You are on page 1of 22

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 7
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 3.1
Panitikan: Mga Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong Palaisipan/
Bugtong
Teksto: “Ang Sariling Wika” - Tulang Kapampangan ni Monica
R. Mercado isinalin sa Tagalog ni Lourdes C. Punzalan
Wika: Mga Suprasegmental at Di- Berbal na Palatandaan ng
Komunikasyon
Bilang ng Araw: 7 Sesyon
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-IIIa-c-13)
 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental
(tono, diin, antala) at mga di-berbal na palatandaan (kumpas, galaw
ng mata/ katawan at iba pa) sa tekstong napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-IIIa-c-13)


 Nailalahad ang pangunahing ideya ng tekstong nagbabahagi ng
bisang pandamdamin ng akda.
(F7PB-IIIa-c-14)
 Naihahambing ang mga katangian ng tula/ awiting panudyo, tugmang
de gulong at palaisipan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-IIIa-c-13)


 Nabibigyang-kahulugan ang mga makabuluhang salita na ginamit sa akda.

PANONOOD (PD) (F7PD-IIIa-c-13)


 Nasusuri ang nilalaman ng napanood na dokumentaryo kaugnay ng
tinalakay na mga tula/ awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-IIIa-c-13)


 Nabibigkas nang may wastong ritmo ang ilang halimbawa ng tula/awiting
panudyo, tugmang de gulong at palaisipan.

PAGSULAT (PU) (F7PU-IIIa-c-13)


 Naisusulat ang sariling tula/ awiting panudyo, tugmang de gulong at
palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-IIIa-c-13)


 Naiaangkop ang wastong tono o intonasyon sa pagbigkas ng mga tula/
awiting panudyo, tulang de gulong at palaisipan.

Ikatlong Markahan| 1
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-IIIa-c-14)


 Naihahambing ang mga katangian ng tula/ awiting panudyo, tugmang de
gulong at palaisipan.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-IIIa-c-13)


 Nabibigkas nang may wastong ritmo ang ilang halimbawa ng tula/awiting
panudyo, tugmang de gulong at palaisipan.

PANONOOD (PD) (F7PD-IIIa-c-13)


 Nasusuri ang nilalaman ng napanood na dokumentaryo kaugnay ng
tinalakay na mga tula/ awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan.

II. PAKSA

Panitikan: Pagkilala sa mga Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong,


Palaisipan/ Bugtong
Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (MAG-BULUNGANG INTSIK TAYO!)


Pangkatang laro sa klase na tatawaging Bulungang Intsik (Chinese Whisper).
Panuto: Pipili ng limang kalahok sa bawat pangkat na gaganap sa laro.
Hahanay ang mga kalahok at ipapasa ng guro ang papel na naglalaman ng
mensahe sa unang miyembro. Ibabalik sa guro ang papel at ibubulong niya
ito sa sunod na kagrupo hanggang sa makarating ang mensahe sa huling
miyembro na siyang magsusulat nito sa pisara. Kung sino ang pangkat na
unang nakapagsulat ng tamang mensahe ang siyang tatanghaling panalo.

Ikatlong Markahan | 2
Si Maria kong dende Sa isang kulungan ay may

1 2
Nagtinda ng gabi limang baboy si Mang
Nang hindi mabili Juan, lumundag ang isa
Umupo sa tabi ilan ang natira?

Aanhin pa ang gasolina Maliit pa si Totoy,

3 kung dyip ay sira na.


4 marunong ng lumangoy.

Gabay na Tanong:
a. Madali ba ang pagpapasa ng mensahe sa bawat isa?
b. Bakit kaya madaling matandaan at maipasa ang mga mensaheng ito?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano-ano ang pagkakaiba ng mga karunungang bayan tulad ng tulang


panudyo, tulang de-gulong at mga palaisipan?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (PANOORIN NATIN ITO!)


Pagpapanood ng video clip mula sa youtube na may kaugnayan sa aralin.

