You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-B MIMAROPA
Dibisyon ng Palawan
Calasaguen National High School
Calasaguen Brooke’s Point Palawan

Paaralan Calasaguen National High School


MASUSING Estudyanteng Guro GILMA S. BAHALA
BANGHAY Araw/oras ng Pagtuturo Abril, 2023
ARALIN Asignatura Filipino 7
Kwarter Ikatlong Markahan

I. LAYUNIN
A. Antas ng Pamantayan/ Lebel Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan ng Luzon
B. Kasanayang Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita
(news casting) tungkol sa kanilang sariling lugar
C. Kasanayang Pampagkatuto Nagagamit ang wastong mga panandang anaporik at kataporik ng
pangngalan (F7WG-IIIh-i-16)
D. Tiyak na Layunin a. Nalalaman ang tamang paggamit sa panandang anaporik
at kataporik ng pangngalan
b. Nakapagsusulat gamit ang mga panandang anaporik at
kataporik ng pangngalan

NILALAMAN Filipino 7- ARALIN 5


“Mga panandang Anaporik at Kataporik ng Pangngalan”
III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
A. SANGGUNIAN Filipino 7 Ikatlong Markahan- Mga panandang Anaporik at
Kataporik Pahina 369
B. KAGAMITAN Powerpoint Presentation, Biswal, laptop, Speaker
C. INTEGRASYON MAPEH
D. PAGPAPAHALAGANG
MORAL

IV. PAMAMARAAN GURO MAG-AARAL


A. PANIMULA Tulad ng ating nakaugalian, tayo Ang mga mag-aaral ay tatayo at
muna ay mananalangin, tinatawagan mananalangin
ko si Edison upang manguna sa
pananalangin.

Magandang umaga po sa lahat! Magandang umaga rin po aming guro.

Bago kayo maupo, pakiayos muna ang (Aayusin ng mga mag-aaral ang mga
hanay ng ating mga upuan at pulutin upuan at pulutin ang mga kalat sa ilalim
ang mga nakitang kalat sa ilalim. nito bago umupo)

Sinu-sino ang mga lumiban sa ating Wala pong lumiban sa ating klase
klase ngayong araw? ngayong araw, guro.
Natutuwa ako na pumasok kayong
lahat.

Sa loob ng klase, narito ang mga (Babasahin ng mag-aaral ang


alituntunin na dapat sundin habang anituntunin)
nagtatalakayan. Pakibasa Reo?
Mga alituntunin:

1. Makinig sa Guro.
2. Magtaas ng kamay kung may
katanungan o nais sumagot.
3. Huwag maingay/
makipagkuwentuhan sa katabi
4. Magpaalam kung aalis sa
kinauupuan

Maliwanag ba? Opo guro!

Mabuti! Aasahan ko iyan sa loob ng


ating buong talakayan.

Ngayong araw, narito ang layunin ng Layunin:


ating bagong aralin Pakibasa Jude.
Nagagamit ang wastong mga
panandang anaporik at kataporik ng
pangngalan (F7WG-IIIh-i-16)

Mga tiyak na Layunin:

a. Nalalaman ang tamang


paggamit sa panandang
anaporik at kataporik ng
pangngalan
b. Nakapagsusulat gamit
ang mga panandang anaporik at
kataporik ng pangngalan
B. BALIK-ARAL Bago natin talakayin ang bagong
aralin, balikan muna natin ang ating
tinalakay kahapon. Ipapangkat ko
kayo sa tatlo at maglalaro tayo ng
tinatawag na “Family Feud”. Mula
kay Quir hanggang kay Rica ang
Unang pangkat, mula naman kay
Cyrus hanggang kay edison ang
Ikalawa, at ang tanging natitira sa
kaliwa ay ang ikatlo.

Sa larong ito, ang bawat pangkat ay


magkakaroon ng isang kinatawan na
siyang magbibigay ng kasagutan. Ang
nasabing kinatawan ay tatayo na
hawak ang Flaglet na siyang
gagamitin bilang hudyat sa pagsagot.
Ang unang pangkat na magtataas ng
Flaglet at makapagbibigay ng tamang
sagot ang siyang magkakaroon ng
puntos.

