad, pitong bundok ang binagtas,


Pitong dusa’t pitong hirap, bago sinapit ang hangad.
Ano ang katangian ni Don Juan na ipinakikita ng saknong?

a. negatibong tao c. matiyaga

Ikaapat na Markahan | 86
b. madaling mawalan ng pag-asa d. walang paninindigan

Sagot:
C A D B C

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Mag-interbyu ng naging pag-iibigan sa pagitan ng iyong ama at ina at


magdikit ng larawan nila sa inyong kwaderno. Isalaysay ito sa klase.
2. Basahin ang saknong sa Ibong Adarna tungkol sa mga utos ni Haring
Salermo at ang paglalaban ng mag-ama. Ibigay ang buod ng mga
pangyayaring babasahin.

PAUNLARIN
I.LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F7PB-IVh-i-23


 Nasusuri ang mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing
tauhan at mga pantulong na tauhan.

II. PAKSA

Panitikan: Katangian ng Pagmamahalan nina Don Juan at Donya Maria


Mga Utos ni Haring Salermo
Pag-alis ni Donya Maria at Don Juan sa Reino Delos
Cristales
Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 3 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban

Ikaapat na Markahan | 87
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (TITLE KO, SHOW MO)


May iparirinig ang guro na mga awitin at huhulaan ng bawat mag-aaral ang
tamang pamagat nito. Maaari itong gawing pangkatang gawain kung saan
ang grupo na makakukuha ng tamang sagot ang magkakaroon ng puntos.
Ang pinakamaraming puntos ang tatanghaling panalo.

Nang tangan ng nanay ang munti mong mga kamay,


Ika’y tuwang- tuwa panatag ang loob sa damdamin ika’y mahal
Nang makilala mo ang una mong sinta
Umapaw ang saya at siya’y ibang iba, sinasamsam ang bawat gunita.

PAG-IBIG- Apo Hiking Society

Di biro ang sumulat ng awitin para sa’yo


Para akong isang sira ulong hilo’t lito
Sa akin pang minanang piyano, tiklado’y pilit nilaro
Baka sakaling merong tonong bigla na lang umusbong.

ARAW GABI- Regine Velasquez

Di na maalala kung pa’no nagsimula


Ikaw ang laging nasa isip ko
Araw-araw laging ikaw ang siyang nakikita
Ano ba ang nadarama ko tuwing ikaw ay kasama?

PAG-IBIG NA KAYA- Christian Bautista at RACHELLE ANN GO

Naalala ko pa, no’ng nililigawan pa lamang kita.


Dadalaw tuwing gabi, masilayan lamang ang iyong mga ngiti.
At ika’y sasabihan, bukas ng alas-siyete sa dating tagpuan
Buo ang araw ko, marinig ko lamang ang mga himig mo.

BUKO- Jireh Lim

Langit ang nadarama, pintig ng puso ay kakaiba


Basta’t kasama ka, wala akong mahihiling pa
Ikaapat na Markahan | 88
Sa taglay na katangian at kabaitan mo
Nabihag at umibig sa’yo ang puso kong ito

DAHIL MINAHAL MO AKO- Sarah Geronimo


Gabay na Tanong:
a. Ano ang pangkalahatang konsepto ng mga awiting narinig?
b. May nararamdaman ba kayo kapag naririnig ang mga awitin? Isa-isahin
ito.

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Paano napagtagumpayan ni Don Juan ang mga pagsubok sa pag-iibigan


nila ni Donya Maria?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (READER’S THEATER)


Babasahin nang buong pagkamalikhain ng ilang piling mag-aaral ang bahagi
ng akdang Ibong Adarna.

Mga Utos ni Haring Salermo


Pag-alis ni Maria Blanca at Don Juan sa Reino Delos Cristales

Ikaapat na Markahan | 89
Ikaapat na Markahan | 90
Pagbubuod ng ginawang reader’s theater.

Mga Utos ni Haring Pagtatagumpay nina Sumpa ni Haring


Salermo Don Juan at Donya Salermo
Maria sa mga
Pagsubok

5. Pangkatang Gawain

Mungkahing Estratehiya (BIDA- BEST KA!)


Pipili ang bawat pangkat ng paksang kanilang tatalakayin tungkol sa mga
saknong na binasa sa tulong ng mga mungkahing estratehiya.
Paksa: Tauhan at ang Kanilang Paksa: Papel na Ginampanan ng
Katangian
Mungkahing Estratehiya:
Collage
1 mga Tauhan
Mungkahing Estratehiya:
Simbolismo
2
Pagpapakita ng katangian ng Pagtalakay sa papel na ginampanan
mga tauhan sa pamamagitan ng ng mga tauhan sa pamamagitan ng
role play pagguhit ng simbolismo ng mga ito

Paksa: Kadakilaan ng Paksa:


Pagmamahalan nina Don Juan at Pag-uugnay sa Kasalukuyan

4
Donya Maria Blanca Mungkahing Estratehiya:
Mungkahing Estratehiya:
Hugot Lines 3 Slogan

Pagpapakita ng isyung tinalakay


Pagpapakita ng kadakilaan ng ng akdang binasa at ang
pagmamahalan nina Don Juan at kaugnayan nito sa kasalukuyan sa
Donya Maria sa pamamagitan ng
pamamagitan ng paggawa ng
paggawa ng Hugot Lines
slogan
RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN

Ikaapat na Markahan | 91
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na nais nilalaman o kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais iparating sa kaisipan na nais iparating sa
Kaisipan iparating sa manonood (3) iparating sa manonood (1)
o Mensahe manonood (4) manonood (2)
(4)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Istilo/ kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
Pagkama- kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
likhain pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng pangkat
(3) ginamit ng pangkat sa ginamit ng sa presentasyon
pangkat sa presentasyon pangkat sa (0)
presentasyon (3) (2) presentasyon(1)

Kaisahan Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng


ng Pangkat nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa ang
o pagkakaisa ang bawat pagkakaisa ang bawat miyembro
Kooperasyon bawat miyembro miyembro sa bawat miyembro sa kanilang gawain
(3) sa kanilang kanilang gawain sa kanilang (0)
gawain (3) (2) gawain (1)

6. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

7. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

8. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na
ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Ano ang iyong mahihinuha sa pagtataksil na ginawa ni Donya Maria sa


kanyang ama?
2. Makatwiran ba ang ginawa niyang pagtataksil sa sariling ama alang-
alang sa taong kanyang minamahal? Pangatwiranan.
3. Paano mo susuriin ang pagkatao ni Donya Maria batay sa kanyang
ginawa sa ngalan ng pag-ibig ?
4. Bakit kaya labis ang kautusan ni Haring Salermo kay Don Juan? Ano
ang kanyang katangian bilang isang ama? Makatwiran ba ang kanyang
mga utos? Pangatwiranan.
5. Kung ikaw si Donya Maria, sino ang mas higit mong pahahalagahan,
ang iyong ama o ang iyong iniibig? Bakit? Gagawin mo ba ang ginawa
niya alang-alang sa pag-ibig? Ipaliwanag.

ABSTRAKSYON

Ikaapat na Markahan | 92
Mungkahing Estratehiya (BUUIN ANG PUSO KO)
Tutulungan ng mga mag-aaral sina Don Juan at Donya Maria upang mabuo
ang puso na naglalaman ng pangunahing konsepto ng aralin

Hindi napagtagumpayan dahil sa awa ni Haring Salermo


ni Don Juan ang mga pagsubok

Malapit nang
mapagtagumpayan ni Don Juan dahil sa pagmamahal sa
Napagtagumpayan
ang mga pagsubokni Don
Juan ang mga pagsubok kanya ni Donya Maria.
https://www.google.com.ph/search?
biw=1366&bih=662&tbm=isch&sa=1&btnG=Search&q=love

Napagtagumpayan ni Don Juan ang mga pagsubok dahil sa pagmamahal


sa kanya ni Donya Maria.

APLIKASYON
dahil sa kanyang galing
Mungkahing Estratehiya (DEBATE)
Magsasagawa ang klase ng isang debate tungkol sa isang paksa.

Kung darating ang tamang panahon na makikilala mo ang taong


mamahalin mo at sa kasamaang palad ay hindi siya nais ng iyong mga
magulang para sa iyo, makatwiran ba na ipaglaban mo siya?

EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

“Pagkat kita’y iniibig


pag-ibig ko’y hanggang langit,
Don Juan di ko nais

Ikaapat na Markahan | 93
mabilang ka sa naaamis”
1. Ang ginawa ni Donya Maria upang hindi mapahamak ang sinisinta ay.

a. Itinago niya si Don Juan upang hindi siya makita ng kanyang amang si
Haring Salermo.
b. Inutusan niya si Don Juan na umalis agad sa kanilang lugar upang
siya ay hindi mapahamak.
c. Itinuro niya kay Don Juan ang mga bagay na dapat niyang isagot at
gawin kapag siya ay humarap kay Haring Salermo.
d. Pinaalis na niya si Don Juan sa Reino Delos Cristales at binilinan ang
lahat na huwag siyang pababalikin sa kaharian.

2. “Iya’y munting bagay lamang, kay Donya Mariang saysay. Huwag


magulumihanan, kay dali ‘tong malusutan”. Ipinakikita sa pahayag na:

a. Ang mga babae ay may taglay ring natatanging kakayahan tulad ng


mga lalaki.
b. Likas sa mga babae ang maging mapagmataas o mayabang dahil sa
galing nila.
c. Higit na mapamaraan ang mga babae kaysa sa mga lalaki.
d. Mas magaling ang mga babae kaysa sa mga lalaki sa lahat ng
larangan.