MGA KARUNUNGANG BAYAN


https://www.youtube.com/watch?v=rMJC2smnvX0

ANALISIS

1. Ibigay ang kahulugan ng karunungang bayan bilang akdang


pampanitikan.
2. Isa-isahin ang mga karunungang bayan na napanood at ibigay ang
pagkakaiba ng bawat isa.
3. Alin sa mga karunungang bayan ang iyong kinawiwilihang pakinggan?
Bakit?
4. Bakit mahalagang pag-aralan at muling buhayin ang mga ganitong uri
ng panitikan?

Ikatlong Markahan| 3
5. Paano mapapaunlad ang mga karunungang bayan sa kasalukuyan?
Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N- ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N )

ANG MGA KARUNUNGANG BAYAN


Ang pagkadiwang makata ay likas sa ating mga ninuno. Ayon kay
Alejandro Abadilla, “Bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin.” Ito ang
ipinalalagay na pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang iba pang mga
akdang patula tulad ng mga sumusunod:

1. Tula/ Awiting Panudyo– Ito ay isang uri ng akdang patula na kadalasan


ang layunin ay manlibak, manukso o mang-uyam. Ito ay kalimitang may
himig nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawag na pagbibirong patula.

*Batang makulit *Ako ay isang lalaking matapang


Palaging sumisitsit Huni ng tuko ay kinatatakutan
Sa kamay mapipitpit Nang ayaw maligo, kinuskos ng gugo

2. Tugmang de Gulong- Ito ay mga paalala o babala na kalimitang makikita


sa mga pampublikong sasakyan. Sa pamamagitan nito ay malayang
naipararating ang mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe o
paglalakbay ng mga pasahero. Maaaring ito ay nasa anyong salawikain,
kasabihan o maikling tula.

*Sitsit ay sa aso, katok ay sa pinto, sambitin ang “para” sa tabi, tayo’y hihinto.
*God knows Hudas not pay.
*Ang di magbayad walang problema, sa karma pa lang bayad ka na.

3. Bugtong– Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.


Binibigkas ito nang patula at kalimitang maiksi lamang.

*Maliit pa si Totoy, marunong nang lumangoy. (isda)


*Gumagapang pa ang ina, umuupo na ang anak. (kalabasa)
*Nagtago si Pilo, nakalitaw ang ulo. (pako)
*Sa umaga ay bumbong, sa gabi ay dahon. (banig)

4. Palaisipan– Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Layunin nito ang


pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa
isang lugar.

*May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang
bola nang di man lamang nagalaw ang sombrero? (Butas ang tuktok ng
sombrero.)
*Sa isang kulungan ay may limang baboy si Mang Juan. Lumundag ang isa, ilan
ang natira? (Lima pa rin kasi lumundag lang naman ang baboy at hindi umalis)

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

Ikatlong Markahan | 4
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (PAGHAMBINGIN MO!)


Paghahambing ng mga katangian ng mga karunungang bayang tinalakay sa
tulong ng graphic organizer.

KARUNUNGANG
Tula/ Awiting Panudyo

BAYAN
Tugmang de-Gulong

Bugtong

Palaisipan

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (HALIMBAWA MO, PAKIKINGGAN KO!)


Pagbibigay ng halimbawa ng mga karunungang bayang nabasa o narinig ng
mga mag-aaral sa kanilang lugar. Bibigkasin ito sa klase nang buong
pagkamalikhain at tutukuyin ang uri nito.

Halimbawa:

Basta driver, sweet lover- Isang Prinsesa, nakaupo sa tasa-


TUGMANG DE GULONG BUGTONG

Ang tunay na Ala-eh,


sa kanin, nagsasabaw ng kape-
AWITING PANUDYO ng BATANGUEÑO

IV. KASUNDUAN

1. Magtala ng dalawang halimbawa ng bawat uri ng karunungang bayang


tinalakay.
2. Basahin ang tulang “Ang Sariling Wika” at sagutin ang mga sumusunod
na tanong:
a. Bakit itinuturing na ang isang wika ng lahi ay mas mahalaga pa sa
materyal na kayamanan?
b. Ano ang pangunahing ideyang binabanggit sa tula? Isa-isahin ito.
c. Ibigay naman ang mga pantulong na ideyang binabanggit sa tula.
d. Aling katutubong wika ang binabanggit sa tula? Ipaliwanag.