Ang pangkat na mananalo ay may


karagdagang puntos sa kanilang
pagsusulit. Ang grupong
kinabibilangan sa ngayon ay siya na
ring pangkat sa mga susunod na
pangkatang gawain.

Dito masusukat kung talagang


mayroon kayong natutunan sa ating
tinalakay kahapon.

Maliwanag ba ang gagawin? Opo, guro!

Mga Tanong:

1. Tungkol saan ang maikling Ito po ay tumutukoy sa buhay ng


kuwentong Yumayapos sa matatanda kung saan sila ay
takipsilim? nakararanas ng hindi mabuting pagtrato
mula sa kanilang anak.

2. Ibigay ang dalawang uri ng Ang dalawang uri ng tauhan ay tauhang


tauhan. bilog at tauhang lapad. Tauhang bilog
ang tauhang ito ay nagbabago ang
kanyang katauhan sa kabuoan ng akda
samantala ang tauhang lapad naman ay
hindi nagbabago ang pagkatao mula sa
simula hanggang sa katapusan ng akda.

3. Sinu-sino ang tauhang bilog at Ang tauhang bilog sa akda ay ang mga
tauhang lapad sa akdang anak ng matanda na sina Rey at Ramon
Yumayapos sa takipsilim? at asawa nitong si Carmen. Ang
tauhang lapad naman ay ang matanda,
apo niyang si Lydia at ang katulong na
si Tinay.
Ang pangkat na nanalo ay....

Lubos akong natutuwa na natatandaan


ninyo ang ating araling tinalakay
kahapon. Maaari nang maupo at
palakpakan natin ang ating mga sarili.

Ngayon ay dumako na tayo sa ating Opo guro!


bagong aralin, handa na ba kayo?

C. PAGGANYAK Kayo ba ay pamilyar sa “pass the Opo guro!


message”?

Kung ganoon, kayo ay hahatiin ko sa


dalawang pangkat, paunahan sa
pagpasa ng mensahe sa bawat
miyembro ng pangkat at pagkatapos
isusulat sa pisara ang mensahe. Ang
unang pangkat na makapagsasagawa
ng wasto ang magwawagi. (Isasagawa ng mga mag-aaral ang
nabanggit na gawain)
1. Umalis si Odette pagkatapos
niyang kumain
2. Ang ika-pitong anak ni Cesar ay
si Alucard
3. Punong-puno ng kolorete ang
mukha ni Binibining Miya na
senyales ng kanyang pagbabago.

Ang pangkat na nanalo ay....

Mahusay, Tama ang inyong mga


kasagutan. Palakpakan ninyo ang
iinyong mga sarili.

D. PAGLALAHAD Mayroon akong inihandang maikling


gawain, hahatiin ko kayo sa dalawang
pangkat at ayusin ninyo ang mga salita
ayon sa wastong pagkakaayos nito na
aking nirambol. Ang mauunang
pangkat na makapagasasagawa ng
wasto ang magwawagi.

1. Anaporik - bilang pananda sa Anaporik - ang mga panghalip ay nasa


pinalitang pangngalan sa unahan. ng hulihan ng pangungusap at ginagamit
pangungusap at ginagamit ang mga bilang pananda sa pinalitang
panghalip ay nasa hulihan pangngalan sa unahan.
2. Kataporik - sa hulihan ng Kataporik - ang mga panghalip ay
pangungusap. bilang pananda sa ginagamit sa unahan bilang pananda sa
pinalitang pangngalan ang mga pinalitang pangngalan sa hulihan ng
panghalip ay ginagamit sa unahan pangungusap.

Ang pangkat na nanalo ay....

Mahusay, Tama ang inyong mga


kasagutan. Palakpakan ninyo ang
inyong mga sarili.

Batay sa inyong ginawa, ano kaya ang Ang atin pong tatalakayin ay tungkol sa
ang ating pag-aaral ngayon? Edison? “Mga panandang Anaporik at
Kataporik”
Tumpak!