“Luha’t hapis ay tiniis


nang dahil sa pag-ibig
pangita ri’t walang hapis
na sa sinta’y nagsulit”
3. Masasalamin sa pahayag na ito na:

a. Si Donya Maria’y larawan ng ilang kabataang babae sa kasalukuyan


na gagawin o titiisin ang lahat para sa minamahal kahit pa ito’y
pagsuway sa kagustuhan ng mga magulang.
b. Si Donya Maria ay larawan ng kabataang babae sa kasalukuyang
nakararanas ng luha at pait sa pagkabigo sa pag-ibig.
c. Si Donya Maria ay larawan ng kabataang babae sa kasalukuyan na
ayaw ng maranasan ang umibig.
d. Si Donya Maria ay larawan ng kabataang babae sa kasalukuyan na
laging taglay ang kasiyahan dahil naghahari ang tunay na pag-ibig.
“Di kawasa ay nasabi,
“Kahanga-hangang prinsipe
dunong nito’y pagkabuti
tila ako’y maaapi.
4. Ang naramdaman ni Haring Salermo nang makita niyang nagtagumpay si
Don Juan sa unang pagsubok na kanyang ibinigay ay:

a. Humanga siya sa prinsipe at agad ipinakasal si Donya Maria sa kanya.

Ikaapat na Markahan | 94
b. Natakot si Haring Salermo dahil naisip niyang may taglay na
kakaibang kapangyarihan ang prinsipe.
c. Nag-isip at binigyan pa niya ng iba pang pagsubok ang prinsipe upang
higit na mapatunayan ang galing at tapang nito.
d. Pinalayas sa kaharian ang Prinsipe dahil sa galing nito.

5. Alin ang saknong na nagpapakita ng pagsasakripisyo alang-alang sa


pagmamahal sa isang tao?

a. Mga pusong sa pag-ibig b. At sakaling sumapit ka


Pinag-isa na ng dibdib sa kahariang Berbanya
Harangan ng kahit lintik malimot ng iyong sinta
Liliparin din ang langit sa pagluha’t pag-iisa

b. Hari sa sama ng loob d.Dagat na ang kalawaka’y


Hinimatay na sa himutok di masukat ng pananaw
Araw-gabi’y walang tulog alo’t tubig nagsasayaw
Ang hininga’y nangangapos daluyong ay umuungal

Sagot:
C A A C A

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Isa-isahin ang mga pangyayari at isyung may kaugnayan sa paglalakbay


ni Don Juan sa Reino Delos Cristales.

2. Humanda sa pagsulat ng awtput 4.4. Magdala ng mga kagamitan sa


paggawa nito.

ILIPAT
I.LAYUNIN

PAGSULAT (PU) F7PU-IVe-f-21


 Naisusulat ang tekstong naglalarawan sa isa sa mga tauhan sa akda.

Ikaapat na Markahan | 95
II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 4.4


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon (KOMIKS)
Gagawa ang mga mag-aaral ng usapan na nagpapakita ng katangian ng
mga tauhan na sina Haring Salermo, Don Juan at Donya Maria.

2. Pagtalakay sa Awtput sa
tulong ng GRASPS
GOAL: Naisusulat ang tekstong naglalarawan sa isa sa mga tauhan
sa akda.

ROLE: Isa kang mahusay na manunulat ng tekstong naglalarawan.

Ikaapat na Markahan | 96
AUDIENCE: Mga mag-aaral at guro sa inyong paaralan.

SITUATION: Ang komiks na REINO ay nangangailangan ng mga


magsusulat ng tekstong naglalarawan para sa ilalathala
nitong serye tungkol sa Ibong Adarna.

PRODUCT: Tekstong naglalarawan sa isa sa mga tauhan sa akda.

STANDARD: RUBRIKS NG AWTPUT


Lubos na nagpapakita Nagpakita ng Ang nilalaman ng
ORIHINALIDAD ng orihinalidad ang orihinalidad ang talata ay nagmula sa
AT NILALAMAN nilalaman ng talata. nilalaman ng talata. mga naisulat nang
(4) (4) (3) mga talata. (2)
Napakahusay ng pagpili Mahusay ang naging Hindi gaanong
PAGGAMIT NG sa mga salitang ginamit pagpili sa mga mahusay ang naging
SALITA sa talata. salitang ginamit sa pagpili ng mga
(3) (3) talata. salitang ginamit sa
(2) talata. (1)
Lubos na kinakitaan nang Kinakitaan nang maayos Hindi kinakitaan nang
PAGGAWA NG maayos at organisadong maayos at organisadong maayos at organisadong
TALATA talata ang naisulat na talata ang naisulat na talata ang naisulat na
(3) talata.(3) talata.(2) talata.(1)

KABUUAN (10)

3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Kung ikaw ay makakatagpo ng taong mamahalin sa tamang panahon,


anong mga katangian ang nais mo sa kanya? Gumawa ng talata ukol
dito.
2. Basahin ang saknong sa Ibong Adarna tungkol sa pagbabalik ni Don
Juan at Donya Maria Blanca sa Berbanya. Ibigay ang buod ng mga
pangyayaring babasahin.

Ikaapat na Markahan | 97

You might also like