Ikatlong Markahan| 5
LINANGIN
I.LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-IIIa-c-13)


 Nailalahad ang pangunahing ideya ng tekstong nagbabahagi ng bisang
pandamdamin ng akda.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-IIIa-c-13)


 Nabibigyang-kahulugan ang mga makabuluhang salita na ginamit sa
akda.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-IIIa-c-13)


 Nabibigkas nang may wastong ritmo ang ilang halimbawa ng tula/awiting
panudyo, tugmang de gulong at palaisipan.

II. PAKSA

Panitikan: Tula- “Ang Sariling Wika” (Tulang Kapampangan)


ni Monica R. Mercado
na isinalin sa Tagalog ni Lourdes C. Punzalan
Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (MANOOD TAYO!)


Pagpapanood ng video clip mula sa youtube na may kaugnayan sa aralin.
KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO
https://www.youtube.com/watch?v=URzOZGMEfyM
Gabay na Tanong:
a. Batay sa inyong napanood, bakit mahalaga ang wika?
b. Ano ang mahalagang kaisipang nais ipahatid ng inyong pinanood?
Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

Ikatlong Markahan | 6
2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Paano maipakikita ang iyong pagpapahalaga at pagmamalaki sa Wikang


Filipino at katutubong wikang ginagamit sa lugar na kinalakhan?

3. Paglinang ng Talasalitaan

Mungkahing Estratehiya (AYUSIN MO!)


Pagsasaayos ng mga ginulong letra upang mabuo ang kahulugan ng salitang
nakasulat nang pahilis sa pangungusap.

a. Ang wika sa bansa ay dapat pagyamanin sapagkat ito ang kaluluwa ng


lahi natin. (paunlarin)

N U L N P A R I A

b. Mula sa ating puso ay bumubukal ang wagas na pagmamahal sa ating


Inang Bayan gamit ang mga salitang kaysarap pakinggan. (dumadaloy)

O A L D A D M U Y

c. Kailangang mabatid ng bawat Pilipino na ang wika ay tulad ng isang


gintong pamana sa atin ng ating mga ninuno. (malaman)

N A L M A M A

d. Ang sariling wika ng isang lahi ay may taglay na aliw-iw at himig na


kahali-halina. (lambing)

B A L M N I G

e. Ang himig ng ating wika ay kawangis ng pagaspas ng bagwis ng mga


ibon sa himpapawid. (katulad)

Ikatlong Markahan| 7
T A L D U A K
4. Paghinuha sa Pamagat

Mungkahing Estratehiya (MAPA NG KONSEPTO)


Pagbibigay ng hinuha ukol sa pamagat ng tulang tatalakayin sa tulong ng
mapa ng konsepto.

ANG SARILING
WIKA

5. Pagkilala sa Awtor

Mungkahing Estratehiya (ATING KILALANIN)


Pagbibigay ng ilang mahahalagang impormasyon ng guro tungkol kay
Lourdes C. Punzalan na nagsalin ng tula sa Tagalog.

Si Maria Lourdes Punzalan Aranal Sereno ay isang abogado at


guro. Siya ang kauna-unahang babaeng Punong Mahistrado ng Korte
Suprema ng Pilipinas.
Tubong Siasi, Sulu ang ama ni Serono at nagtuturo naman sa isang
pampublikong paaralan ang kanyang ina. Nagtapos si Sereno nang may
parangal sa Mababang Paaralan ng Kamuning at sa Mataas na Paaralan
ng Lungsod Quezon.
Bilang iskolar, nakapagtapos siya ng kursong Economics sa Ateneo
de Manila at abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), Diliman kung
saan siya ang tinanghal na valedictorian.
Nakapagtapos din siya ng Masteral sa UP School of Economics.
Bilang pinarangalan ng De Witte Fellowship at Ford-Rockefeller
Scholarship, nakapagtapos siya ng Masteral sa abogasya nang may
pagdadalubhasa sa batas at ekonomiya, at batas sa kalakalang panlabas
sa University of Michigan sa Estados Unidos.
6. Presentasyon
Sanggunian: http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Maria_Lourdes_Sereno

Ikatlong Markahan | 8
Mungkahing Estratehiya (MAG-SABAYANG PAGBIGKAS KAYO!)
Magtatanghal ang bawat pangkat ng sabayang pagbigkas ng tula.