Ngayong umaga ay ating tatalakayin


ang “Mga panandang Anaporik at
Kataporik”

Ano ang anaporik? Pakibasa Elaiza Anaporik - ang mga panghalip ay nasa
hulihan ng pangungusap at ginagamit
bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa unahan.

Ano naman ang kataporik? Pakibasa Kataporik - ang mga panghalip ay


Cyrus ginagamit sa unahan bilang pananda sa
pinalitang pangngalan sa hulihan ng
pangungusap.
Salamat.

Ngayon ay manunood tayo ng isang


lecture. Dito iikot ang ating talakayan.
Kaya’t makinig ng mabuti dahil
pagkatapos nito ay may mga
katanungan kayong dapat sagutin o
ipaliwanag.

Ngunit bago ang lahat, narito ang mga (Babasahin ng mag-aaral ang
alituntunin na dapat sundin habang anituntunin)
kayo ay nanonood. Basahin ninyo
nang sabay-sabay! Mga alituntunin:

1. Gamitin lamang ang mata at tainga


sa panonood
2. Magtaas ng kamay kung may
katanungan
3. Huwag
maingay/makipagkuwentuhan
sa katabi
4. Magpaalam kung aalis sa
kinauupuan

Maliwanag ba? Opo guro!

Mabuti! Aasahan ko iyan sa inyo.

Narito naman ang mga katanungan na


inyong sasagutin o ipapaliwanag
pagkatapos

(Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga Mga gabay na tanong:


nasabing katanungan)
1. Ano ang panghalip at pangalan?
2. Ibigay ang halimbawa ng
panghalip at pangngalan.
3. Ano ang anaporik at kataporik?
4. Ano ang pagkakaiba ng anaporik at
kataporik?
5. Kailan ginagamit ang panghalip at
pangngalan sa pangungusap
kung ito ay Anaporik?
6. Kailan ginagamit ang panghalip at
pangngalan sa pangungusap
kung ito ay Kataporik?

Maaari ding magtala ng mga


mahahalagang impormasyon habang
nanunuod.
(I-play ang Video Clip) (Ang mga mag-aaral ay manood)

E. PAGTALAKAY Naibigan niyo ba ang bidyong inyong Opo guro!


napanuod?

Kung gayon, bubunot ako ng mga


maswerteng pangalan ng mag-aaral na
siyang sasagot sa mga katanungan.

Ngayon, narito naman ang papremyo


na maaaring mapapanalunan kapag
nasagot ng tama ang katanungan.

Ang tanong:

1. Ano ang panghalip at Ang pangngalan (noun) ay tawag sa


pangalan? bahagi ng pananalita na tumutukoy sa
pangalan ng tao, bagay, pook, hayop at
pangyayari. Samantala, ang panghalip
(pronoun) naman ay tawag sa bahagi ng
pananalita na panghalili sa pangngalan
Tama! o substitute.

2. Ibigay ang halimbawa ng Halimbawa ng pangngalan: marites,


panghalip at pangngalan. aso, luneta, lapis.
Halimbawa ng panghalip: tayo, ako,
sila, kami at iba pa.
Mahusay!

3. Ano ang anaporik at Anaporik - ang mga panghalip ay nasa


kataporik? hulihan ng pangungusap at ginagamit
bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa unahan. Samantala, ang
Kataporik - ang mga panghalip ay
ginagamit sa unahan bilang pananda sa
pinalitang pangngalan sa hulihan ng
Tama! pangungusap.

4. Ano ang pagkakaiba ng Sa anaporik ay mas nauuna ang


anaporik at kataporik? pangngalan kaysa sa panghalip
samantala sa kataporik ay mas nauuna
ang panghalip kaysa sa pangngalan
Magaling!

5. Kailan ginagamit ang Ginagamit ang panghalip sa hulihan at


panghalip at pangngalan sa nasa unahan naman ang pangngalan
pangungusap kung ito ay kung ang pangungusap ay Anaporik.
Anaporik?

Mahusay!