ANG SARILING WIKA


Sinulat ni Lourdes C. Punzalan
Mula sa orihinal nito sa Kapampangan na may pamagat na “Ing Amanung Siswan nu Monico R. Mercado”

Pangkat 1 Ang sariling wika ng isang lahi


Ay mas mahalaga sa kayamanan
Sapagkat ito’y kaluluwang lumilipat
Mula sa henerasyon patungo sa iba
Nangangalap ng karanasan, gawi
Pagsamba, pagmamahal, pagtatangi at pagmithi.
Pangkat 2
Nais mo bang mabatid layunin ng kanyang puso
Ang kanyang mga pangarapin.
Mainit na pagmamahal na sa puso’y bumubukal
Kasama ng mahalagang layuning nabubuo sa isipan
Pakinggan ang makahulugang gintong salita
Na sa kanyang bibig ay nagmumula.
Pangkat 3
Minanang wikang itinanim sa isipan
Iniwan ng ninuno, tula ng iniingatang yaman
Pamanang yamang di dapat pabayaan
At dapat pagyamanin ng mga paghihirap
Para sa kaunlaran, di dapat masayang
Tulad ng halaman na natuyot at nangalagas sa tangkay.

Pangkat 4 Minana nating wika’y


Maihahambing sa pinakadakila
Ito’y may ganda’t pino,
aliw-iw at himig na nakahahalina
Init nito’t pag-ibig mula sa musa
Pagpapahayag ng pagmamahal ay kanyang kinuha.
Pangkat 1 at 2
Wikang Kapampangan, buo ang iyong ganda
Ang himig ng iyong tunog
Tulad ng pagaspas ng bagwis ng mga ibon
Tulad ng awit na likha ng brilyanteng makinang
Tulad ng lagaslas na himig ng tubigan
Tulad ng malamig na hanging amihan.
Pangkat 3 at 4
Wikang Kapampangan, ikaw ay mahalaga
Sa lahat ikaw ay maikokompara
Ikaw ang mapagmahal at matamis na pahayag ng pag-ibig
Tulad mo’y walang katapusang awit
Ang lahat sa iyo ay tulad ng bumubukang bulaklak.

Gabay na Tanong:
a. Matapos mabasa ang akda, ano ang damdaming namayani sa kabuuan?

Ikatlong Markahan| 9
b. Ano ang pangunahing kaisipan ng tulang binasa?

7. Pangkatang Gawain

Mungkahing Estratehiya (IPAKITA ANG GALING)


Ipakikita ng bawat pangkat ang kanilang mga galing sa pagtalakay sa mga
paksang kanilang mapipili.
Paksa: Paksa:
Pangunahing Ideya ng Tula Bisang Pandamdamin ng Tula
Mungkahing Estratehiya: Mungkahing Estratehiya:
Poster
Paggawa ng poster na
naglalaman ng pangunahing
1 Collage

Pagbuo ng collage na nagpapakita


2
ideyang tinatalakay ng tula. ng bisang pandamdamin ng tula.

Paksa: Paksa:
Mensahe ng Tula
3 4
Pag-uugnay ng Tula sa Tunay na Buhay
Mungkahing Estratehiya: Mungkahing Estratehiya:
Jingle Dula-dulaan
Paglikha ng jingle na naglalaman Pagtatanghal ng dula-dulaan na
ng mensaheng tinatalakay ng nagpapakita ng kaugnayan ng tula
tula. sa tunay na buhay.

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na nais nilalaman o kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais iparating sa kaisipan na nais iparating sa
Kaisipan iparating sa manonood (3) iparating sa manonood (1)
o Mensahe(4) manonood (4) manonood (2)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Istilo/ kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
Pagkama- kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
likhain pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng pangkat
(3) ginamit ng pangkat sa ginamit ng sa presentasyon
pangkat sa presentasyon pangkat sa (0)
presentasyon (3) (2) presentasyon(1)
Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng
Kaisahan nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa ang
ng Pangkat pagkakaisa ang bawat pagkakaisa ang bawat miyembro
o bawat miyembro miyembro sa bawat miyembro sa kanilang gawain
Kooperasyon sa kanilang kanilang gawain sa kanilang (0)
(3) gawain (3) (2) gawain (1)
8. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

Ikatlong Markahan | 10
9. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

10. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na
ibinigay ng guro

ANALISIS

1. Ano ang pangkalahatang ideyang tinatalakay sa kabuuan ng tula?


2. Bilang Pilipino, ano ang masasabi mo sa pagpapahalaga ng mga
kababayan sa sariling wika?
3. Sinasabing ang tula ang pinakamatandang sining ng kulturang Pilipino.
Kung magkakaroon ka ng pagkakataong bigyang-kahulugan ang
salitang tula, ano ang magiging katuturan nito para sa iyo?
4. Ibigay ang pagkakaiba ng tula sa iba pang uri ng panitikang Pilipino.
5. Isa-isahin ang mga elemento ng tula at ang kahulugan ng bawat isa.

Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

KATUTURAN NG TULA

Maituturing na pinakamatandang sining ang tula sa kulturang Pilipino.


Tula ang pinagmulan ng iba pang mga sining tulad ng sayaw, awit at dula
kaya’t ito rin ang pinakamatandang karunungang-bayan.

Batay sa kasaysayan, ang mga unang Pilipino ay may likas na


kakayahang magpahayag ng kanilang kaisipan sa pamamagitan ng mga
salitang naiayos sa isang maanyong paraan kaya kinakitaan ng sukat at
tugma.

Katunayan, ang mga salawikain at kawikaan ay kaakibat sa tuwina ng


mga pahayag ng mga Pilipino noong unang panahon.

Ang tula ay isinasaayos sa taludtod. Ang pinagsama-samang taludtod


ay ang saknong. Ang mga halimbawa ng tula ay soneto, oda, liriko, awit,
korido at iba pa.

Ang orihinal na pamagat ng tulang tinalakay ay “Ing Amanung Siswan”


sa Wikang Kapampangan.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.


MGA ELEMENTO NG TULA

1. Sukat- Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na


bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa Markahan|
Ikatlong paraan ng11
pagbasa.

Mga uri ng sukat


a. Wawaluhin b. Lalabindalawahin
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (FLOW CHART)


Gamit ang flow chart ay bubuo ang mga mag-aaral ng pangunahing konsepto
ng aralin.

Maipakikita Pagpapahalaga at pagmamalaki

Sa pamamagitan Wikang Filipino at katutubong wika

APLIKASYON

Ikatlong Markahan | 12
Mungkahing Estratehiya (GAWA KA NG TULA)
Gagawa ng isang saknong na tula na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
sariling wika ang bawat pangkat at ibabahagi ito sa klase.

Halimbawa:
WIKANG FILIPINO, MAHALIN WIKA’Y PAGYAMANIN
Diona P. Gayeta Patricia M. Plata

Wikang Filipino ay ating mahalin Sariling wika natin ay pagyamanin


Ito’y magdadala sa rurok ng Saan mang dako, ating gamitin
tagumpay natin Wikang pinagmulan laging
Mga Pilipino, ating wika’y huwag alalahanin
balewalain Sa puso’t isipan, huwag lilimutin.
Upang magandang kinabukasan
ating kamtin.

EBALWASYON

A. Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng


tamang sagot.

1. Ang pagkadiwang makata ay likas sa ating mga ninuno. Ayon kay


Alejandro Abadilla, “bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin.” Ito
ang ipinalalagay na pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang iba pang
mga akdang patula na tinatawag na?
a. Awiting bayan c. Karunungang bayan
b. Kuwentong bayan d. Maikling kuwento

2. Kailangang mabatid ng bawat Pilipino na ang wika ay tulad ng isang


gintong pamana sa atin ng ating mga ninuno. Ano ang kahulugan ng
salitang nakahilis sa pangungusap?
a. Mailihim c. malaman
b. Maisumbat d. maibigay