6. Kailan ginagamit ang Ginagamit naman ang panghalip sa


panghalip at pangngalan sa unahan at panghuli naman ang
pangungusap kung ito ay pangngalan kung ang pangungusap ay
Kataporik? Kataporik.
Mahusay!

May mga katanungan pa ba o nais Wala na po!


linawin?

Magaling! Ngayon ay magkakaroon


tayo ng pangkatang gawain.

F. PAGLALAPAT Tulad ng sinabi ko, ang bawat ang


pangkat na kinabibilangan kanina ay
siya na ring pangkat sa susunod na
pangkatang gawain.

Bibigyan ko kayo ng 5 hanggang 10 Opo guro!


minuto upang maghanda at 3
hanggang 5 minuto naman para sa
pagtatanghal, nauunawaan ba ng Pangkatang Gawain
lahat?
Balita - Bumuo ng maikling balita na
naglalahad ng wastong paggamit ng
Anaporik at Kataporik
Slogan - Bumuo ng Slogan na
naglalahad ng wastong paggamit ng
Anaporik at Kataporik
Kanta - Bumuo ng kanta na
naglalahad ng wastong paggamit ng
Anaporik at Kataporik
(Babasahin ng mag-aaral)
Para sa pamantayan, pakibasa Melca?

Maaari na kayong magsimula. (Presentasyon ng bawat pangkat)

(Magbibigay ng puntos sa bawat


pangkat)

G. PAGLALAHAT Sa iyong palagay, bakit mahalagang Mahalaga po itong pag-aaralan


pag-aralan ang panandang anaporik at sapagkat ang mga ito ay ating
kataporik ng pangngalan? ginagamit sa ating pang-araw-araw na
buhay
Tama!

Iba pang kasagutan? Kung saan mas mapapadali at magiging


malinaw ang ating nais ipakahulugan sa
ating kausap kung nababatid natin ang
wastong paggamit sa mga panandang
ito.
Magaling!
Paano nakatutulong ang paggamit ng Nakatutulong ito upang maging
mga panandang anaporik at kataporik malinaw ang nais iparating na mensahe
ng pangngalan sa pagkukuwento o o aral mula sa kuwento o salaysay sa
pagsasalaysay? kaniyang mambabasa o tagapakinig.

Mahusay!

May mga katanungan pa ba o nais Wala na po!


linawin?

H. PAGTATAYA Magaling! Upang matiyak natin na


inyo ngang naunawaan ang ating
tinalakay, magkakaroon tayo ng
pagtataya.

Ihanda ang inyong papel at ballpen


para sa ating pagtataya.

Basahin ng sabay-sabay ang panuto.

Panuto: Suriin kung ang pahayag ay


Anaporik o Kataporik at
salungguhitan ang panghalip at
pangngalang ginamit.

1. Siya ay may malaking malasakit sa KATAPORIK (Siya, Meriam Defensor


matatanda. Si Meriam Defensor Santiago)
Santiago ay nagsusulong ng bagong
batas para sa mga senior citizen.

2. Si Meriam Defensor Santiago ay ANAPORIK (Meriam Defensor


nagsusulong ng bagong batas para sa Santiago, siya)
mga senior citizen. Suportahan natin
siya.

3. May mga ahensiya na handang ANAPORIK (Ahensiya, Sila)


mangalaga sa matatanda sa bansa. Sila
ang gagawa ng tungkulin ng
pamilyang hindi nila magagampanan.

4. Ang matatanda ay maraming ANAPORIK (Matatanda, kanila)


pangangailangan. Ibigay natin sa
kanila ang mga pangangailangang ito.

5. Alagaan natin ang ating magulang KATAPORIK (Natin, anak)


hanggang sa kanilang pagtanda.
Tayong mga anak ang magsimula nito.

I. TAKDANG Para sa inyong magiging takdang-


ARALIN/ aralin.
KARAGDAGANG
GAWAIN Gumawa ng ilang halimbawa ng
anaporik at kataporik ng pangngalan.

Inihanda ni:

GILMA S. BAHALA
Estudyanteng Guro

Iniwasto ni:

VANESSA MUTYA
Gurong Tagasubaybay

You might also like