3. Ano ang pangunahing ideyang isinasaad ng tulang “Ang Sariling Wika”?


a. Hindi wikang Kapampangan ang pinakamainam na wika sa Pilipinas
dahil ito ay ginagamit lamang sa isang lugar.
b. Bawat wika sa Pilipinas ay mahalaga at dapat igalang.
c. Walang magandang ibubunga ang pakikialam sa wikang Kapampangan
dahil ito ito mauunawaan ng bawat isa.
d. Ang wikang Tagalog lamang ang dapat na iiral sa Pilipinas dahil ito ang
pambansang wika sa bansa.
B. Panuto: Tukuyin ang bisang pandamdamin sa mga sumusunod na
saknong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

Ikatlong Markahan| 13
4. Ang sariling wika ng isang lahi
Ay mas mahalaga sa kayamanan
Sapagkat ito’y kaluluwang lumilipat
Mula sa henerasyon patungo sa iba.

a. Pagkabahala sapagkat paano ako mabubuhay ng sariling wika.


b. Pagdududa sa sinabing may kaluluwa ang wika.
c. Pagkamarangal sapagkat ipinagmamalaki ko ang sarili kong wika.
d. Pagkadakila sa wikang ngayon ko lamang kinilala.

5. Minamahal nating wika ay maihahambing sa pinakadakila


Ito’y may ganda’t pino, aliw-iw at himig na nakahahalina
Init nito’t pag-ibig mula sa musa
Pagpapahayag ng pagmamahal ay kanyang kinuha

a. Pagmamalaki sa ganda ng ating sariling wika.


b. Pagkalungkot sapagkat mas gusto ko ang Ingles.
c. Pagkainis sapagkat wala naman akong nakitang kagandahan ng wikang
kinaginasnan.
d. Pagwawalang-bahala sa kung anuman ang katangiang taglay ng wikang
kinagisnan.

Sagot:
C C B C A

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Sumulat ng isang tulang binubuo ng limang saknong, may tugma at sukat


at nagpapahayag ng pagmamalaki sa wikang iyong kinagisnan.
2. Bigyang-kahulugan ang mga sumusunod na mga ponemang
suprasegmental:
a. Intonasyon, Tono, Punto
b. Diin at Haba
c. Hinto o Antala

PAUNLARIN
Ikatlong Markahan | 14
I.LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-IIIa-c-13)


 Naiaangkop ang wastong tono o intonasyon sa pagbigkas ng mga tula/
awiting panudyo, tulang de gulong at palaisipan.

II. PAKSA

Wika: Mga Suprasegmental at Di- Berbal na Palatandaan ng Komunikasyon


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (IARTE MO, MAHUSAY KA!)


Magtatanghal ang mga piling mag-aaral isang monologo na nagpapakita ng
iba’t ibang paraan ng pagsasabi ng “Mahal Kita!” Ang pinakamahusay na
pagkakabigkas ng pahayag ang tatanghaling Mahusay na Aktres/ Aktor ng
Klase.
IPINAGSISIGAWAN SA
BUONG MUNDO NANGHIHINAYANG

NAGDUDUDA NAGAGALIT

NAGMAMAKAAWA WALA NG
PAGMAMAHAL

Gabay na Tanong:
a. May pagkakaiba ba ng kahulugan ang isang salita?

Ikatlong Markahan| 15
b. Paano nagkakaiba-iba ng kahulugan ang salitang inyong binigkas?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Paano nakatutulong ang mga ponemang suprasegmental at mga di-berbal


na palatandaan sa mabisang pakikipagtalastasan?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NI JOMEL)


Pagpapanood ng video clip mula sa youtube na may kaugnayan sa aralin.

TAMANG BIGKAS
(Alikabuk Episode 24)
https://www.youtube.com/watch?v=x1pbiN894do

ANALISIS

1. Bakit mayroong mga salitang magkapareho ng bigkas ngunit magkaiba


ng kahulugan? Magbigay ng halimbawa ng mga salitang ito.
2. Isa-isahin ang mga ponemang suprasegmental na tinalakay sa
pinanood at bigay ang pagkakaiba ng bawat isa. Paano nakatutulong
ang mga ito sa pagpapalinaw ng mensahe?
3. Nakatutulong ba ang tamang pagbigkas sa mga salita sa
pagpapalinaw ng mensahe ng isang pahayag? Paano?
4. Ano ang posibleng mangyari kapag ang mga salita ay hindi tama ang
bigkas?
5. Bukod sa tamang pagbigkas sa mga salita, ano pa ang maaaring
makatulong sa tamang pagpapahayag ng mensahe?
Pagbibigay ng Input ng Guro
D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)
Ikatlong Markahan | 16
PONEMANG SUPRASEGMENTAL

Ang mga ponemang suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang


pakikipagtalastasan. Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag ang
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (BUUIN ANG PLANETANG PAKASKAS)


Tutulungan ng mga mag-aaral si Jomel at Imbulok upang mabuo ang
planetang Pakaskas na naglalaman ng pangkalahatang konsepto ng aralin.

Ang mga ponemang


suprasegmental at mga di-
berbal na palatandaan ay Ikatlong Markahan| 17
mahalaga para sa mabisang
pakikipagtalastasan upang
maging mas maliwanag ang
Ang mga ponemang suprasegmental at mga di-berbal na palatandaan ay
mahalaga para sa mabisang pakikipagtalastasan upang maging mas
maliwanag ang pagpaparating ng tamang damdamin sa pagpapahayag.

APLIKASYON

Ginabayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (MAG-USAP TAYO!)
Bawat pangkat ay gagawa ng usapang nagpapakita ng wastong pagbigkas
sa tulong ng mga ponemang suprasegmental at di- berbal na komunikasyon
tungkol sa ibibigay na senaryo ng guro.

(Ang mga usapang gagawin ay dapat na gagamitan ng mga tula/ awiting


panudyo, tulang de gulong at palaisipan na bibigkasin ng tama at angkop)

Pangkat 1- Sa tahanan habang abala sa paglilinis ang mag-anak

Pangkat 2- Sa eskwelahan habang wala pa ang guro sa


asignaturang Filipino

Pangkat 3- Sa palengke habang namimili ang ina sa kanyang suking


tindahan

Pangkat 4-
Malayang Sa parke habang nagmamasid ang magkakaibigan sa ganda
Pagsasanay
ng lungsod (MAGSANAY PA!)
Mungkahing Estratehiya
Basahing mabuti ang usapan. Pagkatapos ay piliin ang kahulugan ng mga
salitang may salungguhit ayon sa tamang tono, diin, haba at antala sa ibaba.
Piliin ang titik ng tamang sagot.

PAGGAMIT NG TAGLISH

Gabby: 1.Kahapon (C) ay nakinig kami sa seminar tungkol sa programa ng


pamahalaan sa paglilinis ng paligid. Taglish ang ginamit sa pagsasalita ng
mga tagapagsalita.
Ikatlong Markahan | 18
Paula: 2. Kahapon? (D)Ang akala ko ay mamaya pa ang seminar na iyon?

Gabby: Kasama ko sa pagpunta sa seminar si Raymond. Marami kaming


EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Ang mga ponemang suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang


pakikipagtalastasan. Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag ang
pagpaparating ng tamang damdamin sa pagpapahayag. Alin sa mga
sumusunod ang hindi kabilang sa mga ponemang suprasegmental?
a. Intonasyon, Tono at Punto c. Hinto o Antala
b. Haba at Diin d. Palaisipan

2. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito? “Ang ganda ng tula?”

a. Nagsasalaysay na maganda ang tula.


b. Nagpapahayag ng lubhang kasiyahan sa ganda ng tula.
c. Nagtatanong/ nagdududa kung maganda ba ang tula.
d. Nagsasabing maganda ang tula.

3. Ang wika ay ________________ kaya’t nagbabago sa pagdaan ng


panahon. Alin ang angkop na salita para sa pangungusap?

Ikatlong Markahan| 19
a. /bu.hay/ c. buh-ay
b. /buhay/ d. /bu—hay/

4. Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw


ang mensaheng ipinahahayag. Ginagamit ang kuwit, tuldok, semi-kolon at
kolon sa pagsulat upang maipakita ito.
a. Intonasyon, Tono at Punto c. Hinto o Antala
b. Haba at Diin d. Palaisipan

5. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na ito? “Hindi, akin ang makapal
na aklat na iyan!”
a. Sinasabing hindi sa kanya ang aklat na itinuturo.
b. Sinasabing siya ang may-ari ng aklat na itinuro.
c. Sinasabing hindi makapal ang aklat.
d. Sinasabing makapal ang aklat na itinuturo.

Sagot:
D C B C B

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Mag-isip ng mga salitang mayroong higit sa isang kahulugan. Ibigay ang


kahulugan nito at gamitin sa pangungusap.
2. Gumawa ng isang usapan na nagpapakita ng wastong bigkas ng mga
salita. Salungguhitan ang mga salitang ginamit at ipaliwanag kung anong
uri ng ponemang suprasegmental ang mga sinalungguhitan.
3. Humanda sa pagsulat ng Awtput 3.1.

ILIPAT
I.LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F7PU-IIIa-c-13)


 Naisusulat ang sariling tula/ awiting panudyo, tugmang de gulong at
palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan.

Ikatlong Markahan | 20
II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 3.1


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya (MAGTULAAN TAYO!)


Babasahin ng ilang piling mag-aaral nang may buhay at may damdamin ang
tulang ipakikita ng guro. Ang mag-aaral na mahusay sa pagtula ay bibigyan
ng karagdagang puntos

PAG-IBIG
Teodoro Gener Umiibig ako’t sumisintang tunay,
Di sa ganda’t hindi sa ginto ni yaman.
Umiibig ako, at ang iniibig Ako’y umiibig, sapagkat may buhay
Ay hindi ang dilag na kaakit-akit
Na di magtitikim nang kaligayahan
Pagkat ang talagang ganda lang ang
nais
Hindi ba’y nariyan ang nunungong Ang kaligayahan ay wala sa langit
langit? Wala rin sa dagat ng hiwagang tubig.
Ang kaligayaha’y nasa iyong dibdib
Lumiliyag ako, at ang nililiyag Na inaawitan ng aking pag-ibig.
Ay hindi ang yamang pagkarilag-
rilagPagkat kung totoong perlas lang Sanggunian:
ang hangad PANITIKANG KAYUMANGGI, Rosario
Di ba’t masisisid ang pusod ng dagat? U. Mag-atas et.al
Sanggunian:
Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng Grasps
GOAL: Naisusulat ang sariling tula/ awiting panudyo, tugmang de
gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan.

ROLE:
PRODUCT: Isa
SITUATION: Angkangpahayagang
Tulang mahusay
may sukat, na
maymanunulat
limang
“KABATAAN, ng tulaSULAT
saknong at may tugma
NA!”, ay
AUDIENCE: Mga mag-aaral at guro sa inyong paaralan
PAKSA: “Paano maipakikita ang pagmamahal
nangangailangan ng mga magsusulat ng tula sa sariling
wika?”

Ikatlong Markahan| 21
STANDARD: RUBRIKS NG AWTPUT
ORIHINALIDA Lubos na nagpapakita Nagpakita ng Ang nilalaman ng
D AT ng orihinalidad ang orihinalidad ang tula ay nagmula sa
NILALAMAN nilalaman ng tula.(4) nilalaman ng tula.(3) mga naisulat nang
(4) mga tula.(1)
Napakahusay ng Mahusay ang naging Hindi gaanong
PAGGAMIT NG pagpili sa mga salitang pagpili sa mga mahusay ang
SALITA ginamit sa tula.(3) salitang ginamit sa naging pagpili ng
(3) tula.(2) mga salitang
ginamit. (1)
Lubos na kinakitaan Kinakitaan nang Hindi kinakitaan
SUKAT AT nang maayos na sukat maayos na sukat at nang maayos na
TUGMA at tugma ang naisulat tugma ang naisulat sukat at tugma ang
(3) na tula.(3) na tula.(2) naisulat na tula.(1)
KABUUAN (10)

2. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

3. Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Sumulat ng isang tulang binubuo ng limang saknong, may tugma at


sukat at nagpapahayag ng pagsang-ayon o pagsalungat sa paggamit
ng taglish bilang isang wika sa pakikipag-komunikasyon.
2. Ano ang mitolohiya bilang isang akdang pampanitikan? Magsaliksik ng
tungkol dito kasama ang mga tauhang gumaganap.

Ikatlong Markahan | 22

You might also like